bc

ONCE HIS WIFE

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
family
powerful
boss
no-couple
office/work place
cheating
enimies to lovers
civilian
like
intro-logo
Blurb

BLURBSi Caden Villarreal—isang bilyonaryo, CEO, at lalaking nasa rurok ng kapangyarihan. Lahat ay kaya niyang kontrolin… maliban sa babaeng minsan niyang minahal.Si Jane Kaye Almazar ay nagsimula bilang isang simpleng sekretarya na nangangarap lamang ng maayos na kinabukasan. Ngunit ang hindi inaasahang pag-iibigan sa pagitan niya at ng kanyang amo ay humantong sa kasal—isang pangarap na mabilis ding gumuho.Nang mabunyag ang panloloko, mga kasinungalingan, at mga lihim na matagal na itinago ni Caden, ay naiwan si Jane na wasak ang puso at pinalayas mula sa mundong akala niya ay kanya na. Limang taon siyang lumayo na baon ang sariling mga sikreto at sugat na hindi kailanman tuluyang naghihilom.Ngunit paano kung muling magkrus ang kanilang mga landas?Ano ang mangyayari kapag ang lalaking nilayuan ni Jane sa loob ng limang taon ay siya ring haharap sa katotohanang matagal niyang itinago?Sa pagitan ng pag-ibig, galit, at mga lihim na handang sirain ang lahat—may ikalawang pagkakataon pa kaya ang pusong minsang nasaktan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE-See Him Again
MULING sinalubong ng lungsod ng Maynila si Jane Kaye Almazar, ngunit hindi na siya ang babaeng niloko ng limang taon na ang nakalilipas. Mula sa bintana ng sasakyang kanyang inuupuan, tahimik niyang minasdan ang naglalakihang gusali, ang matitingkad na ilaw ang mga billboard, at ang mga taong abalang-abala sa kani-kanilang buhay. Noon, isa lamang siya sa kanila, isang simpleng sekretarya na nangangarap ng matiwasay na buhay. Ngayon, isa na siyang ganap na babae na marunong magtago ng sakit sa likod ng matatag niyang anyo. “Ma’am, narito na po tayo sa Grand Celestia Hotel,” magalang na wika ng drayber. “Salamat,” mahinahong tugon niya. Pagbukas niya nang pinto ay tila kasabay niyon ang pagbukas ng mga alaala. Mga alaalang pilit niyang ibinaon sa limot. Sa hotel ding ito ginanap ang isa sa pinakamalaking business gala ng Villarreal Corporation. At sa hotel ding ito minsang ipinakilala siya bilang asawa ng pinakamakapangyarihang lalaki sa industriya. Ngunit ang lahat ng iyon ay naglaho na parang bula. Mahigpit niyang hinawakan ang imbitasyong nasa kanyang kamay. Villarreal Corporation – 50th Anniversary Gala. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, hindi masaya, kundi mapait. “Limang taon,” bulong niya sa sarili. “Hindi ko akalaing babalik din ako rito.” Hindi siya narito bilang asawa. Hindi rin bilang sekretarya. Narito siya bilang kinatawan ng isang internasyonal na kompanyang kasosyo ng Villarreal Holdings. Isa siyang senior financial consultant ngayon. Isang posisyong pinaghirapan niyang maabot habang unti-unting binubuo ang sarili mula sa pagkawasak. At ngayong gabi, haharapin niya ang nakaraan. Samantala, sa pinakamataas na palapag ng Villarreal Tower, tahimik na nakatayo si Caden Villarreal sa harap ng malawak na salamin ng kanyang opisina. Mula roon ay tanaw niya ang buong lungsod ang lungsod na tila hawak niya sa kanyang palad. “Sir, kumpleto na po ang lahat para sa gala mamaya,” ulat ng kanyang executive assistant. “Siguraduhin mong walang aberya,” malamig niyang sagot. “Wala pong dapat ipag-alala.” Nang makalabas ang kanyang tauhan ay muli siyang nag-iisa. Caden Villarreal. Bilyonaryo. CEO. Isang pangalan na kinatatakutan at iginagalang sa mundo ng negosyo. Ngunit sa likod ng kanyang perpektong reputasyon ay may isang bahagi ng kanyang buhay na kailanman ay hindi na niya maibabalik sa dati. May isang pangalan na limang taon na niyang pilit iniiwasang banggitin. Si Jane. Isang simpleng sekretarya na naging kanyang asawa. Isang babaeng iniwan siya o marahil ay siya ang unang bumitaw. Napapikit siya. Hindi niya malilimutan ang gabing iyon. Ang gabing natuklasan ng babae ang mga lihim na matagal niyang itinago. Ang gabing nagsabi ito ng mga salitang hanggang ngayon ay patuloy na umuukit sa kanyang isipan. “Simula ngayon, tapos na tayo, Mr. Caden Villarreal.” Kasabay nang pag hagis ng singsing na nagsisimbolo ng kanilang pagkakatali sa isa’t isa. At pagkatapos noon, nawala ito sa kanyang mundo na tila hindi kailanman naging bahagi nito. Hinigpitan niya ang hawak sa basong may lamang alak. “Kung bumalik ka man.” mahinang sambit niya, “hindi na kita hahayaang mawala.” Ngunit hindi niya alam ay narito na itong muli. Ang Grand Celestia Ballroom ay kumikislap sa liwanag ng mga kristal na chandelier. Ang mga kababaihan ay nakasuot ng mamahaling gown at ang mga kalalakihan ay pawang naka-itim na tuxedo. Tahimik namang pumasok si Jane. Nakasuot siya ng simpleng ngunit elegante na bestidang kulay esmeralda. Ang kanyang buhok ay maayos na nakatali, at ang kanyang mukha ay may bahagyang ayos lamang, sapat upang ipakita ang likas niyang ganda. Ngunit ang kanyang mga mata ang mga matang dati’y puno ng pag-asa at saya ay ngayon may bahid na ng pag-iingat. “Jane?” Napalingon siya. Isang dating kasamahan sa opisina. “Liza,” magalang niyang bati. “Hindi ako makapaniwala! Ikaw ba talaga ’yan? Akala namin, hindi ka na babalik.” “May mga bagay na kailangang harapin,” maikli niyang tugon. “Alam mo bang. . .” Hindi na natuloy ang sasabihin nito nang biglang tumahimik ang buong bulwagan. Isang anunsyo ang umalingawngaw. “Mga ginoo at ginang, narito na po ang ating CEO, Mr. Caden Villarreal.” At tila bumagal ang pag-ikot ng mundo. Dahan-dahang lumingon si Jane. At doon niya ito nakita ang isang lalaking kilang kilala niya. Mas matangkad, mas matipuno, mas makisig. Ngunit ang mga matang iyon ang malamig ngunit malalim na titig ay hindi nagbago. Nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa loob ng ilang segundo, tila nawala ang ingay ng paligid. Hindi niya inaasahang ganito pa rin kasakit ang muli nilang pagkikita. SAMANTALA, para kay Caden, ang mundo niyang matagal nang tahimik ay biglang nag-ingay. Hindi siya maaaring magkamali. “Jane!” bulong niya, halos hindi marinig. Ngunit hindi na ito ang babaeng iniwan niya. May kakaiba sa tindig nito isang lakas na hindi niya nakita noon. Matapos ang pormal na pagbati at talumpati, hindi na niya na pigilan ang sarili.Nilapitan niya ito. “Jane Kaye Almazar.” Malamig ang boses, ngunit may bahid ng hindi maipaliwanag na emosyon. Dahan-dahan itong humarap sa kanya. “Mr. Villarreal,” pormal nitong tugon. Isang maliit ngunit matalim na distansya ang namamagitan sa kanilang dalawa. “Hindi kita inaasahang makikita rito.” “Gayon din ako,” sagot niya. “Ngunit ang negosyo ay walang pinipiling nakaraan.” Bahagyang tumigas ang kanyang panga. “Limang taon kang nawala.” “Hindi ako nawala,” mariing wika niya. “Umalis lang ako.” “Nang walang paalam.” “At alam mo ang dahilan.” Matalim na sambit ng babae sa kanya. ”At hindi mo ako binigyan. . . “May kailangan pa bang sabihin noon?” pagpuputol nito sa sasabihin niya. “Wala na dahil nakita ko na ang katotohanan.” Kaya bahagyang nanginig ang kanyang tinig ngunit agad niya iyong pinatatag nang muli siyang nagsalita. “Hindi mo alam ang buong kwento.” “Hindi ko na kailangang malaman pa.” Mariing sagot nito. Kaya sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. “Masaya ka ba?” biglang tanong ni Caden. Isang tanong na tila may ibang kahulugan. Tinitigan niya ito nang diretso. “Natuto akong mabuhay nang wala ka.” Ang salitang iyon ay isang suntok sa kanyang dibdib. “Jane. . .” “Excuse me, Mr. Villarreal. Hinihintay na ako ng mga kasamahan ko.” At bago pa siya makapagsalita, tumalikod na ito. Iniwan siyang nakatayo sa gitna ng engrandeng bulwagan, ngunit pakiramdam niya’y muli siyang iniwan sa mas madilim na alaala ng nakaraan. “Caden, totoo ba ito?” Sa nanginginig na kamay ni Jane noon ang mga dokumentong nagpapatunay ng mga lihim na transaksyon at ng isang babaeng may kinalaman sa mga iyon. “Pakinggan mo muna ako,” pakiusap niya. “May anak ka ba sa kanya?” halos pabulong ngunit puno ng sakit ang tanong. Natahimik siya. At ang katahimikang iyon ang sumagot sa lahat. “Simula ngayon, tapos na tayo, Mr. Caden Villarreal.” Luhaang wika ni Jane. Sabay hagis ng anumang bagay sa kanya. At sa gabing iyon, iniwan nito ang pangalang Villarreal. Ngunit may isang bagay na hindi nito nasabi. Isang lihim na limang taon na nitong kinimkim. SA kasalukuyan, habang nakatanaw si Caden sa papalayong anyo ng babaeng minsan niyang tinawag na asawa, isang matinding pasya ang nabuo sa kanyang dibdib. Hindi ito basta pagbabalik. At kung may mga lihim mang natitira sa pagitan nila. Handa siyang harapin ang lahat. Sapagkat ang babaeng minsang naging kanya ay hindi pa tuluyang nawawala sa kanyang puso. Hindi natapos ang gabi para kay Caden Villarreal sa sandaling tumalikod si Jane. Sa halip, doon lamang nagsimulang gumulo ang kanyang mundo. Mula sa entablado kung saan siya nakatayo bilang pangunahing tagapagsalita, malinaw niyang natatanaw ang bawat galaw ng babae. Nakikipagkamay ito sa mga dayuhang negosyante, mahinahong nakikipag-usap, at paminsan-minsan ay ngumingiti na isang ngiting hindi niya nakita sa loob ng kanilang pagsasama. “Sir, kailangan na po nating lumapit sa investors mula sa Singapore,” paalala ng kanyang assistant. “Sandali,” maikli niyang tugon, hindi inaalis ang tingin kay Jane. May kakaiba rito. Hindi lamang ito nagbago tila mas naging buo ito. Mas naging maingat. Mas matatag. At higit sa lahat, mas malayo na sa kanya. Naramdaman niya ang hindi maipaliwanag na kirot sa kanyang dibdib nang makita niyang may lalaking bahagyang yumuko upang magsalita malapit sa tainga nito. Isang banyagang negosyante ang lalaki, matangkad at may kumpiyansang tindig. Ngumiti si Jane dito. At ang simpleng ngiting iyon ay tila apoy na nagliyab sa loob ni Caden. “Who is that man?” malamig niyang tanong sa kanyang assistant. “Si Mr. Alejandro Cortez po, isa sa pangunahing investors ng Ardent Global.” “Business partner natin?” Bahagyang tumalim ang kanyang tinig. “Opo, sir.” Tumango siya, ngunit hindi nawala ang higpit ng kanyang panga habang nagtatagis. Hindi niya gusto ang nararamdaman. Wala siyang karapatan. Ngunit hindi niya mapigilan. SA kabilang dako ng bulwagan, naramdaman ni Jane ang titig na tila tumatagos sa kanyang balat. Alam niyang siya iyon.Hindi na niya kailangang lumingon. “Ms. Almazar, are you comfortable working back in Manila?” tanong ni Alejandro. “Work is work, Mr. Cortez,” mahinahon niyang sagot. “Sanay na po akong humarap sa mas mahihirap na sitwasyon.” Bahagyang natawa ang lalaki. “You seem strong.” “Kinakailangan,” simpleng tugon niya. Ngunit sa likod ng kanyang kalmadong mukha ay may unos na pilit niyang kinokontrol. Hindi niya inakalang ganito kahirap ang muling pagharap kay Caden. Akala niya’y sapat na ang limang taon upang mapawi ang sakit. Nagkamali siya. “Excuse me,” paumanhin niya nang maramdaman ang pag-igting sa kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang lumabas patungo sa balkonahe. Sa labas, sinalubong siya ng malamig na hangin ng gabi. Huminga siya nang malalim. “Hindi ako dapat nagpapaapekto,” bulong niya sa sarili. “Tapos na ang lahat. “Oh talaga ba?” Nanigas ang kanyang katawan sa pamilyar na tinig na iyon. Hindi na niya kailangang lumingon amoy palang nito ay kilala na niya iyon. “Wala ka bang balak tumigil sa pagsunod sa akin?” malamig niyang tanong. “Hindi kita sinusundan.” “Kung gayon, napakaliit ng mundong ito.” Dahan-dahan siyang humarap dito. Nakatayo si Caden ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya, nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa nitong pantalon. Ngunit ang kanyang mga mata, ang mga matang minsan niyang minahal ay puno ng hindi maipaliwanag na emosyon. “Bakit ka bumalik?” diretsong tanong nito. “Para sa trabaho.” “Hindi ako naniniwala.” “Hindi mo kailangang maniwala.” Lumapit ito ng isang hakbang. “Limang taon kang hindi nagpakita. Ni hindi ka man lang nagbigay ng paliwanag.” Napatawa siya nang bahagya, isang mapait na tawa. “Paliwanag? Ako pa ngayon ang may utang na paliwanag?” “Jane!” “Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko na parang walang nangyari.” Natahimik ito. Sa wakas, lumabas ulit ang sakit na matagal niyang kinikimkim. “Alam mo kung ano ang pinakamahirap?” patuloy niya. “Hindi ang pagtataksil mo. Hindi ang mga kasinungalingan mo. Kundi ang katotohanang pinaniwala mo akong mahal mo ako.” Bahagyang nanginig ang kanyang bibig dahil sa pagpipigil na galit. “Mahal kita alam mo iyan.” “Hindi sapat ang salita, Caden.” Isang mabigat na katahimikan ang bumalot muli sa kanila. “Hindi mo kasi alam ang buong kuwento,” mariin nitong wika. “At hindi mo rin alam ang naging kapalit ng mga ginawa mo.” Napakunot ang noo nito. “Ano ang ibig mong sabihin?” Sandali siyang nag-atubili. Hindi maaari. Hindi pa sa ngayon. “Wala,” mabilis niyang sagot. “May mga bagay lang na hindi mo kayang ibalik.” Sa sandaling iyon, tumunog ang kanyang telepono. Napatingin siya sa screen ng kanyang cellphone. At biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Mula sa matigas na anyo patungo sa isang lambot na matagal nang hindi nakita ni Caden. Agad naman niya iyong sinagot. “Hello?” Mahinahon ang kanyang tinig. Sa kabilang linya ay isang batang boses ang nagsalita. “Mama, tapos na po akong mag dinner.” Napatigil si Caden. Mama? Bahagyang tumalikod si Jane, ngunit hindi sapat upang hindi niya marinig ang kasunod. “Very good naman ang baby ko!” malambing nitong tugon. “Opo! Mommy anong oras ka po ba uuwi?” “Baka bukas na ng umaga. Matulog ka na ha? Sumunod ka kay Tita Mira.” “Opo, Mama. Lagi naman po ako nasunod kay tita. I love you po.” Nang maputol ang tawag ay tila tumigil ang mundo ni Caden. Dahan-dahan siyang nagsalita. “May anak ka?” Nanigas si Jane akala niya ay wala na si Caden. Kaya mabagal siyang humarap dito. “Wala kang karapatang magtanong.” “Jane.” Ngayon ay may bahid ng pagkalito at takot sa kanyang tinig. “Ilang taon na ang bata?” Hindi ito sumagot. Limang taon. Halos limang taon iyon ang nasa isip ni Jane. Tumama sa kanya ang posibilidad na matagal na niyang hindi pinayagang isipin. “S-sa akin ba?” “Tumigil ka.” Matigas ang kanyang boses. “Hindi mo kailangang alamin.” Lumapit naman ito sa kanya halos wala nang pagitan ang kanilang mga katawan. “Kung may anak ka at kung may posibilidad na. . . “Wala kang karapatan!” mariing ulit niya, ngunit ang kanyang mga mata ay nagbabadya ng lihim. Tinitigan naman siya ni Caden ng malalim. At sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon, nakaramdam ito ng takot. Hindi dahil maaaring mayroon itong anak. Kundi dahil maaaring may isang buhay na lumaki nang wala siya. “Sabihin mo sa akin ang totoo,” mahina ngunit mariing pakiusap niya. Ngunit umatras si Jane. “Hindi mo kailangang maging bahagi ng lahat ng bagay sa mundo, Caden. Hindi na.” At iniwan na niya ito roon. PAGBALIK sa loob ng bulwagan, hindi na siya muling lumapit kay Jane. Ngunit hindi na rin siya mapakali. “Rafael,” tawag niya sa kanyang head of security. “Opo, sir?” “Alamin mo ang lahat tungkol kay Jane Kaye Almazar sa loob ng limang taon.” “Sir?” “Lahat,” mariin niyang ulit. “Kung saan siya tumira. Sino ang nakasama niya. At. . .” Sandali siyang huminto. “Kung may anak siya.” Tumango ang tauhan. “Naiintindihan ko po.” At nang maiwan siyang nag iisa ay napatingin siya sa malawak na bulwagan habang may malalim siyang iniisip. Kung may anak nga kaya siya kay Jane? at kung ang batang iyon ay may dugong Villarreal! Hindi niya hahayaang manatili sa dilim ang katotohanan. Dahil ang mga anino ng nakaraan ay muling bumabalik. At sa pagkakataong ito, hindi na siya handang magbulag-bulagan. Sa kabilang dulo ng lungsod, sa isang tahimik na condominium unit, isang batang lalaki ang mahimbing na natutulog habang yakap ang isang larawang kupas na. Larawan ng isang lalaking hindi pa niya nakikilala. At sa ilalim nito, nakasulat ang pangalang Caden. ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.7K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook