CHAPTER TWO- Alliance

2605 Words
HINDI agad nakatulog si Jane nang gabing iyon. Nakatayo siya sa harap ng salaming bintana ng kanyang condominium, nakatanaw sa mga ilaw ng lungsod na para bang mga matang nagmamasid sa kanya. Sa labas, tahimik ang Maynila. Ngunit sa loob ng kanyang dibdib, may digmaang hindi matahimik. Hindi man direkta, ngunit nararamdaman niya iyon. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata at mariing pinisil ang gilid ng mesa. “Mama!” Napalingon siya sa mahinang boses. Na nakatayo sa may pintuan ang batang lalaki, nakasuot ng pajama at may hawak na maliit na stuffed toy. Gusot ang buhok, ngunit malinaw ang mga matang minana nito sa mga matang minsang minahal niya at kinatakutan. “Hindi ka pa tulog?” agad niyang tanong, pinipilit ngumiti. “Nanaginip po kasi ako,” mahina nitong sagot. Lumuhod si Jane sa harap ng bata at agad itong niyakap. “Ano’ng panaginip mo?” “May lalaking tumatawag sa akin,” sagot nito. “Hindi ko po makita ang mukha niya.” Nanikip ang dibdib niya sa sinabi ng kanyang anak. “Nakita mo ba ang mukha niya?” tanong niya ngunit umiling lang ito. “Hindi po pero parang malungkot ang boses niya.” May hapding dumaan sa puso ni Jane. “Halika,” mahinahon niyang sabi. “Matulog ka ulit. Nandito lang ako.” Nang muling makatulog ang bata ay matagal siyang nanatiling nakaupo sa gilid ng kama nito. Habang hinahaplos nang marahan ang buhok ng kanyang anak. Hindi ka niya kukunin sa akin, pangako niya sa sarili. Kahit sino pa siya. SAMANTALA, sa kabilang panig ng lungsod, wasak ang katahimikan ng isang lalaking hindi sanay mawalan ng kontrol. “Five years,” mariing wika ni Caden habang nakatayo sa harap ng mesa. “Five years at ngayon ko lang malalaman na may anak siya?” Saad niya habang tahimik naman si Rafael, ang head of security niya. “Wala pa pong kumpirmasyon, sir.” “Pero narinig ko,” mariing giit niya. “Tinawag siyang Mama ng bata.” “Hindi pa rin po sapat iyon.” Biglang humampas ang kamao ni Caden sa mesa. “Enough!” aniya, habang humihingal. “Simulan mo na. I want everything.” “Opo, sir.” Saad na lamang nito sa kanya. Nang makaalis ang tauhan niya ay napaupo si Caden sa leather chair nito. Isinandal niya ang ulo sa sandalan at mariing ipinikit ang mga mata. Naalala niya ang katahimikan noon. Ang sandaling hindi siya nakasagot sa tanong ni Jane. May anak ka ba sa kanya? Hindi niya sinabi ang totoo. Hindi rin niya itinanggi. At iyon ang sumira sa lahat. “Kung anak ko iyon!” bulong niya sa sarili. “Hindi ko na hahayaang mawala pa sila sa akin.” KINABUKASAN, maagang dumating si Jane sa opisina ng kompanyang kinakatawan niya sa Makati. Professional. Kalma at kontrolado ang kanyang emosyon. Ganoon niya gustong makita ang kanyang sarili. “Ms. Almazar,” bati ni Alejandro Cortez habang papalapit. “Are you okay? You left early last night.” “Just tired,” sagot niya. Bahagyang pinagmasdan siya ng lalaki. “If you need support. . .” “Thank you!” mabilis niyang putol, may distansya. “Let’s focus on work only please!.” Ngumiti naman sa kanya si Alejandro, ngunit hindi na nagtanong pa. Hindi niya napansin ang lalaking nakatayo sa kabilang building nakamasid mula sa tinted glass na katapat ng boardroom nila. Si Caden. Mahigpit ang kanyang panga habang tinitingnan si Jane na tila walang bahid ng kahinaan. Hindi ito ang babaeng iniwan niya noon. Hindi na ito ang babaeng handang masaktan para sa kanya. At iyon ang mas masakit. HAPON na nang makatanggap si Jane ng tawag mula sa isang hindi kilalang numero. “Ms. Almazar,” pormal na boses ng lalaki. “This is from Villarreal Holdings. Mr. Villarreal is requesting a private meeting.” Humigpit ang hawak niya sa telepono. “Tell him I’m busy.” “Ma’am!” “Tell him,” mariing ulit niya, “that whatever he wants to say, he should have said five years ago.” Ibinaba niya ang tawag, nanginginig ang kamay. Ngunit makalipas ang ilang minuto, muling tumunog ang kanyang phone. Isang mensahe ang kanyang nataggap. Mula kay Caden: Hindi kita titigilan, Jane. Hindi na. Nang mabasa iyon ay napapikit siya. “At ako,” sagot ng isip niya, hindi na rin ako ang babaeng niloko mo. SA gabing iyon, muling nakatayo si Jane sa balkonahe habang hawak ang tasa ng tsaa, tanaw ang lungsod na minsan nang sumira sa kanya. “Mama,” muling tawag ng bata mula sa loob. “Pwede po ba kitang tanungin?” “Hmm?” “Bakit po wala akong Papa?” Nanigas siya ng marinig iyon. Kaya lumapit siya at marahang umupo sa harap ng bata. “May mga kwentong hindi pa oras para malaman mo anak.” Maingat niyang sabi. “Darating po ba siya?” Tinitigan niya ang inosenteng mukha ng anak. “Hindi ko alam,” tapat niyang sagot. “Pero kahit anong mangyari, mahal na mahal kita.” Kaya ngumiti ang bata. “Okay po. Ikaw na lang po ang kailangan ko.” Nakakaunawang sagot nito sa kanya. At doon niya napatunayan na kahit muling bumalik ang lalaking minsang naging asawa niya, may mas mahalaga siyang dapat ipaglaban. Ngunit sa likod ng katahimikan ng gabi, isang katotohanan ang unti-unting lumalapit sa kanila. Ang anak na itinago niya ay anak ng lalaking hindi susuko hangga’t hindi nito nakukuha ang lahat ng kanya. MAAGANG nagising si Jane kahit halos hindi siya nakatulog. Alas singko pa lamang ng umaga, nakaupo na siya sa dining table ng condominium, bukas ang laptop at nakahilera ang mga dokumentong ipinadala ng board ng Argent Global. Sa ibabaw ng pahina, malinaw ang pamagat: Strategic Alliance Proposal: Villarreal Holdings x Argent Global Ilang segundo siyang hindi nakahinga. Of all companies. Of all conglomerates in Metro Manila. Why Villarreal Holdings pa talaga. Napapikit siya at marahang ipinatong ang daliri sa sentido. Hindi ito aksidente. Masyadong malaki ang timing para maging coincidence. Dalawang araw matapos ang gala. Isang araw matapos ang mensahe ni Caden sa kanya. Tumunog ang maliit na orasan sa kusina. Kasunod nito ang marahang yabag mula sa hallway. “Mama!” Lumingon siya. Nakatayo ang anak niya, nakapameywang pa ang maliit na kamay nito. “Good morning,” pilit siyang ngumiti. Lumapit ito at niyakap siya sa tagiliran. “May pasok po ako today?” “Meron baby,” sagot niya habang hinahaplos ang buhok nito. “Kaya ihahatid kita.” “Okay po.” Tumahimik ang bata, ngunit ramdam ni Jane ang kakaibang pagmamasid nito. Parang may alam na hindi pa kayang ipaliwanag. Lalo na kagabi, muli siyang tinanong kung darating ang isang taong alam na alam niya. Pero isang simpleng sagot lang ang kanyang nasabi. Hindi ko alam. At ngayon, pakiramdam niya darating na nga na hindi na niya maiiwasan pa. Lalo na sa paraang hindi niya kontrolado. ALAS nuwebe ng umaga, nasa boardroom na siya ng Argent Global sa Makati. Glass walls. Mahabang mesa. Digital screens na nagpapakita ng financial projections ang nakapaligid sa kanya. At sa kabilang dulo, nakaupo si Alejandro Cortez. Regional Director ng Argent Global, calm as always. Ngunit ngayon, may kakaibang bigat ang mga mata nito. “Jane,” panimula nito, “I won’t pretend this is simple.” Ngunit hindi siya umimik. “You know why this matters.” Dugtong pa nito. “Of course I do,” malamig naman niyang sagot. “Villarreal Holdings owns sixty percent of the port logistics network in Luzon. They control the infrastructure we’ve been trying to access for three years.” “Exactly.” Saad naman ni Alejandro. Tapos may lumabas sa screen ang comparative growth charts. Shipping routes. Warehouse acquisitions. Expansion pipelines. If they merge assets. Argent’s international capital and Villarreal’s local dominance, magiging unstoppable ang partnership nila. Strategic. Profitable and dangerous. “Why me?” tanong niya ng diretso matapos niyang pasadahan ang nasa screen. Tahimik ang ilang board members bago sumagot si Alejandro. “Because you built our Southeast Asia expansion from nothing. You negotiate without emotion.” Bahagya siyang natawa sa huli. If only they knew. “And because,” dagdag ng isa, “Mr. Villarreal specifically requested you as lead.” Kaya nanigas ang kanyang likod. There it is sabi na nga ba niya. “Conflict of interest,” mariin niyang sabi. “But we have history.” “And that history,” mahinahong sagot ni Alejandro, “is exactly why this alliance could work. Or fail. But if anyone can control it. . .it’s you.” Control! Isang salitang matagal na niyang pinanghahawakan. “Fine,” malamig niyang sabi. “I’ll handle it.” Ngunit sa ilalim ng mesa, nanginginig ang kanyang kamay. SA kabilang panig naman, nasa private office si Caden Villarreal. Floor to ceiling windows. Dark wood interiors. At tahimik ngunit mabigat ang presensya. “Argent agreed,” sabi ni Rafael habang inilalapag ang tablet. “She’s leading the negotiation.” Bahagyang napangiti si Caden. Of course she is. “Set the meeting,” utos niya. “Opo, sir. This Friday. Neutral venue.” “Not neutral,” mariin niyang sagot. “Our headquarters.” Saglit na nag-alinlangan si Rafael. “But Sir!” “She left five years ago,” malamig niyang putol. “If we’re doing this, she walks into my world.” Sabat niya kaya tumango na lamang ang tauhan. Nang maiwan siyang mag-isa, lumapit si Caden sa bintana. Sa repleksyon ng salamin, nakita niya ang sarili, mas matanda, mas tahimik, ngunit hindi pa rin buo. Limang taon ng hindi niya alam kung may anak nga siya. Limang taon ng galit, my pride, may mga salitang hindi sinabi. Kaya nagtagis ang panga niya. This alliance isn’t just business. It’s a reclamation. Dumating ang Biyernes nang mas mabilis kaysa gusto ni Jane. Suot niya ang navy blue power suit na madalas niyang isuot sa pinakamahihirap na negotiation. Buhok na nakapusod nang maayos. Minimal makeup at tapang na limang taon niyang binaon para sa muli nilang paghaharap. Pagpasok niya sa Villarreal Holdings building, ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi bilang ex-wife ng CEO. Kundi bilang babaeng bumalik. “Ms. Almazar,” bati ng receptionist, magalang ngunit may kuryosidad. “I’m expecting.” Elevator ride. Floor 38. Bukas ang pinto ng boardroom nang makarating siya. At naroon ito. Nakatayo sa dulo ng mesa. Black suit. Parehong tindig. Ngunit mas malamig ang mga mata. “Ms. Almazar,” pormal na bati ni Caden. “Mr. Villarreal.” Walang ngiti. Walang yakap. Walang kahit anong bakas ng dating sila. Nagsimula ang meeting nang propesyonal. Ngunit sa bawat salitang binibitawan nila, may ibang kahulugang nakatago. “You’re asking for majority operational control,” sabi ni Jane habang sinusuri ang dokumento. “You’re asking for capital leverage without land acquisition risk,” sagot naman ni Caden. “This isn’t leverage. It’s structured.” “This isn’t charity either.” Nagkatitigan sila. Mainit. Matagal. “Let’s keep this professional,” malamig niyang sabi. “I am,” sagot naman nito sa kanya. “Are you?” Tumahimik ang buong silid. Bahagyang tumikhim si Alejandro. “Perhaps we can focus on the shipping corridor expansion?” Naputol ang tensyon, ngunit hindi nawala. Pagkatapos ng dalawang oras, nag-adjourn ang meeting para sa private discussion ng lead negotiators. Ibig sabihin silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ng boardroom. Tahimik. Mabigat. “Why?” unang nagsalita si Jane. “Why what?” “Why me?” Hindi ito agad sumagot. Lumapit ito sa mesa, inilapag ang mga kamay sa ibabaw niyon. “Because you’re the best.” “That’s not the truth.” Saglit siyang ngumiti ngiting hindi masaya. “The truth?” bulong niya. “The truth is I’m done losing what’s mine.” Nanikip ang dibdib niya. “I’m not yours.” “Were you ever?” diretsong sagot ni Caden. Para namang sinampal siya ng tanong na iyon. “You had a choice five years ago,” mariin niyang sabi. “I asked you something simple.” May anak ka ba sa kanya? Tumahimik si Caden. “And you didn’t answer,” patuloy niya. “You didn’t deny it either.” “I was protecting. . .” “Protecting who?” putol niya. “Your reputation? Your ego?” Huminga ito nang malalim. “It wasn’t that simple.” “It never is with you.” Isang hakbang ang pagitan nila ngayon. Ramdam niya ang init ng presensya nito. Ang amoy na pamilyar pa rin sa kanya. “Tell me something, Jane,” mababa ang boses nito. “If there was nothing to hide. . . why did you leave without telling me you were pregnant?” Parang nahulog ang mundo niya sa sinabi ni Caden. “How?” “I heard him,” mariin nitong sabi. “Tinawag ka niyang Mama.” Muling natahimik ang paligid. Mapanganib ang katahimikan. “Don’t,” babala niya. “Is he mine?” Ang tanong na matagal na niyang kinatatakutan. “Business alliance ang pinunta ko rito,” malamig niyang sagot. “Answer me.” “You don’t get to demand anything from me.” “Five years,” mariin nitong sabi. “You took five years from me.” “I survived five years without you.” Nagkaharap sila ngayon sa isa’t isa. Galit. Sakit. Pagmamahal na hindi pa tuluyang namamatay ang pumapagitna sa kanila. “If he’s my son!” muling saad ni Caden. “She’s my child,” putol niya, nanginginig ang boses niya ng sabihin iyon ngunit matatag. “And I will protect him from anything.” “Even from his father?” “Especially from his father.” Taas noong sagot niya rito. Isang mabigat na segundo ang lumipas. Hindi siya umatras. Hindi rin ito umatras. Sa unang pagkakataon, nakita niya ang tunay na emosyon sa mga mata ni Caden, hindi galit. Kundi takot. “I would never hurt him,” mahina nitong sabi. “You already hurt me.” Pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya rito. “We’ll continue the negotiation next week,” propesyonal niyang paalam. “Argent will revise the operational terms.” Huling salita niya bago siya lumakad papalayo dito. “Jane.” Hindi siya humarap ng tawagin siya nito. “This isn’t over.” Patuloy na sambit nito. At alam niya iyon. Paglabas niya ng building, nanginginig ang tuhod niya ngunit tuwid ang likod. Sa loob, naiwan si Caden na nakatayo sa gitna ng boardroom na tila wala ang mundo. If he’s my son. He’ll fight. For the alliance. For the truth. For them. KINAGABIHAN, nasa bahay si Jane, tahimik na pinapanood ang anak na nagkukulay sa sala. “Mama?” “Yes?” “Masaya ka po ba?” Napangiti siya nang bahagya. “Bakit mo natanong?” “Parang, malungkot ka po kasi.” Lumuhod siya sa harap nito. “Minsan,” mahinahon niyang sabi, “may mga taong bumabalik para tapusin ang kwento.” “Happy ending po ba?” Hindi siya agad nakasagot. Sa isip niya, ang mainit na titigan nila ni Caden kanina sa boardroom. Ang tanong. Is he mine? “Hindi ko pa alam,” sagot niya. Sa labas ng condominium building, isang itim na sasakyan ang nakaparada sa gilid. Tahimik. Nakatigil. Sa loob, nakaupo si Caden. Hindi siya bumaba. Hindi siya kumatok. Ngunit hindi rin siya umalis. Sa pagitan ng negosyo at nakaraan, may digmaang hindi pa tapos. At sa bawat papalapit na araw ng alliance signing mas lumalapit din ang katotohanang magpapabago sa lahat. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD