HINDI agad umalis ang sasakyan.
Sa loob, nakahawak si Caden sa manibela ngunit hindi nakaandar ang makina. Nakatitig siya sa ilaw ng unit ni Jane sa ika-labing dalawang palapag. May aninong gumagalaw sa loob niyon, maliit. Masigla. Buhay.
Tumigas ang kanyang panga.
Limang taon. Limang taon na may batang lumaki nang wala siya.
At ngayon, ilang metro lang ang pagitan nila.
Habang sa loob ng condominium, hindi alam ni Jane kung anong eksaktong sandali niya naramdaman ang isang presensya.
Parang may matang nakatingin sa kanila. Lumapit siya sa bintana, bahagyang sinilip ang kalsada.
At nakita niya ang isang sasakyan.
Kulay itim. Pamilyar sa kanya.
Hindi niya kailangang makita ang plate number niyon dahil alam niya kung kanino iyon.
“Mommy?” tawag ng anak niya mula sa sala kaya saglit siyang nagulat.
Ngunit huminga siya nang malalim bago ito nilingon. “Yes, sweetheart?”
“Tapos na po drawing ko.”
Lumapit siya dito at tiningnan. Ang papel, may tatlong stick figures na naroon. Isang babae. Isang bata. At isang mas matangkad na lalaki dahil maiksi ang buhok niyon kaya niya nalaman.
“Who’s this?” tanong niya at pinipilit gawing magaan ang boses.
“Secret po.”
Napangiti siya, ngunit masakit.
“Bedtime na. Tama na ang pag drawing.” Saad niya dito tumango naman sa kanya ang anak.
Pagkatapos niyang ihatid ang bata sa kwarto nito at siguruhing tulog na ito ay muling bumalik ang katahimikan.
Habang ang presensya sa labas ay nanatili pa rin sa dilim ay biglang nabulabog dahil sa tunog ng kanyang phone. Unknown number.
Ilang segundo nitong hindi sinagot.
At nang hindi iyon tumigil ay napilitan itong sagutin. Sa ikalimang ring.
“Hello.” Ngunit tahimik sa kabilang linya. Pagkatapos ng ilang sandali.
“Jane.” Siguradong saad nito sa pangalan. Isang boses. Isang sugat na hindi pa tuluyang nagsasara.
“Ano’ng kailangan mo, Caden?” malamig nitong tanong.
“Nasa baba ako.” Sagot naman nito.
“I know.” Maikling tugon lang ni Jane pagkatapos tumahimik ulit.
“Pwede ba tayong mag-usap?” Kaya naglakas loob na itong nagsabi.
“Wala tayong dapat pag-usapan na hindi tungkol sa alliance. Caden!” mariin at walang pag aalinlangan.
“Hindi ito tungkol sa alliance.”
“Then we have nothing to discuss.”
Bababa na sana niya ang tawag nang marinig niya ang mahinang buntong-hininga sa kabilang linya.
“Please!” Isang salitang hindi niya narinig mula rito noon.
At iyon ang mas delikado.
LIMANG minuto ang lumipas.
Nasa elevator si Jane. Hindi niya alam kung bakit siya bumaba.
Closure? Galit? Kuryosidad?
O dahil kahit anong pilit niya, may bahagi pa rin sa puso niya ang tumitibok kapag naririnig ang boses nito. Paglabas niya sa lobby, naroon si Caden. Nakatayo sa tabi ng sasakyan. Walang bodyguard. Walang entourage. Walang aura ng pagka-CEO.
Isang dating Caden pero mas may edad. Mukhang pagod. Ngunit naroon pa rin ang bakas ng pagka may masabi sa buhay.
“Hindi ka dapat nandito,” sabi niya.
“Alam ko.”
“Umalis ka na.”
Hindi ito gumalaw ngunit nagsalita.
“Jane. . .I’m not here to fight.”
“Too late for that.” Tipid ngunit may diin. Isang hakbang ang inilapit ng lalaki sa kanya kaya agad siyang umatras. Boundary. Laging may boundary sa pagitan nila.
“Hindi na ako lalapit,” sabi nito ng mapansin ang kilos niya. “I just need to know.”
“Wala kang karapatan.”
“Kung anak ko siya!”
“Stop.” Mariin habang nanginginig ang kanyang boses at katawan ngunit pinipilit niyang maging kalmado.
Tumahimik naman ito habang may lungkot na dumaan saglit sa mata nito.
“Hindi mo alam ang pinagdaanan ko,” patuloy ni Jane. “Hindi mo alam kung paano ako nagdesisyon. Kung gaano kahirap.”
“Then tell me.”
“You lost that right.”
Masakit ang tama.
Ramdam niya iyon sa paraan ng pagkurap ni Caden.
“Five years ago,” mahinang sabi nito, “I was stupid.”
Napatawa siya ng walang saya.
“That’s an understatement.”
“I thought you were accusing me.”
“I was asking you.”
“I didn’t know how to answer.”
Palitan nilang salita na halos parehong mabigat.
“Jane,” mas mahina ngayon ang boses ng lalaki, “did you leave because you were pregnant?” nanginginig na saad nito. Hindi agad siya sumagot.
Kaya sa loob ng lobby, ay biglang tumahimik. Habang sa labas, dumaraan ang mga sasakyan. Normal ang mundo. Ngunit sa pagitan nila ay hindi.
“I left,” dahan-dahan niyang sabi, “because I realized I was alone.”
Tumama iyon. Diretso sa puso ni Caden.
“I would’ve stayed,” sagot ni Caden.
“No. You would’ve investigated. Questioned. Calculated.” Galit na sabat niya ang masakit na katotohanan na sampal para kay Caden.
“Is he mine?” muli nitong tanong at pinatatag niya ang pagtatanong.
Mas tahimik.
Mas marahan.
Mas totoo.
Hindi siya sumagot.
Sa halip, tinanong din niya ito:
“Kung sabihin kong Oo, ano gagawin mo?” Hindi agad ito nakasagot kaya nagpatuloy siya. “At kung sabihin ko namang hindi. Wala na rin namang magbabago.” Mahinahon niyang sabi kaya hindi alam ni Caden kung ano ang ibig nitong ipaalam sa kanya.
Sasagot na sana si Caden ng lumapit ang isang security guard, nagtanong kung may problema.
“Wala,” sabay nilang sagot.
Sandaling nagkatinginan sila.
Again. Parehong malapit.
Parehong hindi pwedeng hawakan ang isa’t isa.
“Hindi ako papayag na guluhin mo ang anak ko,” mariin niyang sabi. Habang ang guwardya ay tila nalilito sa kanila.
“Hindi ko siya guguluhin!”
“You don’t get to decide that.”
“I deserve to know.”
“Mas ako ang may karapatan dahil ako ang nagbuntis. Ako ang nag luwal. Ako ang nagpalaki.” Mariin niyang sagot.
Isang hakbang ang ginawa ni Caden para lapitan siya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya umatras. Masyado na siyang pagod para umatras.
“Jane!” halos bulong iyon. “Every night for five years, I wondered if I made the wrong choice.”
“You did.”
“Did you ever miss me?”
Diretso. Walang depensa. Kaya hindi siya nakahinga sa sinabi nito.
“Ye-No!” sagot niya bago pa niya napigilan ang sarili dahil yes sana ang kanyang sasabihin.
“Hindi puwedeng ganito,” bulong niya ngunit narinig pa rin iyon ni Caden.
“Ganitong paano?”
“Standing here like nothing happened.” Sabi niya at napakagat labi ng palihim.
“Umalis ka na,” Muling saad ni Jane, mas mahina dahil ayaw na niyang may masabi pa ito sa kanya.
“I’m not giving up.” Ngunit matatag ang pagkakasabi nito.
“This isn’t a negotiation.”
“Everything with you feels like one.” Matatag din nitong sagot. Kaya Napatingin siya rito.
Same arrogance.
Same intensity.
Same man she once loved.
Ngunit ngayon, ay mas maingat na siya. Mas matigas at handa nang gawin ang lahat mapangalagaan lang niya ang kanyang anak.
“Kung gusto mong malaman ang totoo,” sabi niya, “prove first that you can be a father.” Nanigas ito sa sinabi niya dito.
“What does that mean?”
“It means,” diretso ang tingin niya, “you even get access to DNA for my son. Dahil hindi ko papayagan.”
“At kung makuha ko, kakayanin mo kaya?” mamatatag na saad din nito sa kanya.
“Then I will walk away again,” sagot niya. “But this time, I won’t be the one who suffers.”
Tahimik ulit. At sa unang pagkakataon, wala itong nasagot sa kanya.
At iyon ang pinaka-delikado.
Dahil si Caden Villarreal, laging may sagot sa bawat tanong.
Ngunit ngayon, sa harap ng babaeng minsan nitong tinawag na asawa.
Wala.
“Goodnight, Caden.”Tumalikod na siya habang may konting ngiti sa labi ng hindi na ito umimik habang ang guwardiya kanina ay wala na dahil naging awkward sila sa tao.
Naglakad na siya papasok ng elevator.
Hindi na siya pinigilan ni Caden.
Ngunit bago magsara ang pinto, narinig niya ay huling sinabi nito.
“I would choose you again.”
Sumara na ang pinto ngunit naging malinaw pa rin iyon sa pandinig niya.
At doon siya tuluyang nanghina.
HABANG sa loob naman ng sasakyan, ay hindi agad umalis si Caden.
Pinikit niya lang ang kanyang mga mata. I would choose you again.
Ngunit ang tanong
Pipiliin pa ba siya nito?
At kung may anak nga sila. . .
Pipiliin ba siya ng bata?
Sa itaas, nakatayo si Jane sa likod ng pinto ng kanyang unit.
Nakapatong ang noo sa dahon ng pinto habang humihinga ito nang malalim.
“Mama?”
Napalingon siya.
Nakatayo ang anak niya sa hallway na gising.
“Narinig ko po boses niya.”
Nanlamig ang kamay niya.
“Ano?”
“Yung lalaki po kanina.”
Tumahimik siya.
Lumapit ang bata.
“Mama siya po ba ang daddy ko?”
At doon. Doon tuluyang nabasag ang pader na limang taon niyang itinayo.
Hindi siya agad sumagot.
Dahil sa unang pagkakataon.
Hindi lang si Caden ang nagtatanong.
Kundi ang anak na niya.
At mas mahirap sagutin iyon.
LUNES ng umaga.Mas maaga dumating si Jane sa Villarreal Holdings kaysa sa schedule. Intentional.
Ayaw niyang maabutan siyang naghahabol. Ayaw niyang maunang maapektuhan.
Naka-charcoal gray suit siya ngayon. Mas structured. Mas matigas ang dating. Hair slicked back. Walang soft edges. Pagpasok niya sa executive floor, agad siyang sinalubong ni Rafael.
“Good morning, Ms. Almazar.”
“Is Mr. Villarreal in?”
“Yes, ma’am. He’s expecting you.”
Of course he is.
Sa loob ng boardroom, naka-project na ang revised alliance framework.
Shipping corridor integration. Shared port access. Revenue split models. Risk mitigation clauses.
Everything is clean. Everything is calculated. Na parang wala silang personal history.
Hanggang sa pumasok si Caden.
Black suit ulit. Pero ngayon walang tie. Top button slightly undone.
Professional. Pero mas relaxed.
Mas delikado.
“Ms. Almazar,” pormal na bati niya.
“Mr. Villarreal.” Nagkatinginan sila.
One second too long. Si Alejandro ang unang nagsalita. “Let’s begin.”
Dalawang oras ng matinding diskusyon.
“You’re asking for fifty two% operational vote,” sabi ni Jane, tumitingin sa screen.
“We’re providing the infrastructure backbone,” sagot ni Caden. “Control follows risk.”
“Capital exposure isn’t minimal on our end,” sagot niya agad. “Don’t frame it that way.”
“Then renegotiate the exposure,” kalmado nitong tugon.
Nagtaas ng kilay si Jane. “You’re assuming we need this more than you.”
Nagkatinginan ulit at walang isa man sa kanila ang nagbaba ng tingin.
Tahimik naman ang buong boardroom.
“Do you?” tanong ni Caden, mababa ang boses. Professional tone. Personal undercurrent. Habang hindi ito kumurap.
“No. We want this. There’s a difference.” Bahagyang ngumiti si Caden.
There it is.
The fire.
Nag-break ang meeting para sa technical team alignment. Muling naiwan ang dalawa sa kabilang dulo ng mahabang mesa.
This time, walang dramatic na confrontation. Mas tahimik. Mas controlled.
“You’re pushing harder than usual,” sabi ni Caden, hindi nakatingin sa kanya.
“So are you.”
“I have to.”
“So do I.”
Pareho silang napangiti.
Hindi malawak. Hindi obvious.
Pero totoo. Lumapit siya sa screen para ituro ang isang clause.
Si Caden, kasabay niyang lumapit.
Magkatabi. Too close. Amoy niya ang pabango nito mas subtle ngayon. Mas mature.
“Your logistics expansion model,” sabi ni Jane, pilit pinapa-propesyonal ang tono, “Is underestimating customs clearance delays.” Dugtong pa niya.
“Not if we use the Batangas reroute,” sagot nito. She turned.
He was already looking at her.
Mas malapit kaysa dapat.
“Still risky,” bulong niya.
“So are you,” sagot nito agad.
Huminto ang mundo ng isang segundo.
Hindi siya umatras. Hindi rin ito.
Pero siya ang unang nagsalita.
“Careful, Mr. Villarreal.”
“About?”
“Blurring lines.” Bahagyang ngumiti si Caden.
“I thought you liked crossing them.”
Five years ago, she would have laughed. Pero ngayon? She inhaled.
“Not anymore.” Sagot na lamang niya.
Bumalik ang team. Kaya nagpatuloy ang meeting. Pero may nagbago.
Mas mabilis ang sagutan nila.
Mas seamless ang arguments.
Parang muscle memory. Parang dati.
Kapag may data discrepancy, sabay silang nagco-correct.
Kapag may flawed projection, sabay nilang pinupuna.
Parang hindi sila ex-spouses.
Parang power couple ulit.
Napansin iyon ni Alejandro.
At ng buong board.
Pagkatapos ng session, nag-offer si Caden:
“Working dinner. We need to finalize the revenue structure.”
Tahimik ulit ang room.
Si Jane ang sumagot.
“Fine,” sabi niya. “But strictly work.”
“Always,” sagot naman ni Caden.
SA isang Private dining room sa isang classic restaurant. No board members. No staff inside.
Just them. And documents.
Wine ang inorder ni Caden.
“Sparkling water,” sabi naman ni Jane sa waiter. He glanced at her. She noticed.
“What?” tanong niya.
“You used to hate sparkling water.”
“People change.”
“Do they?”
Nagkatinginan. Mas tahimik ang iringan nila dito. Mas personal.
Habang nire-review nila ang final revenue split, sabay silang nagsalita:
“Forty-eight.”
Huminto sila at nagkatinginan bago tumikhim.
“You were going to say Forty-eight?” tanong niya.
“Yes.”
“For us or for you?”
“For you.” Sagot ni Caden.
“You’re conceding?” tanong ni Jane.
“I’m compromising.” Si Caden ulit.
“Since when?” aniya.
“Since I realized winning everything means losing something else.” Anito.
The weight of that sentence. Hindi niya agad sinagot. Dumating ang pagkain.
Hindi nila halos ginalaw. Busy sa documents. Busy sa pag-iwas sa mata ng isa’t isa.
Hanggang sa. . .
“Nag-dinner ka na ba?” tanong ni Caden, bigla.
“Excuse me?”
“Earlier. Kumain ka ba?”
Hindi niya alam kung bakit siya na tahimik.
“Oo,” sagot niya, kahit hindi totoo.
“You forget when you’re stressed,” sabi niya. Her jaw tightened.
“Don’t pretend you still know me.”
“I do.”
“Five years ago maybe.” She leaned back.
“I read your interviews.”
“You research your opponents?”
“I observe what matters.”
Muntik siyang mapangiti. Muntik lang.
Pero natahimik ulit ang sandali.
“Masaya ka ba?” tanong ni Caden.
Nanlamig siya.
“I don’t answer personal questions.” Aniya.
“That wasn’t business.” Anito.
“Exactly.” Aniya. He studied her face.
“You look tired.” Anito
“So do you.” Aniya.
“Occupational hazard.” Maikling sagot nito.
“And emotional too,” sagot naman niya bago pa niya napigilan ang sarili.
Kaya nagkatinginan ulit. May init.
May kirot.Pero may control.
Tumayo siya para kunin ang tablet niya. Kaso nadulas ang pen niya sa mesa. Kaya sabay silang yumuko para pulutin. Habang ang kamay niya at kamay nito ay nagtagpo.
Hindi aksidente. Hindi rin planado.
Pero hindi rin agad inalis.
Ilang segundo na ang lumilipas.
Dalawa. Tatlo. Apat. . .
Si Jane ang unang bumitaw ng matauhan. Professional mask back on.
“We should finalize section eight,” sabi na lamang niya upang alisin ang tensyon sa kanyang sarili.
“As you wish,” sagot naman nito.
Pero mas mababa ang boses.
Mas mabigat at tila may panghihinayang.
BANDANG alas-diyes ng gabi, tapos na ang draft.
Alliance terms — ninety % finalized.
Successful. Strategic. Powerful.
Kaya tumayo na siya para umalis na sana, ngunit natigilan siya ng umimik si Caden.
“Jane.”
Huminto siya pero hindi lumingon.
“You don’t have to fight me on everything.” Anito.
“I’m not fighting you now.” Aniya.
“Feels like it.” Malungkot na anito.
“Maybe because you’re used to me agreeing before.” Masakit pero iyon ang totoo.
“I don’t want us to be enemies.”
“We’re not,” sagot niya.
“Then what are we?”
Hindi siya agad nakasagot.
Ex-spouses. Business partners. Potential co-parents. Unfinished destiny.
“Let's be Professional,” sagot niya sa wakas.
Kaya bahagyang ngumiti si Caden.
“Liar.” Anito. Kaya napalingon siya.
“Excuse me?”
“You still look at me the same way.”
Nawalan siya ng isasagot.
“Don’t,” babala niya.
“Don’t what?” Anito.
“Make this harder.” Mas naging tahimik ang mukha ni Caden.
“I never wanted easy,” sabi nito.
“That was the problem.” Aniya at tuluyan na siyang umalis doon.
Paglabas niya ng restaurant, this time walang sasakyang na kasunod.
Walang dramatic waiting. Pero may mensahe siyang natanggap pagpasok sa kanyang kotse.
Caden: Forty eight % final. I’ll have to legally send the clean copy tomorrow.
Pause. Then another message.
Caden: Eat dinner next time.
Hindi niya napigilan ang maliit na ngiti. Pero inalis niya agad iyon sa kanyang sistema.
Sa bahay, nadatnan niyang gising pa ang anak niya.
“Mama, late ka na po.”
“Work,” sagot niya.
“Yung lalaki po ba?”
Tumigil siya.
“Business partner ko siya.”
“Nice po ba siya?”
Hindi niya alam kung bakit mas mahirap sagutin iyon kaysa sa “Is he mine?”
“. . .Complicated,” sagot niya.
“Parang ikaw po?”
Napatawa siya.
“Go to bed.”
SA kabilang bahagi ng lungsod, nakaupo si Caden sa opisina niya.
Nakabukas ang draft agreement.
Pero hindi iyon ang iniisip niya.
Kundi ang paraan ng pagkahawak niya sa kamay ni Jane kanina.
The way she didn’t pull away immediately. The way she still fights him like before. And the way she still feels like home. But controlled.
Always controlled.
Alliance signing in three weeks. Business is aligning. But her heart? Still negotiating.
ITUTULOY