PITONG araw bago ang opisyal na alliance signing, malinaw na hindi na lamang ito isang simpleng business deal. Ito ay naging simbolo ng kapangyarihan, estratehiya, at reputasyon. Para sa parehong Villarreal Holdings at Argent Global. Ngunit para kina Jane at Caden, higit pa roon ang nakataya.
Maagang dumating si Jane sa headquarters ng Villarreal Holdings. Nakasuot siya ng ivory tailored suit, minimal ang alahas, at maayos ang pagkakapusod ng buhok. Ang bawat detalye ay kalkulado, isang panangga laban sa anumang maaaring makasira sa kanyang composure.
Pagbukas ng elevator sa executive floor, sinalubong siya ng tahimik ngunit masusing pagtingin ng mga empleyado. Hindi bilang dating asawa ng CEO, kundi bilang babae na ngayon ay kaharap ng isa sa pinakamalalaking negosyante sa bansa sa isang makasaysayang kasunduan.
“Ms. Almazar,” magalang na bati ni Rafael. “The press room is ready.”
“Thank you,” sagot niya, kalmado ang tinig.
Sa kabilang dulo ng hallway, lumabas si Caden mula sa conference room. Nakasuot siya ng dark navy suit, may kurbata, at tila mas relaxed kaysa karaniwan. Ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon agad kay Jane na hindi nagbago.
Professional. Matatag. Ngunit may lalim na hindi kayang itago ng kamera.
“Are you prepared?” tanong niya, pormal ang tono.
“I always am,” sagot ni Jane.
Isang segundo ang kanilang titigan. Hindi mahaba. Hindi sapat upang mapansin ng iba. Ngunit sapat upang maunawaan nilang pareho silang may iniingatang emosyon.
Ang press room ay puno ng mga mamamahayag, financial analysts, at industry commentators. Sa likod ng stage, sabay silang nakatayo, naghihintay ng cue.
“Ladies and gentlemen, please welcome Mr. Caden Villarreal and Ms. Jane Almazar.”
Nagpalakpakan ang lahat sabay silang lumakad palabas. Coordinated, ngunit hindi rehearsed. Ang kanilang presensya sa entablado ay sapat upang patahimikin ang silid.
Sa likod nila, nakaproject ang logo:
Villarreal Holdings x Argent Global
Strategic Port Infrastructure Alliance
“Mr. Villarreal,” tanong ng isang senior business reporter, “What makes this alliance different from your previous acquisitions?”
Caden did not hesitate. “This is not an acquisition,” sagot niya. “It is a strategic partnership built on complementary strengths. Villarreal Holdings provides infrastructure dominance; Argent Global brings international capital and expansion networks. Together, we create stability and long-term growth.” May mahinang bulungan sa silid. Impressive. Concise.
“Ms. Almazar,” sunod na tanong, “were there any reservations in partnering with Villarreal Holdings?” Jane maintained eye contact with the reporter.
“Every strategic decision involves risk assessment,” sagot niya. “However, data and long-term projections clearly indicate that this alliance strengthens both entities. Our focus remains on performance and sustainability.” Matatag na sagot niya sa tanong.
“Is it true that you and Mr. Villarreal share a personal history?” Tumahimik ang buong silid. Ang PR team ay nanigas. Si Alejandro ay bahagyang umusog sa kanyang upuan.
Hindi agad nagsalita si Jane.
Ngunit si Caden ang unang sumagot.
“Our history is professional,” mahinahon niyang sabi. “And today, our priority is the future of Philippine logistics.” Hindi iyon kasinungalingan.
Ngunit hindi rin iyon ang buong katotohanan. Jane glanced at him briefly. Subtle. Calculated. The moment passed.
Sa pagtatapos ng conference, kailangan nilang mag kamay para sa opisyal na larawan. Standard protocol. Lumapit si Caden at inabot ang kamay ni Jane. Firm. Controlled. Ngunit habang nagpa-flash ang mga camera, bahagya siyang yumuko at bumulong: “Relax your shoulders.” Ngunit hindi gumalaw ang kanilang ngiti.
“I am relaxed,” sagot niya nang mahina.
“Your pulse says otherwise.”
She resisted the urge to look at him.
“Focus on the cameras, Mr. Villarreal.”
Bahagyang ngumiti siya at hindi nagpahalata sa mga reporters.
Sa isang sandali, sabay silang napangiti nang natural dahil sa isang photographer na nadapa. Walang script. Walang kalkulasyon.
Sa litratong iyon, para silang hindi kailanman naghiwalay.
KINAGABIHAN, habang nire-review ni Caden ang final draft sa kanyang opisina, pumasok si Rafael na halatang tensiyonado .
“Sir, may problema po.” At isang tablet ang inilapag nito sa mesa.
Headline:
Confidential Risk Analysis Raises Questions on Villarreal and Argent Alliance
Kasama sa artikulo ang internal projections, dokumentong tanging senior executives lamang ang may access. Nanlamig ang mukha ni Caden ng mabasa iyon.
“Trace the source,” mariin niyang utos.
Sa kabilang banda ng lungsod, tumunog naman ang telepono ni Jane.
“Jane,” sabi ni Alejandro, “there has been a leak. The board is questioning whether this originated from Villarreal.”
She closed her eyes briefly. “Sinong may gawa?” tanong niya.
“We don’t know.” Sagot naman ni Alejandro.
Ngunit sa puso niya, hindi siya naniniwala na si Caden ang may kagagawan nito.
Hindi ganito ang estilo nito.
Kung lalaban ito, ay harapan hindi patago.
Midnight Confrontation
Nagkita sila sa isang pribadong conference room bago mag hatinggabi.
No assistants. No PR. No witnesses.
“Your internal risk file was leaked,” sabi ni Caden, diretso, walang paligoy-ligoy.
“Our integration portal was accessed through shared authorization,” sagot ni Jane.
“So you believe this came from my side?” malungkot na saad nito sa kanya kaya umiling siya.
“I believe someone wants this alliance destroyed.” Saad ni Jane kaya nagkatinginan sila.
“You do not trust me,” sabi niya.
“That is not new,” sagot niya sandaling katahimikan ang namayani.
“If I wanted to sabotage this deal,” mahinahon ngunit mariing sabi ni Caden, “I would never do it anonymously.” Matatag na sabi nito at
totoo iyon. Alam niya iyon.
“Then help me fix this,” sabi ni Jane. She’s did not hesitate.
“Together.” Sabi naman ni Caden.
Ang salitang iyon ay mas mabigat kaysa anumang legal clause.
Hanggang alas-kwatro na ng umaga, magkatabi silang nakaupo sa mahabang mesa, sinusuri ang digital access logs at server reroutes.
“IP address masked through Singapore,” sabi ni Jane.
“Too obvious,” sagot ni Caden. “Diversion.” Ani naman ni Jane.
Pareho silang nag-isip ng malalim maya-maya pa.
“Competitor,” sabay nilang sinabi.
Isang shipping conglomerate na natalo sa bid noong nakaraang taon ang may malinaw na motibo.
“Then we respond strategically,” sabi ni Caden.
“And decisively,” dagdag naman ni Jane.
Sa sandaling iyon, walang personal na tensyon. Tanging respeto at pagkakaisa. Bandang alas-cinco, napansin ni Caden na hindi pa umiinom ng kape si Jane.
Lumabas siya sandali at bumalik na may bagong tasa ng kape na bitbit.
“Fresh,” sabi niya, inilalapag ito sa harap niya.
“Thank you,” sagot niya, bahagyang nagulat. Hindi ito agad umalis. Kaya ilang segundo silang tahimik.
“You do not have to carry everything alone,” sabi niya. Jane looked at him.
“I have been doing that for five years.” Sagot naman niya.
“I know.” Sabi naman ni Caden at gumuhit ang guilt sa mga mata nito.
Ang pag-amin na iyon ay hindi maingay. Ngunit mabigat.
Tumunog ang telepono ni Jane.
Ang boses ng yaya ay may pag-aalala.
“Ma’am, may lagnat po ang bata. Tinatanong ka niya sa akin.” Hindi siya nagdalawang-isip na nagdesisyon..
“I’m coming.” Maiksi lang na sagot niya. Ngunit narinig iyon ni Caden.
“I will drive,” sabi niya agad.
“Hindi kailangan. . .”
“Jane.” Hindi iyon utos. Hindi rin pakiusap. Isang simpleng alok. Kaya napahinga siya ng malalim at hindi na siya tumutol.
TAHIMIK ang hallway ng condominium. Pagpasok nila, agad na lumapit ang bata kay Jane.
“Mama.” Hinawakan niya ang noo nito. Mainit. Sa likod niya, tahimik lang nakatayo si Caden. Pinagmamasdan ang mag ina. Hindi ito lumapit nang sobra.
“Hello,” mahinahong bati nito nang magtama ang kanilang mga mata ng bata. Pinagmasdan naman siya ng bata.
“Kayo po ba yung nasa TV?” inosenteng tanong nito.
“Yes,” sagot ni Caden. “I work with your mother.” Hindi ito nagsabing higit pa roon. Hindi rin ito nagtanong.
Bahagya itong lumapit sa bata at lumuhod sa harapan nito na may distansyang komportable ang bata.
“Kumusta pakiramdam mo?” tanong nito sa bata.
“Masakit po ulo ko.” Agad kinuha ni Caden ang malamig na bimpo sa yaya at inabot kay Jane. Hindi ito umeksena. Hindi rin ito nagpakitang-gilas gusto niya lang makatulong sa mag ina.
Habang si Jane naman ay tahimik lang inabot ang bimpo kay Caden. At sa unang pagkakataon, hindi niya itinaboy ang lalaki.
Habang natutulog ang bata sa kandungan ni Jane, nakaupo si Caden sa kabilang dulo ng sofa.
Tahimik. Habang ang liwanag ng umaga ay unti-unti ng pumapasok sa silid.
“You are good with him,” sabi ni Jane, mahina.
“I am trying to be,” sagot niya.
“For whom?” Si Jane ulit.
“For whoever he needs.” Hindi nito tinukoy kung ano ang papel niya.
Hindi ito nagtanong kung siya nga ang ama. Hindi nito sinira ang sandali.
Sa halip, tahimik siyang nanatili.
TAHIMIK siyang nakaupo sa gilid ng kama, dahan-dahang hinihimas ang buhok ng bata. Sa labas ng bintana, unti-unti nang nagigising ang lungsod. Mga sasakyan sa kalsada. Mga taong papasok sa trabaho. Isang panibagong araw para sa negosyo. At para sa kanila.
Sa sala, naroon pa rin si Caden. Hindi ito umalis matapos matiyak na nakainom ng gamot ang bata. Tahimik lamang itong nakaupo, ang coat ay nakasabit sa likod ng silya, ang manggas ng polo ay bahagyang nakatiklop. Parang hindi CEO ng isang conglomerate kundi isang lalaking nag-aantay ng pahintulot.
Lumabas si Jane mula sa silid ng makatulog na anak.
“Bumaba na ang lagnat,” mahinahon niyang sabi.
Tumango si Caden. “Good.”
Isang sandali ng katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi awkward. Hindi rin komportable. Parang manipis na salamin na parehong takot basagin.
“You should rest,” sabi ni Caden. “I can stay until the pediatrician arrives.”
Napatingin siya rito. “May board meeting ka ngayong umaga diba?” tanong niya dito
“I moved it.” Sagot ni Caden.
“You don’t move board meetings.” Aniya
“For this, I did.” Ani naman nito.
Hindi niya alam kung ano ang mas nakakagulat ang ginawa nito o ang paraan ng pagkakasabi nito. Walang pagyayabang. Walang drama. Simpleng pahayag lang ng desisyon.
“Caden!” bahagya siyang napahinto. “Hindi mo kailangang gawin ito.”
“I know.” Mahinahon ang boses nito. “Pero gusto ko.” Muling natahimik ang sala.
Maya-maya’y tumunog ang cellphone ni Caden. Isang tawag mula kay Rafael. Sinagot niya iyon sa mahinang tinig, lumayo ng kaunti ngunit hindi tuluyang umalis sa loob ng condo.
“Yes.”
“Coordinate with legal.” Bungad agad nito.
“No press statement yet. We move after confirmation.” Propesyonal. Kontrolado. Walang bahid ng emosyon na saad naman nito.
Ngunit nang ibaba nito ang telepono at muling lumapit, iba na ang ekspresyon sa kanyang mukha.
“Your competitor filed a formal complaint with the regulatory board,” sabi niya. “They’re claiming a conflict of interest.” Bahagyang nanigas si Jane. “Because of us.”
“Yes.”
Hindi iyon tanong. Hindi rin akusasyon. Isang katotohanan lamang na kailangan harapin. She exhaled slowly. “Then they’re escalating.”
“So will we.” Saad naman ni Caden at nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi ito tulad ng mga titig sa press conference, hindi kalkulado, hindi pang-camera. Ito ay tahimik na pag-unawa.
“Kung umatras tayo ngayon,” sabi ni Jane, “they win.”
“I don’t retreat,” sagot ni Caden.
“Neither do I.” Segunda naman ni Jane. Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa labi nito.
“That has always been the problem.”
“At the same time,” sagot niya.
Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, hindi iyon tunog argumento. Parang alaala. Mula sa silid, narinig ang mahinang pag-ubo ng bata. Agad na napalingon si Jane, ngunit bago pa siya makakilos ay tumayo na si Caden.
“I’ll check.”
Hindi ito nagtanong kung pwede. Hindi rin ito nagmamadali. Maingat itong pumasok sa silid, bahagyang isinara ang pinto ngunit hindi tuluyang isinara. Kaya mula sa kinatatayuan niya, tanaw ni Jane ang eksena.
Si Caden, ang lalaking kilala sa industriya bilang walang inuurunga ay maingat na inaayos ang kumot ng bata. Dahan-dahang inilalagay ang malamig na bimpo sa noo nito. Tahimik na nagsasalita, hindi niya marinig ang mga salita, ngunit malinaw ang tono, banayad.
Hindi niya namalayang may kumirot sa dibdib niya. Limang taon.
Limang taong pinili niyang kayanin mag-isa. Limang taong hindi niya ito hinayaang maging bahagi ng mundong ito. Dahil sa galit. Dahil sa sakit. Dahil sa takot na baka masaktan muli.
Ngunit ngayon. Ngayon ay kusa itong narito. Walang hinihinging kapalit.
Lumabas si Caden makalipas ang ilang minuto.
“Sleeping again,” sabi nito.
“Thank you.” Dugtong pa nito.
Hindi niya alam kung para saan ang pasasalamat ng lalaki ang pag-check nito sa bata, sa pag-stay, o sa hindi pagtatanong ng mga tanong na pareho nilang iniiwasan. Sa labas ng bintana, sumikat na nang tuluyan ang araw.
“I have to go back to the office,” sabi ni Caden sa wakas. “But I’ll send my security team here. Discreet.”
“Hindi kailangan.” Tangi niya.
“It is.” Ngunit matatag namang sabi ni Caden kaya hindi na siya nakipagtalo. Pagod na rin siya. Paglapit nito sa pinto, bahagya itong huminto.
“Jane.”
Napalingon siya.
“I meant what I said earlier.”
“Which part?” mahinahon niyang tanong.
“That you don’t have to carry everything alone.”
Hindi siya agad nakasagot.
At sa pagkakataong ito, hindi na siya nagkunwaring matatag.
“I don’t know how to do it any other way,” amin niya.
Lumambot ang ekspresyon ni Caden. “Then we’ll relearn.”
‘We. Hindi “you.” Hindi rin “I.” kundi
We.
Isang salitang minsan nang nawala sa kanila. Hindi siya lumapit. Hindi rin siya humawak. Ngunit sa pagitan nila, may nagbagong direksyon, hindi pang kapayapaan, hindi pagbabalik, ngunit isang hakbang papalapit.
Pagkaalis ni Caden, isinara ni Jane ang pinto at sandaling sumandal doon. Pinikit niya ang mga mata.
Sa opisina, may digmaan. Sa industriya, may mga kalabang naghihintay ng kanilang pagkakamali. Sa media, may mga tanong na hindi pa tapos.
Ngunit dito sa loob ng tahanang ito may mas personal na laban.
At sa unang pagkakataon, hindi niya iyon haharapin mag-isa.
SA kabilang bahagi ng lungsod, habang nasa loob ng sasakyan, tumingin si Caden sa repleksyon niya sa salamin. Hindi ito ang lalaking pumasok sa press room ilang oras ang nakalipas.
Mas malinaw ngayon ang isang bagay.
Ang alliance ay hindi lamang tungkol sa port infrastructure o capital expansion.
Ito ay tungkol sa pagprotekta sa dalawang pinakamahalagang bagay sa buhay niya.
Ang babaeng hindi niya kailanman tinitigilang mahalin sa kabila ng pagkukulang niya rito.
At ang batang maaaring magpabago ng lahat. Sa Public front. Sa Private war.
At ngayon, hindi na lamang ito laban sa mga competitor. Ito ay laban para sa isang pamilyang maaaring may pag-asa pang mabuo.
SA opisina kinabukasan, pormal na inanunsyo ng parehong kompanya ang internal investigation laban sa competitor. Ang merkado ay muling kumalma. Ang alliance ay nanatiling matatag. Ngunit sa likod ng press releases at legal responses, may mas tahimik na pagbabago.
Hindi na sila basta magkaaway.
Hindi pa rin sila magkaibigan.
Ngunit hindi na rin sila estranghero.
Sa condo, habang pinagmamasdan ni Jane ang natutulog na anak, bumalik sa isip niya ang eksena kanina.
Ang paraan ng paghawak ni Caden sa bimpo. Ang pag-iwas nitong magtanong ng direkta. Ang pagpili nitong maging maingat.
“Masaya ka po ba?” tanong ng bata bago tuluyang nakatulog.
Hindi siya agad nakasagot.
Hindi pa. Ngunit sa unang pagkakataon matapos ang limang taon.
Hindi na niya kayang sabihing wala na siyang nararamdaman.
ITUTULOY