CHAPTER 3

1177 Words
GOSANO BUMALIK ako sa bahay pagkagaling ko sa kompanya. Matapos akong makipag meeting kay Gng. Zamora. Nang makababa ako sa aking kotse ay agad kong binuksan ang pintuan at wala akong nakitang katao tao sa loob ng makapasok ako. Kaya umakyat ako sa hagdan at napansin ko na ang mga boses ay nagmumula sa silid Yna, na masayang nag uusap kaya napakunot noo ako. Dala ng kuryosidad ay inilagay ko ang aking tainga sa pintuan upang mapakinggan ang kanilang pag uusap. “Wow! Maganda ka na talaga noon pa noong tinedyer ka pa lamang ang cute mo pa habang nakatawa riyan.” Nagsalita ang boses ng aking ina na masaya at halatang natutuwa sa isang bagay na nakikita. “Salamat Ma’am, sa totoo lang iyang picture na iyan ay iyong nakapagtapos ako ng kolihiyo, kaya noong nakaraan tao lang po iyan kuha!” Sumunod naman na aking narinig ay ang tinig ni Yna na natutuwang ipagyabang kung anuman ang ipinapakita nito sa aking ina. “Talaga ba nagmukhang tinedyer ka sa make up mo riyan. Pero iha, ’wag mo na akong tawaging maam, ’diba sabi ko sayo ay tita na ang itawag mo sa akin!” Saad naman ni mommy kaya napataas ang kilay ko sa narinig. “Ay Oo nga po pala, hehe sige po tita!” pag-sang ayon naman ni Yna kaya lalo akong napataas ng kilay sabay smirk ko at napailing iling na lamang. Iba’t ibang mga saloobin ang tumakbo sa aking isipan habang nagtataka kung bakit ganoon na lang ang kadaling napalapit ang loob ng dalawa sa maikling oras lamang. Kaya hindi na ako nakatiis kaya binuksan ko ang pintuan at nakita kong napatingin sa akin ang mga ito bago nagsalita si mommy. “Anak, bumalik ka na!” Tumayo si mommy sa pagkakaupo sa kama ni Yna at naglakad ito papunta sa akin at niyakap niya ako. “Opo, mukhang nagkakatuwaan kayo ni Yna mommy! Anong meron?” Sumagot ako habang tinitingnan ng aking mga mata Yna na labis na nagulat ng makita ako. ‘Ano kaya ang iniisip nito?’ bulong ko at tumingin na kay mommy. “Wala naman iho, nagkwentuhan lang kami nitong si Yna at pinakita niya sa akin ang album na dala niya nacurious kasi ako. Mga picture pala nila at ng pamilya niya pati mga old photos niya noon bata pa!” Masayang sabi naman ni momy kaya napatango ako at napatingin sa mga picture na nakadikit sa album. “Sa palagay ko iiwan ko muna kayong dalawa dito upang makapag-usap!” Naeexcite na sabi pa nito at iniwan na kami nito at lumabas na sa silid ni Yna. “Pasensya na sir. Kung nalibang ako sa pakikipag-usap sa mommy mo, hindi ko po kasi siya matanggihan at baka magalit!” Hinging paumanhin naman agad nito at mabilis na itinago ang album sa unan at nagmadali ng tumayo. “Sige sir, kung wala naman kayo ipag-uutos ay lalabas na po ako at magluluto ng hapon ninyo ng mommy niyo!” Nauutal na sabi nito at nagmadali ng tumungo sa pintuan. “Ano iyong narinig kong graduate ka ng college?” Subalit natigilan ito ng muli akong nagsalita. “Oh, Opo, graduate po ako ng college, accountancy po.” Mabilis naman itong sumagot. “Oh I see, kung ganun naman pala na graduate ka? Bakit ka napasok bilang kasambahay?” tanong ko kasi nakuha nito ang kuryusidad ko. “Ang totoo po niyan ay hindi po kasi ako makahanap ng trabaho pagkatapos ng aking pag-aaral, dahil wala raw po ako experience sa ibang kompanya, kaso kailangan ko pong makahanap agad ng trabaho, dahil may sakit ang bunso naming kapatid kaya napasok po ako rito.” Namamawis na ang kanyang mukha dahil akala siguro nito ay magagalit ako. Napahinga naman ako ng malalim bago nagsalita ulit. “Dalhin ang iyong mga kredensyal sa aking silid mamaya pagkatapos mo magluto. Pag uusapan natin iyang sinabi mo sa akin.” Sabi ko at hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko kaya ko nasabi iyon. Pero seryoso ako ng sabihin ko iyon sa kanya. YNA “DALAHIN mo ang iyong mga kredensyal sa aking silid mamaya pagkatapos mo magluto. Pag-uusapan natin iyang sinabi mo sa akin.” Naranasan ko ang pinaka nakakagulat na eksena sa aking buhay ngayon at hindi ako makapaniwala na sasabihin niya iyon sa akin. Ngunit bago pa ako makapag react ay mabilis na itong lumabas ng silid ko kaya naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Pero pabor iyon sa akin dahil iyon naman talaga ang isa sa mga plano namin ni maam Gracia ang makapasok ako sa kompanya nila at magsisimula iyon sa mga susunod na araw. Naglakad na ako papunta sa kusina para makapag luto na ako ng hapunan nila. Matapos kong makapag-luto ay kinuha ko ang mga requirements ko sa aking tokador at huminga ng malalim bago ako lumabas sa silid ko at tumungo sa silid ni Sir. Gosano. Nang makarating ako sa kanyang pintuan ay huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa may pinto. “Come in!” matapos ang ilang segundo ay pinapasok na niya ako. “Sir, narito na po ang aking mga kredensyal!” Mabilis kong iniabot sa kanya ang mga files ko at agad naman niya iyong kinuha sa kamay ko. “Okay kuhanan mo muna ako ng tubig!” Utos nito kaya tumalima naman ako. Bumaba ako at nakita ko ang ina ni Sir, na nanonood ng T.V sa sala kaya lumingon ito sa akin at binigyan ako ng kindat. Sinabi ko naman sa kanya ang tungkol sa trabaho na ibibigay sa akin ng kanyang anak kaya tumango ito at sinabi nito na narinig niya iyon kanina. Nag thumbs up naman ito at sinabing good luck kaya napangiti ako. Ilang segundo lang ay bumalik ako sa itaas sa silid ni Sir, Gosano at sinalubong niya ako ng seryosong tingin matapos kong ibigay ang tubig na dala ko at ininom niya ito. “Nakita ko na ang iyong mga kredensyal at talagang humanga ako. Bobo na lang talaga ang hindi tumanggap sayo!” Seryosong papuri nito sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag dahil complement ang sinabi nito at hindi pangungutya. “Okay Nagsisimula ka na sa akin bilang aking P.A muna bago kita bigyan ng ibang posisyon ay patunayan mo muna sa akin na karapat dapat ka sa kompanya ko!” “Huh? P. A?” “Oo, bakit ayaw mo ba?” “Hindi po, gusto ko po!” Mabilis naman akong umiling at ngumiti ako rito. “Pero stay in ka pa rin dito sa akin dahil nasanay na ako na ikaw ang nagluluto ng pagkain ko! Gagawin mo pa rin ang ibang gawain dito pero may makakasama ka na! Pero huwag kang mag aalala, may sahod ka pa rin dito, at pati na rin sa opisina! Ano kaya mo ba?” Muling saad nito kaya napatango ako! “Ano kaya mo ba? Tatanggapin mo ba ang offer ko?” “Opo, kaya ko po iyan, tatanggapin ko po!” “Good!” ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD