GOSANO
HINDI ko alam kung bakit ako natulala ng makita ko si Yna na pababa ng hagdan.
Bumaba siya habang suot ang isang dress na black na hanggang kalahati ng hita niya ang haba, ang kanyang buhok ay maayos na nakapusod na may kaunting mga hibla sa maamo at maganda nitong mukha.
Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa kinaroroonan ko.
“Sir okay lang po ba na sumabay talaga ako sayo, pwede naman po ako mag commute na lamang.” Saad nito kaya natauhan ako sa pagsalita nito.
Seryoso ko naman itong tiningnan at inalis ko ang bara sa aking lalamunan ngunit bago pa ako sumagot sa tanong nito.
“Naku iha, huwag ka ng mahiya sumabay ka na sa anak ko at nang hindi ka na mahirapan na mag commute!” Saad naman ni mommy at inunahan ako sa pagsagot kay Yna.
Wala na akong nagawa kundi sumang-ayon sa sinabi ni mommy at saka ako tumango dito at lumabas na ako sa bahay.
Sumunod naman ito sa akin habang nakasabay dito si mommy.
Pumasok na kami sa sasakyan ko at iniwan na namin doon si mommy niyaya ko naman ito na sumama ngunit tumanggi ito at magpapahinga na lamang daw ito sa bahay kaya tumango ako kay mommy.
Bago kami umalis ay binilinan pa ako nito na ingatan ko raw si Yna, at pinagbantaan pa ako nito na kapag may nangyari raw dito ay hindi raw niya ako kakausapin kahit kailan. Kaya napakamot na lang ako sa ulo dahil mas mukhang nag aalala pa ito kay Yna kaysa sa aking anak nito.
UMALIS na kami sa bahay ay ilang minuto lang ay nakarating na kami sa kompanya at agad na pumasok doon matapos naming bumababa ng kotse.
Tiinitigan kami ng aking mga empleyado at nagbulong bulungan ang mga ito ng makapasok kami sa loob. Napatingin naman ako kay Yna na halatang hindi komportable sa mga tingin ng aking mga empleyado.
Kaya para mawala ang ilang nito ay tumingin ako sa mga taong naroon at sinabihan ko silang magfocus sa mga ginagawa kaya na pabalik naman ang mga tingin nila sa kanilang ginagawa.
Malapit na kami sa aking tanggapan ng makasalubong ko si Gng. Zamora na naglalakad. Binati niya ako at ganoon din ako sa kanya bago ako lumingon kay Yna.
Tahimik lamang Itong nakasunod sa akin.
“Ito ang aking opisina at doon ka sa tabi ng aking opisina pupwesto para anumang oras na may ipapagawa ako sayo ay madali lang kita matatawag.” Saad ko kaya tumango ito.
Tinuro ko lahat kay Yna ang mga dapat niyang gawin bilang P.A ko at agad naman niya itong isinulat sa notepad niya.
Ilang oras lang ang nakalilipas ay patungo kami ngayon sa conference room.
Dahil may mahalaga kaming pagpupulong kasama ng lahat na member ng kompanya at kasama ko roon si Yna na magdadala ng lahat ng gamit ko.
“Magandang umaga sa lahat!” binati ko sa kanila at ganoon din ang ginawa nila sa akin.
“Una, bago tayo mag umpisa may ipapakilala ako na bago niyo makakasama si Yna Cristoval.” Pagpapakilala ko muna kay Yna. Kaya lahat sila ay napatingin sa dalaga.
Tumayo naman si Yna sa pagkakaupo sa upuan na nasa tabi ng upuan ko at yumuko sa mga kasama ko at binati sila nito.
“Good morning po. Nice meeting you po everyone! Ako po si Yna Cristoval!” bati naman ni Yna at ngumiti sa mga ito.
“Nice meeting you rin, iha. Napakaganda mo naman! Kasintahan mo ba siya sir?” Saad naman ng aking sekretarya na si Mrs. Pascua.
“Hindi po siya ang bago kong personal assistant!” sagot ko naman.
Nahihiya namang napayuko si Yna kaya tumikhim ako at pumormal ang mukha ko bago ko pinutol ang usapan nila.
“Personal Assistant mo po pala siya akala ko po sir. Gosano ay bago mo siyang girlfriend!” Dugtong pa ng sekretarya ko kaya tumikhim ako.
“Hindi ko po siya kasintahan, Mrs. Pascua. Bago ko po siyang Personal assistant.” Pagkasabi ko niyon ay tiningnan ko si Yna, na namumula ang mukha at umupo na ulit ito.
“Ay ganoon po ba!” napapatangong sabi naman ng sekretarya ko.
Kaya bago pa ito tuluyang mahiya ay inumpisahan ko na ang meeting.
YNA
NAHIHIYA ako sa unang araw ko pa lang sa new work ko. Napagkamalan kasi pala ako ng mga tao sa kompanya ni sir. Gosano naa kasintahan niya ako kaya ganoon na lang ang mga tingin nila sa amin kay Sir.
Pero nilinaw naman agad ni sir. Na isa lang din akong empleyado, kaya nawala na ang mga tingin nila sa akin na halos hinuhusgahan na nila ang buong pagkatao ko.
Napasabak agad ako sa trabaho ko na halos walang pahinga dahil maya’t maya rin kasi akong tinatawag ni sir Gosano. At kung anu-ano ang pinagawa niya sa akin. Wala namang akong reklamo na nagagawa ko naman ng tama ang lahat.
Ngayon ay katatapos lang ang malakihang business meeting at lahat naman ay nasa ayos.
Hanggang sa sabay ulit kami ni sir na umuwi at kahit pagod ay dumeretso pa rin ako sa kusina para magluto ng diner.
Hindi namin naabutan si tita. Gracia at umalis daw ito at may pinuntahan na amiga nito. Sabi ng bago nilang kasambahay kaya konti lang ang niluto ko.
Habang abala ako sa pagluluto nang nakarinig ko ang boses ni Sir. Gosano na mukhang may kausap sa bandang likuran ko.
Kaya mabilis akong napalingon sa likuran ko at nakita ko siya na may katawagan sa cellphone habang mababakas sa mukha nito na para itong hindi makapaniwala.
“Sir. Okay lang po ba kayo?” tanong ko at pinahinaan ko ang niluluto ko para hindi ito masunog.
‘Seryoso, anong nangyari?’ bulong ko at agad ko itong nilapitan. Napalingon naman ito sa akin at ang inaasahan ko na sasalubong sa akin ay galit ay ngiti ang itinugon nito sa akin.
“Sir okay lang po ba talaga kayo!’ Labis akong nababahala dahil first time itong ngumiti ng ganoon sa akin.
“Oo, at mukhang swerte kaya yata sa akin!” masaya pa ring sabi nito kaya naguluhan ako sa sinabi nito.
“Po? Bakit po?” naguguluhan ko pa ring tanong.
“Wala naman! Na close ko lang naman kasi ang isang deal na malaking makakatulong sa aking kompanya at matagal ko na itong target at ngayon ko lang ito nakuha.” Masayang sabi pa nito kaya napahinga ako ng malalim at saka siya binati.
“Congratulations po sir!”
“Salamat at dahil iyan sayo alam kong lucky charm kita!”
At hindi ko inaasahan ang gagawin nito agad niya akong niyakap kaya naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
“Niyakap niya ako?” questionable ang mukha kong napamulagat sa harapan nito.
At bago pa ako makahuma ay mabilis niya akong hinalikan sa labi ko.
ITUTULOY