CHAPTER 5

1243 Words
YNA BAGO ako na tauhan ay napapikit muna ang aking mga mata, hinagkan niya ako sa aking labi. Smack lang iyon pero bolta boltaheng kuryente pa rin ang aking naramdaman sa aking buong sistema. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako na ganun kabilis! Namumula ang buong mukha ko dahil sa ginawa nito. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng halik na iginawad niya sa akin. Maya-maya pa ay agad niya akong inilayo sa kanya na parang natauhan ito sa ginagawa niya sa akin. “Sorry, h-hindi ko sinasadyang halikan ka!” Nahihiyang saad nito kaya napalunok ako ng wala sa oras. “O-okay lang po sir, hindi niyo kailangan maguilty! Hindi niyo naman yata iyon sinadya!” Nauutal ko namang sabi. Pero maya-maya pa ay napangiti ito kaya napakunot ang noo ko. “Sir!” naguguluhang saad ko. “Pasensya na, kalimutan na lang natin ang nangyari kanina. I was happy kaya siguro kita nahalikan. Pasensya na ulit!” Sagot naman nito. Kaya napatango ako ng bahagya. Ngunit sa kaibuturan ng isipan ko ay nakaramdam ako ng kilig dito bagamat may kunting inis naman sa aking sarili dahil nag expect ako sa halik nito. Ganito lang siguro siya kapag natutuwa ng hahalik! ‘Sana pala lagi siya natutuwa! Para may halik. . .Ay ano ba iyang pinagsasabi mo, Yna, umayos ka nga!’ Kastigo ko sa aking sarili bago ako tumalikod upang hindi nito mapansin ang pamumula ng aking mga pisngi. “Ahm! siguro dagdagan mo iyang niluluto mo at mag celebrate tayo! Pauwiin ko si mommy para marami tayong kakain!” Sabi nito na lumapit pala sa kinaroroonan ko. “Ahm, Opo Sir! Masusunod po!” Sagot ko naman habang hindi nakatingin sa kanya. Maya-maya pa ay naramdaman kong umalis na ito sa likuran ko. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Bago ako muling naghanda ng idadagdag ko na iluluto ko para mamayang hapunan. Hindi nagtagal ay bumalik ulit ito at pumunta sa kabinet na nasa taas ng refrigerator at naglabas siya na isang bote ng champagne at tatlong baso na lalagyan ng alak ay hindi ka pa rin ito sinubukang tingnan. Ngunit sa sulok ng aking paningin ay kita ko naman ang mga kinukuha nito. At muli itong lumabas sa dining area. At ng maluto ko na ang carbonara, at kaldereta at ginawa kong pang desert ay isinunod ko na iyon sa kanya. At doon ko nakita ang pag-salin niya sa dalawang baso ng champagne at nang makita ko na dalawa lang ang platong nandoon ay hindi na ako nakatiis ay tinanong ko ito kung nasaan si Tita Gracia. Kaya sinabi nitong hindi raw makakasabay ito sa hapunan kaya kaming dalawa na lang ang kakain at magsi-celebrate kaya alam ko na ang mangyayari. GOSANO HINDI ko pa rin maintindihan kung bakit hinalikan ko si Yna? Siguro dahil sa sobrang tuwa ko na maclose ko ang deal sa client ko kaya ko iyon nagawa iyon yata ang nag udyok sa akin kaya ko siya nahalikan. Mabuti na lamang at agad kung binawi ang halik na iginawad ko sa kanya, dahil kung hindi ko siguro iyon nagawa ay baka kung ano pa ang nagawa ko sa kanya. Ang lambot pa naman ng mga labi nito kahit dampi lamang ang halik na pinagsaluhan naming dalawa. Kaya para maibsan ang akward moment namin ay iniba ko na lamang ang sinabi ko rito. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang mukhang ihaharap ko kay Yna matapos kong mahalikan ito. Kaya inutusan ko na lang ito na magluto ulit para sa pag celebrate naming tatlo nila mommy kasama siya kahit hindi ko naman talaga iyong gawain kasi common na lang ang mga ganitong okasyon sa akin. Kaso hindi pala makakauwi si mommy kaya dalawa na lang kami magdi-dinner. Para hindi naman kami mag kailangan ay magaan ko itong inanyayahang kumain at ininom pa rin namin ang champagne na inilabas ko kanina ngunit sabi ko ay titikman lang namin. Hanggang sa ang simpleng dinner at tikim ng alak lamang sana ang gagawin namin ay nauwi sa pagpapakalasing nito. Dahil nasarapan ito sa champange na ininom nito. Ay nagrequest pa ito ng isa hanggang ang isa ay naging apat na baso pa. Kaya ang ending ay nalasing ito ng hindi ko rin namamalayan dahil natutuwa ako sa kadaldalan nito. Sa ikaapat na lagok nito ay nakatulog na ito habang nakayupyop sa mesa dahil hindi naman pala ito palainom, kaya napailing ako. Nagsisisi tuloy ako na hinayaan ko itong uminom ng sobra. Hindi ko rin kasi malayan ay inuuto na pala ako niya ako para makarami ng matikman na alak. Lumakad ako papunta sa kanya at itinaas ang aking kamay sa kanyang mukha, pinadaan ko ang palad ko ang kanyang malambot at makinis na pisngi pati na ang natural na matangos na ilong nito ay hindi ko pinalampas na dampian ng aking hintuturong daliri. Hanggang sa aking tingin ay bumaba sa kanyang mapupulang mga labi kaya bigla akong napalunok at nauhaw. Kaya napatigil ako sa aking ginagawa at iniiwas ko ang aking tingin sa bagay na iyon lalo na ng maalala kong nahalikan ko ito kani-kanila lang. Napabuntong hininga na lamang ako at ibinaba ko na ang kamay ko. At sinubukan ko na lang itong gisingin. “Yna, gising na tumayo ka na riyan at umakyat ka na sa silid mo!” Nagsalita ako nang mahina at niyugyog ko ito ng bahagya sa kanyang balikat. Ilang beses ko pa iyong inulit at ilang sandali lang ay itinaas niya ang kanyang ulo nang kaunti. “A-ayaw ko, gusto kong matulog dito Gosano!” mahinang sabi niya habang kanyang mga mata nakapikit pa rin. ‘Abat tinatawag lang niya ako sa pangalan ko? Kakaiba talaga ang babaeng ito.’ Hindi ko na malayan na napapangiti na ako sa kakulitan nito. Ilang beses ko pa siyang ginising ngunit ayaw na talaga nitong magising kaya no choice ako kundi buhatin na lang ito at ako na ang magdadala sa kanya sa silid nito. Marahan ko siyang binuhat na parang bata at agad ko siyang pinangko paakyat sa silid nito. Mabuti na lang at hindi naman ito gaanong kabigat ngunit nakaramdam ako ng kakaiba ng makarga ko na ito. Mas lalo lamang tumitindi ang nararamdaman ko ng masamyo ko ang mabangong amoy nito. Kaya bago ako mawala sa aking sarili ay minadali ko na itong iniakyat at agad ko itong dinala sa silid nito. Pagkapasok namin sa silid niya ay agad ko itong inihiga sa kama at mabilis na tinakpan siya sa duvet. Ngunit hindi ako nakatiis kaya bago ako lumabas doon ay mabilis ko muna itong Hinalikan sa noo at agad na lumabas. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng masarhan ko na ang pintuan ng kwaryo ni Yna. ‘Gozano, ano bang ginagawa mo, hindi ka dapat naapektuhan sa presensya ng babaeng iyon. Alalahanin mo na babae rin ang naging dahilan kaya naging miserable ang buhay pag-ibig mo!’ Kastigo ko sa aking sarili at inis na umalis sa tapat ng silid Yna. Ngunit bago ako makaalis ay bigla na lamang akong nakarinig na sigaw na nagmumula sa silid ni Yna. Kaya dali-dali akong bumalik at pumasok sa silid nito. Nakita ko siyang nakaupo sa kama, habang ang kanyang dibdib ay nagtataas at bababa. Dahil sa hingal habang umiiyak. Kaya agad akong lumapit sa kanya at naupo sa gilid ng kanyang kama habang niyugyog ko siya. “Anong nangyayari sayo Yna? Bakit ka sumigaw at umiiyak?” naguguluhang tanong ko at inusisa ito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD