CHAPTER 6

1713 Words
Gosano “ANONG nangyayari sayo Yna? Bakit ka sumigaw at umiiyak?” naguguluhang tanong ko at inusisa ito. “Sir? Wala po binangungot lang po ako! Ganito lang po talaga ako kapag nakainom! Kaya hindi po talaga ako pwede na magpakalasing, pasensya na po!” Nauutal niyang saad. “Binabangungot ka? Okay lang ba?” nag aalala kong tanong sa kanya kaya tumango ito at pinahid nito ang luhang naglandas sa mga pisngi nito. “Kung ganun, ay ’wag ka na ulit iinom, lalo na kung wala ka kasama! Iyan ang ikamamatay mo kapag nagpakalasing ka pa ulit!” babala kong sabi kaya dahan-dahan naman itong tumango. “Pasensya na po, hindi na po mauulit! Nakalimutan ko po kasi akala ko po kasi ay hindi ako malalasing at kaunti lang naman ang ininom ko!” Sabi naman nito kaya napailing iling ako, ‘konti lang daw eh halos ayaw na nga niyang tigilan ang alak.’ Bulong ko at hindi ko na iyon sinabi rito. Kaya pinahiga ko na ulit ito at kinumutan. “Sige na matulog ka na ulit! Hindi ako lalabas dito hangga’t hindi kita nakikitang makatulog ng maayos.” SAMANTALA “ANONG sinabi mo, makikipaghiwalay ka na sa akin at babalikan mo ang lalaking iyon? Nahihibang ka na ba, akala mo ba ay tatangapin ka pa niya matapos mo siyang palitan!” Nagagaiting saad sa akin ni Troy matapos kong sabihin sa kanyang break na kami. “Oo, at alam kong mahal niya pa rin ako!” Mayabang na sabi ko naman dito kaya lalo itong nagalit. “Seryoso? Walang lalaki ang kaya pang tumagap ng pagkain na matapos kang isuka ay isusubo ka niya ulit!” Sagot naman ni Troy at galit na nilapitan ako at hinaklit ang braso ko dahil sa galit nito. “Oo, kumpiyansa akong mapapaibig ko muli si Gosano! Kaya iiwanan na kita at bahala ka na sa buhay mo!” Binawi ko ng braso ko at malakas ko siyang itinulak umayos ako sa pagkakatayo at umalis sa silid na iyon. ‘Gusto kong bumalik kay Gosano at nag sisisi ako sa ginawa kong pag iwan dito at ipinagpalit ko siya sa walang kwentang Troy na iyon.’ “Bahala ka sa buhay mo at kapag pinagtutulakan ka niya ay hindi ka na makakabalik pa sa akin tandaan mo iyan.” Pahabol pa na sabi nito pero hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Kinuha ko ang aking mga bagahe sa taas noong lumabas sa impyernong bahay na ito. Hindi na rin ako pinangahasang habulin pa ni Troy kaya nakahinga ako ng maluwag. ‘I’m back my love Gosano, hindi na ako makakapayag na muli tayong magkalayo, sana ay mapatawad mo pa ako!’ YNA NAGISING ako kinabukasan at nakita si sir. Gosano sa tabi ko na natutulog kaya napamaang ako at tahimik na umupo sa kama. Hindi ako ay makapaniwala na siya ay natulog dito sa katabi ko akala ko ng makatulog ulit ako ay agad niya akong iniwan ngunit nagkamali ako. Dahan-dahan akong tumayo at hindi gumawa ng ingay at naglakad ako patungo sa banyo. Naghilamos ako at nagsipilyo ng ngipin tapos ay dumiretso na ako ng ligo dahil amoy alak na ako at pagkatapos ay lumabas na ako mula roon. Hindi ko na nakita roon si sir Gosano kaya nakahinga ako ng maluwag dahil nahihiya ako na makita niya ako sa ganoong ayos nakatapis lang nag tuwalya dahil nakalimutan kong magdala ng bihisan. Matapos kong makapag-ayos at makapag bihis ng pang office ay agad na akong bumaba. Doon ko nakita si Sir sa may sala na hindi pa naka ready kaya binati ko ito. “G-good morning po Sir!?” nahihiya kong bati dito pero pinigilan ko ang sarili ko na huwag mautal dahil sa hiya at kaba sa nangyari kagabi. “Magandang umaga rin Yna!” ngunit binati niya lang ako habang naka ngiti ito kaya nagtaka ako sa ginawi nito. “Siguro nagtataka ka kung bakit hindi pa ako nakabihis will dahil magdaday off tayo pareho! Kaya magbihis ka na ulit at hindi ka rin papasok ngayon!” “Pero po pangalawang araw pa lang po. . .Ngunit pinutol nito ang mga sasabihin ko pa sana. “So what ako ang amo mo kaya ako ang masusunod! Kaya huwag ka ng kumontra diyan at magpalit ka na at aalis tayo may iba tayong pupuntahan!” Saad nito kaya hindi na ako nakipag talo pa rito. “Okay po sir, sabi ko nga po!” Kaya dali-dali na akong umakyat para magbihis. Ilang minuto lang ang ginawa kong pagpalit ng damit at agad na akong bumaba at nakita ko itong nakabihis na rin ng pang alis. Kaya sabay na kaming lumabas ng bahay nito. Bubuksan na sana ni sir Gosano ang sasakyan at ako naman ay ang gate nang biglang bumukas ang gate at may isang magandang babae ang pumasok doon kaya natigil kami pareho ni sir at napabaling ang tingin namin sa babae. Tiningnan ko ang babae ng maigi at nagulat ako dahil siya ang babaeng lagi ko napapanaginipan. Noon sa tuwing binabangungot ako at kagabi kahit na lasing ako ay maayos pa naman ang memorya ko. ‘Sino siya at anong ginagawa niya rito bakit may dala itong mga bagahe?’ sa isip ko at napatingin ako kay sir na natulos sa kinatatayuan nito. Gulat din ito habang nakatingin sa babae. Habang ang babae naman ay binitiwan ang mga dala at mabilis na tumakbo papalapit kay sir. Pero bago pa makalapit ang babae ay nagulat ako sa mga sumunod na ginawa ni Sir. Gosano. Agad niya akong nilapitan at mabilis na hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya kaya hindi ko sinasadyang napayakap ang isang braso ko sa bewang din ni Sir at nasalat ko ang matipuno niyang kalamnan. “Umayon ka lang sasasabihin ko. Yna! Mamaya ko na lang iexplain sayo ang lahat!” Pabulong na sabi nito kaya nawala ako sa focus at wala sa sarili akong napatango. “Anong ginagawa mo rito, Veron!” Napatigil naman ang babae sa paglapit sa amin at nagpalipat lipat ang tingin nito sa amin ni sir. At ilang segundo lang ang nakalipas ay nawala ang excitement sa magandang mukha nito at napalitan ng pagkalito. Katulad ko rin na nalilito din sa mga nangyayari at tinatanong ang aking sarili kung sino ang babaeng ito? At kung bakit bigla na lamang umakto si sir ng ganun sa akin? “Act my girlfriend Yna!” mayamaya ay bulong nito sa akin kaya tinitigan ko siya. Habang ang babae ay lumapit sa amin at naramdaman kong mapanganib ito, dahil halata sa mga tingin nito na may tinatago itong pagkamaldita. Ngunit huwag niya lang ako angasan dahil kung maldita siya at may attitude, mas ma-attitude pa rin ako kaysa sa kanya. “Hi sweetheart, do you miss me!” malanding saad ng babae at, sinusubukan niyang yakapin si sir Gisano, ngunit bahagya ko itong itinulak papalayo. Syempre kung aakto akong kasintahan ni Sir ay dapat galingan ko, dahil sisingilin ko siya sa service fee sa pagpapanggap ko. Sinulyapan ako ni Sir at ganoon din ang ginawa ko. Kailangan kong kumilos nang maayos para hindi ako mahalatang magpapanggap lang. “Honey! sino siya?” Malambing kong tanong at pinulupot ko ang braso ko sa tiyan nito at isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nito. “Ah siya ba honey, siya iyong ikinuwento ko sayo na ex ko, remember!” Sagot naman ni Sir kaya natawa ako sa acting nito para kasing diring diri siya ng sabihin iyon. Pero ang totoo ay hindi naman niya sinabi sa ang tungkol sa dating kasintahan nito. ‘Opss paano nga naman sasabihin ni sir, eh nagpapanggap lang naman kami nito.’ “Seryoso honey, huwag mong sabihin sa akin na may kontak pa kayo ng babaeng iyan?” kunwari ay nag seselos ako sa babae. “Wala na hindi ko nga alam bakit siya nandito? You? What brought you here Veron?” baling naman nito sa babae matapos akong sagutin. “Gas, may bago ka na ulit? Akala ko ba ako ang mahal mo? nagsisisi na ako sa mga nagawa ko please forgive me honey!” Naluluha namang nagsalita ang babae kaya napataas ang kilay ko kasi halata namang peke lang ang iyak niya maarte kasi ang pagkakasabi nito. “Seriously, Veron? Matapos mo akong iwanan at lukuhin. Sa tingin mo mahal pa kita, can you see! Matagal na akong nakamove on sayo! She’s the proof na nakamove on na ako sayo!” Taas noon sabi ni Sir. At halata sa boses nito na may galit pa siya sa babae bago niya ako itinuro pero hindi iyon pinansin ng babae. “No hindi ako naniniwala? Ako pa rin ang mahal mo, kaya iwanan mo na siya!” Umiiyak pa ring sabi nito sasagot pa sana si sir ngunit inunahan ko na ito. “Honey huwag mo na lang iyan pansinin, at huwa na lang tayo umalis pasok nalang tayo sa loob nakakawalang gana na umalis!” Pagpuputol ko naman sa kadramahan ng babae, subalit bumaling ang tingin nito sa akin at galit ako nitong sinigawan. “You shot up ugly b*tch, wala kang karapatang sumabat sa usapan namin!” Duro nito sa akin kaya nagpanting ang tainga ko sa sinabi nito. “Blah, blah blah, may karapatan ako, new gf niya ako baka nakalimutan mo? Kaya pwede ba umalis ka na! Sinisira mo lang ang araw namin!” taas noo kung sagot naman kaya lalo itong nag galaiti. “Baka nakalimutan mo na rin, na ikaw ang nagloko sa inyong dalawa, kaya tanggapin mo na lang na hindi ka na babalikan ng boyfriend ko, can you see masaya na siya sa akin kaya get lost!” Nang iinis na sambit ko rito. Sa totoo lang ay hinulaan ko lang ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Sinulyapan naman nito si Sir at nagsusumamo sa lalaki ngunit taas noo lang na nagsalita si Sir dito. “Narinig mo naman ang sinabi ni Yna I mean Honey! Veron, kaya’t hindi na kita nais na makita ka pang muli sa pamamahay ko, kaya makakaalis ka na!” Seryosong sabi nito kaya napatingin naman ako rito. Mababakas pa rin kasi sa mga mata nito ang lungkot at galit sa babae kaya alam kong nasasaktan pa rin ito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD