YNA
“AYOKO, hindi ako aalis dito tulad ng nakikita mo dito ako kayo kung ayaw niyo maghiwalay, pwes pwede naman kaming mag salo ng babaeng iyan sayo.” Nagmamatigas na sabi ni Veron daw ang pangalan kaya pataas talaga ang kilay ko sa sinabi nito.
Habang si Sir naman ay kita sa mga mata nito ang hindi makapaniwala sa sinabi ng babae.
“Seriously Veron? Ganyan ka na ba ka despirada na balikan kita?”
“Of course para patunayan ko sayo na mahal na mahal pa kita ay handa akong maging third party niyo ng b***h na iyan.” taas noong sagot nito at inirapan pa ako matapos niya akong hagurin ng tingin.
‘Jusmeyo, desperada nga!’ saad ko naman sa aking isipan habang lihim pa akong napailing sa aking sarili.
“Yna right? Humanda ka dahil sinisigurado ko sayo na babalik sa akin si Gas! At ikaw mababaliwala ka lang sa kanya, kaya kung ako sayo ay igive up mo na ito at ibalik mo na lang sa akin si Gosano!” Taas noong saad nito kaya tinaasan ko naman ito nang kilay.
“In your dreams! Ang laki naman ng kumpiyansa mo sa sarili mo!” Sagot ko naman dito.
Pumagitna naman sa amin si Sir at humarap siya sa akin at may binulong.
“Mag ingat ka sa kanya Yna. Kilala ko siya at alam kong seryoso siya sa mga sinabi nito. Kaya mangyaring lumayo sa kanya, at huwag mag-alala kung sakaling hindi talaga siya aalis. Babantayan ko na lang bawat kilos niya. Basta hanggat nandito siya ay alam mo na ang ibig kong sabihin.” Mahaba habang bulong nito kaya napatango ako.
“Okay po, ako na lang iiwas sa kanya sir! Kaso hindi ko maipapangako sayo na hindi ko siya papatulan. Once na inirgabyado niya ako, never ko siyang aatrasan!” Nakataas kilay ko namang sagot sa kanya na pabulong rin kaya nakita ko itong napangiti.
“Salamat!” Bago ko pa malaman ang gagawin niya ay nayakap niya ako.
At kita ko sa sulok ng máta ko na nagpupuyos sa galit at selos ang babae kaya lihim ko itong nginisihan.
Ma tsa-challange yata ako nito sa mga susunod na araw.
GOSANO
PAGKATAPOS kong balaan si Yna, ay niyakap ko ito para ipakita kay Veron na tuluyan ko na nga itong nakalimutan.
Ngunit sa pinakasulok ng puso ko ay mararamdaman ko pa rin ang sakit at lungkot sa mga ginawa sa akin nito.
Pero kailangan kong panindigan ngayon ang ginawa kong pagpapanggap sa hárapan ni Veron na tuluyan ko na itong kinalimutan sa pamamagitan ni Yna.
Alam kong mali ang gumamit ng tao para lamang ipamukha sa dati kong kasintahan na naka move on na ako sa pananakit nito sa damdamin ko. Ngunit ito lang ang aking paraan para ipakita sa babaeng ito na kaya kong mabuhay na wala siya at kaya kung rin siyang ipagpalit at hindi lang ito.
Matapos ko itong yakapin ay inaya ko na itong ituloy ang pupuntahan namin at iniwan na namin si Veron sa labas at bahala na ito kung totoohanin niya ang sinabi nito kanina ang importante ay nakita kong nasaktan ito sa mga ginagawa ko.
Ilang oras din kaming nasa labas ni Yna. Ang kaninang saglit lang namin sanang pag alis ay inabot ng pitong oras at hindi na namin namalayan ang oras ng makauwi na kami ni Yna galing sa pinuntahan kong site ng ipinapatayo kong resort na naclose deal ko kay Mr. Loreno.
Nang makarating kami sa bahay at nang pumasok kami sa loob ay nakita namin si Veron na nakaupo sa sala habang nanonood ng TV, na may isang baso ng juice sa kanyang kamay habang nakadikwatro pa ang mahaba at maikinis nitong binti.
At nang makita niya kami ay agad itong napatayo at masasabi kong galit na galit itong napatingin sa amin.
Kaya napabusangot ang mukha ko dahil sineryoso talaga nito ang manatili sa pamamahay ko. Ngayon ko lang napatunayan kung gaano talaga ito kadesperada at kakapal ang mukha.
“Baby, ang tagal niyo namang bumalik, kanina pa ako naghihintay sa inyo dito.” Saad nito matapos kumapit sa braso ko kaya pinilit ko iyong alisin ngunit di ko magawa dahil para itong tukong napakapit sa akin. hinarap ko muna si Yna na hindi rin maipinta ang mukha kaya humanga ako sa galing nito dahil sineryoso talaga nito ang pagpapanggap.
Sinabihan ko itong umakyat muna sa silid nito at mag bihis na, na agad naman nitong sinunod pero bago iyon ay suminyas muna ito kay Veron na itinuturo ang dalawang daliri na hintuturo at hinlalato nito sa mukha ng babae at pabalik sa mga mata nito na nag sasabihin. Umayos daw ito dahil nakatingin lang daw ito kay Veron, kaya lihim akong napangiti.
Ngayon lang ako natuwa kay Yna, dahil ganap na ganap ito sa pagpapanggap na kasintahan ko mula kay Veron.
Hindi pa sana mawawala ang tingin ko kay Yna kung hindi lang ako hinatak ni Veron kaya napabaling ang tingin ko rito.
“Can you please! Stop! Veron tama na itong kahibangan mo at dalhin mo na iyang mga gamit mo at umalis ka na sa pamamahay mo!” Madiing saad ko rito. Pero sumimangot l lang ito at lalo pang nagkunyapit sa braso ko kaya marahas kong inalis ang kamay nito.
“Hindi Babe, ayaw ko, hindi na kita iiwan pa, kaya patawarin mo na ako sa ginawa ko sa iyo, please! Sorry na!” Naiiyak na paghingi nito ng tawad sa akin ngunit umiling ako.
“Pinatawad na kita mula noong iniwan mo ako at ipinagpalit, pero huwag mo asahan na makikipag pabalikan pa ako sayo!” iling ko kaya lalo itong umiyak.
"Hindi mo na ba talaga ako kayang balikan, alam kong malaki ang kasalan ko sayo. Kaya nga bumalik ako para itama ang lahat! Kaya sana bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon! Please!” Sagot nito at saka ito lumuhod sa harapan ko kaya itinaas ko ito at umiling dito.
Ngunit hindi pa ako nakakasagot ay inilapit nito ang mukha sa akin at sinubukang halikan ako ngunit itinulak ko siya palayo.
“Veron, itigil mo ito, at nasaan ang mga bagahe mo?” iwas ko at iniba ang tanong ko.
“Nasa silid mo babe!” Ngumiti ito at lalapit pa sana ngunit mabilis agad akong umiwas.
“Ano? At bakit mo doon inilagay ang mga bagahe mo. Hindi ka na dito nakatira kaya wala ka ng karapatang tumuloy sa silid ko.
Kaya binibigyan kita ng kinsi minuto, upang umakyat ngayon at kunin ang mga bagahe mo at lumabas ka na sa bahay na ko, dahil kahit napatawad na kita ay hindi ka pa rin makakatuloy dito.” Galit kong sabi dito na inikagulat nito dahil siguro sa lakas ng boses ko.
“Fine, kukunin ko ang bagahe ko sa silid mo pero, hindi ako aalis sa bahay na ito. Kung ayaw mo akong makasama pwes, bibigyan ko ng karapatan ang sarili ko na tumira dito. Ang bahay na ito ay magiging impiyerno para sa ating tatlo!” Pagbanta niya sa akin at padabog itong naglakad paakyat sa itaas kaya marahas akong napasabunot sa buhok ko.
‘Ang tigas talaga ng ulo nito, kung hindi kita mapipilit na umalis dito, panahon na siguro na ako naman ang mananakit sayo tulad kong paano mo ako saktan noon.’
Nasabi ko na lamang sa sarili ko at napakuyom ang kamao ko, dahil sa inis at galit. Oo may kunti pa akong galit kay Veron at maganda na siguro itong pagkakataon upang siya naman ang masaktan sa pagkakataon na ito.
‘Hindi ko hahayaan na paikotin at saktan mo naman mo ako Veron.’
ITUTULOY