CHAPTER 8

1424 Words
VERON “GINA, may ipapahanap ako sa iyo na information tungkol sa babaeng nangangalang YNA CHRISTOVAL.” “OKAY miss Veron, pwede ko bang mahingi ang picture niya para may idea ako na mukha ng paiimbestigahan mo?” Sagot naman ng tinawagan kong imbestigador. “Of course ipapadala ko sayo mamaya.” Sagot ko naman at saka napangisi “Okay po masusunod po!”. “Good salamat aasahan ko na madali mo siyang makukuhanan ng impormasyon lahat ng baho niya rin ay kailangan mong mahanap.” Muli kong saad bago ko binaba ang tawag at saka mabilis kong kinuha ang cellphone ko para makuhanan ko agad ng picture ang pesteng babaeng iyon. Agad akong lumabas ng aking silid at lihim kong kukuhanan si Yna ng larawan. Binuksan ko ang pintuan at hinanap ko ang babaeng iyon ngunit hindi ko siya mahanap kahit sa silid niya ay wala ito. Ngunit lalabas na sana ako ng marinig ako nang lagaslas ng tubig sa banyo ng kaya sa palagay ko ay naliligo ito. At nakita ko ang cellphone nito na nakapatong sa side table na malapit sa banyo nito kaya dahan-dahan akong lumapit sa table at kinuha ko ang bagay ba iyon at sinubukan kong buksan iyon. Sa kabutihang palad ay hindi siya naglagay ng anumang security lock sa kanyang telepono. Kaya napangiti ako at agad kong hinanap ko ang kanyang gallery at nakita ko ang maraming larawan doon. At mabilis akong naglipat ng dalawang larawan mula sa aking cellphone at agad kong binura ang ebidensya at agad na ibinalik ang cellphone nito sa mesa at mabilis akong bumalik sa aking silid at agad kong pinadala kay Gina ang larawan nito. Kinagabihan matapos ang pagligo ko at isinusuot ang aking pinaka-sexy na nightgown na halos kita na ang aking makinis na mga hita. Kaya agad akong lumabas para tunguhin ang silid ni Gosano. At nang makarating ako sa pintuan nito ay agad akong kumatok habang nagpaskil ng nakakaakit na isang ngiti. “Sino iyan?” sagot nito pero hindi ako sumagot. Kaya agad akong pumasok at isinara ang pintuan sa aking likuran at nakita ko siyang nasa kama habang kaharap ang kanyang laptop. “Ano ito Veron? What are you doing in my room?” Nagtatakang saad nito nang humarap ito upang tumingin sa akin. “Good evening babe. Pumunta ako rito upang dito sana matulog sa iyo, hindi kasi ako makatulog mag-isa sa kwarto ko eh!” nang aakit na saad ko dito at pinalungkot ko ang boses ko para maawa ito sa akin. “WHAT! I don’t care! Kung hindi ka man makatulog mag-isa sa silid mo!” Galit na tanong sagot matapos nitong tanggalin sa lap nito ang laptop. “Babe. Naman, hayaan mo lang akong matulog dito hanggang bukas. Sigurado akong wala namang masasabi ang kasintahan mo, sabihin mo lang sa kanya na hindi ako makatulog nang mag-isa sa silid, kaya ako napunta rito!” At lumakad ako sa kanya at agad akong yumuko upang makita niya ang aking cleavage na alam kong hindi niya kayang matanggihan. Hindi naman ito kumilos at titig na titig lamang ito sa akin. Kaya ngumiti ako at hinawakan ang malambot niyang labi, at iniyuko ko ang aking mukha, upang halikan ito na hindi naman tumutol. Ngunit ilang segundo na magkalapit ang aming mga labi ay hindi pa rin ito tumutugon kaya napatingin na ako sa mukha nito. Pero hindi ako nakahuma ng bigla na lamang may isang kamay ang tumabig sa akin papalayo sa kama, kaya muntik na akong ma out balance kaya agad akong napatingin sa gumawa niyon sa akin! Ang kasintahan ni Gosano. “Kaya sinubukan mong akitin ang aking kasintahan dahil takot ka lang mag isa!” Tanong ni Yna sa akin habang galit na nakatingin sa akin. Pero bago nito pakinggan ang sasabihin ko ay bumaling ito kay Gosano at marahas na pinunasan nito ang labi ng babe ko. “What are you doing here! At bakit ka nakikialam?” Galit din sabi ko at inis na dinuro ito. Pero bago pa ako makahuma ay binigyan niya ako ng isa mainit na sampal hindi iyon sobrang lakas pero masakit pa rin ito kasi manipis lang ang balat ng mukha ko kaya naramdaman ko pa rin ang sakit niyon dahil medyo mabigat ang palad nito. “Ouch how dare you to slap me b***h!” “Hoy babae! Baka gusto mo ipaalala ko kung bakit may karapatan akong makialam, hello, girlfriend niya ako!” taas kilay na sabi nito kaya napatili ako sa sobrang inis. “Halika na honey, hayaan mong mag isa din ang babaeng iyan dito sa silid mo. Doon ka sa silid ko matulog. At ikaw babae, ’wag na ’wag kong makikita na lumalapit ka Si. . .Gosano. Kundi kakalbuhin kita!” Babala niya sa akin matapos hatakin si Gosano na nag pahatak din naman at agad na silang lumabas sa silid na iyon. Inis ko namang sinipa nang husto ang kama, dahil sa inis at galit dahil sinira lang ng babaeng iyon ang plano ko ngayon. Galit na lang akong lumakad papalabas at pumunta na lang sa aking silid. YNA HINDI ako makapaniwala na sinubukan ng higad na iyon na sedyusin si sir, mabuti na lamang at agad kong nakita ang ginagawa ng babaeng iyon. Matapos ko kasing maligo kanina ay nagpasya akong bumaba upang uminom ng tubig ng makita ko nga ang babaeng iyon na papunta sa silid ni Sir Gosano ay kinutuban ako kaya sinundan ko ito. Narinig ko ang boses ni sir na galit itong nagsasalita at malamang si Higad ang kausap nito. Kaya dahan-dahan akong sumilip sa silid ni Sir Gosano. At doon ko na rinig ng malinaw ang pinag uusapan ng dalawa. At nang makita ko na hindi komportable si sir sa presensya ng babae ay nakialam na ako kaso kumulo ang ulo ko sa hindi ko malamang dahilan ng makita kong hinalikan ng babaeng higad si sir sa labi. Kaya pumasok ako ng tuluyan sa silid ni Sir at walang sabi-sabing tinabig ko ang babae at bahagya ko itong naitulak. Pero wala akong pakialam may karapatan naman ako kasi kasintahan ko si Sir. . .? Ay hindi pala nagpanggap kaming mag kasintahan nito kaya may karapatan na rin akong putulan at alisin sa landas ni sir ang babae, dahil nakita ko naman dito na sincere talaga si sir. Na huwag ng papasukin muli sa buhay nito ang babaeng iyon. “What are you doing here! At bakit ka nakikialam?” Galit na sabi nito at inis na dinuro ako kaya sinampal ko ito ang ayaw ji pa naman ay dinuduro-duro ako. “Ouch! how dare you to slap me b***h!” galit na saad nito kaya tinaasan ko ng kilay ang babae matapos kong punasan ang labi ni sir na natigilan naman sa ginagawa ko. Ngunit kinindatan ko lang ito bago ako humarap ulit kay higad este Veron. “Hoy babae! Baka gusto mo ipaalala ko kung bakit may karapatan akong makialam, hello, girlfriend niya ako!” taas kilay na sabi ko lalong nainis ito pero wala ako pake. “Halika na honey, hayaan mong mag isa rin ang babaeng iyan dito sa silid mo. Doon ka sa silid ko matulog. At ikaw babae, ’wag na ’wag kong makikita na lumalapit ka kay Si. . .Gosano. Kundi kakalbuhin kita!” Babala ko muntik ko ng tawagin sir si sir mabuti at napigilan ko hinatak ko na lang si Sir. At agad na kaming lumabas sa silid na iyon matapos kong kunwaring binantaan ang babaeng iyon. “Salamat Yna, sa pagdating mo akala ko tuluyan na akong mari-rape ng babaeng iyon!” Natatawang sabi niya sa akin matapos kaming makarating sa silid ko. ‘Ah! Bakit niya ako pinasasalamatan? Eh trabaho ko naman iyon! Bilang fake girlfriend niya?’ “Wala po iyon sir, ngunit sorry kung nasampal ko ang ex mo, kailangan kasi para lalong maging makatotohanan ang akting ko bilang gf mo!” Walang anumang sabi ko. “Hahaha! Wala iyon. Mabuti nga iyon ng madala at nang hindi na niya ako, gambalain pa!” Nakangiting sabi nito kaya natulala ako saglit sa pagngiti nito. ‘Ang gwapo kasi sarap halikan’ Naku-naku erase-erase! Naiiling kong bulong sa sarili ko. Umupo naman ito sa kama ko, matapos nitong matawa. Kaya natawa na rin ako ngunit mapawi ang ngiti ko ng muli itong nagsalita at sa pagkakataon na iyon ay maayos na ang sinabi nito. “Pero paano nga kung totoong kasintahan kita. At nakita mo kami sa ganoong tagpo anong gagawin mo?” ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD