CHAPTER 9

1401 Words
YNA “PERO paano nga kung totoong kasintahan kita. At nakita mo kami sa ganoong tagpo anong gagawin mo?” Tanong niya, kaya napakurap ako ng aking mga mata. “Hmm! Hindi lang sampal ang aabutin niya sa akin. Baka makarating siya sa kama ng ospital dahil kakalbuhin ko siya kasama pati anit niya!” Itinaas ko ang aking kamay upang ipakita sa kanya ang aking maliit na kalamnan sa braso. Kaya natawa naman siya hanggang sa hinawakan niya ang baywang ko at inilapit niya ako sa kanya ng tumayo siya mula sa aking kama. Nagulat naman ako sa ginawa nito kaya hindi agad ako nakahuma. “Ang brutal mo palang mag selos kung gan’on. Seryoso, kanina ang galing mo nakikita ko talaga na para ka talagang nagseselos, kahit nagpapanggap ka lang bilang girlfriend ko!” Seryosong sabi nito kaya napalunok ako ng wala sa oras. “Siyempre Sir, dapat kung galingan at ipakita sa ex mo na tunay mo talaga akong kasintahan.” Ngumiti ako at bahagya siyang itinulak ngunit hindi ito natinag. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha ko kaya kadangkal na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t isa. ‘Anong ginagawa niya? Susubukan ba niya akong halikan?’ Bulong ko sa aking isipan at napapalunok ako nang sarili kong laway. “May nakapagsabi na ba sayo na maganda ka Yna!?” biglang sabi nito at ngumiti ng napakagwapo. Nabigla ako sa sinabi nito kaya hindi agad ako nakapagsalita. ‘Sinasabi niya bang nagagandahan siya sa akin!’ “Wala po sir? Bakit nagagandahan ka ba sa akin?” “Oo!” “Ah! Eh! Salamat po sir, gwapo ka rin naman sir! Sa katunayan nga crush kita. . . Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay nasabi ko na ang mga katagang iyon kaya natutop ko ang aking bibig. Napataas naman ang kilay niya at tumitig sa akin, ganun din naman ako sa kanya kaya pareho kaming napatitig sa isa’t isa. Hanggang ang kanyang tingin ay natigil sa aking mga labi at maya-maya pa ay patuloy na lumapit ang mukha nito sa akin. ‘Hahalikan ba talaga niya ako?’ “Ahm! Sir, naduduling po ako, a-ang lapit po kasi ng mukha mo!” mabilis kong sabi para matauhan ito at baka kapag ’di ko pa napigilan ay baka tuluyan ko ng hindi makontrol ang sarili ko, malapa ko pa ang mapupulang mga labi nito. “Ahm, ah! Oo! Pasensya na, akala ko kasi may dumi ka sa labi mo, aalisin ko sana.” Nauutal na saad naman nito pero napapangiti ako ng lihim. ‘Aalisin daw ang dumi, gamit ang labi niya palusot pa more!’ Para siguro totoo ang sinabi nito ay agad niyang hinawakan ang aking mga labi gamit ang kanyang hinlalaking daliri at sinimulang punasan ang gilid ng labi ko nang marahan. “Ayan wala ng dumi, s-sige na magluto ka na gutom na rin kasi ako!” Sabi pa nito at binitiwan ang baywang ko at agad itong Naglakad papalabas sa silid ko. Napapangiti naman akong na iiling habang naiwan ako sa aking silid. Ilang segundo lang ay lumabas na rin ako at tumungo sa kusina para maghanda ng makakain. GOSANO INAALALA ko ang nangyari kanina at napangiti ako. Ang husay talaga umarte ni Yna hanggang sa dumako ang iniisip ko sa muntik ko ng halikan naman ito. Mabuti na lang at nakaisip ako ng palusot kaso halata naman kaya nahihiya na lang akong iniwan siya sa silid nito at tumungo na lang muna sa library sinadya ko rin tagalan doon para hindi ko na sila masabayan sa pagkain. At nang makita ko ang oras ay tumayo na lang ako sa swivel chair na kinauupuan ko at lumakad papalabas doon at tahimik na akong naglakad, para bumababa sa kusina kaso napadaan ako sa silid ni Yna at parang may sariling isip ang mga iyon na tinungo ang silid niya. Sinilip ko muna ito saglit at nang makita kong mahimbing na itong natutulog ay napangiti ako. Isinara ko na ulit ang pintuan ng silid nito at tumuloy na ako sa paglakad. Nadaan ko rin ang inookupa ni Veron na silid kaya napatingin din ako roon. At iniisip kung paano ko pa ito pa ito papasakitan hindi man pisikal, ngunit sa emosyonal naman at para maramdaman din ito ang sakit ng ilang beses niya akong saktan ng lokohin at iwanan niya ako noon. Nabumuntong-hininga na lamang ako at naglakad papunta sa aking silid dahil nawalan na ako ng ganang kumain. Dumiretso na lamang ako sa banyo at naligo. Upang maibsan ang nararamdaman kong bigat ng maalala ko naman ang masakit kong kahapon sa piling ni Veron. Nang matapos at nang makapag bihis na ako ay kinuha ko ang aking cellphone at dina-dial ang numero ng aking kanang kamay na si Luis. “Hello Luis, kumusta ang kompanya?” Tanong ko. “Ayos lang po sir, wala naman naging problema, bakit ka nga po pala hindi ka nakapasok sa kompanya kahapon? Ano pong nangyari?” “Oo, nagpasya akong mag live kahapon dahil tinanghali ako ng gising ng magcelebrate kami kahapon, at saka may tiwala naman ako sa inyo, lalo at na close na natin ang deal kay Mr. Zamora.” Sagot ko naman. “Ah ganon po ba sir. Mabuti nga po iyon at nang makapagpahinga na naman kayo!” Natutuwa namang sabi ng kanang kamay niya kaya napagiti ako. “Salamat! Oh siya iyan lang naman at saka kaya nga rin pala ako tumawag upang sabihin sa iyo na hindi pa rin ako makakapasok sa opisina hanggang sa susunod na Lunes! Kasama ko si Yna dahil may mga gagawin lang kaming importante! Kaya ikaw na lang magpaliwanag sa lahat, okay!” Bilin ko pa sa kanya. “Okay po Sir, no problem! Kayo naman ang may ari kaya magbakasyon kayo hanggat gusto niyo, he he!” masayang sabi nito kaya napailing ako at ngumiti ng bahagya. “Salamat, sige na ibaba ko na ang tawag mag ingat kayo at siguraduhin na lahat ng mga empleyado ay nagawa ng maayos, sige na bye!” Huling sabi ko at ibinaba ko na ang tawag. KINABUKASAN, Bumaba ako mula sa aking silid at nakita ko si Veron sa kusina ng pumunta ako roon para magtimpla ng kape. ‘Ano ang ginagawa niya? Hindi naman siya mahilig tumambay dito sa kusina noon dahil ayaw nitong naiinitan?’ Bulong ko at nang makita niya ako ay ngumiti na parang maamong tupa. “Magandang umaga Babe, kumusta ang tulog mo nakatulog ka ba ng maayos?” Tanong nito at patuloy na gumawa sa kusina. “Ano ang ginagawa mo dito? Sa pagkakaalala ko hindi ka naman mahilig magluto?” Tanong ko at tumungo sa counter at nagtimpla ng aking kape. “I heard that you called Luis last night that you didn't come to the office first so I decided to cook for you. Ngayon tamang tama na natutulog pa rin ang kasintahan mo kaya ako na muna ang nagprepair!” masayang sagot naman nito kaya napatango ako. “Kung ginagawa mo ito, Veron para makuha mo ang loob ko pwes sinasabi ko sayo na hindi iyan o'obra sa akin. So if I were you I would leave early in my house. Para hindi ka na masaktan at mag pakandahirap pa sa effort mo!” mahaba kong sabi dito kaya natigilan ito at hindi nakapagsalita. “Sorry, Gas pero hindi ako susuko, hangga’t hindi ka bumabalik sa akin! Never!” Ngunit nakabawi naman agad ito. “Talaga! Okay kung iyan talaga ang gusto mo, bahala ka! Pero sinasabi ko sayo, hindi na tayo babalik pa sa dati, dahil may mahal na akong iba at nasa taas ang babaeng tinutukoy ko!” Suko ko kung sagot naman sa kanya dahil kahit anong sabihin ko ay ’di umubra kay Veron. “Siguro naman narinig mo ang sinabi ng boyfriend ko sayo, Veron dahil malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi niya sayo!” May nag salita mula sa likuran namin kaya napalingo kami ni Veron doon at nakita namin si Yna sa may pintuan. Kaya napangiti ako at nilapitan agad ito at walang babalang niyakap ito at hinalikan sa noo nito at matamis ko itong binati. Napaigtad naman ito matapos ko itong yakapin, kaya muli akong napangiti. Nag eenjoy na talaga akong yakapin ang babaeng ito. Ang lambot at ang bango kasi nito para itong sanggol na kay hirap iwasan. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD