CHAPTER 10

1713 Words
GOSANO “FINALLY you’re awake honey, kumusta ang tulog mo?” tanong ko sa kanya. “Okay naman honey lalo na at katabi kita matulog last night! Nag almusal ka na ba? sorry kung ngayon lang ako nagising.” Sagot naman sa akin ni Yna sabay yakap sa balik sa akin kaya napangiti ako. “It’s okay! Pwede mo naman ako gawan ng breakfast! Hihintayin ko!” Sabi naman nito sabay kumawala sa aking pagkakayakap. Kaya nabitin ako sa yakapan namin. Ayaw ko pa sana itong bitawan ngunit nakawala na ito sa pagkakahawak ko. Kaya no choice ako kundi tuluyan ko na siyang binitiwan. “Ikaw! Tabi ka nga riyan, lulutuan ko na si Honey ng breakfast niya. Hindi kasi siya kumakain kung hindi ako ang nagluto kaya ikaw na lang ang kumain ng niluto mo!” Saad nito kay Veron at bahagya nitong sinangi si Veron kaya naiinis namang sinamaan nito ng tingin si Yna. Inirapan lang naman ito ng dalaga at tuluyan ng lumapit sa gas stove at naghanda ng agahan namin. Nilapitan ko naman si Yna at hindi na pinansin pa si Veron. At masuyong niyakap ang beywang ng dalaga, mula sa likuran nito at masuyong nagsalita. “Napakasarap mo talagang magluto, honey! Kaya mahal na mahal kita eh!” “Ikaw talaga bolero!” hagikhik na sagot naman nito kaya nakalimutan kong pagpapanggap lang ang lahat sa pagitan naming dalawa. Ngunit naputol ang lambingan namin ni Yna sa harapan ni Veron ng mabilis na nakalapit ito kay Yna kaya hindi kami nakahuma ng sabunutan nito ang huli. “You! How dare you treat him like that! Gas is mine! Ako ang una niyang minahal kaya dapat ako ang nasa katayuan mo at hindi ikaw!” Galit na galit na sabi ni Veron kay Yna ng sabunutan na nito ang babae at ilayo ito sa akin. “Veron, stop that! Nasasaktan mo si Yna!” galit ko namang awat dito pero tinulak niya ako, kaya nawalan ako balanse mabuti na lamang at mabilis akong kumilos kaya hindi ako tuluyang natumba. Pero ang hindi ko inaasahan ay nabaliktad ang sitwasyon ng dalawa dahil mabilis na nakakilos si Yna at agad nitong nahila ang sariling buhok sa pagkakahawak ni Veron. At ito naman ang mabilis na sumabunot dito. “Akala mo ay hindi kita kayang palagan pwes nagkakamali ka!” kalmadong sabi lang ni Yna kaya namangha ako sa akto nito. Habang si Veron naman ay gigil na gigil na sumisigaw dahil hindi nito mahila ang sariling buhok sa pagkakasabunot ni Yna. Dahil halos lahat yata ng hibla ng buhok nito at nakapulupot sa kamay nito. “Ah! b*tch let me go! Help me babe!” Umiiyak na sabi lang ni Veron sa akin habang pilit pa ring kumakawala, kaya natauhan ako at agad kong inawat ang dalawa. “Enough na iyan! Yna! Nasasaktan na si Veron!” pigil ko kay Yna na natatawa dahil hindi ko mapigilan dahil sa itsura ni Veron para kasi itong batang binubully dahil nanlilimahid na ito sa luha at pawis. “Siya ang nauna, kaya iyan ang napala niya!” “I know but look at her! Para na siyang kawawang bata at parang matatanggal na anit niya kaya bitiwan mo na siya!” Nagpipigil pa rin sabi ko dahil pinipigilan kong huwag matawa sa sitwasyon ni Veron. “At ikaw naman Veron. Siguro naman ay madadala ka na at hindi ka na gagawa ng bagay na ikakagalit ni Yna. Kung gusto mong tumagal dito na may buhok pa ay ’wag mo ng kakantihin pa si girlfriend ko, maliwanag!” Baling ko namang wika kay Veron kaya napapatango ito. “Okay! Okay but please!! Sabihin mo sa kanya na bitawan na niya ako!” nainis na naiiyak na sabi nito. Lumipat naman ang tingin ko kay Yna at sininyasan na bitiwan na niya ang huli. Kaya napabuntong-hininga pa muna ito at patulak na binitawan nito ang buhok ni Veron. “You! Hindi pa tayo tapos, nanalo ka ngayon kaya aalis ako kung iyan ang magpapasaya sainyo! But hindi ito ang huli nating pagkikita. Sisiguraduhin kong mababawi ko si Gosano sayo! Kaya humanda ka!” Gigil na gigil na sigaw nito kay Yna. “Wala akong pake!” taas kilay na sabi naman ni Yna. Napangiti naman ako at binigyan ko ng lihim thumbs up ito, ngunit naibaba ko naman agad iyon ng bumaling ang tingin sa akin ni Veron. At walang sabi-sabing nilapitan ako nito at nagnakaw pa ng halik mula sa akin. “And for you, babe! Hintayin mo lang ako, dahil babalik ako muli at sisiguraduhin kong babalikan mo na ulit ako! But for now babaunin ko muna itong matamis mong halik!” Malanding sabi nito kaya na itulak ko ito. “’Wag ka ng umasa pa! Veron!” Sabi ko rin at marahas kong pinunasan ang labi ko dahil nandidiri ako sa itsura nitong nanglilimahid dumikit pa yata ang luha at pawis nito sa labi ko. Inis namang itong lumayo sa akin at sinampal ako bago ito nagsisigaw na nag walk out sa kusina. Nakita ko namang natatawa si Yna at tila nandiri rin ng makita ang ginawa ni Veron sa akin. “Sorry sir. Kung natawa ako. Hindi ko mapigilan kadiri eh!” YNA GALIT na lumabas ng lumabas ng tuluyan si parrot este Veron ng bahay ni Sir Gosano pero bago ito tuluyang umalis ay masama niya akong tiningnan. Inabangan ko talaga ang pag alis nito kaya iniwan ko muna si Sir at pinatay ko muna ang niluluto ko kanina ng malingat si sir. “Hindi pa tayo tapos babalik ako at sa pagbabalik ko, sisiguraduhin kung ikaw ang mapapaalis sa buhay ni Gas. Tandaan mo iyan!” Galit na saad nito. Kaya tinasaan ko naman ito ng kilay! ‘Okay! Hihintayin kita. Tapos ay magsimula ang labanan natin! Tingnan natin kung sino una sa ating susukong dalawa!’ bulong ko naman sa aking sarili at ngumiti dito. Kinuha na niya ang kanyang mga bagahe at pagbagsak na isinara ang pinto matapos itong lumabas ng bahay. Tumalikod na ako at nakita ko si Sir na nakangiti sa akin. “Ginawa mo ang isang mahusay na trabaho Yna! Salamat!” Saad naman nito at inabot niya sa akin ang kanyang kamay para makipag-handshake na ginawa ko naman. “Okay sir, basta para sa cru. . .I mean sa’yo boss! Basta may sahod ako dito ah!” Sagot ko naman at agad kong binitawan ang palad nito. “Mamaya na natin iyan pag-usapan kain muna tayo ng agahan.” Wika nito. “Sige po sir! Ipagpapatuloy ko muna ang naudlot kong niluluto!” Sagot ko naman ng nakangiti, ngunit napasigaw ako sa gulat nang bigla na lang niya akong binuhat na parang bagong kasal kami. Kaya mabilis akong napahawak sa kanyang leeg upang mabalanse ko nang maayos ang aking sarili. Naglakad ito habang buhat ako ngunit huminto siya at tinitigan ang aking mga mata nang mataman. Hahalikan na naman ba niya ako? Nakakarami na siya ah! Lalabas na yata ang puso ko dahil sa kaba! GOSANO MATAPOS ko itong kargahin ay napatitig na naman ako dito, lalong lalo na sa kanyang magaganda at kulay kayumanggi mga mata at ang natural na mapupula nitong mga labi. Hindi ko naman tuloy mapigilan na halikan ito ngunit na pigilan niya ako. Ngayon ay nararamdaman kong hindi lang paghanga sa kagandahan nito ang nararamdaman ko ngayon. Aaminin kong nagkakapuwang na ito sa aking puso baka nga nagkakagusto na ako sa kanya. Ibinaba ko siya ng makarating na kami sa kusina, dali-dali naman itong lumapit sa lababo at nakita ko siyang kumuha ng isang basong tubig at lumapit sa naputol nitong pagluluto. Habang ako naman ay patuloy lang sa pagnanakaw ng sulyap sa kanya hanggang sa maghanda na ito ng pagkain sa mesa ng maluto ang niluluto nito. Maya-maya pa ay kumakain na kami habang tahimik ko pa rin siyang sinusulyapan. Alam kong na iilang ito pero pinipilit nitong maging normal ang kilos at galaw niya. “Salamat Sir, siguro naman sir pwede na natin pag usapan bayad mo sa akin sa pagpapanggap kong fake gf mo, wala na si parrot este ex gf mo! Galing ko ’diba?” Halata sa boses nito na nagbibiro lang kaya sinakyan ko naman ang biro nito. “Bayaran ka ng pera? Okay pero hindi pera ang ibabayad ko sa iyo ngayon!” Ngumiti ako ng matamis. “Hindi mo ako binabayaran ng pera? Kung gayon ano po ang ibabayad mo? Excuse me po, ilalagay ko lang itong pinagkainan natin sa lababo!” Saad nito at tumayo upang dalhin ang mga pinagkainan namin sa lababo. Ngunit sinundan ko ito ngunit mabilis lang itong pumihit kaya nagkagulatan kami nang lumingon ito sa akin. Kaya natawa ako sa reaksyon ng mukha nito ang cute lang! Akala ko ay iiwas ito sa akin, ngunit umatras lang ito kaya lumapit pa ako sa kanya, hanggang sa patuloy lang ito sa pag-atras. Hanggang na korner ko ito sa may gilid ng counter kung saan nandoon ang sink ng lababo. Inilagay ko naman ang aking kanang kamay sa dingding niyon at ibinaba ko ang aking mukha mas malapit sa mukha nito. “Tulad nga ng sabi ko! Hindi pera ang ibabayad ko sayo.” Pinutol ko ang katahimikan at nagsalita ako malapit sa labi nito. “A-ano nga po ibabayad niyo?” nauutal na sagot nito. “Paano kung bayaran kita ng isang halik na lang tatanggapin mo ba?” Matamis na tanong ko at tinudyo ko ng aking labi sa mga labi nito kaya nanlaki ang mga mata nito. “Halik po! Pero Sir! Bakit ka pinagpapawisan. O-okay ka lang po ba?” nauutal at nag aalalang tanong nito sa akin. Tumango naman ako, ngunit hindi ko makontrol ang paghihimok na halikan siya. Kaya bago pa magbago ang isip ko ay mabilis ko na itong hinalikan ng mariin na halos madurog ko na ang kanyang mga labi. Hindi tulad ng mga nakaraan na magaan lang ang halik na iginagawad ko sa kanya. Ngayon ay malalim, mariin mapaghanap at nakakasabik. Sa umpisa ay nanunulak pa ito pero nagulat ako nang tumugon na siya pabalik sa halik ko at napapantayan na niya ang bawat galaw ng mga labi ko sa bibig nito kaya lalo akong nadarang sa pagkasabik dito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD