CHAPTER 11

1346 Words
YNA HINDI ako makapaniwala na hinahalikan niya ko kaya kailangan ko ng gisingin ang aking sarili sa mga halik nito, bago ko pa pagsisisihan ang lahat ng mangyayari. Kaya pilit ko itong nilalaban sa pamamagitan ng pagtulak ngunit kay hirap talagang labanan ang damdaming lumulukob sa buong sistema at pagkatao ko. Kaya hindi ako makapaniwala na hinahalikan ko na rin si sir, ngayon. Mapusok at buong pananabik kaming naghahalikan nang labis na halos kapusin na kami ng hininga. Pero bago pa may mangyari na higit pa sa inaasahan ko ay itinigil na nito ang paghalik sa akin, at idinikit nito ang noo sa akin noo, kaya doon lang ako nakabawi ng hininga at ganoon din ito. Tumingin ako sa kanyang mga mata matapos ang makapigil hiningang naming halikan at doon lang ako natauhan ng makita ang mga mata nito na tila nanunukso doon ko lang naalala na hindi dapat ako basta na magpapahalik dito dahil hindi naman kami totoong magkasintahan. Kaya bigla akong nahiya rito at dahil sa kahihiyan ay walang sabi-sabi ako tumakbo sa aking silid at iniwan ito sa kusina. Naramdaman kong sumusunod ito sa akin kaya lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo at agad na nagkulong sa silid ko. Nang makapasok ay nanghihina akong napa-upo sa kama habang patuloy na naglalaro sa aking isipan ang eksenang muntik ko ng pagkalimot sa mga halik nito kaya napangiwi ako sa sobrang hiya dahil sa panandalian kong pagkalimot kanina. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga katok sa aking pintuan sabay ng pagsasalita ni sir mula sa labas ngunit hindi ko ito pinansin at pinagbuksan ng pintuan. ‘Yna, huwag mong sabihin sa akin na mahal mo na siya?’ tanong ko ang aking sarili. Tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko at nakita kong tumatawag sa akin ang aking ama. ‘Ano kaya ang kailangan nito at tumatawag ito sa akin?’ Tanong ko sa aking isipan at agad na sinagot ang tawag nito. “Hello Anak, kumusta ka na diyan?” bungad nito sa akin. “Hello po tatay. Mabuti naman po ako, ikaw po ba?” sagot ko naman at napabuntong hininga ako. “Okay lang kami dito anak, tumawag lang ako upang kumustahin ka, sinabi kasi sa akin ng iyong ina na nagtatrabaho ka na raw sa kompanya ng iyong boss bilang isang PA niya totoo ba iyon?” “Opo Tatay, totoo iyon, kumusta po pala sina inay diyan?” tugon ko naman. “Mabuti naman siya, ang kapatid mo naman ay ayos na salamat nga pala sa ipinadala mong sahod noong isang araw napagamot ko na siya at ayon sa doktor ay maayos na raw ang kalagayan niya. Kaya huwag ka na ng mag alala, iyon lang naman ang itinawag ko ngayon, kaya alagaan ang iyong sarili riyan at huwag kang magpakapagod!” Mahabang wika ni tatay kaya nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi nito. “Okay po tatay ingat kayo riyan magpapadala ulit ako sa susunod na sahod ko sa makalawa!” huling sabi ko kaya nagpaalam na ito matapos akong paalalahanang mag ingat palagi. Kaya napangiti ako ng ibinababa na nito ang tawag. Ibinaba ko na ang aking cellphone sa kama at tumayo at binuksan ko na ang pintuan, matapos kong makiramdam kong nandoon pa si sir sa labas. At nang masiguradonh wala na nga ito roon ay mabilis ko nang isinara ang pintuan. Mabuti naman at tumigil na ito sa kakakatok sa pintuan kaya nakahinga na ako ng maluwag at panandalian kong nakalimutan ang nangyari kani-kanina lang mabuti at tumawag si tatay kanina kaya may rason ako para hindi ko na kausapin pa si sir kanina. GOSANO KANINA pa ako kumakatok sa silid ni Yna matapos kong sundan ito ng takasan niya ako kanina. Subalit ayaw ako nitong pagbuksan kaya nalungkot ako at hinayaan ko muna siyang makapag-isa lalo na ng marinig ko rin na may kausap ito sa cellphone kaya nagpasya ako na huwag na muna ito abalahin. Naglakad na lang ako sa koridor ng naka pamulsa habang iniisip ang nangyari kanina. At kung paano ko siya haharapin mamaya. Hindi ko talaga kasi napigilan na biruin ito kanina na hindi pera ang ibabayad ko rito at sa hindi ko malaman dahilan ay halik na lang ang sinabi ko ritong ibabayad ko sa kanya. Mahirap kasing tanggihan ang mga labi nito na huwag kong halikan ng napatingin ako roon ang natural na mapupulang mga labi niya ay nakakasabik nakakaakit kaya sabik iyong sinibasib ng halik. Mabuti na lamang at malakas ang kapit ng kontrol ko sa aking sarili kaya hindi ko na pinalabis pa ang halik na iginawad ko rito kaso na miss interpret niya yata ang naging aksyon ko kanina kaya siguro na hiya ito at basta na lamang niya akong iniwan pero mas maganda na iyon at baka hindi lang halik ang maigawad ko rito kanina. Napapangiti akong patuloy na inaalala ang halik na pinagsaluhan namin ni Yna, ang kanyang mga labi ay malambot at matamis. Kaya sa totoo lang ay nabitin ako pero hindi ko naman ito pwedeng pwersahin. May oras naman at panahon para magawa ko rito ang gustong gawin dito kaya maghihintay ako. Ang gagawin ko muna ay kung paano ko makukuha ang loob nito upang masabi ko dito ang totoong gusto kong sabihin dito kanina dahil hindi naman talaga iyon ang gusto kung sabihin ditong surpresa. Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa pintuan ng aking silid dahil sa pag-iisip ko kay Yna kaya napangiti ako, buo na rin ang desisyon ko tungkol kay Yna, liligawan ko na ito simula bukas at gagawin ko ng totohanin ang pagiging magkasintahan namin sa lalong madaling panahon. Pumasok na ako ng tuluyan sa aking silid at agad na humiga sa kama, pero bago ako magpahinga dahil wala naman akong gagawin mamaya ko na lang kakausapin ulit si Yna. VERON NAIINIS at nagagalit pa rin ako dahil sa nangyari kanina mabuti na lamang at hindi ko pa ipagbibili ang aking condo unit kaya may tinuluyan pa rin ako matapos akong palayasin sa bahay ni Gas sa bahay niya. Matapos kong maayos ang mga dala kong gamit ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawag ko ulit si Gina, ‘Nakita mo na ba ang mga larawan na ipinadala ko sayo kahapon?” Tanong ko matapos nitong sagutin ang tawag ko. “Oo, at nakilala mo na siya dati pa!” anito. “Ah? Papaano?” nagtatakang sagot ko naman dito. “Naaalala mo ba noong araw ng may pinabugbog kang dalagita noon ten years ago na ang nakakalipas dahil nabungo ka lang ng dala nitong isang timbang may lamang isda noong nabubuhay pa ang mga magulang mo na kasing edad mo lang din. Dahil sa natamong pambubog ng mga bodyguard mo ay halos manlupaypay na ito na naging sanhi ng pagkalimot niya sa trahedyang iyon dahil napuruhan ito. Tapos ng magsampa ng kaso sayo ang mga magulang nito ay inareglo naman ng mga magulang mo mga ito. Kapalit ng pagpapagamot ng magulang mo sa anak nilang pinabugbog mo. At walang ibang iyon kundi itong si Yna Christoval.” Mahabang salaysay nito sa akin kaya napaisip ako at doon ko lang naalala ang lahat. “OMG! What a small world!” Hindi ako makapaniwala na si Yna pala iyon. Sinabi naman ang makakalimot sa pangyayaring iyon lalo na at muntik na ako noong makulong. Pero wala na rin naman akong pakialam hindi naman niya ako maalala. I think! Gosh! Hindi pa rin ako makapaniwala! “Okay salamat Gina, maasahan talaga kita! Tatawagan na lang kita ulit. Bye!” pinutol ko na agad ang tawag. Kahit nalaman ko na ang tungkol kay Yna ay wala pa rin akong pakialam. Hindi pa rin ako susuko at saka matagal na iyon sabi nga ni Gina ay walang naalala ang b*tch na iyon dahil sa natamo nitong temporary memory lost, kaya sisiguraduhin kong wala pa ring magbabago sa mga plano ko at alam ko na ang gagawin ko. Dahil sa gagawin kong palabas ay tiyak ay ako na ang babalikan ulit ni Gosano. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD