GOSANO
BUMANGON ako mula sa aking kama at lumabas ng silid nakaidlip pala ako habang nagpapahinga.
Nakita ko si Yna na nasa kusina, nang makababa ako roon. Nakita niya ako kaya ibinaba nito ang hawak na tasa na iniinom nito at mabilis na lumakad palabas sa kusina halata sa kilos nito ang pag iwas sa akin.
'Bakit kaya siya umiiwas sa akin?’ napatanong ako sa aking sarili habang nakatingin sa nilabasan ni Yna.
Kaya sinundan ko ito upang tanungin.
“Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ko, nang makarating ako sa kinaroroonan nito.
Nagulat pa ito kaya napatigil ito sa paglalakad.
“Hindi ah! Hindi naman kita iniiwasan sir!” sagot niya ngunit naramdaman kong kinakabahan siya dahil halata sa tono ng pagsasalita nito.
“Hindi iyon ang nakikita ko, iniiwasan mo ako I’m sure. Dahil ba iyan sa halik na pinagsaluhan natin kahapon nahihiya ka ba?” Saad ko naman dito. Kaya sunod-sunod itong umiiling.
“Hindi po sir ah!” maikling sagot niya.
“Nararamdaman ko, kaya huwag mo ng ikaila!” Pagkasabi ko niyon nilapitan ko ito kaya napaatras ito.
“S-sir! Huwag kang munang lumapit please! Huwag mo na akong halikan at baka bumigay na ako ng tuluyan!” Nauutal na sabi nito at tinakpan niya ang kanyang bibig. Napangiti naman ako pero lalo pa rin akong lumapit dito hanggang sa magkalapit pa lalo ang mukha at katawan namin sa isa’t isa.
“Paano kung halikan ulit kita ngayon ikakaila mo pa rin ba?” nanunudyong tanong ko kaya lalo pang mas hinigpitan nito ang pagtakip sa kanyang bibig ng sarili nitong palad.
"Huwag kang maglakas-loob sir! Kundi sisipain kita!” Sabi nito kaya natawa ako.
“Joke lang naman masyado ka naman napaghahalataan!” Pagkasabi ko niyon ay dumistansya na ako sa kanya kaya nakahinga ito ng maluwag.
“Sige na hindi na kita aasarin pa, kaya ipagpatuloy mo na ang pagluluto mo sa kusina dahil gutom na ako.”
Napapangiting wika ko kaya tumango ito at dahan-dahang umiwas sa akin. Sumunod naman ako sa kanya at pinagmasdan ko ito habang nag prepare ng lulutuin.
Kaya nakaisip ako ng kalokohan habang seryoso na itong nagluluto.
Binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa kaliwa niyang pisngi at pagkatapos ay tumakbo palabas ng kusina.
“Sir, bakit mo ako ginulat. Puputulin ko talaga iyang mga labi mo pagkatapos ko rito!” Naiinis na sigaw naman ito sa gulat kaya napahalakhak na ako ng tuluyan.
YNA
HALOS mawala ang kaluluwa ko ng magulat ako kanina habang nagluluto ako sa kusina. Bigla kasi akong ninakawan ng halik ni Sir, Gosano na hindi ko namamalayan.
“Sir, bakit mo ako ginulat. Puputulin ko talaga iyang mga labi mo pagkatapos ko rito!” Naiinis na sigaw ko sa gulat.
Pero nang marealize ko ang ginawa nito ang gulat at inis na nararamdaman ko ay napalitan ng kilig dahil sa pagnakaw ng halik nito sa akin kahit pa nagulat ako sa ginawa nito.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti na parang temang ng marinig ko ang saya sa boses ni Sir, Gosano na tumatawa habang papalayo ang mga yabag nito papalabas sa kusina. Napapailing na lang ako sa kalokohan nito.
Lumipas ang ilang minuto ay masaya akong naghain ng mga pagkain dining area at pagkatapos kong maihanda ang lahat ay lumabas ako doon para hanapin si Sir upang alukin ito na kumain.
Nakita ko ito sa may garden kaya agad ko itong nilapitan.
“Sir, kakain na po!” tawag ko rito kaya nakangiti naman itong humarap sa akin.
“Puputulin mo na ba ang labi ko kaya ka nandito?” nanunudyong sagot naman nito kaya umiling ako.
“Hindi po, aalukin sana po kitang kumain iyon lang!” nakasimangot ko namang sagot dito.
Ngumiti naman ito at saka naglakad na para pumasok sa dining area. Masigla itong umupo roon sa inihain ko sa kanyang pagkain at magana itong nag umpisa ng kumain.
Inalok niya akong umupo at sabayan ko raw siya kaya humila na rin ako ng upuan at naglagay na rin ng pagkain sa plato ko at sinabayan ko na nga ito roon. Di nagtagal ay natapos na kami kumain, na hindi na muli pang nag usap.
Katatapos ko lang maghugas nang bigla itong muling sumulpot at mataman niya akong tiningnan na tila may gusto itong sabihin.
“Bakit po sir? May kailangan ba kayo?”
“Ahm! Ano kasi, baka gusto mo manood tayo ngayon ng movie? Kung okay lang sayo!” Sa wakas ay nagsalita ito kaya napatingin ako rito.
“Aba Sir kung libre mo naman ay bakit ko iyan tanggihan.” Sagot ko naman dito at napangisi.
Sa ilang buwan ko ng pagtatrabaho sa kanya ay napalagayan ko na rin naman siya ng loob kahit papaano kaya malakas na ang loob na ring kausapin ko ito ng kaswal.
Naglakad naman ito papalapit sa akin kaya hinarap ko na ito ng tuluyan matapos kong punasan ang kamay ko sa malinis na basahan.
“Oh ano tayo na!” Saad nito at iniabot ang kanyang kaliwang kamay sa akin.
“Saan po ba!” wala sa sariling tanong ko at natulala sa kagwapuhan nito.
“Sa mall, para mag date. . . at manood ng sine.” Diretsong sagot nito sa akin kaya napamulagat ako.
“Huh! Sir! Mag d-date tayo?” Namula ko namang sabi.
“Oo, huwag mong sabihin na binabawi mo na ang pagsagot mong Oo!?”
“Ahm, hindi po, kaso wala naman po akong magandang damit na isusuot! Puro pang maid uniform at pang opisina na lang po ang damit ko!” Nahihiya ko namang pagsabi dito.
“Don’t worry kahit ano namang suotin mo ay bagay naman sa iyo.” Kaya namula ang pisngi ko.
Tinapik naman niya ako sa aking balikat at muling ginalaw ang kamay nito na kanina pa nakaabot sa akin kaya napangiti ako at magaan kong iniabot ang palad ko sa malambot na palad ni Sir Gosano kaya pinagsalikop nito ang mga palad namin.
Naglakad na kami sa itaas at pumasok sa kanya-kanya naming silid at agad na nagbihis, simple lang ang sinuot ko isang blouse na kulay rosas at isang asul maong panta. Hindi na ako nag lagay ng kolorete sa aking mukha. Dahil hindi na rin naman kailangan friendly date lang naman iyon kaya hindi ko na kailangan pang magbihis ng bongga.
GOSANO
UMALIS na kami para manood ng sine at ilang sandali lang ay nasa mall na kami. Papunta na sana kami sa Sinehan nang makita ko ang isang magandang dilaw na dress off shoulder at may disenyo ng mga maliliit na mga itim na butterfly kaya na pangiti ako at naimagine ko ang damit na suot-suot na ni Yna.
Naglakad ako papunta sa boutique at hinila ang kamay ni Yna. Nagtataka na lamang itong napasunod sa akin papasok.
“Yna, halika tingnan mo ito.” Saad ko sabay turo ko sa dress na nakaagaw ng aking pansin.
Ipinakita ko naman sa kanya iyon kaya napatingin naman ito sa damit at kita ko ang paghanga sa mga mata nito sa damit na iyon.
“Wow! Sir ang ganda naman iyan? Bibilhin mo ba?”
“Oo! Maganda ba?” Tanong ko kaya napatango ito.
“Oo, maganda!" Bulalas niya.
“Kung ganoon, halika isukat mo na!” Nakangiti kong saad.
Kinuha naman niya ang dress at nag aalangang pumunta sa dressing room ngunit bago siya pumasok doon ay tumingin muna ito sa akin at tiningnan niya ako na parang inaalam nito sa akin, kung totoong susukatin niya iyon kaya ngumiti at tumango naman ako sa kanya.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ng lumabas ito roon na suot na niya ang dress na binili ko sa kanya. Kaya natulala ako dahil sobrang bagay at ang ganda niya lalo sa suot niyang iyon kaya hindi ko napigilang bahagya akong napanganga lalo ng ngumiti ito sa akin.
ITUTULOY