CHAPTER 13

2001 Words
GOSANO “ANG ganda mo, bagay na bagay sayo!” sabi ko sa kanya habang hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. “Salamat Sir, pero mukhang hindi naman bagay sa akin ang damit?” sagot naman niya habang nahihiyang nakangiti. “No! You’re beautiful in that dress kaya huwag kang mahiya!” nakangiti ko namang sagot. Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop ko ang mga palad namin at naglalakad papunta sa sinehan matapos naming manood ay niyaya ko itong kumain sa isang restaurant na sinang ayunan naman nito. Ilang minuto lang ang biyahe namin at agad kaming nakarating sa restaurant. “Wow! Napakaganda naman ng lugar na ito sir, siguro mahal dito?” masayang sabi niya, habang papasok kami sa Restauran. Isang tao ang lumapit sa amin at hinatid kami sa isang mesa at agad na kinuha nito ang order namin. Inalalayan ko itong umupo at doon na inilatag ng waiter ang menu. “Good afternoon sir, ano pong order niyo!” tanong sa akin ng lalaki na nag assist sa amin. Sinabi ko naman ang order namin kaya agad naman tumalima ang waiter para ihanda ang order namin na Cassata, Lasagna roll ups, Baked caprese chicken, Scarpariello Pasta na isang italian dishes na pinakapopular na inoorder dito sa Italiani Restaurant. “I like this place sir, ang eleganteng tingnan sir, mahal yata dito!” Nahihiyang saad ni Yna sa akin kaya napangiti naman ako. Habang ito ay abala sa kakatingin sa buong lugar pagkatapos ay bumalik ang tingin nito sa akin. “Ito ang sorpresa ko sayo at nais kong itigil mo muna ang pagtawag sa akin ng sir, tawagin mo ako ngayon sa aking pangalan.” Sabi ko naman kaya nakangiti itong tumango sa akin. “Okay po Sir. . .este Gosano!” sabi niya kaya napangiti ulit ako. YNA HINDI ko alam kung bakit dinala ako ni Gosano dito sa mamahaling restaurant pero hindi ko makakailang nasiyahan ako sa pa-dinner date namin ni sir matapos kaming manood ng sine. Matapos makuha ng waiter ang mga pagkain ay masaya akong nagpasalamat sa kanya. Bago ko pinuri ang restaurant na pinagdalhan sa akin nito. “I like this place sir, ang eleganteng tingnan sir, mahal yata dito!” Nahihiyang saad ko naman dito ngunit ngumiti lamang ito sa akin. “Ito ang sorpresa ko sayo at nais kong itigil mo ang pagtawag sa akin sir, tawagin mo ako ngayon sa aking pangalan.” Sabi pa nito kaya napangiti akong tumango sa kanya pero na natigilan ako ng sabihin nitong tawagin na ko na lamang ito sa kanyang pangalan. Pero pumayag na lang ako rito kahit hindi ako sanay na tawagin siya sa pangalan lamang. “Okay po Sir. . .este Gosano!” sabi ko kaya napangiti ulit ito. Maya-maya pa ay dumating na ang inorder nitong pagkain kaya napamulagat ako sa dami niyon. Mukhang masasarap iyon ngunit alam kong ang mamahal niyon. Pero ‘di na ako nagkomento pa at masaya na lang iyong tiningnan. Hanggang sa sinabi nitong kumain na kami kaya nagsimula na akong damputin ang mga utensil at ang una kong nilantakan ay ang pasta. Namilog ang mga mata ko ng matikman iyon at ang sasarap niyon kaya hindi ko napigilan na kumain ng mabilis ngunit napahinto ako ng makita kong nakatingin na ito sa akin imbis na kumain na rin kaya binagalan ko ang pagnguya. Napangiti naman ito na tila hindi na turn off sa pagkain ko kaya pinagpatuloy ko na ulit ang pagsubo. Maya-maya pa ay nagbukas itong paksa para sana may pag usapan kami. Ngunit muntik na akong mabilaukan sa sinabi nito. “Naranasan mo na ba ang umibig dati?” seryosong tanong nito ngunit maayos ko naman iyong sumagot. “Hmm! Minsan. . .pero hindi ko alam kong totoong pag-ibig nga iyon.” Sabi ko naman kaya napatigil ito sa pagsubo nito sana. “Minsan? Kailan? At kanino?” Mga tanong nito. “Sa aking sarili!” Ngumisi ako, at uminom ng malamig na tubig. “Sa iyong sarili? Pwede ba iyon?” naguguluhan na saad nito kaya natawa ako. “Haha, joke lang iyon, hindi pa naman talaga ako nagmahal!” Natatawa kong sagot kaya parang nakahinga ito ng maluwag. Kaya ako naman ang nagtanong dito. “Ikaw sir, este Gosano, bakit nga po pala kayo nagkahiwalay ni Miss Veron.” Tanong ko naman dito at nang marealize ko ang nasabi ko ay natigilan ako. Pero sinagot pa rin nito ang tanong ko. “Si Veron ang first love ko noon. Nahulog ako sa kagandahan niya, noong una ay okay pa naman ang relasyon namin. Habang natagal na nakakasama ko siya doon ko siya nakikilala ng lubusan. Ibinigay ko sa kanya ang lahat ng kailangan niya, ngunit hindi pa pa rin pala iyon sapat ganoon siguro kapag lumaking nakukuha ang lahat ng gusto niya kaya mas tumataas ang standard niya sa mga mamahaling bagay. Ilang beses ko siyang nahuling may kasamang iba na alam kong mapepera. . . Tumahimik siya at tumingin nang diretso sa aking mga mata. “Ilang beses ko siyang pinatawad ngunit paulit ulit niya akong niloloko hanggang sa nagsawa na ako sa kanya kaya pinili ko siyang pakawalan kahit masakit.” Pagpapatuloy nito. ‘Ang babae na iyon ay isang tanga halos perpekto na ito pero bakit nagawa pa nitong pakawalan ang isang tulad nito?’ sa isip-isip ko habang mataman ko itong tinititigan. Natauhan lang ako sa pag iisip ng muli itong magsalita. “Kaya nangako ako noon na hindi na ako muli pang magmamahal dahil ayaw ko ng maranasan na mabigo muli sa pag-ibig. Ngunit nasira ang pangako sa aking sarili.” ‘Sinira niya ang pangako niya? Ano’ng sinasabi niya?’ “Umibig ka ulit?” Sabik na tanong ko at tumango naman siya ngunit parang may tumusok sa puso ko at nakaramdam ako ng lungkot ng sabihin iyon ni Sir Gosano. “Oo, nahulog ulit ako sa isang babae at alam kong iba siya kay Veron!” seryosong sabi nito. “K-kanino ka naman na inlove ulit sir? Kilala ko ba siya?” pinasigla ko ang boses ko ng sabihin ko iyon. “Oo!” “Sino po ang malas na babaeng iyon sir!” pagbibiro ko ngunit natulala ako ng sabihin nito kung sino. “Sa iyo! Yna!” “S-sa akin? Paano? Kailan? Ibig kong sabihin ay huwag kang magbiro ng ganyan sa akin, baka maniwala ako!” Natatawa kong sabi ngunit kinabahan talaga ako sa sinabi nito. “Seryoso ako, Yna! Napamahal ka na sa akin at gusto na kita noon pa noon una tayong magkita! Ako ba Yna kaya mo rin ba akong mahalin?” Titig na titig na saad niya kaya hindi agad ako nakaimik at napaisip ng malalim. “Sir, Gosano! Kung nagbibiro ka lang sabihin nyo na agad kasi hindi nakakatuwang paglaruan mo ang damdamin ko!” Saad ko naman dito. Sasagot na sana ito ngunit hindi nito nakatapos ang sasabihin ng makarinig kami ng putok ng baril. Kaya lumaktaw ang puso ko sa sobrang gulat at ganoon din si sir Gosano. “Ano iyon?” tanong nito at lumipat ang tingin nito sa likuran ko na lumapit sa may glass window na may kurtina pa na manipis at binuksan niya ang iyon ngunit wala kaming nakita. GOSANO MATAPOS kong mag confess kay Yna at malapit na akong makarinig ang tugon mula sa kanya. Ngunit napatigil ito nang makarinig kami ng putok ng baril. Kaya napatingin ako sa likuran nito dahil may glass window doon matapos namin marinig na doon nagmumula ang putok. “Babalik ako Yna, tiningnan ko lang kung saan galing ang putok ng baril na iyon. Huwag kang sumunod okay!” Babala ko kay Yna. Napatingin ako sa ibang direksyon sa labas dahil wala akong nakita sa may bintana. At nang mapadako ang tingin ko sa kaliwang parti ng daan ay may mga armadong lalaki na may tangan na baril ang nasa tapat ng entrance ng restaurant ang mga naroon. Lalabas na sana ako para umusisa ng pigilan ako ni Yna, pero pinabalik ko siya sa kinauupuan niya tututol sana ito pero sinamaan ko ito ng tingin kaya tahimik itong bumalik sa pagkakaupo. Pagkarating ko sa entrance ay may isang lalaking nagsalita na may baril din kaya napatigil ako sa paglabas. “Hoy stay here! Huwag kang kumilos ng masama.” Sabi nito kaya natigilan ako. “Nasaan ang kasama mo?” Tanong ng pa nito kaya napakunot ang noo ko. “Wala akong kasama!” pagsisinungaling ko ngunit tumawa lang ito. “Talaga lang ha, Budoy pumasok ka sa loob at maghanap sa babaeng kasama niya at dalhin siya rito.” Utos nito sa isang kasama nito kaya naalarma ako. Tumakbo ang lalaki papasok sa loob. Pasimple kong tiningnan ang kinaroroonan ni Yna at nakita ko siyang nanginginig sa kinauupuan nito. Habang pumasok na lalaki ay kinuha nito ang cellphone at may tinitingnan dito at pagkatapos ay nagsimulang tumingin tingin ito sa paligid at maya-maya lang ay napadako ang tingin nito kay Yna kaya kinabahan ako. “Hoy ikaw babae, lumapit ka rito dalian mo!” Sabi ng lalaki kay Yna kaya lalo akong kinabahan. “Isa! kapag hindi ka pa lumapit ay pasasabugin ko ang bungo ng lalaking ito!” Saad nito at itinutok ang baril na hawak nito sa direksyon ko kaya napailing ako at tiningnan ko si Yna na huwag sumunod. “Isa. . . Nag umpisang magbilang ang lalaki kaya naalarma si Yna at tumayo. “Anong gagawin mo sa kanya? hindi ko siya kasama kaya ’wag mo siyang idadamay!” Tanong ko. “Sinungaling sabi ng nag utos sa akin na magkasintahan kayo kaya huwag mo akong niloloko!” ngisi ng lalaki. “Kaya miss kung ayaw mong masaktan ang boyfriend mo, dalian mo ng lumapit!” Sabi naman nito kay Yna at lumapit pa sa akin ng kaunti. Kaya lumapit na lang ito sa lalaki habang umiiyak ito kaya naawa ako sa kanya. Malapit na sana itong makalapit sa amin ng bigla kaming nakarinig ng mga sirena ng pulisya kaya lahat ng naroon sa restaurant ay napausal ng panalangin. “God salamat at may mga pulis na!” mga sambit ng mga naroon. Nakita kong nataranta ang mga armadong lalaki lalong lalo na itong nasa katabi ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong agawin sana ang baril, ngunit nakatunog ito kaya magpapaputok ito sa direksyon ni Yna, bago ko pa iyon makuha. Kaya imbis na makipag agawan sa lalaki ng baril ay tinakbo ko ang direksyon ni Yna. Ngunit huli na dahil tumama na iyon sa kanya kaya napasigaw ako. “No!!!” Nang makita kong nabaril na nito si Yna ay mabilis akong lumapit dito ng matumba ito sa sahig ng restaurant para ito ay aking saklolohan. Mabilis kong inangat ang ulo nito at tinapik tapik ang pisngi nito para padilatin ngunit hindi ito nagmulat ng mga mata. Nanginginig ang boses kong kinausap ito. “Yna, gumising ka please! Kumapit ka lang may tutulong na sa atin huwag ka ng bumigay Yna, gumising ka!” natataranta ko ng saad dito habang patuloy ko itong tinatapik ang pisngi. “Gosano, s-salamat at ligtas ka, may sasabihin ako s-sayo!” Mahina itong nagsalita kahit nakapikit at saka unti-unti itong nagmulat ng mga mata, pero hindi iyon sapat para hindi ako mag alala ng sobra. Sinenyasan niya akong ilapit ang mukha ko na ginawa ko naman. Mahina naman ulit itong nagsalita ng mailagay ko na ng aking tainga sa kanyang bibig upang marinig ko siya nang maayos dahil pahina ng pahina na ang mga sinabi nito. “Ano iyon Yna? huwag mo ng piliting magsalita dahil lalong lumalakas ang tulo ng dugo mo sa may balikat.” Ngunit umiling lamang ito at pinagpatuloy ang kanyang sinasabi. “M-mahal din kita Go. . . Ngunit hindi na nito na ituloy ang sinasabi dahil tuluyan na itong nawalang ng malay. Mahal din niya ako! Ngunit narito siya sa isang kritikal na kondisyon ng sa wakas ay tumugon ito sa akin. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD