CHAPTER 14

1406 Words
GOSANO “MAHAL din kita, Go. . .!” Narinig kong sinabi ni Yna at tuluyan na itong nawalan ng malay kahit hindi pa nito natatapos ang sasabihin. “Don’t give up, Yna, huwag mo akong iiwan! Mahal na mahal kita!” Sabi ko naman at hinalikan ko ito sa noo. Sabay dating ng mga pulis at isa isang hinuli ang mga armadong kalalakihan. Hindi rin nagtagal ay may dumating na medic sakay ng ambulansya matapos nilang pulsuhan si Yna ay maingat nila itong isinakay sa stretch bed at isinakay sa ambulansya. Mabilis din akong sumakay doon habang hawak-hawak ko ang kamay nito habang umiiyak. Mabilis kaming nakarating sa pinakamalapit na ospital at agad nilang ibinaba si Yna at mabilis din nila itong inasikaso. Nandito kami ngayon sa operating room habang ginagamot nila si Yna ay hindi ako mapakali sa labas ng OR. Hindi ako pinayagan na pumasok kanina kaya nanatili ako sa labas. Hindi ako makaupo, patuloy akong sumusulyap sa pintuan habang palakad lakad lamang. Kinakabahan ako habang umiiyak dahil sa labis na kaba, sobrang nadudurog ang aking puso sa isiping anumang oras ay baka mawala naman sa akin ang isang babaeng muling nagpatibok ng aking puso. Nanalangin ako ng taimtim habang hawak ang mga salitang binitiwan ni Yna, matapos itong mabaril sa aking harapan. ‘Alam ko ito ay kagagawan ni Veron kaya hindi ko mapapatawad ang babaeng iyon kapag may nangyaring masama sa babaeng mahal ko!’ Kaya pagkatapos nito ay pagtutuunan ko ng pansin ang kasong ito at pinapangako ko sa aking sarili na pagbabayaran nito ang ginagawa nito kay Yna. Habang naghihintay ay narinig ko ang boses ni mommy mula sa likuran ko kaya agad akong na palingon nakita ko si mommy na nagmamadaling lumapit sa akin. “My Son, ano ang nangyari? Nasaan si Yna?” tanong nito kaya lalo akong napaiyak at agad na niyakap ang aking ina. “Mom, nasa loob po si Yna na baril po siya kanina habang nag didiner kami sa isang restawran. H-hindi ko po nais na mamatay siya. M-mahal ko siya mommy, mahal ko siya hindi ko kakayaning mawala siya sa akin.” Paputol putol kung sumbong dito at mas maraming luha ang bumagsak mula sa aking mga mata kaya inalo ako ni mommy na parang bata pero wala akong pakialam. “Hindi ko po mapapatawad ang aking sarili kung namatay siya! Mom hindi ko kaya!” “So Mahal mo na siya? Ibig kong sabihin ay umibig ka na sa kanya?” Tanong ni mommy kaya tumango ako. “OMG, huwag kang mag-alala, magiging maayos siya, manalig ka lang anak sa Panginoon! Shhh tahan na!” Pag aalo nito sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. “Sana nga mom, sana nga!” Nang mahimasmasan ako ay bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ko ito habang umiiyak pa rin. “Mommy. Alam ko sino ang gumawa nito kay Yna. Malakas ang kutob kung si Veron ang nasa likod nito!” Saad ko kaya napakunot ang noo ng aking ina. “Sure ka ba anak sa sinasabi mo? Paano mo nasabi na si Veron ang gumawa nito?” nagtatakang saad naman ni mommy. Kaya ikweninto ko rito ang pagbabalik ni Veron at ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Kaya napamura si mommy habang nagagalit sa mga nalaman nito. “Huwag kang mag-alala Anak, asisikasuhin natin ito mamaya kapag naging okay ang operasyon ni Yna. Kaya ipanalangin natin na walang masamang mangyari sa kanya. Pagbabayaran ng babaeng iyong ang ginawa nito kay Yna. Kaya kumalma ka anak ah!” Tinapik niya ako sa balikat at inalalayan niya akong umupo kaya sumunod naman ako rito. Lumipas ang halos kwarenta minutos nang lumabas na ang doktor mula OR. Kaya agad kaming tumayo ni mommy at mabilis naming nilapitan ang doktor na nagtatagal na ng mask at gloves nito. “Kumusta po siya? Okay lang po ba siya may nangyari bang masama sa kanya tell me dok, tell me?” Tanong ko habang kinakabahan. Bumuntong-hininga muna ang doktor bago ito sumagot. “Huminahon ka sir, ayos na siya. Matibay ang nobya mo nakayanan niya ang niya ang operasyon. Matiwasay namin na tanggal ang mga bala na bumaon sa kanyang dibdib. Kaya’t okay na siya ngayon!” Ang kaninang seryosong mukha ng doktor ay napalitan ng maaliwalas na mukha habang nakangiti ang doktor. Kaya nawala ang takot at kaba ko at nakahinga na kami ng maluwag ni mommy kaya napayakap ako sa doktor. Nakaramdam na ako ng labis na ginhawa, dahil walang nangyaring masama kay Yna! “Maaari na po ba namin siyang makita?” tanong ko. Kaya ngumiti ang doktor. “Yes pero kailangan muna nating ilipat sa maayos na ward ang pasyente bago niyo siya makita.” “Okay po Doctor, maraming salamat!” Nakangiting saad ko dito at muli ko itong pinasalamatan. Nakita naming si Yna na nakasakay ulit sa stretcherbed habang dinadala ng mga nurse kaya ng makita ko ito ay hindi na ako nakapaghintay pa at agad ako lumapit dito at hinawakan ang kamay nito na maaliwalas na nakahiga doon at sumabay na ako sa kanila habang papunta sa VIP ward. Napasunod na lang si Mommy sa akin habang naiiling ngunit binaliwala ko na iyon ang mahalaga ay ligtas na si Yna sa kapahamakan. BINUKSAN ko ang pintuan matapos kong makarating galing sa bahay dahil nagbihis at naglinis ako upang pag nagising ito ay komportable kong itsura ang mabungaran nito. Nakita ko si Yna na nakahiga sa kama. Hindi pa rin ito nagigising kaya muli naman akong napaluha at agad ko itong nilapitan at umupo sa gilid nito at hinawakan kong muli ang palad nito. May bendahe siya sa kanyang balikat kung saan siya nabaril at maputla ang mukha nito ngunit hindi nakakabawas sa ganda nito ang kanyang kalagayan. Kaya kahit paano ay masaya akong ligtas na talaga ito sa kamatayan. “Yna, am sorry hindi kita naprotektahan mula sa mga bala. Ngunit salamat dahil ligtas ka at nanatiling malakas para sa akin, lagi kitang mamahalin, kaya gumising ka na! Bibigyan din kita ng hustisya.” Sabi ko at dinala ko ang likod ng palad nito sa aking labi at marahang hinalikan iyon. Ilang sandaling namayani ang katahimikan nang biglang bumukas ang pintuan at may pumasok doon na dalawang may edad ng babae at lalaki. Kaya napatingin ako sa kanila. Nakita ko sa babae ang pagkakahawig ni Yna kaya alam kong mga magulang ito ni Yna. “Sino ka? A-anong nangyari sa aking anak? May dapat ka bang sabihin sa amin?” Tanong ng matandang babae kaya binitiwan ko muna ang kamay ni Yna at hinarap ko ang mga magulang nito. “M-magandang araw po, ako po ang amo ni Yna. Mangyaring huminahon po muna kayo at umupo!” Sagot ko kaya umupo naman ng mga itp sa sopang naroon. “Pasensya na po kung nakita nyo na nasa ganitong kalagayan ang anak niyo. Humihingi po ako ng tawad. N-na baril po siya ngunit ngayon ay nasa mabuti na po siyang kalagayan.” Malungkot kong sagot at napatingin ako kay Yna na wala pa ring malay. Natahimik naman ang mga ito ngunit hindi nawawala ang mga tingin nito sa akin na parang nang uusig pero binaliwala ko iyon at huminga ng malalim. “Kung ganun, s-sino ang gumawa nito sa anak namin? Nahuli na ba siya, nakulong na!” Mahinahong tanong nila ngunit mababakas pa rin sa mga ito ang sakit at galit sa nangyari sa kanilang anak. “Hindi pa po, pero ginagawa na po ng kapulisan ang lahat para mahuli ang may gawa nito kay Yna.” Sagot ko naman kaya napabuntong hininga naman sila at tumayo ang mga ito para lapitan nila ang kanilang anak kaya umalis muna ako sa pagkakaupo at binigyan sila ng oras para makasama muna nila ang kanilang anak. Makalipas ang isang oras. Ang mga magulang at Yna ay umuwi muna dahil sinabi ko sa kanila na mananatili ako rito at ako na muna ang magbabantay dito. Pinagkatiwalaan naman ako agad ng mga magulang nito lalo na ng sabihin ko ritong mahal ko ang anak nila. At nangako rin ako na magbabayad ng mahal ang may gawa nito kay Yna. Kaya napanatag naman sila. Ngayon ay kami na lang ulit ni Yna ang naiwan. Sinulyapan ko siya na mahimbing pa ring natutulog sa ospital bed at muli ko itong pinagmasdan hanggang sa hindi ko alam na nakatulog na rin pala ako. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD