CHAPTER 5

1340 Words
Pagkatapos ng klase, dinismiss na sila ng kanilang guro. Isa-isang lumabas ang mga estudyante. Napadako ang tingin ni Kael sa canteen. Doon niya nakita si Lara. Mag-isa itong nakaupo sa isang mesa, abala sa pagre-review. May dalawa pang bakanteng upuan sa harap niya. Tahimik. Nakatuon. Parang walang ibang tao sa paligid. Huminga nang malalim si Kael. At sa kabila ng pag-aalinlangan— lumapit siya. Dala ang tray ng pagkain. “Pwede ba akong makaupo dito?” maingat niyang tanong. Saglit siyang tinignan ni Lara. Walang emosyon. Pagkatapos— ibinalik nito ang tingin sa kanyang notes. Parang wala siyang narinig. Bahagyang natigilan si Kael. Pero umupo pa rin siya. Tahimik. Sumubo ng pagkain. Habang si Lara naman ay patuloy lang sa pag-inom ng kape, walang pakialam sa presensya niya. “Ahm… nagkita tayo kanina sa—” Hindi pa siya tapos magsalita— biglang tumayo si Lara. Walang salita. Walang paalam. Kinuha niya ang kanyang gamit— at naglakad palayo. Naiwan si Kael sa mesa. Samantala, dere-deretsong naglakad si Lara palabas ng canteen, hawak ang kanyang kape, tila walang nangyari. Hindi man lang lumingon. Hindi man lang nag-atubiling huminto. Naiwan si Kael sa kanyang kinauupuan. Sandaling natahimik. Ramdam ang bahagyang hiya—hindi dahil sa ibang tao… kundi dahil sa kung paano siya tuluyang binalewala. Napabuntong-hininga na lang siya. “Okay…” mahina niyang bulong sa sarili. Pinili niyang magpanggap na walang nangyari. Agad niyang kinuha ang tray at tumayo. Hindi na siya nagtagal. Tahimik siyang umalis sa kinauupuan, bitbit ang sarili niyang pag-iisip. Matapos ang nangyari sa canteen, hindi na nagtagal si Kael sa gusali. Tumuloy sina Kael sa training ground—malawak, maalikabok, at punong-puno ng sigaw ng mga nag-eensayo. Dito hinuhubog ang katawan. At higit sa lahat— ang disiplina. Agad nagpalit ng damit si Kael. Walang sayang na oras. Sumama siya sa routine—isang lubid ang nakasukbit sa kanyang katawan, habang hinihila ang mabigat na gulong sa likod niya. Kasabay niya— si Renzo. Pareho silang tumatakbo. Mabigat ang hininga. Pawis ang bumabalot sa kanilang katawan. Ngunit hindi sila tumitigil. “Kamusta sa unibersidad?” tanong ni Renzo, bahagyang napangiti kahit hinihingal. “Sa tingin ko naman…” sagot ni Kael, putol-putol ang hininga, “magiging maayos… at maganda ang experience ko doon.” Napangisi si Renzo. “Talaga lang, ha?” Bahagya siyang sumulyap kay Kael. “Parang may iba kang iniisip.” Hindi agad sumagot si Kael. Nagpatuloy lang sa pagtakbo. Mas hinigpitan ang kapit sa lubid. Hanggang sa— “May nakilala ka bang interesting?” muling tanong ni Renzo, may halong pang-aasar. Saglit na natahimik si Kael. Bumalik sa isip niya ang eksena sa canteen. Ang paraan ng pagtingin ni Lara. At kung paano siya binalewala. “Wala,” maikling sagot niya. Ngunit sa tono— hindi kumbinsido. Napangiti si Renzo. Parang alam na niya. “Sigurado ka?” “Hay naku ang kulit,” hingal na hingal na sabi ni Kael, bahagyang napangiti. “Sige na nga—’di magtatagal, ipapakilala ko sa’yo ang magiging girlfriend ko.” Napatingin si Renzo, napaangat ang kilay. “Talaga? Meron na agad?” may halong pang-aasar sa boses. “Oo nga,” sagot ni Kael, pilit pinapanatiling seryoso ang mukha kahit halatang nagbibiro. “Naku, tigilan mo nga ako,” natawa si Renzo. “Ikaw pa? Girlfriend agad?” Hindi na napigilan ni Kael ang mapangisi. “Basta. Hintayin mo.” “Siguraduhin mong hindi ka lang nag-iimbento,” balik ni Renzo, sabay sabay nilang hinihila ang gulong sa likod. Mas binilisan pa nila ang takbo. Mas bumigat ang paghinga. Mas tumindi ang laban ng katawan at pagod. Ngunit sa gitna ng hirap— naroon ang isang bagay na hindi kayang tibagin ng kahit anong training. Ang samahan. Mas binilisan pa nila ang takbo. Bawat hakbang—mas mabigat. Bawat hinga—mas kapos. Humahampas ang gulong sa likod nila, kumakaskas sa lupa, tila humihila pabalik sa kanila sa bawat galaw. “Bilisan mo pa!” sigaw ni Renzo, kahit siya mismo ay hirap na sa paghinga. “Hindi ka mauuna!” sagot ni Kael, pilit pinipiga ang natitirang lakas. Malapit na ang finish line. Ilang metro na lang. Sumabay ang t***k ng puso nila sa ingay ng paligid. Sigawan. Utos. Yapak ng paa sa lupa. At sa huling sandali— pareho silang sumirit. Buong lakas. Walang tinitipid. Sabay nilang natawid ang finish line. Agad silang napahinto. Nakayuko. Hawak ang tuhod. Habol ang hininga. Tahimik sa loob ng ilang segundo. Tanging paghinga lang nila ang maririnig. Hanggang sa— napatawa si Renzo. Napangiti si Kael. Pagod. Pero buhay. At sa sandaling iyon— parang walang problema. “Okey—natapos ninyo sa 40 minuto at 40.04 na segundo.” Malinaw at matigas ang boses ng commander habang nakatingin sa timer. Napatingin sina Kael at Renzo sa isa’t isa. Parang hindi makapaniwala. “Hindi masama,” dugtong ng commander, bahagyang tumango. “Pero pwede pang bumilis.” Hindi na nila halos narinig ang sumunod. Dahil sa sandaling iyon— wala nang mas mahalaga kundi ang resulta. Napangiti si Renzo, saka marahang siniko si Kael. “Sinabi ko sa’yo, kaya natin.” Napatawa si Kael, kahit pagod na pagod. “Oo nga… pero muntik na akong mamatay doon ah.” Pareho silang natawa. Pagod. Pawisan. Ngunit— punong-puno ng adrenaline at saya. Sumunod na training— shooting. Naghati sila sa dalawang grupo. “Alpha!” sabay-sabay na sigaw ng grupo ni Kael. Buong lakas. Buong kumpiyansa. Nagkatinginan sina Kael at Renzo. Isang tango. Walang salita— pero nagkaintindihan. Sa harap nila— mga target na gumagalaw. Pabilis nang pabilis. Paiba-iba ng direksyon. “Woah… matindi ’to,” bulong ng isa nilang kasama. Lumapit ang commander. Malamig ang tingin. “Tatlong putok—sa pagitan ng buckle ng sinturon.” Saglit na tumigil. “Ganun din sa ulo.” Mas lalong tumahimik ang paligid. “Time limit—30 seconds.” Piiiit! Sa isang iglap— kumilos ang lahat. BANG! BANG! BANG! Sunod-sunod ang putok. Si Kael— kalmado. Kontrolado ang paghinga. Parang bumagal ang oras sa kanya. Habang sunod-sunod nang nagpapaputok si Renzo— tumpak. Mabilis. Walang sablay. “Anong nangyayari? Ba’t hindi pa nagpapaputok si Kael?” bulong ng isa nilang kasama. Napatingin ang ilan sa kanya. Nakatayo lang. Tahimik. Nakatingin sa gumagalaw na target— parang may hinihintay. BANG! BANG! BANG! “Woah! Tumpak—tinamaan lahat!” sigaw ng mga kasama kay Renzo. “5 seconds!” sigaw ng commander. At doon lang kumilos si Kael. Bigla. Mabilis. Walang warning. BANG! BANG! BANG! Sunod-sunod ang putok. Walang patid. Isang target. Dalawa. Tatlo. Lahat tinamaan— eksakto sa utos. Hanggang sa huling putok— bahagyang sumablay. CLICK. “TIME!” Tahimik sandali. Saka— nag-react ang grupo. “Haist! Ano ba ’yan!” sigaw ng isa tawanan “Unfair naman! Ang hirap ng ginawa kong tira,last seconds na nga.”sabi ni kael. Napakamot si Kael, bahagyang napangisi. “Timing lang,talaga ang kailangan” casual niyang sagot. Lumapit ang commander. Malamig ang tingin. “Ikaw.” Napatuwid si Kael. “Huwag mong gawing playground ang oras ng drills.” Nawala ang ngisi niya. Saglit. “Opo, sir. Sorry.” Tumingin ang commander— mahigpit. Parang may napansin. Sa likod— napatawa ang mga kasama nila. “Ang yabang mo kasi,” biro ng isa. tawang tawa din si renzo, “Loko-loko ka talaga,” sabi ni Renzo, sabay iling, pero may bahid ng ngiti sa labi. Tinawanan lang siya ni Kael, parang walang bigat ang nangyari. “Effective naman, ‘di ba?” sagot niya, kampante. Umiling si Renzo, napangisi na rin. “Balang araw, mapapahamak ka sa estilo mong ‘yan.” “Hindi pa ngayon,” tugon ni Kael, bahagyang tumingin sa mga target. Sa gilid— nakamasid ang commander. Malamig pa rin ang anyo. Ngunit sa isang sandali— bahagya siyang napangiti. Mabilis. Halos hindi mapapansin. Isang ngiti ng taong may nakita. Hindi lang talento— kundi potensyal. At sa isip niya— iisa lang ang pumasok: “Delikadong bata.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD