Nang makuha ni Kael ang baril mula sa isa sa mga bumagsak na agent hindi na siya nag-aksaya ng oras.
Agad siyang lumabas ng silid.
Sa mismong sandali na makita siya ng mga tauhan—
BANG!
Nauna siyang nagpaputok.
Diretso.
Eksakto.
Tumama ang bala sa isang agent na papasugod pa lang.
Bumagsak ito sa sahig.
Ngunit hindi siya nag-iisa.
Agad siyang tinutukan ng pinuno.
At walang pag-aalinlangan—
BANG! BANG! BANG!
Sunod-sunod ang putok.
Mabilis na kumilos si Kael.
Dumulas siya sa gilid, sumilong sa likod ng mga kalawangin at naglalakihang bakal.
CLANG! CLANG!
Sumasabog ang mga tama ng bala sa metal.
Hinihingal siya.
Hawak ang sugat.
Ngunit nananatiling matalas ang mata.
Sumilip siya sandali—
BANG!
Nagbalik ng putok.
Napaurong ang mga kalaban.
Nagpatuloy ang palitan.
Putok.
Takip.
Galaw.
Hanggang sa—
unti-unting natahimik.
Parehong naghanap ng anggulo.
Parehong naghihintay.
Dahan-dahang gumalaw si Kael sa kabilang bahagi ng bakal.
Kasabay nito—
ang pinuno ay lumitaw din mula sa kabilang panig.
At sa isang iglap—
nagkaharap sila.
Magkaharap.
Magkatutok ang baril.
Iisang distansya.
Iisang pagkakataon.
Walang gumagalaw.
Walang nagsasalita.
Tanging mabibigat na paghinga ang maririnig.
Ngunit sa di kalayuan—
may isa pang agent na nakapwesto.
Tahimik.
Nakayuko.
Dahan-dahang inaasinta si Kael.
Pinapantay ang hininga.
Inaayos ang tutok.
BANG!
Pumutok ito.
Ngunit sa huling segundo—
kumilos si Kael.
Bahagyang umiwas.
Sumingit ang bala sa gilid—
hindi tumama.
Muling gumalaw ang lahat.
Nang makakuha ng pagkakataon—
hindi na nag-atubili si Kael.
Agad siyang tumakbo.
Sa kabila ng sugat sa kanyang bewang, pinilit niyang bilisan ang galaw.
Paikot sa mga kalawangin na bagon.
Palusot sa makikitid na daanan.
Ngunit sa di kalayuan—
may mga matang matagal nang nakatutok sa kanya.
Mga sniper.
BANG!
BANG!
Sunod-sunod na bala ang humabol sa kanya.
Sumasapol sa bakal.
Sumasabog sa sahig.
Mabilis siyang umiwas.
Liko sa kaliwa—
talon sa gilid—
takbo ulit.
Sa bawat galaw—
isang maling hakbang lang ang kailangan para bumagsak siya.
Ngunit hindi pa doon natapos.
“Take the shot.”
Isang malamig na utos ang umalingawngaw.
At sa isang iglap—
BOOOOM!
Sumabog ang isa sa mga lumang bagon malapit sa kanya.
Umalingawngaw ang malakas na pagsabog sa buong depot.
Tumalsik ang katawan ni Kael sa lakas ng impact.
Bumagsak siya sa sahig—
walang kontrol—
walang panangga.
Napangiwi siya sa sakit.
Mas lalong lumala ang sugat.
Halos hindi na siya makahinga.
Sinubukan niyang bumangon—
ngunit hindi niya kaya.
Mabigat ang katawan.
Malabo ang paningin.
Sa gitna ng usok at apoy—
nakahandusay siya.
Mag-isa.
At sa sandaling iyon—
unti-unting lumubog ang kanyang kamalayan.
Hanggang sa—
bumalik ang mga alaala.
Mga pangyayaring matagal na niyang pilit kinalimutan.
Kung paano nagsimula ang lahat.
Ang misyon.
Ang pagtitiwala.
At ang pagtataksil.
NAKARAAN NIYANG BUHAY BAGO PA SIYA NAGING AGENT.
Isang simpleng college student.
Araw-araw tumatakbo papasok sa unibersidad.
Walang iniisip kundi klase, leksyon, at pangarap.
Isang inosente—hindi pa nadudungisan ng mundong kanyang haharapin.
Pagdating sa entrance ng building, saglit siyang huminto.
Tumingin sa bulletin board.
Iba’t ibang anunsyo.
Iba’t ibang mukha ng mundo.
Napadako ang tingin niya sa isang nakapaskil:
Politics and Economics.
Sandali niya itong binasa.
Pagkatapos—
umalis siya.
Parang may hinahanap.
Ilang sandali pa, nakarating siya sa silid-aralan.
Tahimik siyang pumasok.
Ngunit bago pa siya tuluyang makaupo—
narinig niya ang boses ng professor.
“Ang mga bagay na pinaniniwalaan ng lahat sa mundo bilang totoo…”
Paikot-ikot ang professor sa harap, seryoso ang mukha.
“…karaniwan, lumalabas na mali.”
Huminto ito.
At sa hindi inaasahan—
napatingin ito kay Kael.
Direkta.
Parang may nakikita.
“Iyon ay—”
Naputol ang sasabihin nito.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa silid.
Walang nagawa si Kael kundi tumayo nang tuwid.
Nagbigay galang.
“Sa politika at ekonomiya,” panimula ng professor, habang dahan-dahang muling nagsimula at naglalakad sa harap ng klase, “madalas nating iniisip na ang mga desisyon ay ginagawa para sa kapakanan ng nakararami.”
Huminto siya sandali, saka tumingin sa mga estudyante.
“Ngunit ang katotohanan—ang kapangyarihan at yaman ay bihirang gumalaw nang walang kapalit.”
“Halimbawa,” patuloy niya, “kapag may bansang biglang umunlad, tinatanong natin—dahil ba ito sa mahusay na pamumuno? O dahil may mas makapangyarihang puwersang kumokontrol sa likod?”
May ilang estudyante ang napakunot-noo.
“Ang ekonomiya,” dagdag pa niya, “ay hindi lang tungkol sa pera. Ito ay tungkol sa kontrol—kung sino ang may kakayahang magdikta kung saan pupunta ang yaman, at kung sino ang maiiwan.”
Dahan-dahan siyang lumapit sa pisara.
“Sa politika naman,” isinulat niya ang salitang POWER, “hindi ito palaging tungkol sa serbisyo.”
Tumigil siya.
“At kadalasan… ito ay tungkol sa impluwensya.”
Bumaling siya muli sa klase.
“Ngayon, tanungin ninyo ang sarili ninyo—”
Bahagya siyang ngumiti.
“Kung ang sistemang pinaniniwalaan ninyo ay kayang manipulahin… totoo pa rin ba ito?”
Tahimik ang buong silid.
Walang sumagot.
“At kung ang katotohanan ay kayang baguhin depende sa kung sino ang may kapangyarihan—”
dahan-dahan niyang ibinaba ang chalk.
“—ano ang dapat ninyong paniwalaan?”
“Hey, ikaw na kapapasok lang.”
Saktong kakaupo pa lang ni Kael nang matawag siya.
Bahagya siyang napatuwid.
“Ano po ‘yun, prof?”
Diretsong tumingin ang professor sa kanya.
“Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Pangulong Ramon Magsaysay?”
Saglit na natahimik si Kael.
Hindi agad nakasagot.
Napakamot siya sa mukha, nag-iisip.
“Uh… ayon po sa opisyal na ulat,” dahan-dahan niyang sagot, “namatay si Pangulong Magsaysay dahil sa plane crash noong 1957… mechanical failure po ang pangunahing dahilan.”
Sandaling tumahimik ang professor.
Nakatingin lang sa kanya.
“Magandang sagot,” sabi nito, bahagyang ngumiti.
“‘Opisyal na ulat.’”
Bahagyang nag-iba ang tono ng kanyang boses.
“Pero tandaan ninyo—”
lumakad siya pabalik sa harap.
“sa politika… may pagkakaiba ang opisyal na katotohanan at ang buong katotohanan.”
pabagsakin ang isang pangulo?”
Bahagyang natahimik ang klase.
Hanggang sa may isang kamay na dahan-dahang tumaas.
Si Lara.
“Ikaw,” sabi ng professor. “Ano ang sagot mo?”
Tumayo si Lara, kalmado ngunit siguradong magsalita.
“Ang teorya po ng sabwatan para pabagsakin ang isang pangulo,” panimula niya, “ay karaniwang umiikot sa ideya na may mga makapangyarihang grupo—maaaring mula sa loob ng gobyerno, militar, o pribadong sektor—na may sariling interes na hindi naaayon sa pamumuno ng kasalukuyang lider.”
Sandali siyang tumingin sa paligid, bago nagpatuloy.
“Maaaring gamitin ang iba’t ibang paraan tulad ng propaganda, destabilization ng ekonomiya, o kaya’y direktang aksyon tulad ng kudeta o pagpatay… para mapalitan ang lider ng mas pabor sa kanilang layunin.”
Huminga siya nang bahagya.
“At kadalasan po, ang ganitong mga plano ay hindi agad napapatunayan… dahil ang mga sangkot ay may kakayahang kontrolin ang impormasyon.”
Tahimik ang buong silid.
“Sa madaling salita,” pagtatapos niya, “hindi lahat ng pagbagsak ng isang lider ay aksidente o natural na pangyayari—minsan, ito ay planado… ngunit nananatiling nakatago sa likod ng ‘opisyal na katotohanan.’”
Dahan-dahan siyang naupo.
Habang ang professor—
nakatingin lang sa kanya.
Parang may nasiyahan.
Napatitig si Kael kay Lara—may paghanga sa paraan ng pagsagot nito.
Ngunit bago pa siya makapag-isip pa—
“Ikaw,” muling tawag ng professor. “Ano ang masasabi mo sa sagot niya?”
Bahagyang napatuwid si Kael.
Saglit siyang natahimik, saka nagsalita.
“Sa tingin ko po… posible ang ganung mga teorya,” panimula niya, maingat ang tono.
“Pero hindi rin po natin pwedeng gawing default na paliwanag ang sabwatan sa bawat pagbagsak ng isang lider.”
Napatingin ang ilang kaklase sa kanya.
“May mga pagkakataon din po kasi,” dugtong niya, “na ang pagkabigo ng isang pangulo ay resulta ng sarili niyang desisyon—maling pamamahala, kakulangan sa suporta, o hindi pagkakaintindihan ng mga institusyon.”
Bahagya siyang huminga.
“Kung lahat po ay iaasa natin sa ideya ng ‘may nagplano sa likod,’ nawawala yung accountability ng mismong lider at ng sistema.”
Tumingin siya sandali kay Lara, saka bumalik sa professor.
“Hindi ko po sinasabing walang sabwatan… pero hindi rin po lahat ay kailangang ipaliwanag sa ganung paraan.”
Tahimik ang silid.
Magkaibang pananaw.
Magkaibang paraan ng pagtingin sa katotohanan.
Hindi na nakaimik si Kael.
Bahagya siyang napayuko, tila pinoproseso ang bawat salitang binitawan ni Lara. Hindi dahil wala na siyang maisasagot—kundi dahil may bigat ang punto nito na hindi basta matatakasan ng simpleng argumento.
Tahimik ang silid.
Maging ang professor ay hindi agad nagsalita.
Pinagmasdan lamang ang dalawa.
“Maganda,” saad ng professor matapos ang ilang segundo.
“Dalawang magkaibang pananaw—parehong may saysay.”
Dahan-dahan siyang naglakad sa harap.
“Iyan ang tunay na diwa ng pag-aaral ng politika at ekonomiya.”
“Hindi para maghanap ng iisang sagot…”
huminto siya.
“…kundi para matutong magtanong.”