CHAPTER 3

1477 Words
Hawak ni Kael ang kanyang bewang Mainit ang pakiramdam, parang may apoy na kumakain sa laman niya sa bawat galaw. Ngunit hindi siya huminto. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa kahabaan ng kalsada ng Mexico—pilit pinapakalma ang sarili, pinipilit magmukhang normal sa gitna ng sakit. Bahagya siyang nakayuko, mabagal ang hakbang— pero tuloy-tuloy. Samantala, patuloy ang paghahanap ng mga security personnel. Lulan ng mga sasakyan at mobile patrol, iniikot nila ang buong paligid. Sa loob ng isa sa mga sasakyan, mariing nakamasid ang kanilang pinuno. Matalas ang tingin. Walang pinalalampas. Inisa-isa niya ang bawat taong nadadaanan— hanggang sa may napansin siya. Isang lalaki. Nahihirapang maglakad. Bahagyang nakahawak sa tagiliran. “Ihinto n’yo ang sasakyan.” Biglang utos niya. Mabilis na tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ngunit sa parehong sandali— nakapasok na si Kael sa loob ng isang mall. Malamig ang hangin sa loob, kabaligtaran ng init sa labas. Ngunit hindi iyon nakapagpagaan sa nararamdaman niyang sakit. Dahan-dahan siyang naglakad, iniikot ang paningin. Mga tao. Mga exit. Mga posibleng taguan. Lahat iyon, sabay-sabay niyang kinukwenta sa isip. Sa bawat hakbang— mas lalong bumibigat ang kanyang katawan. Mas lalong lumalabo ang paningin. Ngunit hindi siya pwedeng bumigay. Sa labas— bumaba na ang mga tauhan. At unti-unti— papasok na rin sila sa loob. Hanggang sa tuluyan nang nakapasok sa loob ng mall ang mga security personnel. Nagkahiwa-hiwalay sila, mabilis ang galaw, sinusuri ang bawat sulok. “Spread out! I-check n’yo ang exits!” Sunod-sunod ang utos, sabay sa pagkalat nila sa iba’t ibang direksyon. Ngunit— huli na. Sa kabilang banda, nagawa na ni Kael ang kailangan niyang gawin. Sa gitna ng kaguluhan at dami ng tao, nakahanap siya ng tamang tiyempo— at tahimik na nakalabas sa likurang bahagi ng gusali. Sa kabila ng sugat sa kanyang bewang, pinilit niyang maglakad nang diretso. Hindi na siya pwedeng tumakbo. Kailangan niyang magmukhang normal. Ilang minuto pa— nakarating siya sa isang train station. Isang modernong istasyon ng tren, puno ng tao, ingay, at galaw—perpektong lugar para maglaho ang isang taong tulad niya. Dahan-dahan siyang sumabay sa agos ng mga pasahero. Walang lingon. Walang pag-aalinlangan. Hanggang sa— nakasakay siya sa isa sa mga bagon. Pagpasok niya, agad siyang humanap ng pwesto sa gilid, bahagyang nakayuko, tinatakpan ang sugat. Huminga siya nang mabigat. Sa wakas— nakalayo siya. Pagdating sa tinutuluyan niyang hotel, agad na pumasok si Kael sa loob. Isinara niya ang pinto. Ni-lock. Dahan-dahang hinubad ang kanyang sumbrero, bumagsak ang pagod sa kanyang mukha. Namumutla. Pinagpapawisan. Hawak pa rin ang bewang na tinamaan ng bala, tinungo niya ang maleta. Binuksan ito. Sa loob—isang radyo. Agad niya itong kinuha at sinubukang kontakin ang nag-utos sa kanya. Mahina ngunit pilit ang boses. “...Nagtagumpay ako sa misyon.” Huminga siya nang malalim, napangiwi sa sakit. “Nakatago ako ngayon sa isa sa mga safe house… pero nabaril ako. May tama ako sa bewang.” Sandaling katahimikan. “Hirap akong kumilos… hindi ko kayang makatakas mag-isa.” Napapikit siya, pinipigilan ang sakit. “Kailangan ko ng rescue. Sa ngayon… imposible akong makaalis dito.” Sa kabilang linya— walang emosyon. Nakikinig lang ang kanyang boss. “At ang masasabi ko lang sa’yo ngayon…” malamig nitong tugon, “sumusunod lang sa patakaran ang mga agent.” Nanlaki ang mata ni Kael. “Pero sir—” Naputol siya. “May mabigat akong dahilan kung bakit kailangan kong makabalik nang buhay,” pilit niyang sabi, halos pabulong. “Pakiusap… huwag n’yo akong pabayaan. Tulungan n’yo ako.” Ilang segundo ng katahimikan. Umaasa si Kael. Naghihintay. Ngunit— click. Naputol ang linya. Nanatiling hawak ni Kael ang radyo.''boss'' Walang tunog.''boss'' Walang sagot. Dahan-dahan niyang ibinaba ito. At sa sandaling iyon— naunawaan niya ang lahat. Hindi lang siya pinabayaan. Iniwan siya. Samantala— mariing nakatitig sa kawalan ang kanyang boss. Walang emosyon. Walang pagsisisi. Parang wala lang nangyari. Sa kabilang banda, agad umalis si Kael sa hotel. Hindi na siya nagdalawang-isip. Naglakad siya papunta sa mas tahimik na bahagi ng lungsod—mga lugar na bihirang puntahan, halos walang tao. Lutang ang isip. Dismayado. Hawak pa rin ang kanyang bewang, patuloy ang pagtagas ng dugo. Namumutla na siya. Ngunit patuloy pa rin sa paglalakad. Hanggang sa makarating siya sa isang lumang istasyon. Tahimik. Pinabayaan ng panahon. Nakatambak ang mga bagon—hindi na umaandar, kinakalawang na, tila iniwan na lang doon upang kalimutan. Huminto siya sandali. Sumandal sa malamig na bakal ng isang bagon. Huminga. Mabigat. Pagod. Ngunit hindi pa rin sumusuko. Maya-maya, muling gumalaw si Kael. Nagpatuloy siya papasok sa mas malalim na bahagi ng lugar— sa isang malawak na rail yard depot. Isang bodega ng mga lumang bagon. Madilim. Tahimik. At perpektong taguan— para sa isang taong hinahabol. Nagpatuloy si Kael sa loob ng depot hanggang sa makarating sa isang maliit na silid sa gilid ng bodega. Tahimik. Madilim. Perpekto para magtago. Dahan-dahan siyang umupo sa sahig, sumandal sa malamig na pader. Huminga nang malalim— ngunit agad ding napangiwi sa sakit. Hindi na niya pwedeng ipagpaliban. Kinuha niya ang isang pirasong tela. Pinunit ito gamit ang kamay at ngipin. Mabilis. Walang pag-aalinlangan. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang damit, inilantad ang sugat sa bewang. Dugo. Sariwa. Patuloy ang pag-agos. Mahigpit niyang ibinalot ang tela sa sugat. At hinigpitan. Sobrang higpit. Napapikit siya. Napakapit sa sahig. Pinipigilan ang sigaw na gustong kumawala. Pawis ang bumalot sa kanyang noo habang pilit niyang tiniis ang sakit. “Hindi pa… tapos…” Mahina niyang bulong sa sarili. Samantala— sa kabilang panig ng lungsod, nakatutok ang mga mata ng pinuno ng security personnel sa isang monitor. Malamig ang ekspresyon. Sigurado. “Natukoy na namin ang kanyang lokasyon.” Bahagya siyang ngumiti. “Maghanda na kayo.” Ilang sandali pa— dumating ang mga sasakyan sa labas ng depot. Tahimik silang bumaba. Organisado. Handa. Sa loob— naramdaman ni Kael. Ang pagbabago ng hangin. Ang paparating na panganib. At bigla— CLANG! Malakas na bumukas ang roll-up door ng bodega. Pumasok ang liwanag mula sa labas— kasabay ng mga armadong tauhan. “Spread out!” “Hanapin siya!” Sa dilim ng loob— dahan-dahang iminulat ni Kael ang kanyang mga mata. Mas mabagal ang paghinga. Mas tahimik ang galaw. Sa kabila ng sugat— handa siyang lumaban. Dahil sa pagkakataong ito— wala na siyang aasahang tulong. Siya na lang mag-isa. Nang makapasok ang dalawang agent sa kwartong pinagtataguan niya— tumigil ang mundo. Tahimik. Mabigat. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Creaaak— Pumasok ang dalawa, nakatutok ang baril, maingat ang bawat hakbang. “Clear this side,” bulong ng isa. Sa likod ng lumang bakal na estante, nanatiling nakapikit si Kael. Kinokontrol ang paghinga. Pinapakalma ang t***k ng puso. Isang hakbang pa— lalantad na siya. Sa mismong sandali na lumapit ang isa sa kanila— kumilos si Kael. Mabilis. Eksakto. Hinila niya pababa ang braso ng unang agent, sabay bangga ng ulo nito sa gilid ng estante. Napabitaw ang baril nito. Bago pa makareact ang pangalawa— sinipa ni Kael ang tuhod nito. Napaluhod ang lalaki, napangiwi sa sakit. Agad siyang sumugod. Isang siko sa panga— Sumunod ang isang suntok diretso sa lalamunan. Napaatras ang agent halos mawalan ng hangin. Ngunit dahil sa sugat ni Kael— bumagal ang galaw niya. Nakabawi ang pangalawang agent at sinubukang itutok muli ang baril— ngunit huli na. Hinawakan ni Kael ang kamay nito, pinihit— Napabitaw ang armas. Sinundan niya agad ng isang malakas na suntok sa ulo. Bumagsak ito sa sahig. Walang malay. Hindi nagtagal— may panibagong yabag ang umalingawngaw sa labas ng silid. Mas mabigat. Mas mabilis. Biglang bumukas ang pinto. Isang agent ang sumugod papasok, nakatutok agad ang baril. “Target spotted!” BANG! Umalingawngaw ang putok. Ngunit sa mismong segundo— gumalaw si Kael. Dumulas siya sa gilid, halos sumayad ang katawan sa sahig habang umiwas sa bala. Sumalpok ang bala sa pader sa likod niya. Hindi siya nag-aksaya ng oras. Sa kabila ng sakit sa bewang, itinulak niya ang sarili pasulong. Diretso sa kalaban. Hinablot niya ang pulso ng lalaki, pilit ibinababa ang baril. Nagpambuno sila. Lakas laban sa lakas. Sinubukang kumawala ng agent— ngunit biglang ibinangga ni Kael ang noo nito sa mukha ng kalaban. Nawala sa focus ang lalaki. Agad niyang sinipa ang tiyan nito. Napaatras. Napabitaw. Bago pa ito makabawi— isang malakas na suntok sa sentido. Bumagsak ang katawan sa sahig. Tahimik ulit. Ngunit sandali lang. Sa labas— narinig ng pinuno ang putok. Agad siyang napalingon. “Nasa loob siya.” Malamig ang boses. Sigurado. “Lahat ng unit—converge. Huwag n’yong hayaang makatakas.” Sa loob ng silid— nakayuko si Kael, hinihingal. Mas lumalala ang sugat. Mas bumibigat ang katawan. Ngunit sa bawat papalapit na yabag sa labas— unti-unting tumitigas ang kanyang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD