*** Hinihingal silang lahat. Bakas sa kanilang mukha ang takot at pangamba. Because of their reactions, hindi ko rin maiwasang makaramdam ng takot, especially that my parents are involved. My hands are sweaty, my lips are trembling. Hindi pa na proseso lahat ng puso at aking isipan ang mga nangyari sa amin nina Izi, and now this. Ang daming tanong ang nasa isipan ko ngayon. Why? Bakit may nangyayaring ganito? What happened to my parents? Hindi ba dapat masaya ako, at masaya sila para sa akin, because at last my parents are here? Why did they all suddenly show up from nowhere? What causes them to be together here, inside my room, in distress, in a great confusion and in an immense fear? Lahat ng mga tanong na iyan ay gusto kong itanong ngunit hindi magawa ng aking katawan ang gumalaw.

