“Leeanne, bakit ang aga mo naman atang nagising?” tanong ni Ate Nora pagpasok ko ng kusina. Naghahanda na silang tatlo nina Dorothy at Ate Che ng agahan. Si Ate Nora naghihiwa ng kamatis. Si Dorothy naglalagay ng kape sa coffee maker at si Ate Che naman naghuhugas ng bigas na isasaing. “Kanina pa po ‘ko gising, pero ngayon lang po ako bumaba.” Nang makatulog uli si Bernard kanina ay iniwan ko na siya sa kwarto ko. Ayoko siyang makatabi nang matagal pero mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko lalo pa’t nagpasya ako na magpakasal sa kanya. Kanina nga’y para siyang linta kung makadikit sa akin. Kahit tapos na kaming mag-s*x ay pinupog pa rin niya ng halik ang leeg ko habang walang tigil sa kahahaplos sa dibdib ko. Kung hindi ko pa siya daanin sa biro na baka malamog ako bago pa ang

