“Mahal na mahal kita, pero bakit hindi mo ‘ko magawang mahalin? Binibigay ko naman sa ‘yo lahat pero bakit bumalik ka pa rin sa kanya?” Parang alam ko na kung bakit biglang nagbago ang mood niya. Nakita niya siguro kami ni Gavin sa classroom kanina. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit siya naglasing. Alam kong umiinom siya pero hindi ko pa siya nakitang ganito. “Lasing po kayo. Bukas na lang po natin ‘to pag-usapan.” Idinampi niya ang dulo ng kanyang ilong sa pisngi ko kaya napapikit ako hanggang sa maramdaman ko ang marahan niyang paghalik din doon. “Baliw na baliw ako sa ‘yo, Leeanne. Ang tagal ko nang naghihintay.” Dumilat ako at hinawakan ko siya sa dibdib at bahagya siyang itinulak. “Don Santillan, magpahinga na muna po kayo.” Pinipilit ko pa ring kumalma sa kabila ng kaba na nar

