ERNALINE'S POV:
Kibit-balikat na sumunod ako sa na ngayon ay nakapasok na ng sasakyan namin kaso nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya tinawag ko si Saviel.
"Sav, pahawak muna nito. Hintayin niyo ako." inabot ko kay Sav ang inumin na galing kay Perth at kinuha ang phone ko sa bag na dala ko.
"Teka, saan ka pupunta?" takang tanong nito.
"Eh naiihi na ako. Please hintayin niyo ako."
Bago pa man makasagot si Sav para pigilan ako, tumakbo na ako pabalik ng employee's entrance at deri-deritso ako papuntang c.r dahil ihing-ihi na talaga ako.
May mangilan-ngilang empleyado ng mall ang napatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin nang pumasok ako sa c.r at dumiretso ako sa isang bakanteng cubicle.
Pagkatapos kong umihi ay agad na akong lumabas matapos kong i'flush ang bowl at napansin kong pumasok ang isang janitor na may tulak-tulak na basura.
Lumapit ako sa salamin ng c.r at inayos ang itsura ko. Nagmukha akong ngarag na rockstar sa itsura ko kaya naman, gamit ang likod ng kamay ko, pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko.
"Ito po Maam, panyo?" napalingon ako sa janitor nang iabot niya sa akin ang kanyang panyo at nginitian ko ito.
"O..okay lang po Kuya, pawis lang po ito." wika ko.
"Tanggapin mo na."
Ganun na lamang ang gulat ko nang makilala ang janitor.
It was Renal.
He's smiling at me as he puts his handkerchief towards my face.
Bago pa man ako makasigaw, nalanghap ko na ang powder na nakapaloob sa panyo.
"You can't run away from me now Ernaline Ashleigh Montenegro. I will make sure your brother will suffer from my hands!" wika ni Renal.
Unti-unti na akong nawawalan ng lakas.
"Tangina... mo... Renal... Ocampo..."
SAVIEL'S POV:
--
"Hindi pa ba tayo aalis?" apuridong tanong ni Jasper habang nakasampay sa isang upuan ang katawan nito na parang bata katabi si Kaizen na may sariling mundo na naman.
"Wala pa si Ernaline." sagot ko dito dahilan para mapatingin sa akin si Perth na nasa driver seat.
Yes, our personal driver is none other than Perth Dezrail Fynrell, the oh so loving tender care s***h bodyguard ni Ernaline Ashleigh na owner ng De'Rail Mall na kinaroroonan namin kung saan ginaganap ang concert na may konting mall show.
Hindi ko alam kung anong trip ng ulupong na ito at may pa mystery effect gayong siya naman ang lider ng banda. At isa pa, sa pagkakaalala ko lagi siyang nakabuntot kay Barney kahit saan ito magpunta. Bagong buhay siguro, kaya si Montenegro ang napagdidiskitahan?
"Where is she?" kunot-noong usisa ni Dezrail sa akin.
"Nagpaalam sa akin na mag-c.cr siya." wika ko.
Napatingin si Dezrail sa kanyang wrist watch bago ibinalik ang tingin sa employee's entrance ng kanyang mall kung saan kami pumasok kanina para maiwasan ang tao sa loob.
"It's been forty minutes, check her out Sav." utos nito.
Napapairap na bumaba ako ng sasakyan at padabog na isinara ang pinto.
"Naturingang bodyguard tapos sa akin iuutos? Buti sana kung hati kami sa sahod niya na binibigay ni Aqueros, diba!?" bulong ko habang binabaybay ang employee's entrance.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto at agad naman akong pinagbuksan ng guard. Ngumiti ako dito at nagtanong.
"Hi!? Nasa loob pa ba si Ernaline? Kailangan na kasi naming umalis pabalik ng CDC." tanong ko kay Kuya Guard.
Sumulpot ang isang janitor na may tulak-tulak na push cart at mukhang papalabas ito. Wala akong nagawa kundi pagbigyan ito ng daan dahil mukhang hirap na hirap ito sa kanyang ginagawa.
"Nakita ko po siya Maam na nagmamadaling pumasok sa c.r. Baka po nandoon pa po siya, pakitignan na lang po." sagot sa akin ng guard nang makalabas ang janitor at ako naman ay tumuloy pagpasok sa loob ng employee's entrance.
Actually, bawal itong ginagawa ko kaso wala silang magagawa dahil kasama ko ang may-ari.
Nang makita ko ang c.r, agad akong pumasok at inisa-isa ang cubicle pero walang Ernaline na nagpakita. May isang cubicle na sarado at mukhang nandun siya kaya hinintay kong lumabas kung sino man ang nasa loob ng cubicle na 'yon.
Pero ganun na lamang ang pagtataka ko nang makitang empleyado ito ng mall at hindi si Ernaline.
"Uhm, Miss. Nakita mo ba si Ernaline na pumasok dito?" usisa ko.
"Naku hindi po Maam. Pagpasok ko po dito yung janitor lang po ang nakita ko." aniya.
"Ganun ba? Sige, salamat."
Nagpaalam na ako sa empleyado at nagmamadali akong lumabas ng employee's entrance para puntahan ang mga kasama ko.
Agad kong tinungo ang pwesto ni Dezrail at kinatok ko ang bintana ng sasakyan.
"May problema tayo Dezrail." bungad ko rito nang pagbuksan niya ako ng bintana.
"Where is she?"
"Ayun nga ang problema. Wala si Ernaline sa loob ng employee's entrance. Nakita siya ng guard na pumasok sa c.r, maging ng ibang empleyado pero walang Ernaline ang lumabas mula sa banyo."
Naalarma si Dezrail sa sinabi ko kaya naman agad itong bumaba ng sasakyan na siyang ipinagtaka ng iba pa naming kasama.
"Na saan si Ernaline?" nagtatakang tanong sa akin ni Senri nang bumaba ito ng makita niyang bumaba si Dezrail.
"May problema tayo, nawawala si Ernaline." kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari kung hindi namin makita agad si Ernaline.
"What? Paanong nangyari 'yun?" sabat naman ni Kyle na ngayon ay bumaba na rin ng sasakyan kasunod si Kaizen at Jasper.
"Let's check the CCTV." nagmamadaling naglakad si Dezrail pabalik ng Employee's Entrance. Walang nagawa ang guard nang pwersahang pumasok si Dezrail at deri-deritso ito hanggang sa monitor area ng mall.
Dezrail manipulate the computer where the CCTV is located near the employee's entrance, canteen, path way ay comfort room. Ni-rewind ni Dezrail ang CCTV footage sa oras na pumasok si Ernaline at nakita nga sa CCTV ang pagmamadali nitong pumasok sa c.r
Minutes passed, hindi pa rin lumalabas si Ernaline hanggang sa pumasok ang janitor na may dalang garbage bin na tulak-tulak nito, kasabay ang ilang empleyadong babae na papasok din ng c.r.
Another minutes passed, nagsilabasan na ang ibang employee pati ang janitor pero walang Ernaline na bumulaga sa c.r ng Employee's entrance.
"Who's this janitor?" Dezrail pauses the video where the janitor is seen.
"Eh Sir hindi ho 'yan empleyado dito." wika ng guard na sumunod sa amin sa monitor room.
"Find this guy immediately!" utos ni Dezrail na agad namang niradyo ng gwardiya pero huli na ang lahat.
Tyaka ko lang napagtanto na ang janitor na 'yon ang nakasalubong ko kanina bago ako pumasok.
"Dezrail anong nangyayari!?" usisa ko kay Dezrail na ngayon ay nakakuyom na ang mga kamao sa mesa habang nakatingin sa imahe ng janitor.
"That guy who disguised as a janitor abducted Ernaline. Damn it! Reiden Grei will kill me."
Napatingin ako sa imahe ng lalaking janitor at saka lang pumasok sa isip ko ang garbage bin na tulak-tulak nito kanina.
"Holy s**t!" bulalas ko at saka kami nagkatinginan ni Senri at mukhang may ideya ito sa nangyayari.
RENAL'S POV:
NAKATANAW lang ako sa labas ng bintana dito sa loob ng aking opisina.
Montenegro declined my offer as his business partner, but the truth is I wanted to be close to his little sister Ernaline Ashleigh Montenegro.
I saw her when I once attended their company's anniversary. I thought she was someone who was working inside the Montenegro Empire.
~Flashback~
"Mr. Ocampo, nice to see you here at the party."
I roll my eyes when an old man approach my father and talked to him about a business and his achievements. Ayoko sanang sumama sa party na ito kaso pinilit ako ni Mommy para daw malaman ko kung ano ang kalakaran ng mundo nang pagnenegosyo dahil ani nila ay ako ang magmamana ng Ocampo Enterprises sa hinaharap once I reach at the right age to rule our business.
Umalis ako mula sa kumpulan nina Mommy at napunta ako sa veranda ng hotel kung saan walang gaanong tao.
"Damn! I don't need to fake my behavior just to fit in thier world. Mas gusto ko pang tumugtog at gumawa ng sarili kong musika." nanggigigil na bulong ko habang sinisipa ang pader ng veranda.
I am Renal Ocampo, the leader and the main vocalist of our band called Boys of Creation. Binuo namin ang banda because of our love for music. Kasama ko ang mga kaibigan ko na sina Trent, Argus, Akila at Marco.