Bullet 37

1313 Words
SAVIEL'S POV: Makalipas ang ilang minuto, duman ang kotse na kinalulunaran namin sa isang masukal na daan sa paanan ng isang bundok. Walang sinuman ang naglalakas loob na pasukin ang bundok na ito dahil isa itong private property. Kahit ang gobyerno ay walang lakas na pasukin ang teritoryo na tinatahak namin ngayon. Natanaw ko na na sa di kalayuan ang isang building na nag-iisang nakatayo sa gitna nang bundok at yun ang tinatawag naming HuPoFEL. HuPoFEL or Human Potential for Evolution is Limitless ang tawag namin. Naglalaman ang building na ito nang iba't-ibang lahi nang tao na si Aqueros mismo ang kumukuha sa mga ito. I mean not totally kind of kidnapping. Ang mga myembro ng HuPoFEL ay may iba't-ibang kwento at ilan doon ay tungkol sa mga inabandona ng kanilang mga magulang, mga pagala-gala sa daan at ang iba ay na-rescue mula sa human trafficking. Lahat ng mga nasa loob ng HuPoFEL ay may sari-sariling business kahit sa murang edad pa lang. Pero ang mga business na 'yun ay front lamang para magawa nila nang malaya ang misyon na ibinibigay sa kanila. Assassins can work behind the dark and no one knows what are they going through while they working. While the Elite ones can do the physical things like guarding someone as what the clients need. Gaya nga ng sabi kanina, myembro ng Elite sina Senri at Dezrail kaya malamang naging bodyguard ni Ernaline si Dezrail dahil 'yun ang utos ni Reiden Grei na isa ring may hawak ng mataas na posisyon sa loob ng kanilang organisasyon. Tumigil ang sasakyan sa harapan nang HuPoFEL at agad kaming bumaba. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ni Senri ng pinto at baka bigla na lang mawala ang ulo ko kapag nakita kami ni Sinji though she's not here but I know where she is right now, ayaw ko lang sabihin kay Senri. Pagpasok namin sa main entrance, napatili ako nang biglang tumimbwang si Dezrail sa harapan ko kaya agad ko itong dinaluhan. "Anak ng! Hindi ka map Dezrail, bakit nakalupagi ka dyan?" wika ko rito at akmang tutulungan ko itong tumayo nang may humila sa aking braso palayo kay Dezrail at nagulat ako nang makita si Barney. "What do you think you're doing?" he asked me while holding my arms and dragging me out where Dezrail was. Napalingon ako kay Dezrail na hawak ang nasaktang panga habang nakatingin kay Reiden na ngayon ay nakakuyom ang kamao habang humahangos na nakatayo sa harapan nina Senri at Dezrail. "I trusted you my sister yet you let this happen?" Reiden roared in anger as he looked at Dezrail. Feeling ko basag ang panga ni Dezrail dahil sa suntok na binigay ni Reiden pero wala man lang makitang emosyon sa mukha ni Dezrail nang tumayo ito at hinarap si Reiden Grei. "I did my job as her bodyguard like what you've asked me to do so but you didn't tell me that she has a lot of death threats delivered through her name every day. How can I fulfill my job if you didn't tell me whose behind those threats?" Hindi ko alam kung ano napag-usapan nilang dalawa at hindi rin lingid sa amin ni Senri na may nagpapadalang death threat kay Ernaline. Kasama na doon ang pag gawa ng isyu nang makunan ng litrato si Senri at Ernaline na magkasama nang sunduin ito ni Senri sa kanilang bahay. "What happened here?" Bumaling ang tingin ko sa bagong dating at tumambad sa akin ang bulto ni Rent. Rent Drake Martin, a tech geek who loves spending his time on his computer and gadgets. Anong ginagawa ng Elite members dito sa HuPoFEL at bakit nandito si Barney sa tabi ko? Ibinaling ko ang paningin ko kay Barney at inalis ang kamay nitong nakahawak pa rin pala sa braso ko. "Ang sakit na Barney, bitawan mo ang braso ko pwede?" utos ko dito na agad din namang inalis ang kanyang kamay sa akin. "Anong ginagawa ninyo dito?" "I am the one who's asking you first. You vanished in just a blink of an eye and yet here you are meddling again in other people's business?" panenermon sa akin ni Barney. Luther Aqueros Bloodfist o mas kilala bilang Aqueros, ang Boss nang HuPoFEL at Bloodfist mafia na may dugong purple that's why I called him Barney. Aqueros builds HuPoFEL to find her sister - Sinji Natividad, but after he finds her, his business continues to grow as it is right now. Bloodfist also is composed of ten powerful men and one of them is Dezrail, Senri, Reiden, and Rent. Actually, sampid lang ako sa organisasyon na ito nang magpasya akong sumama kay Sinji nang magkaroon sila ng misyon sa Japan. Also, I have a mission to fulfill my dreams that's why I use this organization for my future references. "Excuse me? Nagtatrabaho ako bilang P.A ng kapatid ni Reiden Grei kaya hindi mo ako masisisi kung wala ako sa poder mo." pagtataray ko kay Barney bago ako humalukipkip sa kanyang tabi at nilingon si Rent. "Ano namang ginagawa mo dito? Himala naman at lumabas ka sa lungga mo, at mukhang amoy computer ka?" Rent frowns in front of me as he holds his tablet tightly. "I heard Reiden's voice from the monitoring area so I decided to go outside but it turns out there's something happened. Anyway, why am I talking to you? I am allergic to someone like you." Napasinghap ako sa sinabi ni Rent at nanlalaki ang mga mata ko nang talikuran niya ako at lumapit ito kina Senri, Dezrail at Reiden. "Pigilan mo ako Barney, makakalbo ko 'yang si Rent!" wika ko. "Stop calling me that name." "But you are a Barney." Aqueros groaned in frustration as he pulled me and dragged me out from where those guys were talking. Dinala ako ni Aqueros sa kanyang opisina at basta na lang akong tinulak paupo sa kanyang swivel chair. Tumingin ako kay Aqueros na may halong pagpapaawa. "That won't work on me, woman. Tell me where is Sinji right now?" aniya. I pouted my lips as I cross my arms in front of my chest. "Akala ko pa naman bibigyan mo ako ng kiss kasi namiss mo ako?" Napatanga si Aqueros sa harapan ko. "Answer my question or I will throw you out?" may halong pagbabanta ang kanyang boses pero alam kong hindi niya gagawin yon. Tumayo ako mula sa kinauupuan kong swivel chair at naglakad palapit sa kanya. Ikinawit ko ang aking dalawang braso sa kanyang batok dahilan para mapayuko si Aqueros sa akin. Ang tangkad niya naman kasi at halos tumingkayad na ako para lang maiangkla ang braso ko sa kanyang batok. "Even if you squeeze me from my wits, I won't tell you where she is. Isa pa, siya na mismo ang nagsabi sa akin na kahit anong mangyari ay hindi ko sasabihin sa kahit kanino kung na saan siya. Gun teach her a lot of lessons but she mastered how to hide herself even from you." makahulugang wika ko kay Aqueros. He looked at me without any emotion from his face, even his eyes are too cold. Masyado siyang bato, pero hindi maikakaila na nag-aalala siya sa kanyang pinakamamahal na kapatid. Napasinghap ako nang buhatin ako ni Aqueros at iupo sa kanyang mesa at pinaghiwalay ang hita ko para mapalapit siya sa akin. Bumaba ang isang kamay ko sa dibdib ni Aqueros para pigilan ito pero naramdaman ko pa rin ang labi nito malapit sa tuktok ng aking tenga. "Quit seducing me woman, you won't win against me..." aniya. Napangisi ako. "I am not seducing you, Luther Aqueros. It's my kind of nature and natural talent." "Hmmn...really?" his voice became hoarse as he stroked my hair using his fingers. Natigil ang pag-uusap namin nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa nun si Kastiel. Ang nag-iisang babae sa loob ng HuPoFEL.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD