SAVIEL'S POV:
"What is it Devoncourt?" tanong ni Barney nang hindi umaalis sa harapan ko.
Napangiwi si Kastiel sa nadatnan niya kaya naman tinulak ko si Aqueros pero hindi man lang natinag ang katawan ng lalaki. Bagkus inilapat nito ang magkabilang braso sa gilid ko para hindi ako makaalis.
"Uhm..Ibibigay ko lang sana itong report ko." sagot ni Kastiel habang nakabaling sa ibang direksyon ang mata nito.
Kastiel is one of the most beautiful woman I've ever seen, at hindi ko alam kung bakit hindi attracted si Barney sa ganda na meron si Kastiel? Though maraming HuPoFEL members ang nagkakagusto dito dahil 99.9 percent ang male populations ng HuPoFEL at kaming tatlo lang nina Kastiel at Sinji ang babae na nakakasalamuha nila.
Aqueros extended his one arm while his other hand is still beside me. Agad na binigay ni Kastiel ang folder na hawak nito bago nagpaalam.
Lumingon sa akin si Aqueros. "Compile these documents and make sure they are piled in one cabinet."
Napangiwi ako. "Excuse me? Hindi mo ako utusan at isa pa may iba akong tinatrabaho kaya umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong basagin ko 'yang kinabukasan mo?"
Gamit ang aking labi, tinuro ko ang gitna ni Aqueros dahilan para mapatingin din ito sa kanyang pantalon.
"Quit involving 'it' in our conversation...nagagalit siya at hindi mo gugustuhin pag pinatulan ka niya."
Laglag ang panga ko sa narinig ko.
Never in my existence, I could hear him talking in a Tagalog way and this was the first time I heard him say those words.
"Ang dumi ng bunganga mo."
Tuluyan ko nang tinulak si Aqueros at agad namang nagpaubaya ang lalaki kaya naman umalis na ako mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kanyang mesa.
Nagkibit-balikat si Aqueros sa akin bago niya binato ang folder na binigay ni Kastiel sa kanyang couch.
"Babalik na ako kung na saan sina Senri dahil hahanapin pa namin si Ernaline." paalam ko rito.
"She's with Ocampo." ani ni Aqueros na siyang ikinatigil ko.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "What do you mean?"
"You know I have eyes and ears everywhere Hyuga."
Sumama ang timpla ng mukha ko. "Don't tell me may kinalaman ka dito?"
Lumakad si Aqueros at pasalampak na naupo sa kanyang swivel chair at ipinatong ang sariling siko sa arm rest nito.
"Why should I? I have lots of problems to attend to. Grei told me about it because Ocampo called him and he told him that he's holding Grei's little sister in his territory as his hostage and that punk threatened Grei he should marry Grei's little sister if he won't agree about something."
"Baliw na siya!" bulalas ko matapos kong marinig na sabihin yun ni Aqueros.
Kaya pala sumalubong sa amin si Reiden na galit na galit kay Dezrail dahil alam na pala nito ang nangyari bago pa man kami makagawa ng plano. Though problema na nila 'yun but Ernaline is my friend kaya hindi ako makakapayag na mapunta siya sa isang baliw tulad ni Ocampo, buti sana kung si Dezrail ang mapangasawa ni Ernaline boto pa ako at isa pa bagay naman silang dalawa.
"What should we do then?"
Aqueros landed his gaze on me. "What do you mean what should we do? It's their problem, not mine!?"
I groaned in frustration as I rolled my eyes in front of him. "Bwisit ka!"
Tinalikuran ko na si Aqueros at lumabas mula sa kanyang opisina. Wala akong panahon na makipagbardagulan sa kanya. Uunahin kong iligtas si Ernaline bago ang Barney na 'yon.
PERTH DEZRAIL'S POV:
--
TAHIMIK na binabaybay ko ang isang kalsada sa loob ng isang subdivision sa tuwing papalubog ang araw. Daily routine ko na ang ganitong sistema sa tuwing nabo-bored ako or gusto kong makapag-isip isip tungkol sa mga bagay na nagpapagulo sa buhay ko. One of those things, 'yong pagiging kasapi ko sa mundo ng underground society which is the Bloodfist mafia.
Bloodfist mafia create by a person named Luther Aqueros Bloodfist. He's the one who approach me when my grandfather died from his illness. Wala akong kaide-ideya tungkol sa pagiging kasapi ng kanyang mafia pero tumugon pa rin ako.
Noong una ay hindi ako naniniwala na kayang humawak ni Aqueros nang ganoong organisasyon dahil fourteen years old pa lang kami nang makilala ko siya. Nang pumasok ako sa grupo niya, doon ko nakilala sina Gun, Rent, Reiden Grei at Senri bilang mga unang myembro.
Sa loob ng Bloodfist mafia, meron kaming sari-sariling role na dapat gampanan at isa na doon ang pagtatayo ng kompanya bilang front namin. I owned a mall named De'Rail while Senri have his own Empire called Kiruzaki Empire and Reiden Grei, their family business - the Montenegro Empire.
Hanggang sa tumagal ay unti-unti kaming dumami at nabuo ni Aqueros ang HuPoFEL.
HuPoFEL or Human Potential for Evolution is Limitless is an organization composed of talented people o mas tinatawag naming assassins. Sila 'yong nagtatrabaho sa anino namin mula sa utos ng aming Boss na si Aqueros. Araw-araw, walang palya ng dokumento sa mesa ni Aqueros mula sa mga kliyente niya na hindi ko alam kung saan niya nakukuha.
Hindi ko namalayan na napadpad ako sa isang parke kaya naman nagpasya akong tumambay muna at tinungo ang isang parte na hindi gaanong pinupuntahan ng tao, pero ganun na lamang ang pagtataka ko nang makarinig ako ng tunog nang gitara.
Sumilip ako mula sa punong nakapagitan at nakita ko ang isang babae na may hawak na gitara at sinasamyo ang musika sa bawat pitik ng kanyang daliri sa strings ng gitara.
Verse 1:
I sit in silence, wondering why
All my dreams have passed me by
I see my mistakes and all my flaws
Why do I feel I deserve no applause?
Chorus:
Do I deserve to be alone?
Or can I find a heart to call my own?
I look within, for strength and hope
I wonder if I'll ever find a way to cope
Sumandal ako sa katawan ng puno at pinakinggan ang kanyang kanta. Her voice is like an angel who sings you a lullaby and I find it comfortable.
Hindi ko namalayan na naipikit ko ang mga mata ko at dinadama ang musika na kanyang kinakanta. Para akong hinihele sa hangin na tila nagbibigay ng kapayapaan sa isip kong puno ng katanungan.
Nang matapos ang kanyang kanta, agad akong umalis mula sa kinasasandalan ko nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Nang masiguro kong malayo na ako sa kinaroroonan ng babae, agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko nang hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
"What is it?" bungad ko sa taong tumatawag matapos kong pindutin ang answer button.
"Na saan ka ba? May misyon tayo ngayon." saad ni Gun mula sa kabilang linya.
Glyden Ulysses Norhton o mas kilala sa pangalang Gun, ang lalaking humubog sa kakayahan ko bilang kasapi ng Bloodfist mafia, isa sa mga taong nirerespeto ko bukod kay Aqueros, at ang taong mas matanda sa amin.
"I am just having my time to walk around." tamad na sagot ko dito.
"Wow! May gana ka pang gumala sa lagay na 'yan? Pumunta ka na dito sa HuPoFEL bago pa kita gawing sahog sa niluluto ko."
Pinatay ni Gun at tawag kaya naman napapailing na lang akong nagpatuloy sa oaglalakad hanggang sa makalabas ako ng highway at nagpara ng taxi.
Makalipas ang ilang minuto narating ko ang bundok na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao dahil isa itong private property na pagmamay-ari namin.
"Sir, sigurado ka ba na dito ang punta mo?"
Napatingin ako sa driver ng taxi at mukhang nag-aalangan siya kung seryoso ba ako sa patutunguhan ko o hindi.
"Yes. Why? Is there something wrong?" usisa ko rito.
Bibihira sa mga taxi driver ang magtaning tungkol sa bundok na babagtasin ko dahil wala silang ideya kung ano ang nasa loob nun.
"Eh kasi Sir, bali-balita ho na pugad ho 'yan ng masasamang tao at marami na daw hong pinatay dyan sa paanan ng bundok na 'yan."
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
No one dares to enter HuPoFEL's territory as long as you are a member of the said organization. That mountain is surrounded by CCTV camera that hids over the clouds na ginawa mismo ni Gun para kay Rent bilang mata namin sa labas ng bundok.