Bullet 39

1388 Words
PERTH DEZRAIL'S POV: "It's just a hear-say dude. Here's my payment and keep the change. Thanks for informing me about that and thanks for dropping me by." Hindi ko na hinintay pang sumagot si Manong dahil agad akong bumaba ng taxi at naglakad papasok ng bundok. Masyadong malaki at malawak ang bundok na ito na hindi naman gaanong malayo sa syudad pero maraming nagsasabi na delikado na pasukin ang lugar na ito, pero hindi nila alam, merong isang building sa gitna ng bundok na ito na siyang tinuturing naming bahay at safe haven. Ilang minuto pa ang nakalipas mula sa paglalakad ko, nakita ko na ang liwanag ng building at tumambad sa akin ang letra ng HuPoFEL na gawa sa ginto. Nakapamulsang pumasok ako sa main entrance at nakasalubong ko si Fourth na tinanguhan ko lang bilang pagbati. Pumasok ako sa elevator at tinungo ang third floor kung saan naroon ang main office namin. HuPoFEL is compose of five-storey building. First floor namin is recieving area, training grounds, gym, sports equipment and other things na pwede naming magamit when it comes to work. Sa second floor naman nakalagay ang bawat kwarto ng HuPoFEL members kung gusto nilang magpahinga o matulog, third floor ang main office ni Aqueros, monitor room at conference room, fourth floor naman ang inuukopa ng member nang Bloodfist mafia at ang fifth floor ay bahay ni Aqueros at rooftop na may helipad kung saan naroon si Homare (eroplano) at Light (helicopter) na imbensyon nang nag-iisang Glyden Ulysses Norhton. "Finally, dumating ka rin!" wika ni Gun nang pumasok ako sa conference room. I frown as I enter and approach then where they are seated. Nakaupo si Senri sa kaliwang bahagi ng long table namin katabi si Gun habang si Reiden naman ay nasa kabilang ibayo ng mesa na kaharap ni Senri katabi si Rent. Umupo ako sa tabi ni Gun at inusisa ito. "What kind of mission should we do?" "Aqueros will tell us everything," Gun answered. "Teka nga, bakit ka ba english ng english?" "Protocol." "Lolo mo protocol! Hirap sa inyong mayayaman ang dami niyong arte sa katawan. Nasa pinas naman tayo?" "Is that a sign of aging Gun?" tanong ni Senri na may halong pang-aasar. "Tarantado! Bata pa ako!" Napapailing na lang ako habang nag-aasaran silang dalawa ni Kuruzaki. Hinihintay namin ang pagdating ni Aqueros at mukhang late na naman ang gagu. A few minutes later, bumukas ang pinto nang conference room at iniluwa nun si Aqueros kasunod si Fourth kaya naman tumayo kami para bigyan ng respeto si Aqueros pero sumenyas ito na huwag na. Pinakaayaw ni Aqueros ang magbigay-galang kami sa kanya, like bowing our heads everytime he approach us or something related to Bloodfist mafia. Aniya, hindi niya kami itinuturing na mga tauhan niya para bigyan siya nang ganoong pag galang dahil ang tanging luluhod lang daw sa harapan ay ang mga taong makasalanan. "Quit giving such kind of treatment. Sit down or I will throw you out from this room." aniya bago umupo sa pinaka sentro ng mesa habang si Fourth naman ay naupo sa tabi ni Rent. Fourth is part of HuPoFEL but Aqueros let him join with us - the Elite members - and he is the only one who can approach and talk with us. Mahigpit na ipinagbabawal ni Aqueros na makita, o makilala kami ng HuPoFEL members unless parte ka ng Bloodfist mafia at na reach mo ang rank bilang Elite member. "Bakit parang mainit na naman ang ulo mo?" usisa ni Gun. "You know the reason why I build this organization, right?" panimula ni Aqueros dahilan para magseryoso kaming lahat. "And that reason falls to its end. I already found her." Tumayo si Aqueros mula sa kanyang kinauupuan at nilatag sa harapan namin ang folder na siyang tinignan namin at nakita namin ang profile ng isang babae. "Her name is Sinji Natividad and she's currently in Spain because someone sold her out without her knowing." aniya. "Sigurado ka ba na kapatid mo ito?" nag-aalangang tanong ni Gun. Binasa ko ang laman ng papel at mukhang galing sa isang ampunan ang babaeng tinutukoy ni Aqueros. Ang organisasyon na kanyang binuo ay merong misyon, 'yun ay hanapin ang kanyang nakababatang kapatid na kapatid niya sa yumao niyang Ama. Ayun sa pagkakaalam ko, meron syang kapatid sa labas dahil bago pa man malagutan ng hininga ang kanyang Ama, 'yun ang huling habilin nito kay Aqueros bukod sa pamana nitong Bloodfist mafia. Ang Bloodfist mafia ay muling binuo ni Aqueros nang mamatay ang kanyang Ama at nagsimula siya sa umpisa sa pamamagitan namin. Bloodfist is an illegal business like syndicate but when Aqueros ruled it over, he changed everything. Marami ang ayaw sa palakad ni Aqueros dahil nga sa edad nitong fourteen lamang, pero kahit isa ay walang napala nang gustohin nilang palitan si Aqueros bilang lider ng mafia sa taglay nitong katalinuhan at diskarte sa pamamalakad ng isang malaking grupo. "I never failed when it comes to people Glyden. Look at yourselves, you're the evidence that I have such amazing people beside me right now. And that girl is my sister." "So, anong plano natin?" sabat naman ni Senri. "We will invade the building a week from now." bumaling ang tingin ni Aqueros kay Rent at agad naman itong tumalima nang lumabas ang isang hologram sa harapan namin. "Ang building na ito ay pagmamay-ari ni Mr. Worth, isa sa mga nagbebenta ng babae sa Spain bilang parausan o slave kung tawagin nila. Ayun sa pag-iimbestiga ni Fourth, magkakaroon ng bentahan ng babae next week at doon tayo sasalakay to rescue those girls and Aqueros's sister." paliwanag ni Rent. Isa-isa kaming binigyan ng role ni Rent at nagpasya kami sa mga susunod naming gagawin. This will be a hell of a night as we rescued those girls from their nightmare. Dumating ang araw na napag-usapan. Kaming pito ang pumunta sa Spain gamit si Light - ang camouflage helicopter namin. Success ang mission namin na mai-rescue ang kapatid ni Aqueros pero ang ikinagulat namin ay ang mga sumunod na nangyari. "What? I can't hear you, wear this thing and said it clear if you're saying something." rinig kong sabi ni Senri mula sa headphone na suot namin habang nakasakay kami kay Light papalayo sa building na ngayon ay tinutupok na ng apoy nang pasabugin namin ito. "Ang sabi ko pakasalan mo ako!" Lahat kami ay napalingon sa kapatid ni Aqueros na nasa gitna nila ni Kuruzaki habang si Kuruzaki naman ay napatulala sa harapan ng babae. "What the f**k Kuruzaki? What did you do to my sister?" wika ni Aqueros. Rinig ko ang pagtawa ni Gun habang napapailing pa ito. "I didn't do anything, Boss." sagot naman ni Kuruzaki. "Fly this thing Gun, I think I'm having a headache right now!" "Areglado Boss." tatawa-tawang wika ni Gun at saka nito pinalipad ang helicopter palayo sa lugar. As months go by, nagpatuloy ang operasyon nang HuPoFEL at Bloodfist mafia. Dumadami na rin ang myembro namin at pumasok na rin sa elite rank sina Calvin, Thud, Trevon at Cassius na si Aqueros mismo ang pumili. Bumabalik rin ako sa parke kung saan ko nakita ang babae at hindi naman ako nagkamali na itong puno ang siyang tambayan niya. Bawat araw na mapadpad ako rito ay iba-ibang kanta ang nagagawa niya at sa isang iglap, nakapagpasya ako na gumawa ng banda - para sa kanya. Inaya ko si Senri na gumawa kami nang banda na siyang sinang-ayunan niya kasama si Kyle, Kaizen at Jasper. Naging patok sa madla ang banda namin dahil hawak kami ng CDC Entertainment na si Calvin mismo ang may-ari pero wala kaming kontratang pinirmahan. Kumbaga, palipad oras lang namin ang pagbabanda pero hindi alam ng mga kasama ko na binuo ko 'yun para kay Ernaline Ashleigh. Yes, that girl is Reiden Grei's younger sister. Alam kong bawal sa amin ang magkagusto sa kapatid na babae na myembro ng Bloodfist mafia, but can I do? Nahulog ang loob ko kay Ernaline because of her song and her dedication for music that's why I decided to build a band for her. Kaya naman, umalis ako sa banda hindi dahil ayoko sa atensyon, kundi bigyan nang pagkakataon si Ernaline na buohin ang kanyang pangarap. Pero ang gumulantang sa mundo ko ay ang kausapin ako ni Grei na maging bodyguard ng kanyang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD