PERTH DEZRAIL'S POV:
"Bring her where Gun is to tend her wounds. Kailangan kong balikan si Boss!" sabi ko kay Reiden Grei.
"What? Aqueros is here? What the hell is he thinking?" sunod-sunod na tanong ni Reiden sa akin pero natigilan kami nang makarinig kami ng malakas na pagsabog.
"f**k! Kumilos ka na bago pa maging abo si Aqueros!" tinulak ko si Reiden Grei habang buhat-buhat niya si Ernaline patungo sa lugar kung na saan sina Cassius at Thud.
Bumalik ako sa mansyon ni Katelyn at napaigtad ako nang sumabay si Kastiel sa akin habang tumatakbo ako patungo sa loob ng mansyon.
"What the hell are you doing Kastiel? Get back where Grei is!" utos ko rito pero hindi natinag ang lalaki.
"Rule number 87, always prioritize Aqueros's safety. I am an assassin and I have to fulfill my duty as part of HuPoFEL."
I groan in frustration..nilatagan pa ako ng 101 rules gayong memoryado ko naman yun at kami mismo ang gumawa ng lintik na rules na 'yan!
"s**t!" hinila ko ang braso ni Kastiel at nagtago kami sa pader nang makasalubong namin ang tauhan ni Katelyn na agad kaming pinaputukan. Wala akong dalang ibang gamit bukod sa earpiece na nasa tenga ko.
"Here,"
Napatingin ako sa kamay ni Kastiel nang iabot niya sa akin ang isang maliit na baril na gawa mismo ng HuPoFEL.
"Don't tell me lagi mo itong dala kahit saan ka magpunta?" usisa ko dito.
Kinuha niya kasi mula sa magkabila niyang hita ang baril na hawak niya at isang baril na binigay niya sa akin. She's wearing a dress though.
"Assassin's protocol, always ready for a fight." matapos sabihin ni Kastiel 'yun, agad itong lumabas mula sa pinagtataguan namin at pinaulanan ng bala ang kalaban.
Napapailing na lang ako habang sinusundan si Kastiel.
Having her as my protector will leads me in vain. Kastiel didn't know that I am part of the Elite Class pero hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin hanggang sa makita namin sina Aqueros na tumatakbo papunta sa direksyon namin.
"Oyy, bakit pa kayo bumalik?" tanong sa amin ni Saviel habang nagtatago sila sa gilid ng pader at kami naman ay nagtatago sa katawan ng puno. Hawak-hawak ni Aqueros ang kamay niya at mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit nandito si Boss sa engkwentro.
"Malamang back up ng Boss mong matigas ang ulo." mapaklang wika ko kay Saviel.
"I heard that Fynrell."
Napabuga na lang ako ng hangin at nagtago sa katawan ng puno bago nakipag-palitan ng putok sa kalaban. Makalipas ang ilang minuto, nahuli namin ang mga tauhan ni Renal at maging si Renal pero hindi namin nahuli si Katelyn Sandoval. Nakatakas ang babae habang nagkakaroon ng engkwentro sa loob ng kanyang mansyon.
Nahahapong naupo ako sa swivel chair na nandito sa loob ng conference room namin sa HuPoFEL na tanging Elite Class lang ang nakakagamit.
Sa dami ng mga nangyari, hindi ko pa nadadalaw si Ernaline mula sa laboratory ni Gun kung saan ito naka-confine para maibalik sa dati ang katawan nito.
Gun is working his ass out on how to produce an ointment para mawala ang pasa ni Ernaline sa katawan.
"How's the case with Ocampo?" bumaling ang atensyon ko kay Aqueros na hindi ko namalayang nandito pala sa loob gayong hindi naman siya pumupunta rito kapag wala kaming pinag-uusapang importante. Mas gusto nitong magkulong sa sariling opisina.
"He's done from his madness. Hindi lang si Ernaline ang nagawan niya ng kasalanan kundi marami pang ibang babae ang dumaan sa kamay niya."
Ikinulong namin si Ocampo sa dungeon pansamantala habang nililitis namin siya para paaminin sa kanyang kasalanan kaso tuluyan nang nawalan ng bait si Renal at mukhang wala na itong pag-asa na bumalik sa kanyang katinuan. Siguro ipapadala na lang namin siya sa Iceland.
Merong lupain si Aqueros sa Iceland na kung saan doon namin dinadala ang mga taong nahuhuli namin sa bawat misyon kasama ang mastermind at mga tauhan nito. Isa sa pinakaayaw namin ang mapadpad sa Iceland dahil kinikilabutan ako sa tuwing makikita ko ang hyena ni Aqueros.
Bukod sa hyena na pet nito, meron din itong white tiger na nasa France at pagala-gala lang sa mansyon nito. Buti nga wala siyang pet na dinala rito sa Pilipinas at baka himatayin kaming lahat sa sobrang takot.
"You should bring him to my land and let my pet do their job."
Napangiwi ako sa sinabi niya.
Karamihan sa mga dinadala namin sa Iceland ay ipinapang-hapunan lang ng mga hyena at minsan ginagawang laruan ni Aqueros pag trip niyang itorture ang mga taong nahuhuli namin.
"Bahala na si Thud dun." tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "May sasabihin ka pa ba? Kung wala na aalis na ako."
"You can visit her this time. I will give you a vacation for a job well done, Dezrail."
Itinaas ko ang kamay ko sa ere bilang pagpapaalam sa kanya at tuluyan ko ng tinungo ang pintuan at lumabas na ako.
Napabuntong-hininga na lang ako nang tahakin ko ang pasilyo patungo sa elevator para puntahan ang laboratory ni Gun na nasa underground nitong building. May dalawang palapag pa ang ilalim nitong building ng HuPoFEL - ang laboratory ni Gun at sa pinakailalim nito ang dungeon kung saan namin dinala si Renal Ocampo.
Pagbukas ng elevator, agad akong pumasok at pinindot ang isang secret code para mapunta ako sa laboratory ni Gun. Bumukas ang isa pang pinto ng elevator sa likuran ko kaya naman agad akong pumasok dito. Isa 'yung capsule na gawa sa hindi ordinaryong kagamitan at hindi ko alam kung saan nakuha ni Aqueros.
Sa isang iglap, lumagapak ang katawan ko sa cushion na nakahanda sa tuwing babagsak ang katawan ng sinumang pumupunta sa laboratoryo ni Gun.
"Anong ginagawa mo rito?"
Napalingon ako kay Gun at mukhang abala ito sa paggawa ng gamot.
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa cushion at inalis ang alikabok na dumikit sa katawan ko bago ako lumapit kay Gun.
May ilang doktor din na kasama si Gun dito pero karamihan sa kanila ay walang field of experience kumbaga si Gun na lang ang humasa sa kanila tulad nang kung paano niya kami hinasa sa combat skills.
"How's her condition?" usisa ko.
Sumandal ako sa isang kabinet na puno ng aparato at humalukipkip doon habang magkakrus ang pareho kong braso sa ibabaw ng dibdib ko.
"She's getting better but prepare yourself.."
"For what?"
"Ocampo drugged her at mukhang hindi pa umi-epekto 'yun kay Ernaline kaya hindi ko alam kung anong pinainom nila sa girlfriend mo."
Nasapo ko ang sarili kong noo. Akala ko tapos na ako sa sakit ng ulo, mukhang may iniwan pa ang lintik na 'yun!
"Pwede mo na rin naman siyang ilipat sa mas malawak na kwarto, hindi siya pwedeng magtagal dito sa laboratoryo ko dahil sa halo-halong kemikal na nasa paligid. Sasabihan na lang kita kapag natapos na ang ointment na ginagawa ko para sa pasa niya."
Tumango ako kay Gun bilang tugon at umalis ako mula sa pagkakasandal ko sa kabinet at tinahak ang isang pinto kung saan naroon si Ernaline. This room is made for Gun if he's tired or he wants to rest just a little bit. Pero pansamantala munang pinapagamit kay Ernaline.
Pagpasok ko sa kwarto, tumambad sa akin ang natutulog na si Ernaline, its been a week and he hasn't woken up. Lumapit ako sa kama kung saan nakahiga si Ernaline at umupo sa isang silya na nasa tabi ng kama nito. Hinawakan ko ang kamay ni Ernaline at bakas pa rin ang pasa sa katawan nito at kung gaano ito pumayat ng husto sa ilang araw na hindi ko siya nakita.
Napayuko ako sa kamay ni Ernaline at ginagap ko 'yun ng mahigpit. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko ang ganitong kalagayan niya.
Kung sana ako na lang nakahiga dito sa kama nang hindi niya maranasan ang hirap.
Sana nalaman ko agad ang mga mangyayari matapos ang mall show nila sa mall ko.
Kung sana nakilala ko agad ang tao sa likod mula sa kanyang pagdukot..
Sana hindi niya naranasan ang sakit na pinagdadaanan niya ngayon.