Bullet 44

1330 Words
PERTH DEZRAIL'S POV: "K...kuya..?" Napatingala ako nang marinig ko ang boses na 'yon at nagulat ako nang makitang dumilat na ang mga mata ni Ernaline. "Oh god! Finally, you woke up!" niyakap ko ang katawan ni Ernaline sa sobrang tuwa na nararamdaman ko at ikinulong ang kanyang mukha sa aking mga kamay. "How are you feeling? May masakit ba sa'yo?" Bumangon mula sa kinahihigaan niya si Ernaline pero agad ko itong pinigilan dahil hindi pa malakas ang kanyang katawan. "Na saan ang Kuya Reiden ko? Na saan ako?" nanghihina pa rin siya pero pinipilit niyang magsalita para hanapin ang kanyang Kuya. Hinawakan ko ang kamay ni Ernaline at ikinulong yun sa aking mga kamay. "You're inside our territory and you are currently confined at Gun's laboratory. Tatawagan ko si Reiden Grei para sabihing gising ka na pero sasabihin ko muna kay Gun para ma-check ka." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko pero bago pa man ako makahakbang, may pumigil sa kamay ko dahilan para mapatingin ako rito. "D..don't leave me here." tumakas ang luha sa mga mata ni Ernaline dahilan para sumikip lalo ang dibdib ko. Kung pwede lang akuin ko na lang ang sakit na nararamdaman niya, gagawin ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ernaline at lumapit ako sa kanya at saka ako sumampa sa kama at tumabi sa kanyang kinahihigaan. Inilagay ko sa ilalim ng kanyang ulo ang aking braso para maging unan niya at niyakap siya ng mahigpit. "Hindi na kita iiwan. I'm sorry kung nahuli ako ng dating at hindi ko nagampanan ng maayos ang trabaho ko bilang bodyguard mo. Sorry kung nagdusa ka mula sa mga kamay ni Ocampo. I'm so sorry Ernaline, hindi na mauilit. Hindi na kita iiwang mag-isa." Kahit nanghihina pa rin, gumanti nang yakap si Ernaline sa akin at humagulhol ng iyak sa dibdib ko. "H...hindi mo..naman..kasalanan..yung nangyari..Natakot lang ako..kasi..pinagbantaan..niya ang buhay...ng kapatid ko. Si Kuya Reiden ang tumayong magulang ko..at hindi ko matatanggap kung..kung..may mangyaring ma..masama sa kanya dahil sa a..akin..He also did threat me that h..he will kill a..all of you including the b..band..I was so s...scared that time to the point na h..hindi ko na a..alam kung ano ang g...gagawin ko.." "Hush....Everything is fine now baby. Pinagbayaran na ni Renal ang kasalanan niya. All you have to do is to make yourself better. Ililipat na kita ng kwarto dahil hindi ka pwedeng magtagal dito sa laboratoryo ni Gun." "Huwag m..mo a..akong iiwan.." I kissed her forehead as I hugged her tightly to make her feel that I was there. "I won't leave you." Hinayaan kong umiyak si Ernaline sa dibdib ko. Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil nagising na siya. Isa sa pinakakatakutang bagay ay mahulog siya sa coma at ayun kay Gun, baka abutin ng taon bago makarecover ang katawan ni Ernaline dahil sa takot na naramdaman nito na mukhang magbibigay ng lamat sa buong pagkatao ng taong mahal ko. I stroke her hair so that she can feel at ease that I am still beside her in the flesh. "I love you so much Ernaline and it hurts me to see you like this. I will do everything for you just please promise me, whatever it takes, you will tell me whose or what is bothering you. Hindi ko kayang makita na nakaratay ka sa kama na walang malay, baby. Ang sakit lang isipin na wala akong magawa kundi ang hintayin kang magising and thank God you came back to me." "P..promise..basta huwag mo lang akong iiwan." Pinunasan ko ang luha na tumatakas sa kanyang mata gamit ang daliri ko at saka ko siya dinampian ng halik sa kanyang labi. I really missed her so much. Matapos kong bitawan ang labi niya, nagulat ako nang makita busangot ang mukha nito. "What?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Kadiri ka, hindi pa ako nakapagmumog o hilamos man lang." hindi siya makatingin sa akin ng deritso at namumula ang kanyang pisngi dahilan para ngumisi ako. "Kahit isang taon ka pang hindi magmumog hahalikan pa rin kita." "Bantay-salakay ka talaga!" Nabalot ng halakhak ko ang bawat sulok nang kwarto na siyang kinaroroonan namin habang inaasar ko si Ernaline. Wala akong pakialam kahit isang taong siyang hindi maligo, as long as humihinga siya at nananatili siyang buhay sa tabi ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko dahilan para maalarma si Ernaline pero agad kong hinawakan ang kamay nito para ipaalam na hindi ako aalis. "Relax, babe. Tatawagan ko ang Kuya mo at si Gun para ma-check ka niya." Hinugot ko mula sa aking bulsa ang cellphone ko at pinakita ko yun kay Ernaline gamit ang malaya kong kamay. Nag-dial ako ng numero at nilagay 'yun sa loudspeaker para mapakinggan ni Ernaline ang pag-uusap namin. "Ganun na ba talaga ang pagkamiss mo kay Ashleigh at hindi ka na makalabas dyan? Ano bang kailangan mo?" sagot ni Gun mula sa kabilang linya at mukhang galit na naman ang matandang ito. "Gising na siya Doc." Narinig ko ang pagkabasag ng isang bagay mula sa kabilang linya at mukha minalas si Gun ngayong araw. "Tangina mo Perth Dezrail Fynrell, uulit na naman ako! Pupunta na ako dyan!" Tatawa-tawang pinatay ko ang tawag at naramdaman kong pinalo ni Ernaline ang likuran ko gamit ang kanyang malayang kamay. Hindi ko pala nasabi sa kanya kung anong meron sa building na ito at kung ano ang katungkulan ko. Siguro sasabihin ko na lang sa kanya once na mailipat siya ng kwarto. Sunod kong idi-nial ang numero ni Reiden Grei at agad kong inilagay yun sa loudspeaker. "What do you want Fynrell!?" singhal sa akin ni Reiden Grei na tila galit. Nagkatinginan pa kami ni Ernaline bago ako nagkibit-balikat at inalalayan si Ernaline para maupo mula sa kanyang kama. "Bakit ba ang init ng ulo niyo? Una si Tandang Gun, tapos ikaw naman? Ano bang problema niyo, tumawag lang naman ako?" "Hoy Reiden Grei, anong gagawin ko sa mga dokumentong ito?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Kastiel mula sa kabilang linya. "Burn them or do whatever you like Devoncourt, I am talking with someone right now!" "Babae mo na naman no? Napakataksil mo Montenegro, matapos mo akong ikama ganun-ganun na lang? Paano na lang ang mga pangarap ko?!" Napasinghap si Ernaline sa tabi ko habang ako naman ay nagpipigil ng tawa. Mukhang nahawa si Kastiel sa kabaliwan ni Saviel sa tuwing nagdadrama ito sa harapan ni Aqueros. Inilagay ko ang braso ko sa likurang bewang ni Ernaline at agad naman nitong isinandal sa balikat ko ang kanyang ulo habang pinapakinggan namin ang pag-uusap ni Kastiel at Reiden Grei. "What the fck are you saying? Hindi kita kinama kaya manahimik ka! Si Fynrell ang kausap ko." "Ay sorry, O.A lang. Maiwan na nga kita! Baka ipakain ko pa sayo ang papeles na tu eh." Malakas na lagabog ng pinto ang narinig namin at malutong na mura ni Reiden Grei. Mukhang nahanap na nito ang katapat niya. "You hear it, Fynrell? That's the reason why I am pissed right now." "What is she doing inside your company?" pang-uusisa ko. "Long story. Anyway, what do you want?" "Uhm. Your sister is awake." Natahimik sa kabilang linya at biglang tumunog ang cellphone ko na tila nagrerequest ng video call kaya naman agad ko itong sinagot at tumambad sa akin ang kunot noong si Reiden Grei. "Don't joke on me Fynrell or I will kill you this time!" Nawala sa paningin ko ang cellphone ko nang kabigin ni Ernaline ang kamay ko para siya ang humarap sa kapatid niya. "Kuya..punta ka po rito, miss na po kita." "A..Ashleigh? Oh my god! Thank goodness you're awake. I'll be there in just a minute. Wait for me, baby." "Hmmn..I will wait po Kuya. I love you po, ingat po sa pag-drive." "I love you too, see you later." Pinatay na ni Reiden ang tawag at mukhang magmamadali itong pumunta sa HuPoFEL. Dumating na din si Gun at kinilatis ang katawan ni Ernaline kung may nabali bang buto sa kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD