PERTH DEZRAIL'S POV:
Gusto ko sanang bigyan ng space si Gun para macheck ng maayos si Ernaline pero hindi nito binibitawan ang kamay ko kaya walang nagawa si Gun kundi icheck si Ernaline kahit sagabal ako sa kanilang dalawa.
Pagkarating ng hapon, inilipat ko ng kwarto si Ernaline at dinala ko siya sa kwarto ng kanyang Kuya. Hindi siya pwede sa kwarto at baka magulat siya kapag nakita niya ang laman ng kwarto ko. Puno 'yun ng paraphernalia - hindi droga - kundi mga pulbura ng baril na siyang ginagawa ko.
I am the one who made the HuPoFEL's hand gun and other weapon na siyang ginagamit ng assassins namin, hindi siya nakakamatay pero once na bumaon ang bala sa katawan mo, titigil ang iyong paghinga sa loob ng tatlong araw.
"This is your brother's room. Dito ka muna pansamantala habang nagpapagaling ka at kailangang mamonitor ni Gun ang health mo."
"What is this place? Bakit may room si Kuya Reiden dito?"
"He will explain it to you when he arrive. Actually, Senri has a room here too, even me." umupo ako sa kama at tinignan si Ernaline.
"Gusto mo bang kumain? Soft food lang daw muna ang pwede sa'yo sabi ni Gun. Want some porridge?"
Umiling si Ernaline. "Gusto kong makita si Kuya Reiden."
Napabuntong-hininga ako at saka ako tumango kay Ernaline.
Nakaupo lang ito sa kama habang nakasandal ang likuran nito sa headboard ng kama ni Reiden. Malawak ang bawat kwarto namin na tila isang condo unit pero mas malawak ang kay Aqueros dahil okupado nito ang buong fifth floor.
Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nun si Reiden Grei na humahangos at patakbong nilapitan ang kanyang kapatid at sinalubong ito ng yakap.
Umalis ako mula sa kinauupuan ko at lumipat ako sa may bandang bintana at sumandal doon. Nakita ko ring pumasok si Kastiel kasunod si Saviel, Aqueros, Rent, Gun at Senri.
"Oh god! How are you feeling? May masakit ba sa'yo?" kinilatis ni Grei ang katawan ni Ernaline para tignan kung may masakit ba dito pero marahang umiling si Ernaline bilang sagot sa tanong ng kanyang kapatid.
"I am fine Kuya.." ani ni Ernaline. "I'm sorry po kung hindi ko agad sinabi sa'yo ang tungkol kay Renal. He's the one who kidnap me first and he made a deal between us. Kung hindi daw po ako pumayag, papatayin ka niya. Akala ko po kapag sumang-ayon ako sa gusto niya titigilan niya na ako pero hindi pala. Siya rin mismo ang dumukot sa akin matapos ang mall show namin at dinala niya ako sa isang bahay. Him and his companion tortured me and beat me until I beg for my life pero hindi ko po ginawa 'yun."
Bumaling sa labas ng bintana ang paningin ko dahil hindi ko kayang makita na umiiyak si Ernaline sa harapan ko.
"No one dared lay a hands on me, baby, that's why they targeted you. The damage has been done and we can't do anything about it but to move forward and forget everything. I know this will be hard on you but I will do anything to make you feel better even if you want to go back with your band, I will allow it. If you want to be with Fynrell, I will allow it. Just please, don't hide anything from me. Baka makapatay ako ng tao kung sakaling hindi ka nagising."
"I'm sorry po."
Napabuntong-hininga ako.
Their bond as brother and sister is one of the hreat scene I ever saw. Kahit gaano ka-istrikto o kalamig ang pakikitungo ni Grei sa mga taong nakakaharap o nakakahalubilo nito, ibang-iba siya pagdating sa kanyang nakababatang kapatid. Reiden Grei loves his sister more than his life.
"May basbas ka na mula kay Reiden Grei. Anong plano mo?"
Napaigtad ako nang bumulaga sa gilid ko ang mukha ni Saviel.
"f**k! Don't startle me like that. Aatakehin ako sa puso dahil sa ginagawa mo!"
Inosenteng napatitig si Saviel sa akin at tinuro pa ang kanyang sarili gamit ang hintuturo niya. "Ako? Anong ginawa ko?"
"Lumayo ka sa akin Saviel, hindi handa ang panga ko mula sa kamao ng isang taong masama ang tingin sa gawi ko."
Lumingon si Sav sa mga taong nandito sa loob ng kwarto at kunot-noong bumaling ang paningin nito sa akin.
"Wala naman ah?" umangkla ang kamay ni Sav sa braso ko at basta na lang akong hinila palayo sa bintana. "Anyway, samahan mo ako."
"Saan naman tayo pupunta?" hinayaan ko lang ang kamay ni Sav na nakakunyapit sa braso ko kahit na masama ang tingin ni Aqueros sa akin. Hindi ako interesado kay Saviel kahit na umalab pa sa galit ang mga mata ni Aqueros, wala akong ginagawang masama.
"Sa mall mo. Ilibre mo ako."
"S...saan ka pupunta Perth?"
Bumaling ang paningin ko kay Ernaline at hinawi ko ng marahan ang kamay ni Sav mula sa braso ko bago ako alanganing ngumiti kay Ernaline.
"May bibilhin lang kami ni Sav." paliwanag ko rito.
"S..sabi mo hindi mo ako iiwan.." bumakas ang lungkot sa mukha ni Ernaline.
"Patay kang bata ka. Harap-harapang niloloko ang kapatid ni Montenegro."
Bumaling ang atensyon ko kay Gun dahil sa pang-gagatong nito kaya dinamba ako ng kaba.
"H..hoy gagu! Hindi ko babae si Sav no! Magpapalibre lang sa akin." humakbang ako palapit kay Ernaline at niyakap ito. "Huwag kang makinig kay Tandang Gun, hindi siya magandang impluwensiya."
"Aba! Tarantadong ito, umalis nga kayo ni Grei sa kama ni Ashleigh para ma check ko siya ng maayos!"
Tinulak ako ni Gun palayo mula kay Ernaline at tumayo naman si Reiden Grei mula sa pagkakaupo nito sa kama at hinayaan naming icheck ni Gun ang buong katawan ni Ernaline.
"Wala ka bang ibang nararamdaman bukod sa panghihina ng katawan mo?"
"W..wala po."
"Ilang beses kang pinainom ni Renal ng gamot habang nasa poder ka niya?"
Napatitig ako kay Ernaline nang bumakas ang gulat sa mukha nito.
"You don't have to hide it Ashleigh, he's a great doctor." ani naman ni Grei at mukhang binibigyan niya ng assurance si Ernaline na dapat itong magtiwala kay Gun.
"Six tablets, they forced me to drink those medicines every time they beat me."
Lumingon sa akin si Gun. "Prepare yourself Dezrail, one of these days those medicine will react form her body. Hindi ko pa alam kung anong klaseng gamot ang pinainom nila kay Ashleigh at mukhang isa yun sa mga eksperimentong ginagawa ni Sandoval. Pinag-aaralan ko na rin ang dugo niya pero maghanda ka pa rin sa pwedeng mangyari."
"D..delikado po ba 'yun?" usisa ni Ernaline.
"Hindi pa natin alam pero kailangan naming paghandaan."
Nagkatinginan kaming lahat nina Kastiel, Reiden, Aqueros, Senri, Saviel at Gun bago muling bumaling ang tingin ni Gun kay Ernaline.
"Take a rest now Ernaline."
Tumango si Ernaline kay Gun at saka bumalik si Reiden Grei sa tabi ng kanyang kapatid ko. Akmang lalapit ako kina Grei at Ernaline namg hilahin ni Saviel ang braso ko palabas ng pinto.
"Anakng! Gusto mo ba akong mawalan ng hininga dahil dyan sa ginagawa mo?" singhal ko kay Saviel nang makalabas kami ng kwarto. Nakita kong nakasunod sa amin sina Senri, Rent, Kastiel, Gun at Aqueros at mukhang may pinag-uusapan sila tungkol sa gamot na sinasabi ni Gun.
"Hush! Samahan mo ako." aniya at hinila ako papuntang elevator.
"Saan ba tayo pupunta?" usisa ko nang makasakay kami ng elevator at pinindot nya ang button patungong rooftop.
"Ipagdrive mo ako kay Homare, pupunta tayo ng Hawaii."
Lumukob ang pagtataka sa sistema ko habang sinusundan ko si Sav palabas ng rooftop at nauna itong maglakad sa akin papunta kay Homare.
Homare is our fastest private plane while Light is a camoflauge helicopter. Ginagamit lang namin ang sasakyang panghimpapawid na ito sa tuwing may misyon kami.
Tinulak ako ni Sav papuntang driver seat at agad naman akong sumampa sa loob ng sasakyang panghimpapawid. Umikot si Sav sa harapan at sumampa ito sa kataning upuan ng piloto which is ako.
I have no choice but to follow her orders kaya naman sinuot ko ang headphone, at inutusan ko rin si Sav na suotin ang kanyang headphone na agad naman sinunod.
I operate the plane and in just a blink of an eye, umandar ang makina nito.
"Ano ba talaga ang gagawin mo sa Hawaii? Alam ba ni Aqueros ito?"
Tumingin sa akin si Sav bago nito pinatay ang isang button na konektado sa computer ni Rent at mukhang nagbigay na ng signal si Homare na may gagamit sa kanya.
"Hindi alam ni Barney. Pupunta tayo sa Hawaii dahil manganganak si Sinji."
Natahimik ako sa sinabi ni Sav at bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. No one knows where is Sinji right now at mukhang si Sav lang ang nakakaalam. Hindi na ako sumagot pa at pinalipad ko na lamang si Homare papuntang Hawaii.