Bullet 28

1368 Words
ERNALINE'S POV: "Saan po tayo Ma'am?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay ako. "Sa Montenegro Empire po." Agad na pinaharurot ng driver ang taxi na kinalulunaran ko pero makalipas ang ilang minutong pagbabaybay namin sa mahabang kalsada biglang lumiko ang taxi dahilan para makaramdam ako ng kaba. "M..manong hindi po ito ang daan patungong Montenegro Empire." wika ko kay Manong. Dumaan sa bulubundukin at masukal na daan ang taxi na kinalulunaran ko. Napatingin ako sa rear view mirror at ganun na lang ang pagkagimbal ng pagkatao ko nang makilala ang taong nasa driver seat. He smiled at me. "Miss me?" Tuluyang nawalan ang kulay ng mukha ko nang mapagsino ang lalaking nasa driver seat. He's part of the band named Boys of Creation! Nakasuot ito ng uniporme ng pang taxi at inalis nito ang suot na sumbrero bago tumingin sa akin gamit ang salamin. "You! What do you want from me?" kahit na kinabahan ay mas pinili kong maging matapang. Nagpalinga-linga ako sa loob ng taxi at nagbabakasakali na may magamit ako para matakbuhan ang lalaking ito kung may gawin man itong masama sa akin. "Should I remind you again about the deal Miss Montenegro?" "Hindi ko 'yon nakakalimutan kaya pwede bang tigilan mo muna ako?" singhal ko dito. "Tsk tsk tsk! I can't do that until I get what I want Miss Montenegro. As you can see, I am just only started so bear with me." Napatili ako nang iliko nito sa isang daan ang taxi na kinalulunaran namin at puro matataas na bundok na lang ang nakikita ko. Naikuyom ko ang sarili kong palad dahil wala akong magawa para iligtas ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Ilang oras ang tinagal namin sa kalsada nang bigla niyang ihinto sa kawalan ang sasakyan. "Destroy them or I will kill your brother?" ani nito. "Do I have another option?" balik na tanong ko dito. "Of course you have. Marry me, then!?" Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. "Kung pakakasalan ba kita titigilan mo ang BlackHand at ang kapatid ko?" humalukipkip ako sa upuan na parang walang masamang mangyayari sa akin sa pakikipag-usap ko sa lalaking ito. "Of course. So, are you changing your mind about not destroying them and choosing to be with me?" Humugot ako ng malalim na hininga. "I will marry you then, just stop pestering me, my brother, and my band." Ngumisi siya sa akin. "It's a deal. See you at Ocampo Enterprises, my love." Muling pinaharurot ng lalaki ang taxi at dinala niya ako sa Montenegro Empire. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ang naging desisyon ko. Ocampo Enterprises is one of the companies that loathe us being a Montenegro so why is he so eager to marry me if his family has a grudge against us and wishes us to rot in hell? But, I choose to protect my loved ones rather than my happiness. Napatingala ako sa building ng Montenegro Empire. "Ano man ang naging desisyon ko, sana maintindihan ako ni Kuya Reiden. All I want is to protect him yet my happiness and freedom will be gone forever." Matamlay na sinalubong ko si Kuya Reiden pagkapasok ko sa kanyang opisina. "Why do you look so phlegmatic?" bungad ni Kuya sa akin. I kiss his cheek as we go inside and put ourselves on one of his couches we sit face to face. "Pagod lang po ako Kuya. Ano pong gusto niyong pag-usapan natin?" usisa ko. Magkatapat kami ng upuan ni Kuya Reiden kaya naman kitang-kita niya ang sambakol kong mukha. Kuya Reiden heaves a sigh as he puts his hands on his temple as if he's having a headache. "Mom told me something about what you said in front of her." panimula nito. Napayuko ako sa sarili kong mga kamay. "Nag-sorry naman po ako kay Mommy eh." "Kahit na. You know how hurt it is being blamed as a useless mother, Ashleigh? Nag-iisip ka ba?" Ramdam ko ang pagtutubig ng mga mata ko pero pinipigilan ko lang dahil ayokong umiyak sa harapan ni Kuya. I know what I did is wrong, and I said sorry about it. "Forget it. The damage has been done and Mom told me not to talk about it but I can't ignore those things. Hindi kita inalagaan at pinalaki para sagut-sagutin mo ang sarili mong magulang Ernaline Ashleigh!" "I.. I'm sorry. H..hindi na po mauulit Kuya." my voice cracked and my tears fell. Umiyak ako sa harapan ni Kuya Reiden. Kuya Reiden is my weakness and also my protector. I am afraid I might offended him but I did worst as I talked with our Mom and said some horrible things. Mas takot ako kay Kuya Reiden kaysa sa sarili naming magulang. I know he's too busy because of our company, and I don't want to bother him but I did a mistake. Dumagdag pa ang pakikipag-ugnayan ko kay Ocampo para lang sa kaligtasan ni Kuya Reiden but I can't tell him about it dahil alam kong marami na siyang pinoproblema. Tumayo si Kuya Reiden mula sa kinauupuan nito at bigla itong lumapit sa akin at niyakap ako. His warm embrace calms my system. "Stop crying, baby. Hindi kita pinapagalitan because of what you've done but please don't say those kinds of words towards Mom. You know how much it hurts her for not being with us because of our family business. I always remind you to not blame them because they do everything to fulfil their duty as our parents. They love us as I love you, Ashleigh, so stop crying." pang-aalo sa akin ni Kuya. Hindi ko naman siya masisisi dahil una niyang nakasama ang parent namin hindi tulad ko na pangalawang iniluwal sa mundo nang hindi nakasama ang magulang. Lumaki ako na si Yaya Marie at Kuya Reiden lang ang kasama ko dahil sa bansang Montenegró nanatili ang parents namin dahil na rin sa angkan na meron kami. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila pero ang sitwasyon ko hindi nila maintindihan. My brother suffered a lot because of me, noong mga panahong nakidnap kami up until now because of our surname. "Hindi na po mauulit." Hinintay ni Kuya na tumahan at huminahon ako bago niya ako bitawan. Pinunasan ni Kuya ang luha sa mga mata ko at pinakatitigan akong mabuti. "The reason why I called you here is because I want you to meet someone. This someone will be my eyes and ears whenever I am not around though you have Senri and Calvin by your side but I can't add another burden to them just to keep you safe so I assigned a bodyguard for you." Bumusangot ang mukha ko. "Ayoko ng bodyguard Kuya. Minsan na nga lang ako magkaroon ng kalayaan nang payagan mo akong mapabilang sa BlackHand tapos bibigyan mo ako ng alipores? Alam mong ayaw kong may sumusunod sa akin." "I already talked with Mom and Dad about it and they both agree for your safety." "Nandyan ka naman eh, hindi ko kailangan ng bodyguard." Bumuntong-hininga si Kuya Reiden at sumandal sa couch na kinauupuan namin. Magkatabi na kami ngayon dahil nga sa lumapit siya sa akin kanina para aluin ako. "I have lots of work to do and I can't guard you 24/7. Tomorrow is my flight again to go to Europe and visit Montenegró because our great grandfather asked me to be there." Ang Great Grandfather na tinutukoy ni Kuya Reiden ay ang Lolo ng Lolo ng Ama ni Daddy at hanggang ngayon ay malakas pa rin ito sa edad na nobenta y' syete. "Fine!" pagsuko ko kay Kuya at pinagsalikop ang dalawa kong braso sa ibabaw ng aking dibdib. "Don't be stubborn Ashleigh. Matatagalan ang pagbalik ko ng Pilipinas that's why I entrusted you to him." "Hindi na nga po. Susundin ko na nga po ang gusto niyo. Kailan ko po sila makikilala?" "Please enter." wika ni Kuya Reiden without a second thought. Rinig ko ang pagbukas ng pinto kung saan kami naroon. Nakatalikod kaming dalawa ni Kuya Reiden sa pinto kaya naman hindi ko alam kung sino ang pinapasok niya gayong wala naman akong narinig na pagkatok. Maging ang yabag nito ay tila isang balahibo na unti-unting bumabagsak sa lupa ng walang ingay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD