ERNALINE'S POV:
Bumusangot ang mukha ko. "Hindi ko nga alam ang pangalan mo tapos manliligaw ka sa akin? Gusto mo lang yata akong tyansingan eh?"
"You didn't even tell me your name, so, we're even."
Umangat ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya at saka ko lang napagtanto na hindi ko nga nasabi sa kaniya ang pangalan ko.
"Fine! My name is Ernaline Ashleigh Montenegro, how about you?" inilahad ko ang palad ko sa kanya para makipag-kamay pero tinignan niya lang ito.
Ngumisi ang lalaki. "I don't like shakehands. I prefer this!"
Napasinghap ako nang hilahin niya ang kamay ko at bigla akong napasubsob sa kanyang labi.
Wait? Labi? OMG!
He kissed me!
His red lips welcomed me as he pulled me towards him. It felt like there were fireworks lit up around us as he held my nape to deepen his kiss.
Ilang segundo ang itinagal ng halik niya bago niya ako binitawan at nakangiting tumitig sa akin.
"Perth at your service and don't forget that you are mine."
Nagising ako nang biglang may tumapik sa pisngi ko at pagdilat ko, mukha ni Sav na may tapal ng face mask ang bumungad sa akin.
"Anak ka ng kagang Ernaline, bumangon ka na dyan!" utos nito sa akin bago umalis sa gilid ng kama ko.
Paanong nakapasok ang babaeng ito gayong nakalock ang pinto ko?
Saviel is wearing her thick bathrobe at mukhang kakaligo niya lang. Si Sav rin ang may gamit nung kwartong pinagawa ni Kuya Senri para sa akin. Napalingon ako sa bed side table ko at kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang orasan at ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang makitang alas sais pa lang ng umaga.
"Ano bang problema mong babae ka, bakit ang aga mong nagising?" nayayamot na tanong ko dito bago humiga ulit at niyakap ang extrang unan ko.
"Aba! Hoy, baka nakakalimutan mo na may rehearsal ang banda niyo hija?"
"Hindi ko nakakalimutan kaso inaantok pa ako." I groan as I tightly closed my eyes without minding Saviel's presence.
Pakiramdam ko nananaginip lang ako dahil sa ginawa ni Perth and it's been two days since the last time I saw him. Hindi ko naitanong sa kanya kung ano ang ibig niyang sabihin matapos niya akong nakawan ng halik. wNakabalik na rin ako sa condo at bumalik rin sa normal ang pakikitungo ko sa parents ko na parang walang nangyari. Hindi man sila tutol sa ginagawa ko pero ramdam ko na mas gusto nila akong makitang naka corporate attire instead of wearing a rockstar image while holding my guitar.
"Luh! Bakit namumula ang mukha mong baklita ka? Nagwi-wet dreams ka no?" malakas na pinalo ni Saviel ang braso ko.
"Aray! Anong wet dreams pinagsasabi mo?" naiinis na bumangon ako sa kama at naupo bago hinarap ko si Saviel na nakapamewang sa harap ko.
"Alam mo na 'yun!" singhal nito sa akin.
"Anong alam ko?" balik na tanong ko dito.
Inirapan ako ni Saviel at biglang tinanggal nito ang face mask sa kanyang mukha bago umupo sa kama ko at hinarap ako.
"Umamin ka nga sa akin. May nangyari ba noong umuwi ka sa bahay niyo?" pang-iintriga nito.
Humigpit ang yakap ko sa unan and I act as if I am still sleepy.
"I told you nagkasagutan lang kami ni Mommy, nothing else." wika ko dito
"Ay hindi ganyan ang mukha ng napagalitan. Mukha yan ng taong in love!" ngumisi si Sav sa akin. "Don't tell me isa sa kanilang apat nanligaw sa'yo? Sino sa kanila? Si Kaizen? Si Jasper? O si Kyle? Hindi kasi pwede si Senri since meron na siyang babae. So, sino sa tatlo?"
Hinawakan pa ni Sav ang balikat ko at inalog-alog ako habang ibinabato sa akin ang sunod-sunod na tanong.
"Ano ba!? Bitawan mo nga ako, hindi ako in love." inalis ko ang kamay ni Saviel sa balikat ko dahilan para sumimangot ito.
"Ganun na ba ako kawalang kwentang friend para paglihiman mo ako Ernababe?" bakas sa boses nito ang pagtatampo pero inirapan ko lang ito.
Minsan sala sa init at lamig ang ugali nitong babaeng ito but I love how she handle herself being a cheerful one. Hindi ko nga alam kung bakit kami nagkakasundo ng babaeng ito lalo na pagdating sa kalokohan.
"Wala akong inililihim."
"So, sino nga sa tatlo ang nanliligaw sa'yo ng hindi ko alam?" pangungulit pa nito.
"Wala nga!"
Umangat ang kilay ni Sav sa akin at tinignan ako ng may panunuri na parang isa akong specimen sa microscope na kailangan niyang usisain.
"Kung ayaw mong sagutin, yung tatlo na lang ang tatanungin ko!"
Nanlaki ang mga mata ko nang tumalon mula sa kama ko si Sav at akmang lalabas na ng kwarto ko nang bigla ko itong pigilan sa kanyang braso at muling hinila paupo sa kama ko.
"Hoy! Nakakahiya ka." sita ko dito.
"Ayaw mo kasing sabihin sa akin kung sino ang guy na yan kaya tatanungin ko silang tatlo. I have my ways you know?"
Bumusangot ang mukha ko. "Wala sa kanilang tatlo!"
Laglag ang panga ni Saviel sa akin at tila hindi ito makapaniwala sa narinig.
"W..wala sa kanilang tatlo?" nagkanda-utal na tanong ni Sav.
"Bakit parang gulat na gulat ka? Imposible na ligawan ako ng kahit na sino sa kanila dahil kapatid ang turing ko sa banda. At isa pa, wala akong balak na syutain kahit sino sa kanila."
"Anong imposible ka dyan? Kung makatingin si Kyle sa'yo parang pag-aari ka niya."
"Hindi naman siguro."
"Hindi mo 'yun napapansin pero kami oo. Parang merong gustong sabihin si Kyle sayo pero hindi niya lang masabi."
"Huh?"
"Hatdog- aray!"
Lumagapak ang kamay ko sa pisngi ni Sav dahil sa pamimilosopo niya pero ang gaga, tumawa lang.
"Seryoso kasi!" naiinis na sita ko dito.
"Seryoso nga, feeling ko may gusto sa'yo si Kyle di niya lang maamin. Anyway, sino tung lalaking tinutukoy mo?" umangat pa ang dalawang kilay ni Sav na parang nang-aasar.
Inirapan ko ito at bumuntong-hininga ako. "I met him nung tumambay ako sa park ng subdivision namin. The first one is when I was playing alone and that was the time my big brother restrict me to go outside dahil inabot ako ng hating gabi. And the second one is nung umuwi ako sa bahay and yun nga nag-away kami ni Mommy, I mean, nasagot ko lang siya. Alam kong nasaktan ko ang feelings ni Mommy pero humingi naman ako ng tawad sa kanya."
"Ang boring naman ng meet up niyo. What's his name?"
"Perth."
Nanlaki ang mga mata ni Saviel sa sinabi ko.
Hanggang sa rehearsals ay hindi ako tinantanan ni Saviel kung alam ko daw ba kung saan nakatira si Perth but I said to her that his name is the only thing I know.
"You fall in love with a stranger?" Hindi makapaniwalang tanong ni Saviel sa akin nang mapag-isa kaming dalawa dito sa rooftop.
Kakatapos lang namin magpraktis ng banda para sa mall shows namin the next few days.
"Love doesn't define anything even if it's a stranger, a bug, an animal, or a person. There's nothing wrong with it." paliwanag ko rito.
"Wala akong sinabi na masama ang magmahal, ang sa akin lang bakit siya?" aniya.
"Why not?"
"Coconut."
"Ha?"
Humagalpak ng tawa si Saviel sa naging reaksyon ko. Hindi ko alam kung seryoso pa ba ito o dapat na akong magtawag ng doktor dahil sa kabaliwan niya?
"Hakdog! Hahahaha!"
"Ewan ko sa'yo!"
Iniwan ko si Saviel sa rooftop at mag-isa kong tinahak ang pasilyo patungong elevator para bumalik sa studio namin. Pero bago pa man ako makapasok ng elevator biglang tumunog ang cellphone ko at lumabas sa screen ang pangalan ni Kuya Reiden.
Agad ko itong sinagot at inilagay sa tenga ko.
"Hello Kuya?" bati ko dito. "Nasa CDC, bakit? Ngayon na ba? May rehearsal kami eh, sige. I'm on my way."
Ibinaba ko na ang cellphone ko at ibinalik sa bulsa ng pants ko bago magpatuloy sa paglalakad. Kuya Reiden asked me to go to Montenegro Empire because he wanted to discuss with me about something.
Pagkarating ko sa ground floor ay agad akong lumabas ng elevator at dere-diretso akong lumabas ng CDC at nagpara ng taxi without telling Saviel and the others where I might be.