Bullet 26

1304 Words
ERNALINE'S POV: "Why do you wanna see me? I am just no one." basag niya sa pagitan naming dalawa. Hindi ako nakapagsalita. "What if..." pagpapatuloy niya. "What if I am a bad guy and I did something to you?" "Hindi mo magagawa yun." mabilis na sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa estrangherong ito, as if I feel safe everytime he's near wherever I am. Pakiramdam ko ligtas ako sa kahit anong kapahamakan kapag kasama ko siya. "K..kasi you're a good man, I mean, the first time I saw you and talked to me alam kong mabait kang tao." "Can you stroke my hair?" Kumunot ang noo ko. "Stroke it as if I am a stray dog..." pabulong na wika niya sa mukha ko. Hindi ko namalayan na kusang umangat ang mga kamay ko at marahang sinuklay ang magulo ngunit malambot niyang buhok. He's eyes closed as if he's ready to sleep again. Hanggang sa namalayan ko na lang na kumakanta na pala ako. Verse 1: In a crowded room, we caught each other's gaze, A stranger with a spark that left me in a daze. Heartbeat racing fast, butterflies taking flight, A connection so strong, it felt so right. Pre-Chorus: Tell me, who are you, with that mysterious allure? A puzzle I want to solve, that much I'm sure. Let's dive into the unknown, where our stories collide, Fate brought us together, side by side. Chorus: Oh, stranger like you, keep me on my toes, Unveil the secrets deep inside, where nobody knows. In your presence, I feel alive, I can't deny, The magic between us is like shooting stars in the sky. Verse 2: Late-night conversations, endless laughter, and more, Pieces of your past, I slowly begin to explore. Shared adventures, creating memories that last, Two puzzle pieces fit, completing the contrast. Pre-Chorus: Your tales of wonder, painted on life's canvas, Wrapped in mysteries, like a mesmerizing enchantress. Together, we'll unravel the layers one by one, In this grand symphony, let the melody begin. Chorus: Oh, stranger like you, keep me on my toes, Unveil the secrets deep inside, where nobody knows. In your presence, I feel alive, I can't deny, The magic between us is like shooting stars in the sky. Bridge: With every passing moment, I'm falling deeper now, In this merry-go-round of emotions, I've found my vow. The stranger that arrived has become someone true, A symphony of love, only played by me and you. Chorus: Oh, stranger like you, keep me on my toes, Unveil the secrets deep inside, where nobody knows. In your presence, I feel alive, I can't deny, The magic between us is like shooting stars in the sky. Outro: In this tale of mystery, passion, and delight, You and I, united, embracing the night. A stranger no more, forever intertwined, Our love story continues, leaving no secrets behind. "A new song? You...wrote it?" he said after I finished the song. Nagulat ako nang yumakap ang braso nito sa bewang ko. Akala ko tulog siya? Tuluyan nang lumubog ang araw at kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa parke at tanging liwanag ng street lights ang naging ilaw namin. Trip ko talaga ang parte na ito ng parke dahil ito ito masyadong pinagtatambayan ng mga tao kaya napili ko ang pwesto na ito pero hindi ko aakalain na makikilala ko ang estrangherong ito. "No..it's an unrelease song and uhm mind if you take off your arms on me?" paninita ko rito pero hinigpitan lang nito ang yakap sa bewang ko dahilan para maramdaman ko ang bolta-boltaheng kuryente na dumaloy sa kalamnan ko. "I'm cold." aniya at biglang umihip ang malamig na hangin dahilan para manginig ang kalamnan ko. Ber months na nga pala. Hinayaan ko na lang siyang yumakap sa bewang ko kahit na nakakaramdam ako ng pagkailang pero mas nangibabaw doon ang kilig sa kaibuturan ng ugat ko. Wait? Don't tell me na inlove ako sa lalaking ito? He's mysterious and I don't even know his name. Parang gusto kong huminto ang oras habang kasama ko ang estrangherong ito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko habang nakahiga pa rin siya sa hita ko at nanatiling nakayakap sa bewang ko ang kanyang braso. Malumanay ang kanyang paghinga at nanatiling nakapikit ang kanyang mata. Umiihip na rin ang malamig na simoy ng hangin sa paligid namin. "You don't have any plans to go home?" he said in a husky voice. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. "O..okay lang..uhm..di naman ako hahanapin ng parents ko." nagkandautal-utal na sagot ko. "You should go..." "P...pero.." Paano ko ba sasabihin sa kanyang hindi ako makakaalis sa kinauupuan ko gayong nakahiga siya sa aking hita? Should I force to get up or should I asked him? Hindi ko alam. Kaltukan ko na lang kaya ito baka sakaling umalis ang ulo niya sa pagkakahiga sa hita ko? "You don't want to?" usisa niya pa. Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko kasi alam kung galit ba sa akin si Mommy dahil sa sinabi ko sa kanya kanina. Nagsabi lang naman ako ng saloobin ko pero hindi ko naman sinabi na isa silang iresponsableng magulang since they gave us a wealthy life because of our family business. "H..hindi naman sa ganun. Nag-away kasi kami ni Mommy, I mean, not totally na away, parang sinabi ko lang sa kanya yung saloobin ko bilang anak nila." sagot ko. "Palagi na lang kasi yung nakatatanda kong kapatid ang magaling." Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako sa pagkukwento. "Alam mo bang pangarap ko na makilala ang sarili kong kanta sa buong mundo? Kaso hindi ko 'yun magawa dahil ayaw ni Daddy. Pero kalaunan, nakilala ko ang isa sa mga kaibigan ni Kuya and he's the owner of an entertainment and their boy band needed a new vocalist." "Boyband?" aniya at iminulat ang mga mata nito. Nagkatitigan pa kaming dalawa pero hindi man lang ako nakaramdam ng pagkailang. Parang normal lang sa amin ang ganitong sitwasyon na para bang matagal na kaming magkakilala. "Yeah, BlackHand ang pangalan nun." Natahimik siya at muling isinara ang kanyang mga mata kaya naman nagpatuloy ako. "Noong una nahirapan akong mag-adjust pero nandun naman sila para umalalay sa akin. Last week nga nagkaroon kami ng Battle of the Band kaso guest lang ang banda namin. Okay na rin yun kaysa isabak kami sa ganoong kompetisyon lalo na't hindi ako confident sa mga kanta ko." "You can build your name without them." aniya. "H..hindi ko kaya." nahihiyang sabi ko dito. Muling bumukas ang mga mata nito, and this time kumunot ang kanyang noo. "Why is that?" "I am an introverted person, hindi ako sanay sa maraming tao. Gusto ko ako lang mag-isa." "But you let me?" "I..ibang usapan naman 'yong sa'yo." "Like what?" Natameme ako. Ano nga ba ang rason? Basta ang alam ko lang ay magaan ang loob ko sa kanya na parang ligtas ako kapag kasama ko siya. "Basta." 'yun na lang ang isinagot ko tutal hindi naman ako sigurado. "Can I ask you something?" aniya. "Ano 'yun?" "Have you ever had a boyfriend?" Binundol ng kaba ang dibdib ko. Kumibot-kibot ang labi ko at walang mahapuhap na maisasagot sa kanya. "Uhm.." "It's fine if you don't want to answer. I am just curious-" "Hindi pa!" mabilis na sagot ko. Muntik ko pang masapak ang mukha niya. Tumitig siya sa akin at ilang minuto lang ay umalis na siya sa pagkakahiga sa hita ko at naupo sa tabi ko. "If ever..." pambibitin niya ng kanyang salita. Kumunot ang noo ko at napatitig sa kanyang makinis na mukha, magulong buhok, pointed nose at kulay rosas na mga labi. "If ever I decided to court you, would you say yes?" Shuta! Bakit parang pakiramdam ko kinikilig ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD