ERNALINE'S POV:
Hinawakan ni Mommy ang pisngi ko at kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot.
"No baby. Alam kong nagtatampo ka sa amin ng Daddy mo dahil pakiramdam mo ay mas mahal namin ang Kuya Reiden mo at nasa kanya lagi ang atensyon namin pero hindi ibig sabihin noon ay babalewalain ka namin. Kahit saang anggulo tignan, isa kang Montenegro. Nagkataon lang na sabay-sabay ang dagok sa pamilya natin pero hindi mo 'yon alam dahil ni minsan ay hindi namin pinaramdam sayo na merong problema."
"Paano ko naman po mararamdaman kung mismong presensya ninyo ay wala sa paligid ko?" sambit ko.
Napayuko si Mommy at binitawan ang mukha ko. "Noong mga panahong nagkakasakit ako, na saan po kayo? Sa tuwing may achievements ako sa school, na saan po kayo? Si Kuya Reiden ang tumatayong magulang ko para punan ang pagkukulang ninyo pero ni minsan hindi ko kayo tinanong."
"I'm sorry anak."
"Naiintindihan ko naman po na busy kayo sa trabaho, pero iyong ipaubaya lahat kay Kuya Reiden pati ang pag-aalaga, pagpapalaki at pagdidisiplina sa akin ay ibang usapan na po yon, responsibilidad ninyo kaming dalawa ni Kuya pero lahat 'yun pinasan niya sa kanyang balikat para lang mapalaki ako ng maayos. Sorry po Mommy."
Bumuntong-hininga si Mommy at tumayo. "I know, I understand, but always remember I am here to support you whatever path you wanted to take. Kung gusto mo mag-artista wala na akong magagawa doon kung 'yon ang makakapagpasaya sayo."
"Thank you, po Mommy."
Ngumiti si Mommy pero bakas sa mukha nito ang lungkot. Hinalikan niya ako sa noo bago nagpaalam.
"Eat your food." bilin niya pa bago isara ang pinto.
Tumulo ang luha sa mga mata ko. Napakasama ko na bang anak para sabihin 'yon sa sarili kong Ina? Ang sakit lang kasi na kinakausap lang nila ako kapag tungkol sa career ko ang pag-uusapan, ni hindi man lang nila tinanong kung okay lang ba ako? Alam kong nasaktan si Mommy sa sinabi ko pero 'yun naman ang totoo.
Gusto kong sabihin sa kanila ang mga pangarap na gusto kong abutin pero mukhang imposible dahil napakalayo ng loob ko sa kanila na sila rin mismo ang may kagagawan. Magalit man sa akin si Kuya Reiden ay wala na akong magagawa.
Napapabuntong-hiningang lumapit ako sa study table ko kung saan naroon ang pagkain at naglalaman yon ng mga paborito ko - mango graham yun at sa tingin ko si Mommy mismo ang gumawa.
Pagkatapos kong kumain at maligo lumabas ako ng bahay nang hindi nagpapaalam sa parents ko.
"Saan ka na naman pupuntang bata ka?" sita sa akin ni Yaya Marie nang makita akong papalabas ng bahay. Gaking ito sa kusina.
"Sa park lang po Yaya."
"Mag-gagabi na?"
"Hindi po ako aabutin ng umaga dun."
"Hay, ano pa nga ba. Lumayas ka na."
Nginisihan ko lang si Yaya Marie bago ko siya niyakap at kumaripas ako ng takbo dala ang kaha ng gitara ko na nakasukbit sa aking balikat.
Hindi makatutol si Yaya sa gusto kong gawin dahil mula pagkabata ay alam nito ang sitwasyon ko - wala akong kaibigan kahit isa sa mga kapitbahay namin dito sa subdivision, maging noong mag-elementary at high school ako wala akong dinala sa bahay para ipakilalang kaibigan ko. Ako na mismo ang naglalayo sa sarili ko sa mga tao except kay Sinji at Saviel na kusang naging kaibigan ko.
Itong gitara na ito na regalo sa akin ni Kuya ay nanatili sa kwarto ko sa bahay at yung ginagamit ko sa praktis ng banda ay bigay sa akin ni Kuya Calvin na may pirma ng bawat member.
Pagkarating ko sa parke ay kaunti lang ang mga batang naglalaro, hindi ko pinansin ang mga ito at dumiretso ako sa puno na pinagtatambayan ko.
Pero halos mapatili ako nang pagsalampak ko sa lupa ay bigla akong nag-bounce back as in sumubsob ang mukha ko sa buhanginan.
"Pwe!" naiinis na hinawi ko ang mukha ko nang makakain ako ng buhangin. "Sino ang tangang naglagay ng bouncy-thing dito!?"
Hinawi ko ang buhangin sa bandang mata ko, baka pumasok yun at mabulag ako bigla? Ay ang O.A?
Pagdilat nang mata ko, ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang isang bulto ng lalaki na payapang natutulog habang nakatihaya.
Ibig sabihin yong naupuan ko ay 'yong umbok sa gitna niya? O baka sa tiyan niya? O sa mukha niya? Ewan basta ang lakas ng impact ng pagkakasubsob ko!
"Hoy!" lakas loob na tinapik ko ang paa ng lalaking nasa harapan ko pero hindi man lang ito nagising. Umungol lang ito na parang bata.
Bakit pakiramdam ko masarap sa pandinig ang ungol niya?
Hala! Bakit ba ako nahahaluan ng kahalayan? Siguro nahahawa na ako sa bunganga ni Saviel. Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi nun!
"Hoy! Gumising ka sabi!?" ulit ko pa at sa inis ko ay kinurot ko ang tiyan niyang matigas.
Napahiyaw ang lalaki at balikwas itong bumangon. "What the fck!?" hawak ang nasaktang tyan, masama itong tumingin sa akin.
"Ikaw!?" tila natulos ako sa kinauupuan ko nang makilala ang lalaki.
He's the guy I met before my brother locked me up in his office as his temporary secretary at hindi? ko na siya nakita pa not until today.
"You..." naningkit ang mga mata nitong bagong gising. Magulo ang kanyang buhok at puro buhangin ang suot nitong lose pants at grey na polo shirt. "Who are you again?"
Parang gusto kong mabuwal sa kinauupuan ko. Sinapak ko ang braso niya. "Hindi mo na ako naalala? Ako tu si Natoy!"
"What?"
OMG! Ano bang nasabi ko?
"I mean, ako yung nakita... mo dito dati... na pinagkamalan mong inaagawan kita... ng teritoryo." nauutal na paliwanag ko rito.
Bakit ang gwapo nitong tignan? Siguro kasi nung una naming pagkikita ay dim light samantalang ngayon ay lulubog pa lang ang araw.
Gwapo din naman ang Kuya ko, si Kuya Senri, si Kyle, si Kaizen at Jasper pero iba ang epekto ng lalaking ito.
Napahilamos ang lalaki sa sarili nitong mukha. "Oh, yeah. I remember."
Umayos ng upo ang lalaki bago bumaling ang tingin nito sa akin at tinignan ako ng pailalim.
"A..anong problema mo?" kinakabahang tanong ko dito.
"You know..." pambibitin niya. "No one dared to hit me while I a asleep except today,"
Napalunok ako.
"S...sorry, hindi ko naman sinasadya eh."
"Sing me a song."
"H..huh?"
"Kantahan mo ako."
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Weird?
"Uhm..anong kanta ba?" ang weird ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o ano.
This was the second time we met but every time his bored eyes landed on me, it felt weird.
Never akong nagkaroon ng interaction sa kahit sinong lalaki excecpt kay Kuya Reiden at sa mga kaibigan nito and I didn't experience to have a boyfriend either!
"Any...thing," he said in a hoarse voice as if he was still sleepy.
Humikab ang lalaki at basta na lang humiga sa hita ko.
Yes! Sa mismong hita ko nang walang pasabi dahilan para magkarambola ang bulate ko sa tyan-
Wait? Bulate sa tyan? Meron ba ako nun? Sa pagkakaalam ko, fully vaccinated ako noong bata pa ako?
"Let me sleep in your lap for a while. I waited for you.... for weeks... but you didn't... show up.." aniya.
"S..sorry. Sabi mo kasi wala akong pag-asa na makita ulit kita kaya hindi na ako pumunta dito at isa pa grounded ako ng one week at maraming nangyari this whole month."
"Hmm... how's your day?"
Nahigit ko ang aking paghinga. Ito ang unang beses na may nangamusta sa akin at tinanong kung kamusta ang araw ko.
Napatingin ako sa kanyang mukha na nakabaling sa gawing harapan ng parke, bali kalahati lang ng kanyang mukha ang nakikita ko pero sobrang tangos ng ilong nito at mahahaba ang pilik mata habang nakapikit ito.
"O...okay naman. Dinalaw ko lang sa bahay sina Mommy at Daddy at saka namiss ko ang parke."
"Only the park?"
Napalunok ako. "Uhm..nagbabakasakali rin na makita kita ulit dito."
Biglang humarap ang lalaki sa gawi ko at tumihaya ito ng higa dahilan para magkatitigan kaming dalawa.
His dark brown eyes, his pointy nose, and his thin lips reveal in front of me.