Bullet 24

1377 Words
ERNALINE'S POV: "Not now, but soon." Okay lang naman sa akin kung magrelease kami ng bagong song this week pero hinahayaan nilang ako mismo ang magdesisyon sa dapat naming gawin though baguhan lang ako at ayaw ko silang pangunahan. "Hindi ba nag-trending sa youtube yung video natin no'ng battle of the band?" pag-iiba ni Jasper sa usapan. "Bakit parang napaka-active mo sa social media ngayon?" may halong pag-tataka sa boses ni Saviel. "Anong masama do'n? Ikaw nga gumawa ng f*******: page namin ng hindi namin alam tapos pinagbebenta mo mga pictures namin do'n!?" Ngumisi si Saviel. "Gipit ako kaya nga sa inyo ako kumakapit eh." "Umutang kana lang sa akin. Bigyan kita ng tseke." ani ni Kaizen. "Ayoko, baka tumalbog at ako pa ang mapasama." Napanguso si Kaizen at tinawanan naman ito ni Jasper. Nakahold kasi ang bank account ni Kaizen sa hindi namin malamang dahilan. Pinahold 'yun ng tatay niya dahil tulad ko ay ayaw ni Tito na pumasok kami sa ganitong larangan ng musika at maruming industriya. "Bakit hindi na lang kayo mag-release ng sound track para naman matabunan ang isyu tungkol kay Ernababe at Senri?" suhestiyon ni Sav. "Gagawa ako ng ads para sa inyo." "Isyu lang 'yun. Lilipas din yan." banat naman ni Jasper. Hindi na natuloy ang paglalaro nila dahil naagaw ng atensyon ko ang suhestiyon ni Sav, maging si Kuya Senri at Kyle ay napatingin dito. "Pwede din naman." pagsang-ayon ko. Actually hindi naman ako naaapektuhan sa isyung ibanabato nila sa amin ni Kuya Senri since blur nga ang mukha ko at isa pa, lumantad na ako sa publiko noong gabi ng battle of the band. "Then, magpapa-sched tayo ng mall show sa De'Rail mall?" dagdag pa ni Sav. "Bakit ba ikaw ang nagdedesisyon sa amin kung meron naman kaming sariling schedule?" napipikang saad ni Kaizen. Hindi ko alam kung bakit mainit lagi ang ulo ni Kaizen pagdating kay Sav? O ganun lang talaga sila mag-usap? "Desisyon ako, bakit?" "Edi ikaw na." pagsuko ni Kaizen sa usapan nila at inirapan pa nito ang dalaga. "Naman!" Kalaunan ay napagdesisyonan namin ang suhestiyon ni Saviel at agad nitong ipinost sa ginawang page ng banda ang tungkol sa napag-usapan namin without Kuya Calvin's consent even though he's our manager. Nagtaka nga ako bakit walang sariling page o account ang bawat member ng banda dahil siguro sa pagiging anak mayaman nila at iwas na rin sa pagnakaw ng identity pero sa katayuan nila ngayon, hindi maiaalis sa fans na kunan sila ng pictures at gawing profile sa bawat social media platforms nila. Huwag lang talagang gamitin sa pagi-scam ang mukha ng bawat isa sa amin at ika nga ni Sav, baka matampal niya sa bumbunan. Sabado ngayon at nagpaalam ako kila Kuya Senri na uuwi muna ng bahay dahil namimiss ko na ang kwarto ko at balak kong kamustahin sina Mommy at Daddy. Buti na lang ay pumayag sila. Gusto pa sanang sumama ni Saviel pero hindi ako pumayag dahil babalik lang rin naman ako kinabukasan para sa gagawin naming sound track. Pagkarating ko sa bahay, nadatnan ko si Yaya Marie na abala sa pagdidilig ng halaman sa garden kahit na puro tangkay na lang ang natira. "Hello Yaya Marie!?" masayang bati ko bago ako tuluyang pumasok sa gate namin. Napalingon sa akin si Yaya Marie at kunot-noo itong nagtanong sa akin. "Anong ginagawa mo ritong bata ka?" "Malamang po bahay namin 'to, na saan si Mommy at Daddy?" "Andoon sa veranda malapit sa kwarto ng Kuya mo. Ikaw talagang bata ka, pumasok ka na nga." Tatatawa akong pumasok sa bahay nang irapan ako ni Yaya Marie. Parang hindi siya natutuwa na umuwi ako dito sa bahay. Isang buwan pa lang naman akong naninirahan na kasama ang mga lalaking yon. Pagkarating ko sa veranda, nakita ko si Mommy at Daddy na abala sa pag-uusap kaya naman lumapit ako sa mga ito. "Hi Mom, Hi Dad!?" masayang bati ko bago ko sila parehong hinalikan sa pisngi. "Princess? Mabuti naman at naisipan mo kaming dalawin." wika ni Mommy. Her name is Erideth Nouilene Montenegro and my Dad's name is Grei Denver Montenegro. "Sorry My, busy lang po nitong nakaraan. How are you po? Sorry po di ko kayo nasundo sa airport noong dumating kayo." paghingi ko ng paumanhin sa kanila. "It's alright hija. Your brother is there naman to fetch us and besides we talk about it already, you're living with those kids inside the Kuruzaki Condominium. I do trust them na hindi ka nila pababayaan and I know them ever since." sagot naman ni Dad. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Actually hindi ako close sa Mommy at Daddy ko dahil lumaki akong wala sila lagi dito sa bahay dahil sa family business namin. Si Kuya Reiden ang tumayong magulang ko habang wala sila kaya malaki ang respeto ko kay Kuya Reiden at sa kung paano niya ako disiplinahin kaysa kay Dad. "Hindi po kayo galit sa akin Dad? You hate seeing me always holding my guitar and me being part of a boy band." nakayukong wika ko. Nanatili lang ako nakatayo sa tabi ni Mommy without minding to take a seat while talking to them since hindi naman ako magtatagal. Gusto kong pumunta sa park at doon magpalipas ng oras kasama ang gitara at notebook ko. Namimiss ko na ang parke at ang punong pinagtatambayan ko. "I trust your brother." Galit nga si Dad. Lagi na lang si Kuya. Si Kuya na magaling sa lahat, matalino, madiskarte habang ako heto lang, laging nakakulong sa bahay. Maituturing ko sigurong Blessing in Disguise ang paglitaw ni Kuya Calvin sa opisina ni Kuya Reiden dahil unti-unting bumubukas ang pintuang para sa akin - ang musika. "I will do my best to make you proud of me too Dad using my talent." lakas loob na wika ko dito. Tumingin sa akin si Dad at napabuntong-hininga. "Your hobby is nothing to do about it Ashleigh. Nandito na tayo, nandyan ka na sa mundong pinapangarap mo kahit na ang gusto ko ay mag-focus ka sa Montenegro Empire. Reiden Grei told me that he can handle everything so I trusted his words and you being part of a boy band." Hobby? Sa mata ni Dad, hobby ko lang ang pagkanta. Libangan ko lang ang tumunganga sa kawalan habang yakap ang gitara. Libangan ko lang ang gumawa ng sariling mundo kasama ang musika. Ang sakit! "Honey, don't say that." sita ni Mommy kay Daddy pero hindi umimik si Dad nang bumaling si Mommy sa akin at hawakan nito ang braso ko. "You and your brother will always make us proud everyday baby. Don't think anything about what your Dad said okay?" Marahan akong tumango at mapait na ngumiti kay Mommy. Nagpaalam ako sa kanila at pumunta na ako sa sarili kong kwarto. Hindi ko naman masisisi si Dad kung galit siya sa akin dahil hindi ko sinunod ang kanyang gusto na pagtuunan ko ng pansin ang Montenegro Empire. That kind of Empire is made for Reiden Grei Montenegro not for Ernaline Ashleigh Montenegro. I want to build my empire using my music - the stage, the instruments, and the crowds as my soldiers. I want to gain them by my power. Hindi ko namalayan na nakatulog ako nang marinig ko ang tatlong katok sa labas ng pinto nitong kwarto ko. Agad akong bumangon at tinignan kung sino ang nasa labas at nagulat ako nang makita ang nakangiting mukha ni Mommy na may dalang tray ng pagkain. "Oh, did I wake you up? I brought you some snacks." aniya. "Come in Mom." wika ko at saka ko binuksan ng tuluyan ang pinto. Nagkalat ang papel sa kama ko pero hinayaan lang yun ni Mommy at tahimik na inilapag sa study table ko ang tray na dala niya. Umupo ako sa kama dahil inaantok pa ako hanggang sa narinig kong bumuntong-hininga si Mommy. "I know you hate us baby at dun sa sinabi ng Dad mo kanina, but please always keep in your mind that we love you. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ng Dad mo." ani ni Mommy bago ito lumingon sa gawi ko. Humakbang si Mommy palapit sa akin at naupo sa dulo ng kama tulad ko kaya ngayon ay magkaharap kaming dalawa. "I know Mom." wala sa sariling sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD