Bullet 23

1364 Words
ERNALINE'S POV: Verse 3: (Ernaline) But shadows lurk, their peace is disturbed, A dangerous gang, with vengeful words. Johnny fought valiantly, protecting his love, No force could break them, like a winged dove. Sobrang saya ko na napabilang ako sa grupong ito. Na noong una ay hindi pa ako pinayagan ni Kuya Reiden but God gave me a blessing to be part of them and share my masterpiece as a song writer at heto nga isa-isa ko nang ibinabahagi ang talento na meron ako. Chorus: (All) Running on the edge, under neon lights, They danced through the darkness, wild tonight. Midnight run, chasing dreams into sight, Unleashing passion, they burn through the night. Anthemic Line: (Kaizen) In the face of danger, they defy, Their love burns forever, soaring high. Chorus: (Senri, Kyle, Jasper, Kaizen) Running on the edge, under neon lights, They danced through the darkness, wild tonight. Midnight run, chasing dreams into sight, Unleashing passion, they burn through the night. Halos magwala ang lahat ng tao sa astrodome nang mag free style sina Kuya Senri at Kyle. Lumapit pa sila sa dulo ng stage at muntikan pa silang akyatin ng mga fans kung wala lang butler sa paligid. Sobrang fulfilling ang gabi na ito para sa akin. Matapos naming tumugtog ay agad kaming pumunta ng back stage at nakita namin ang mga grupo ng banda na kasali sa battle of the band. "Wow! What a powerful performance coming from the famouse band named BlackHand. Magpalit man sila ng bokalista, isang maganda at talentadong dilag naman ang ipinalit nila!" saad ng emcee nang makapunta kami sa back stage. "Sa mga hindi po nakakaalam, si Miss Ashleigh po ay isang song writer at tignan niyo naman, pang world class talaga ang naging performance ng BlackHand dahil sa angking galing ng bagong bokalista nila. Tama ba?" "More!" "Huwag niyo nang ituloy ang battle of the band, ilabas niyo ang BlackHand!" "More!" "Kalma mga mare," tumawa ang emcee dahil sa samu't-saring reaksyon ng fans. "Babalik ang BlackHand mamaya para sa panibagong performance. Gusto ko lang ho ipaalam sa inyo na special guest natin ang banda nila at hindi sila kasali sa kompetisyon. Kaya bago pa kayo mawalan ng boses, tatawagin ko na ang unang grupo na sasalang sa stage." "Please all welcome, Boys of Creation!" Dumaan sa gawi namin ang grupo nang mga lalaki at ganun na lamang ang panginginig nang buong katawan ko nang makilala ang isang lalaki na kasama sa nasabing grupo. 'It's him!' TULALA lang ako sa kawalan habang sina Saviel, Kaizen, Jasper, Kuya Senri at Kyle ay may pinag-uusapan dito sa aming sala. Yes, Saviel Hyuga is living with us at talaga namang nabuhayan ang condo namin nang dumating siya dahil hindi nito pinatahimik ang bawat araw ng apat na lalaki. Merong pinagtripan ni Sav si Jasper na ilock sa c.r habang naliligo at kinunan ng picture at tyaka ibinenta sa fans nito. Kay Kaizen naman ay ibinenta ni Sav ang drum stick nitong may pangalan ng banda. Kay Kyle ang hoodie jacket nitong official merchandise ng BlackHand. At kay Kuya Senri? Sa tingin ko walang nakuhang ano mang gamit si Sav mula dito. Iniisip ko pa rin ang banda ng Boys of Creation kung saan napabilang ang lalaking kumuha sa akin. Gusto ko siyang isumbong kay Kuya Reiden but my older brother is not here. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang business trip ni Kuya kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. "Guys, nakita niyo na ba?" sabi ni Jasper pero wala doon ang atensyon ko. Hinayaan ko lang silang magkagulo sa harapan ko kahit na naglalaro lang sila ng chess. Saviel decided to have a game since wala kaming ganap after the Battle of the band. Boys of Creation nga pala ang nag-champion noong gabing 'yun at hindi pa rin maialis sa isip ko ang sinabi ng isa sa kanila tungkol sa 'deal' na pinag-usapan kuno namin dahil hindi ko ito namukhaan. Sa pagkakaalala ko sinunog ng lalaking nagligtas sa akin ang bahay na pinagdalahan sa akin noong gabing 'yon. At hindi ko alam kung ano ang naging balita dahil si Kuya Reiden ang umasikaso nun at nasa kalagitnaan pa ako ng pagkabigla nang matanggap ako sa banda ng BlackHand. "What the hell is that?" bulalas ni Saviel dahilan para mapabaling ang atensyon ko rito. Literal na nagpanting ang tenga ko sa boses ni Sav kaya nabalik ako sa huwesyo. Pinag-aagawan nila ang cellphone ni Jasper at pinagpapasa-pasahan kung sino ang titingin sa kung ano man ang nakita nila. "Aray ko! Anak ng, may cellphone naman kayo!?" reklamo ni Jasper nang maipit ito sa pagitan ni Saviel at Kaizen. "Ibigay mo kasi sa akin! Gusto mo talaga 'yung nasasaktan muna eh no?" pinalo ni Saviel ang kamay ni Jasper dahilan para mabitawan nito ang sariling cellphone at napapakamot na lang sa ulo. "Spotted a girl together with one of the famous band in Asia? Si Senri 'to ah?" bulalas ni Saviel at tumingin sa gawi ni Kuya Senri na nakasalampak rin sa sahig. Nakapalibot silang lima sa lapag habang ako ay nakapangalumbaba sa single couch na kinauupuan ko. Nasa paanan ko si Kyle na naglalaro sa kanyang PSP at Kuya Senri na nagbabasa ng libro habang naka-headset. Sa bandang kanan naman nito Kuya Senri si Kaizen, katabi si Jasper na kaharap ko at si Saviel na nasa tabi naman ni Kyle. May sari-sarili talaga kaming mundo kapag magkakasama at hindi ko rin alam kung paano nakakalaro ng chess ang tatlo ng sabay-sabay? Umayos ako ng upo at naki-usyuso sa tinitignan nila habang wala namang pakialam si Kuya Senri at Kyle. "Ano 'yan?" usisa ko. Hiningi ko kay Sav ang phone ni Jasper at halos mabitawan ko 'yon nang makita ang isang picture kung saan naroon si Kuya Senri at isang babae na kasama nito. 'It was me!' Binasa ko ang article at nakasaad doon na baka girlfriend daw ako ni Kuya Senri at pasikreto kaming nagkikita. Kaya nagkakagulo ngayon ang fans at nagtatanong sila kung sino ang babaeng kasama ni Kuya Senri. Maraming masasakit na salita ang nabasa ko pero agad kong ibinalik kay Sav ang phone ni Jasper. "Sino 'tong kasama ni Kurusaki?" usisa ni Kaizen bago muling inagaw ang phone ni Jasper sa kamay nito. Hindi masyadong kita ang mukha ko dahil blurred 'yon pero ang mukha at tindig ni Kuya Senri ay malinaw pa sa tubig-kanal ang pagkakakuha. "Ito ba 'yong hinahanap mong babae Kurusaki?" dugtong pa ni Kaizen at sinipa pa nito ang paa ni Kuya Senri dahilan para maagaw ang atensyon nito mula sa binabasang libro. "What the fvck do you want Kaizen?" naiiritang inalis ni Kuya Senri ang headphone nito sa tenga at isinabit sa likod ng kanyang leeg habang ang librong hawak nito ay marahas na isinara. "Sino 'tong kasama mo?" pinakita ni Kaizen ang picture kay Kuya Senri at walang emosyong sumandal ulit ito sa may paanan ko bago muling binuksan ang binabasang libro. "It's Ashleigh." walang kagatol-gatol na sagot ni Kuya Senri. "What? Paanong naging si Ashleigh 'to?" nagpabalik-balik ang tingin ni Kaizen sa akin at sa screen ng phone ni Jasper. "That was the time na na-kidnap ako ni Kuya Senri para dalhin sa CDC. Wala kaming kaide-ideya na may paparazzi sa paligid." sagot ko. Sumimangot ang mukha ni Kaizen. "Hindi na ako magtataka kung maraming mata ang nakasunod sa bawat kilos namin pero wala silang karapatan na gawan kayo ng isyu." "Oo nga?" "Sa true. Pero yung mga comments dito hindi makatao. They call Ernababe those names at parang naiirita ako bigla sa media." "It's their way to tease those fans since we're not doing anything after that jerk left us. Though we have a new vocalist but we started again in a scratch." sabat naman ni Kyle nang hindi mapigtas ang mata nito mula sa nilalarong PSP. "Sabagay, nahinto nga pala ang mga mall shows niyo. So, kelan kayo magm-mall show ulit?" usisa ni Saviel. Hindi basta-basta lumalabas ng kanta ang banda ng BlackHand kahit na meron silang bokalista na tulad ko. They are trying to let myself adjust in the showbiz lalo na't matunog sa publiko ang apelyidong Montenegro dahil sa Kuya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD