Bullet 22

1370 Words
ERNALINE'S POV: "Hindi na ako magtataka kung anong pasabog ang gagawin niyo since halimaw sa talento si Ernaline." pagbibigay puri pa ni Kuya Calvin dahilan para makaramdam ako ng hiya. "Anyway, babalik ako dito mamaya pagkatapos niyong ayusan since magiging opening prod kaya bago magsimula ang battle of the band. See you later guys." Nagpaalam na si Kuya Calvin sa amin kaya naman hinarap ako ni Sav at inusisa na siyang ipinagtaka ko. "Okay ka lang ba talaga Ernababe?" ani ni Sav. "Okay lang naman ako Sav." sagot ko dito. Sinimulang tanggalin ni Sav ang ipit ko sa magkabilang panig ng buhok ko para ayusin. "Alam kong hindi dahil hindi ka mamumutla nang ganyan kung walang gumugulo sa isip mo. Ninenerbyos ka ba?" dugtong pa ni Sav. Akala ko naitago ko sa sarili ko ang kabang naramdaman ko kanina nang bumulong ang lalaking 'yon. I know what he is talking about and he is not yet done on how should he drag my older brother down. Hindi ako makakapayag na guluhin niya ang Kuya ko dahil lang sa business. "Siguro nga dala lang ito ng kaba. First time ko magperform na kasama ang isang boy band." sagot ko na lang kay Sav. "Ano ka ba? Mukha lang 'yang mababait pero mabangis yan pagdating sa stage." wika ni Sav na tila pinapakalma ako. Ngumiti ako dito. "Paanong bangis ba?" "Mabangis at halimaw sa pagbabaliw ng fans. Makikita mo mamaya kung paanong mabaliw sa kanilang apat ang mga fans nila." Hindi na lang ako sumagot at hinayaan si Sav na ayusan ako. One hour pa naman bago magsimula ang performance namin at sa tingin ko mahabang oras pa 'yon para sa amin. Nakasuot lang ako ng isang denim black jeans, red off shoulder, high boots with heels at gloves na kalahati lang sa bawat daliri ko. I look like a rockstar because of my get up. Maging sila Kuya Senri, Kyle, Kaizen at Jasper ay nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pants at conbat shoes. Bagay naman sa kanilang apat since mga model type ang katawan nila kaya kahit anong suotin ay nadadala nila ng maayos. Lalong lumitaw ang kaputian ni Kyle dahil sa suot nitong itim na shirts. Light make-up lang din ang inilagay ng mga assistant nila, kahit sa akin ay light lang din ang nilagay ni Sav para kung sakali daw na makita kami sa public ay makikilala pa rin kami ng fans. "Ilang banda ba ang sasali?" basag ni Kaizen sa katahimikan namin. "Sampu yata? I am not sure since special guest lang naman kayo." sagot ng isa sa mga assistant nila. "Ang boring naman. Parang gusto ko mag-entry tapos pataubin natin lahat ng sumali?" sabat naman ni Jasper na nakapangalumbaba pa sa kinauupuan nito. "Sumali ka nang mapagkamalan kang bias dahil judge si Calvin. Manager niyo yun." wika naman ni Sav. "Sus! Hindi 'yan. Kahit mag people's choice pa sila, BlackHand pa rin ang mananalo." "Ang yabang mo namang bansot ka." "Isampal ko sa'yo mga awards namin eh." Nag-make face lang si Sav dahil wala siyang pang rebat sa sinabi ni Jasper. Totoo naman kasing magaling talaga ang banda nila, 'yon nga lang iniwan sila ng dati nilang bokalista pero kaya naman nilang buhatin ang sarili nilang pangalan nang wala ang bokalista nila dahil lahat naman sila ay marunong kumanta. Ikinabit na sa akin ni Sav ang earphone na gagamitin namin at isa-isa na rin kinabitan ang iba pa para mabawasan ang ingay na maririnig namin mamaya at tanging ang tunog lang ng instrumento ang aming mapapakinggan. Tumayo na kaming lima at lumabas ng dressing room. Dumiretso kami sa back stage dala ang sari-sarili naming gitara except kay Kaizen at Jasper na nasa stage na ang gagamitin nilang keyboard at drums. Tanging drumstick lang ang dala ni Kaizen na may pangalan pa ng BlackHand. "Standby for your opening prod, BlackHand. Are you ready?" Lumapit sa amin ang isang event organizer. Tumango si Kuya Senri bilang tugon sa tanong nito since si Kuya Senri ang tumatayong lider namin. Kasama namin si Sav dito sa backstage at hindi man lang ito pinipigilan ng mga staff, hinayaan lamang nila ang babae na sumilip sa labas ng stage. "Good evening ladies and gentlemen. Handa na ba ang lahat para sa pinakahihintay nating Battle of the band?" Malakas na hiyawan ang umalingawngaw sa buong dome na halos maramdaman ko ang pagyanig ng lupa. "Huwag na nating patagalin pa. Sit back, relax, prepare your powerful voice to support your favorite band, and enjoy the show. Let's all welcome, BlackHand~" Pinapasok kami sa isang capsule sa ilalim ng stage at isa-isa kaming umangat papunta sa pinaka main stage. Parang grand entrance namin ang pagsakay sa capsule na 'yon galing sa ilalim ng stage. Akala ko sa mga concerts ko lang makikita ang ganito pero ako na mismo ang nakakaranas nang ganit kabongga na entrance. Tumapat sa amin ang limang spotlight at tag-iisang tumutok sa amin 'yon. Maging sa mga monitor ay pinapakita ang mukha namin kaya todo ngiti si Kaizen at Jasper habang si Kyle naman ay kumakaway lang. Si Kuya Senri naman ay parang wala lang. Poker face pa rin ito kahit nasa harapan na ng madaming tao. Samantalang ako, hindi alam ang gagawin kung ngingiti o kakaway ba? "Magandang gabi Astrodome!" sigaw ni Kaizen dahilan para lalong maghiyawan ang mga tao. "Namiss niyo ba kami?" segunda naman ni Jasper at pinatunog pa ang pinakamamahal nitong keyboard. "Yes!" "Kyle I love you!" "Jasper uwi ka na, hindi na ako galit!" "Senri akin ka na lang!" Samu't-saring sigawan ang maririnig sa bawat sulok ng astrodome na kinatatayuan namin. Maging ang mga nasa VIP Section ay halos magtulakan na makunan lang ng pictures ang apat na lalaking kasama ko. "Well, namiss din namin kayo at pinaghandaan namin ang gabing ito para sa inyo Handlers. At sa mga hindi po nakaalam, the woman infront of us, let me present to you our multi-talented, singer-song writer and our new vocalist Ernaline Ashleigh Montenegro. Sana suportahan niyo pa rin kami. Here we go guys!" Kyle strum his bass guitar as Kuya Senri do his part. Halos rinig ko sa earpiece na suot ko ang hiyawan ng mga tao nang magsimula na rin akong tumugtog. Verse 1: (Ernaline) In a smoky bar, where sin ignites, Met a rebel soul, she was wild tonight. His name was Johnny, a heart full of fire, Searching for freedom, a sense of desire. Naghiyawan ang mga tao nang magsimula akong kumanta. Halos hindi ko maiangat ang mukha ko dahil sa sobrang hiya at iniisip na baka pumiyok ako sa sobrang kaba. Chorus: (All) Running on the edge, under neon lights, They danced through the darkness, wild tonight. Midnight run, chasing dreams into sight, Unleashing passion, they burn through the night. Napatingin ako kay Kuya Senri at Kyle na nasa magkabilang gilid ko. Halos ilang dipa ang layo nila sa akin pero ngumiti lang sila na parang binibigyan nila ako ng lakas ng loob na magpatuloy. Verse 2: (Senri) She's a wildflower, bold and untamed, Fueled by rebellion, not looking for fame. Johnny's a renegade, fearless and strong, Together they conquered the night, righting each wrong. Ramdam namin ang pagyanig ng stage nang biglang magsitalon ang mga manunuod. Hindi man sila makasabay sa kanta namin pero pinili nilang mag-enjoy at ubusin ang energy nila kakasigaw sa pangalan ng apat na lalaking kasama ko. Bridge: (Kyle/Jasper) As the moon ascends, their hearts ignite, Cascading fireworks, burning bright. Breaking all the rules, they declare no bounds, In the wild, they'll find what fate surrounds them. Chorus: (All) Running on the edge, under neon lights, They danced through the darkness, wild tonight. Midnight run, chasing dreams into sight, Unleashing passion, they burn through the night. Unti-unti nang humuhupa ang kaba sa dibdib ko at unti-unti ko na ring tinatanggap na ito na ako. Pangarap ko lang noon na makapag-perform at hindi ko aakalain na makakasama ako sa grupo na tinitingala ng buong mundo ngayon hindi dahil sa pera na meron sila kundi dahil sa pagmamahal sa musika na kanilang iniaalay sa mga taong naghahanap ng comfort zone. BlackHand ang isa sa mga naging sandalan ng mga taong nalulungkot, nawalay sa pamilya, heartbreaks at kung anu-ano pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD