Bullet 21

1357 Words
ERNALINE'S POV: Nang makaalis si Kuya Calvin ay siya namang pagbitaw ni Sav kay Kaizen dahilan para matawa ako sa itsura ni Kaizen. Mukha siyang ni-rape ng sampung bakla dahil napunit ang suot nitong polo shirt at ang buhok nito ay gulong-gulo na. "Mukha kang na rape." bulalas ni Saviel na nagpipigil pa ng tawa. "Kasalanan mo ito! Isusumbong kita kay Luther!" singhal naman ni Kaizen at padabog na tumayo mula sa kinauupuan nito at tinungo ang isang pinto katabi ng pantry dito sa loob ng aming studio. Nagpalagay rin pala sila ng dressing room dito at halos karamihan ay damit nilang apat. Hindi pa ako naglalagay ng gamit ko since konti lang naman ang gamit na meron ako at yong mga komportableng damit lang ang sinusuot ko. "So, what kind of song should we perform?" basag ni Kuya Senri dahilan para mapalingon kami dito. Nakahinga ako ng maluwag dahil finally mapupunta kami sa matinong usapan. "Ballad, rock, pop or something catchy?" dugtong naman ni Kyle bago naupo sa tabi ni Saviel habang si Jasper naman ang pumalit sa inukopang upuan ni Kuya Calvin kanina. "How about a pop rock?" suhestiyon ni Jasper. "Hindi pang rock star ang boses ni Ashleigh." pagtutol ni Kuya Senri. "Pwede niyo namang paghaluin?" suhestiyon naman ni Sav dahilan para bumaling ang paningin namin sa kanya. "What kind of mix in your mind Sav?" usisa ni Kuya Senri. "Baka ginisa mix dude or witchcraft-- Ahh!" Nakatanggap ng suntok si Jasper mula kay Saviel. "Mix, I mean sa intro si Ernaline as pop then papasok si Senri sa rock music the hahaluan ni Kaizen ng rap. Parang all in one ba?" "Parang ang hirap nun?" Jasper "Sus! Kayang kaya yan ng song writer niyo, diba Ernababe? Nakita ko na ang notebook niya at may isang kanta dun na halu-halo ang part. Ano nga ba title nun?" "Harmony of Bullets." sagot ko. "Yon, Harmony of Bullets nga." Sumang-ayon sina Kuya Senri at ang iba pa sa naging suhestiyon ni Saviel. Ayaw pa sana ni Kaizen nang makabalik ito mula sa dressing room pero nang mapagtanto niya ang kalalabasan ng kanta ay pumayag na rin ito. "So, ang magiging intro ay si Ernaline then magiging second voice ay si Kyle at Jasper. Pasabog ang kay Senri sa middle at rap part ang kay Kaizen sa mid chorus. Okay ba?" tumango kaming lahat sa sinabi ni Sav at isa-isa kaming pumwesto sa instrumento namin. Pumwesto ako sa harap ng mikropono habang nakasukbit sa katawan ko ang gitara ko. Si Kuya Senri suot ang lead guitar nito, Si Kyle na bass guitar at nakatayo sila sa magkabilang gilid ko habang si Jasper naman ay nasa gitna at nasa likod nito si Kaizen hawak ang drum sticks nito. Si Saviel ang tumayong critic namin at namangha ako sa taglay nitong galing sa pagiging critisismo sa kantang ginawa ko. Tinuro ko muna ang chords ng Harmony of Bullets kila Kuya Senri at Kyle, maging ang daan ng keyboards ay tinuro ko kay Jasper, sa drums naman nakuha agad ni Kaizen kaya wala kaming naging problema. Verse 1: (Ernaline) We were fighting in the streets, The sound of bullets echoed deep, With every shot, our hearts would skip a beat, The chaos was too much to keep. Chorus: (All) But then we found our harmony in bullets, A rhythm that kept us steady, A melody that brought us together, And made us strong and ready. Verse 2: (Kyle/Jasper) Our guns were loud, our voices clear, We knew exactly why we were here, To stand and fight and never fear, And to wipe away every tear. Chorus: (All) But then we found our harmony in bullets, A rhythm that kept us steady, A melody that brought us together, And made us strong and ready. Bridge: (Senri) We knew the stakes were high, And that we had to give it our all, But amid all the violence, We found a way to stand tall. Chorus: (All) But then we found our harmony in bullets, A rhythm that kept us steady, A melody that brought us together, And made us strong and ready. Outro: (Kaizen) We know that peace is what we seek, And we'll keep fighting for what is right, But for now, we'll hold on to our melody, And keep our harmony in sight. "Perfect!" malakas na sigaw ni Saviel nang matapos kaming tumugtog. "Grabe, apaka lupit ng kanta. Pwedeng isa pa?" hirit pa ni Saviel. "Demanding mo namang nilalang!?" reklamo naman ni Kaizen. "Hoy, ngayon lang ako mag-rerequest. Isa pa, hindi nga kayo nagpasalamat sa ideya ko eh." "Edi thank you!" matabang na wika ni Kaizen "Oh bat ka galit? Ikaw sumulat ng kanta?" banat naman ni Jasper. "Hindi. Pero ako ang nagbigay ng ideya sa kakantahin niyo!" "Oh tapos? Share mo lang?" sabat naman ni Kyle dahilan para matawa kami. "Ah. So, ginaganun mo na ako Kyle? Crush kita pero hindi ko palalagpasin tu." naningkit ang mga mata ni Sav nang tumayo ito mula sa kinauupuang couch at lumapit kay Kyle. Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Kyle nang kagatin ni Sav ang balikat nito. "Sht! Cannibalism!" reklamo ni Kyle. Tawa nang tawa naman si Jasper at Kaizen samantalang si Kuya Senri ay ngumisi lang pati ako ay natatawa na rin sa kalokohan nila. Buong araw na ganun ang eksena namin, magpa-praktis, pahing ng konti, mag-aasaran, kakain, praktis ulit then asaran. INGAY ng crowds ang bumungad sa amin pagkarating namin ng Astrodome kung saan gaganapin ang battle of the band. Halos mayanig ang buong dome dahil sa sigawan ng mga fans lalo na ang Handlers na mismong fans ng BlackHand. "Sht! Feeling ko mabibingi ako!?" maarteng wika ni Saviel habang papasok kami papuntang dressing room kung saan kami maghihintay. Halos pinagtitinginan din kami ng ibang grupo at ang ilan sa kanila ay pamilyar sa akin. "Hindi ka naman kasi inobliga na sumama." pabalang na wika naman ni Kaizen. "Oo nga." panggagatong naman ni Jasper. "Kung pagdugtongin ko kaya kayong dalawa? Hanggang dito hindi mabubuo ang araw niyo nang hindi ako binubwisit?" "Patas lang tayo. Hindi pa kami nakakaganti sa prank mo!" Humagalpak ng tawa si Saviel nang maalala nito ang ginawang pag prank kay Jasper at Kaizen. Tinapon ba naman sa kwarto nila ang lahat ng maruruming damit namin dahil nga sa nagkaroon kami ng schedule kung sino ang maglalaba every week. Nagkataon na hectic ang schedule nina Jasper at Kaizen last week kaya hindi sila nakapaglaba kaya ang ginawa ni Saviel nilagay nito sa kwarto ni Jasper at Kaizen ang mga damit namin. "Hindi kasi kayo marunong sumunod sa usapan eh." tumatawang wika pa ni Saviel para asarin lalo ang dalawang lalaki. Pagkarating namin sa pasilyo papunta sa dressing room nakasalubong namin ang isang grupo ng banda. Halos magsiksikan kami sa pasilyo dahil sa makipot ang daanan. "Don't forget our deal Montenegro." Napalingon ako sa lalaking bumulong sa akin. Hindi ko namukhaan kung sino 'yon kaya napatigil ako sa paglalakad. Gusto ko sanang bumalik sa labas para tanungin kung sino ang lalaking 'yon nang maramdaman ko ang kamay ni Saviel sa braso ko kaya napatingin ako dito. "May problema ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Ngumiti ako kay Sav at hinawakan ito sa kamay. "Wala. May bubuyog lang na dumaan sa bandang tenga ko. Tara na?" Hinila ko si Saviel at sinundan namin ang apat na lalaki na pumasok sa isang pinto kung saan may nakadikit na puting papel at nakalagay doon ang pangalan ng banda namin. Pagkapasok namin ni Sav sa dressing room, nandoon na si Kuya Calvin kasama ang staff nito maging ang mga assistant ng banda para ayusan kami. At dahil sa literal na pinangatawanan ni Sav ang pagiging P.A ko, siya ang mag-aasikaso sa akin from make-up to hairdo. "So, ang gagawin niyo lang ay kakanta ng apat na songs ng ginawa mismo ni Ernaline. Nakapag-praktis naman kayo diba?" sambit ni Kuya Calvin nang mag-kani-kaniya kaming pwesto sa harap ng vanity table na may ilaw at sandamakmak na pang make up. "We did a twist about it and its a surprise so don't ask." inaantok na sagot naman ni Kuya Senri habang humihikab pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD