ERNALINE'S POV:
"Not totally participating. Magkakaroon lang tayo ng mga three to five songs to perform then tayo 'yong tayayong judges sa nasabing Battle of the Band." paliwanag ni Kyle.
"Too boring." saad ni Kaizen.
"Promotion na rin 'yon for Ashleigh as our new vocalist. Maraming sikat na banda rin ang pupunta pati ang mga feeling competitors kung ituring nila tayo." Kyle
"Pwede naman tayong manuod na lang?" Kaizen
"We can't do that since Calvin is one of the sponsors. For a cause ang inilunsad nilang battle of the band at mapupunta sa mga cancer patient ang malilikom na pera." Kyle
"Okay lang naman sa akin, kailan ba tayo magpapraktis?" sabat ko sa usapan.
"Bukas na bukas din. One week ang binigay ni Calvin na preparation para sa atin."
Tumango ako bilang tugon.
Hanggang sa matapos kaming kumain at nagising na rin si Jasper. Nagreklamo pa ito dahil hindi raw namin ginising. Ang sagot naman ni Kaizen ay magkusa daw ito.
Dala ang gitara ko pabalik ng kwarto ko, doon ako tumambay hanggang sa sumapit ang gabi. Wala namang masyadong activities ang banda lalo na't magsisimula pa lang kami bukas.
Napatingin ako sa cellphone ko at kinuha 'yon matapos kong ilapag sa kama ang gitara ko. Binuksan ko ang phone ko at sandamakmak na mention at tags ang bumungad sa akin mula kay Saviel.
Nakalagay doon ang pictures namin mula sa GMH at kung paanong malasing sina Kyle, Kaizen at Jasper. Nagtaka ako kung bakit wala doon ang picture nina Kuya Senri, Kuya Rent, Kuya Trev at Kuya Cassius gayong magkakatabi lang naman kami?
Hindi ko na lang pinansin yon at pumunta ako sa page ng CDC Emtertainment at bumungad sa akin ang isang announcement na magkakaroon nga ng battle of band for a cause. Ang BlackHand ay magiging special guest lamang pero hindi sinabi doon na magiging judges kaming lima.
"Dito na yata masusubok ang talento ko bilang singer-song writer?" wika ko sa sarili ko bago ipinikit ang mga mata ko at hinayaang nakabukas lang ang phone ko.
KINABUKASAN agad kaming pumunta ng CDC Entertainment para mag-praktis. Nababagot pa nga ang mga kasama ko na parang labag sa loob nila ang pumunta ng CDC.
"Gusto ko pang matulog." pag-aatungal ni Jasper na parang bata. Nakaakbay ito kay Kaizen at kulang na lang ay buhatin ito ng binata.
"Umayos ka nga Jas, mukha kang unggoy na nakakunyapit sa akin eh." inis naman na sambit ni Kaizen.
"Mukha ka namang kawayan kaya patas lang tayo."
"Tanga! Panda 'yong umaakyat sa kawayan hindi unggoy."
"Pareho lang 'yon!"
Napapailing na lang ako sa kalokohan ni Jasper at Kaizen. Sila talagang dalawa ang nagkakasundo habang sina Kuya Senri at Kyle naman ay tahimik lang.
Pagkarating namin sa studio, agad kaming pumasok at nagulat ako nang makita si Saviel sa loob kasama si Kuya Calvin.
"Hello Ernababe!?" malakas na bati ni Saviel na parang mababasag ang tenga namin sa lakas ng boses nito.
"Bakit ang hyper mo yatang babae ka?" salubong ang kilay ni Kaizen nang lumapit ito sa pwesto ni Saviel.
"As you can see, magiging P.A ako ni Ernaline." sagot ni Saviel dahilan para mapalingon sa akin sina Kuya Senri, Jasper, Kyle at Kaizen.
"Pumayag ka?" sabay-sabay nilang sigaw.
Napangiwi ako.
"Desisyon ako kaya wala kayong magagawa!" dugtong pa ni Saviel kaya hindi na ako nagsalita.
"Oh god! Akala ko mababawasan ang sakit ng ulo ko!?" wika ni Kaizen na parang nawawalan na ito ng pag-asa na mabuhay sa mundo.
"Aling ulo? Yong sa taas o sa baba? Parehong walang laman 'yon kaya keri lang ang sakit na nararamdaman mo."
"Pft!"
"Hahahahaha!"
"Fvck!"
"Damn."
Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon nina Kuya Calvin sa sinabi ni Saviel. Inilapag ko ang dala kong gitara sa isang tabi bago umupo sa isang single couch.
Nakaupo si Kuya Calvin sa katapat kong single couch habang si Sav naman ay nasa mahabang sofa. Si Kuya Senri ay pumuwesto kung saan naroon ang gitara niya, si Kaizen sa tabi ni Sav, si Jasper na nakaupo sa arm rest ng kinauupuan ni Kuya Calvin at si Kyle na nakatayo lang habang nakasandal sa pader.
"Payakap nga Sav? Gusto kong sakalin ka gamit ang muscle ko." naningkit ang mga mata ni Kaizen habang nakataas ang dalawang kamay nito na parang sasakmalin si Saviel.
Sinundot-sundot naman ni Saviel ang braso ni Kaizen. "Gagi, walang laman. Pass sa tulad mong payat."
"Tangina, rhyming yun ah?"
"Baka Saviel Hyuga tu?"
Humalakhak si Jasper sa mga banat ni Saviel habang ako ay hindi masundan ang pinag-uusapan nila.
"Ano ba talagang ginagawa mo dito Sav?" usisa ni Kyle.
Bumaling ang tingin ni Saviel kay Kyle. "P.A nga ni Ernaline. Isa pa nagpaalam ako kay Calvin and he said yes--"
"I never agree with it." putol ni Kuya Calvin sa sinasabi ni Sav.
"Desisyon na naman tu." banat pa ni Kaizen at dinuro pa si Saviel.
Namewang si Sav at hinarap si Kaizen gayong magkatabi lang sila. "FYI, desisyon maker ako kaya wala kang magagawa kasi maganda ako!"
"Anong koneksyon ng ganda mo sa pagiging P.A ni Ashleigh? Kalokohan lang yata maiaaambag mo eh?"
"Hoy Kaizen Cruz! Malaki ang maiaambag ko no, lalo na sasali kayo sa Battle of the Band next week! Magiging alalay ako ni Ernaline."
"Siya lang pagsisilbihan mo?" usisa ni Jasper.
"Malamang. May sinasabi ba akong magiging P.A ng banda? Wala diba?"
Napapailing na lang ako sa naging sagutan nila tungkol sa pagiging P.A ni Sav though wala namang problema sa akin yon kung may kasama akong kapwa ko babae baka gawan pa ako ng isyu kapag nakita akong kasama sa public place ang isa sa mga myembro ng banda.
"Whatever. Basta huwag mo lang kaming pakikialaman." pagbabanta pa ni Kaizen.
"Ay hindi! Titira ako sa condo unit niyo kaya malamang pakikialaman ko kayo."
"No way?"
"Fck! No!"
"Yes, way! Bleh!"
Bumaling ako kay Kuya Calvin at kinausap ito. "Nakausap mo po ba si Kuya Reiden?" usisa ko dito.
"He's on a business trip right now."
Napatango naman ako. Hindi kasi sinabi ni Kuya Reiden na meron siyang business trip. Namimiss ko na ang Kuya ko kaso okay na rin tu dahil may malaya akong gawin ang mga gusto ko.
"Bakit? May problema ba?" tanong ni Kuya Calvin.
"Wala naman po. Huling text niya sa akin may pag-uusapan daw kami tungkol sa bodyguard na iha-hire niya para sa akin though wala pa namang masyadong activities ang banda bukod sa darating na battle of the bands."
"Well, speaking of activities, sunod-sunod ang ganap ng banda dahil magpi-perform kayo sa October Fest na gaganapin sa Pampanga. Mall shows after the Battle of the band at album release para sa taong ito."
"Kaya po ba ng schedule namin yan?"
"Sa schedule mo oo, pero kay Senri malabo dahil marami siyang gagawin at kina Kyle, Jasper at Kaizen naman, maisisingit pa ang mga endoresement nila. They are all brand models."
Napatango ako kay Kuya Calvin.
Natulala ako sa kawalan at napaisip kung paano ko maha-handle ang sarili kong schedule gayong ngayon ko lang mararanasan na marami akong gagawin sa loob ng isang taon.
"Don't worry about it Ernaline, you don't have to catch up with them kasi sila mismo ang maghahabol sa schedule ng banda." untag sa akin ni Kuya Calvin na natatawa pa.
"Anyway, aalis na ako dahil may taping pa ako na kailangang gawin." dugtong pa nito.
"Kailan ka pa nagka-interes sa pag-aartista?" usisa ni Kaizen nang mapansing nakatayo na si Kuya Calvin at handa na itong umalis.
"Oh, Calvin decided to take a challenge from me." sabat ni Sav.
Bumaling ang atensyon ni Kaizen kay Saviel at inismiran nito ang babae. "Hindi kita tinatano-- ack! Fck! Bitawan mo ako!"
Sinabunutan ni Saviel ang buhok ni Kaizen at tinapon-tapon ang ulo nito sa sofa na parang bola. "Nakakarami kana sa akin Kaizen Cruz!"
"Bitawan mo ako!"
"Umiyak ka muna.." pang-aasar pa ni Sav nang hindi binibitawan ang buhok ni Kaizen.
"Fck! You wish -- Arghh!"
"As you can see, I took a challenge of Saviel as the main lead of a movie entitled Sky Fall. Mahaba ang proseso nun at isa pa wala pa kami sa kalagitnaan ng shoot."
"Correction baby Calbee magsisimula pa lang ang shoot."
Nagkibit-balikat na lang si Kuya Calvin sa sinabi ni Saviel at muli itong nagpaalam sa amin.