ERNALINE'S POV:
Naalimpungatan ako nang marinig ang katok sa labas ng pinto ng kwarto ko kaya naman naiinis ma bumangon ako mula sa kama without minding my appearance if I have a messy hair or drool on my cheek.
Padabog na binuksan ko ang pinto. "What is it?" naiinis na tanong ko.
"Uh, we're having dinner outside so I called you up. Kagigising mo lang ba?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang si Kyle ang mapagbuksan ko ng pinto.
"O..opo. Wait a minute, magbibihis lang po ako."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Kyle at basta ko na lang isinara ang pinto at dali-dali akong pumasok sa banyo para maglinis ng katawan.
Few minutes later natapos ako sa ritwal ko at nagsuot na lamang ako ng simpleng dress at doll shoes since sa labas nga daw kami kakain. Pagkababa ko nang hagdan, nadatnan ko ang apat na lalaki na pormado ang ayos.
"You ready?" bungad sa akin ni Kyle nang makalapit ako sa kanila.
Tumango ako sa lalaki bilang tugon at naunang maglakad palabas si Jasper at Kaizen na hindi pa rin maubos-ubos ang pagkukwentuhan nilang dalawa.
Tahimik lang ako sa tabi ni Kyle at Kuya Senri habang nakasunod kami kila Jasper at Kaizen papuntang elevator. May mga nakakakilala sa mga kasama ko dito sa loob ng condo unit na pagmamay-ari ni Kuya Senri pero wala silang pakialam.
Kuruzaki Condominium owned by Senri Daeyl Kuruzaki and the Kuruzaki Empire he manage alone. Hindi na ako magtataka kung bakit laging inaantok si Kuya Senri dahil sa bigat ng responsibilidad nito bilang may ari ng isang tanyag na kompanya sa bansa.
Though business partners din sila ni Kuya Reiden at malamang dagdag pasanin para kay Kuya Senri ang Montenegro Empire bilang kabahagi nito.
Pagkarating namin sa basement ng condo agad kaming lumabas ng elevator.
"Which car should we use?" tanong ni Kaizen nang tumigil sila sa mga nakaparadang sasakyan dito sa basement.
"Convoy?" Jasper answered.
"Use the van idiot. We can't do the convoy." suhestiyon naman ni Kuya Senri at tumingin ito sa gawi ko.
"I can drive naman po." saad ko.
"No. Grei told me not to let you drive alone. So, we're using the band's private van." Naunang naglakad si Kuya Senri kaya naman wala nang nagawa ang tatlo.
Isang itim na van ang nasa harap namin na agad akong pinagbuksan ni Kaizen ng sliding door. Si Kuya Senri naman ay tumungo sa driver seat at si Kaizen ang sa passenger seat. Habang kaming tatlo naman nina Kyle at Jasper nagkani-kaniyang pwesto sa loob ng van.
Sa unang lane ako ng mga upuan, sa pangalawa naman si Kyle at si Jasper ang sa pinakadulo. Bali tag-iisa kaming lane ng mga upuan kahit na pwede naman silang tumabi sa akin.
"Saan ba tayo magdi-dinner?" basag ko sa katahimikan namin nang paandarin ni Kuya Senri ang sasakyan.
"Sa Trev'O grill." sagot naman ni Kaizen.
"How's your room, Ashleigh? Did you like it?" usisa naman ni Jasper.
"Okay naman po. Lumipat po ako ng room."
Napalingon si Kaizen sa gawi ko at si Kuya Senri ay napatingin sa rear view mirror.
"Why?"
"Masyado pong pink ang kulay ng room and I am not a fan of pink kaya I use the other room beside of it." inosenteng wika ko.
"The mixed colored door?" usisa ni Kuya Senri.
"Yes po. Bawal po ba 'yon gamitin?"
"Nah. You can use it whatever you like."
"Pero may mga gamit po doon ng panglalaki."
"You can throw them away, or silaban mo sa kusina." banat naman ni Kyle.
Natahimik si Kuya Senri habang si Kaizen at Jasper ay tumatawa sa hindi ko malamang dahilan. Hindi na lang rin ako umimik at tumahimik na lang sa upuan ko.
Walang kahit anong group photo's ang BlackHand kaya naku-curious ako kung anong itsura ng dating lider nila.
Pagkarating namin sa Trev'O Grill, namangha ako sa sobrang ganda ng restaurant. Sa labas pa lang ay mararamdaman mo na agad ang welcoming ambiance ng paligid.
Isa-isang nagsi-babaan ang mga kasama ko kaya naman sumunod na ako sa kanila. Tila nagmukha silang bodyguard ko nang pagbuksan ako ni Kuya Senri ng pinto na gawa sa salamin.
May mga taong kumakain sa loob at ilan sa kanila ay mga kilalang tao sa showbiz, politics and business.
Tinungo namin ang hagdan papuntang second floor at pagkarating namin doon ay kokonti lang ang tao unlike sa first floor na parang pang world class ang datingan.
Pakiramdam ko hindi tugma ang mga kasuotan namin sa lugar na ito but since they are part of the band, its their usual get up.
Pinili namin ang isang round table na kasya ang sampung tao gayong lima lang kaming kakain.
"Order whatever you like Ashleigh, its on Calvin's account." saad ni Kaizen nang makaupo kami sa silya.
"Hindi kaya maghirap si Kuya Calvin?" usisa ko.
Their eyes landed on me as if I was saying nonsense words.
"Nagbibiro ka ba Ashleigh?" ani ni Kaizen. "Si Calvin ang magpapasahod sa atin kaya we can do whatever we want. Isa pa hindi namin nagagalaw ang bank accounts namin dahil sa dami ng endorsements na nakukuha ng banda dahil sa CDC."
"Sa pangalan pa lang ni Senri, qoutang-qouta na kami Ashleigh. Though lahat naman kami ay nagmula sa mayamang angkan but we love what we are doing as part of the band." segunda naman ni Jasper.
"Hindi po halata na galing kayo sa mayamang angkan." sagot ko.
"Dugyot 'yang dalawang yan." panggagatong naman ni Kyle sa sinabi ko.
"Gusto mong mahagis palabas ng resto?" pagbabanta ni Kaizen kay Kyle.
"Try me, dude, as if I am afraid of you?" pang-aamok naman ni Kyle.
Napapailing na lang ako sa naging sagutan nilang dalawa at hinayaan sila bago ko binuklat ang menu na nasa harap ko.
Isang sisig with rice ang inorder ko at orange juice habang ang iba naman ay nagkani-kaniya nang order.
"Sa lahat ng makikita ko, ang mukha pa talaga ni Kuruzaki ang bubungad sa akin?"
Napalingon kaming lima sa gawi ng isang waiter nang padabog na inilapag nito ang isang dish sa mesa namin.
"The hell is your problem?" tinatamad na tanong naman ni Kuya Senri bago nito binanatan ang inorder na pagkain.
"Wala lang. Ano pa bang order niyo?" matabang na wika nito na parang ayaw kaming makita sa loob ng restaurant.
"We'll call you later so get lost." malamig na sagot naman ni Kuya Senri.
Inismiran ng lalaki si Kuya Senri at inambahan pa ng hawak nitong tray na parang hahampasin pero hindi ito pinansin ni Kuya Senri at nagpatuloy lang ito sa pagkain.
Nang makalayo ang waiter, nagtanong ako kay Kuya Senri. "Sino 'yon?"
"Trevon Dwayne Blas. He's the owner of this restaurant." walang-atubiling sagot ni Kuya Senri.
"Uh, why is he serving the food if he's the owner?" takang-tanong ko.
"As a businessman, we need to ensure the security, quality and wants of a customer. Just because you're an owner it doesn't mean you can't experience being a service crew." paliwanag ni Kuya Senri.
"Kailangan mo pa rin makisalamuha sa tao Ashleigh hindi dahil sa trabaho mo 'yon, kundi 'yon ang isa sa mga pinakamagandang ugali bilang business owner." dugtong naman ni Kaizen.
"May mga business ba kayo?" takang-tanong ko.
"I owned a private resort." Kaizen.
"Aircraft." Jasper.
"Golf club." Kyle.
"Ang yayaman niyo pala, bakit bumuo kayo ng banda?"
"Out of boredom." sabay-sabay nilang sagot sa akin.
"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Someone create it and were just having fun about. Hindi namin namalayan na unti-unti naming nagugustuhan ang pag-perform sa stage." Kaizen.
"Mind if I ask where is your former leader?" usisa ko.
Nagkatinginan ang apat na lalaki at nagkibit-balikat lang bago ipinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi namin alam kung na saan siya." mapaklang wika ni Kyle dahilan para tumawa si Kaizen at Jasper kaya binalingan ko ang dalawa.
"Bakit sa tuwing nababanggit ko ang tungkol sa dating lider niyo, natatawa kayong dalawa?" usisa ko kay Kaizen at Jasper.