Bullet 17

1359 Words
ERNALINE'S POV: "Well, magkaibigan si Kyle at yong dati naming lider. Since sila nga ang nakaisip ns bumuo ng banda, naki-oo lang kami kay Kyle since bored nga kaming dalawa ni Jasper tapos itong si Senri, may hidden agenda kung bakit sumali siya sa amin." Napalingon ako kay Kuya Senri na ngayon ay tapos ng kumain at umiinom na lang ito ng wine. "Ano naman pong hidden agenda 'yon?" baling ko kay Kuya Senri. "He's looking for his fiancé who vanished without a word. Kaya ayan, parang laging pinagbagsakan ng langit at lupa si Senri dahil hindi niya alam kung saan niya hahanapin ang babae dahil sa galing ng pagtatago nito." natatawang sagot ni Jasper. Umirap lang si Kuya Senri na parang hindi nito gustong pag-usapan ang personal na buhay nito. "Bilog ang mundo Kuya, kung na saan man siya sa tingin ko ay nasa mabuting kalagayan naman siya." saad ko. Nakipag-kwentuhan lang ako sa apat na lalaki at nag-enjoy ako sa company nila. Habang tumatagal ay unti-unti kong nakikilala ang mga kasama ko kahit sa maikling panahon lang. Matapos naming kumain sa Trev'O Grill, sumama sa amin si Kuya Trev na siyang ipinagtaka namin. "Why are you following us?" takang tanong ni Kuya Senri nang sumakay si Kuya Trev sa loob ng van at umupo sa tabi ko. "Pagod na ako mag-serve ng pagkain. Tara sa GMH?" inis na wika nito. "We have some company Trev, we can't being her there." sabat naman ni Kyle at tumingin pa sa gawi ko sina Kuya Senri na siyang ikinakunot ng noo ko kung anong pinag-uusapan nila. Bumaling sa akin si Kuya Trev. "How old are you?" "26 po." "She's not a kid so let's go." sambit ni Kuya Trev na tila ito ang Boss sa sasakyan na kinalulunaran namin. "Grei will kill me, Trev. Spare her okay!?" pakiusap ni Kuya Senri. "Teka, saan ba kasi tayo pupunta?" usisa ko. "Sa Bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan namin ni Kuruzaki." walang buhay na sagot ni Kuya Trev. "Okay lang naman po na sumama ako. Di pa po ako nakakapasok sa mga ganyang lugar." saad ko. "Hindi ba magagalit ang Kuya mo, Ashleigh?" bakas sa boses ni Kyle ang pag-aalala sa pwedeng sabihin ni Kuya Reiden sa akin. "Kasama ko naman po kayo kaya okay lang tyaka hindi naman po ako iinom ng alak." Ilang minuto pa ang lumipas bago nagpasya si Kuya Senri ns isama ako sa GMH o bar na sinasabi nila. Since responsibilidad nila ako, hindi ako pwedeng maiwan sa iisang lugar nang hindi sila kasama. Pinagbantaan rin kasi ni Kuya Reiden si Kuya Senri at Kuya Calvin na kapag may nangyaring masama sa akin ay silang dalawa ang malalagot. Pagkarating namin sa bar, agad na ipinarada ni Kuya Senri ang van sa parking lot at sabay-sabay kaming bumaba nang masigurong maayos ang pagkakagarahe ng sasakyan. Nasa bungad pa lang kami nang pinto ng biglang may lumapit kay Kaizen at binigyan ito ng malakas na suntok na siyang ikinagulat ko dahil pati ako ay nahawi nang lalaki dahil nasa harapan ko si Kaizen. Napapagitnaan kasi ako ng limang lalaki, nasa unahan si Kuya Trev at Kaizen, habang nasa magkabila ko naman si Kuya Senri at Kyle at sa likuran namin ay si Jasper. "What the fvck!?" pagalit na singhal ni Kaizen nang matanggap nito ang suntok na pinakawalan ng isang hindi kilalang lalaki. May butler sa labas ng bar pero wala man lang itong ginawa para pigilan ang lalaki. "Yan ang napapala mo dahil inagaw mo ang girlfriend ko!" sigaw naman ng lalaking sumuntok sa mukha ni Kaizen. "The fvck are you saying? I didn't steal any asshole's properties!" Sagot naman ni Kaizen. "Someone saw you inside her condo unit you fcking jerk!" "Fvck! Single nga ako tapos pagkakamalan mo akong pumunta sa condo ng girlfriend mo? Hindi ako kasing tanga na tulad mo!" Pinigilan ni Jasper ang balikat ni Kaizen nang akmang susugurin ang lalaki para gantihan sa suntok na binigay nito. "Dude, for your information, 24/7 kaming magkasama ni Kai umulan man o umaraw. Walang inagaw na babae si Kai at ni minsan hindi siya pumupunta sa condo ng isang babae nang hindi ako kasama." sabat naman ni Jasper. "I have evidence!" singhal naman ng lalaki at inilabas ang cellphone nito at ipinakita sa amin ang isang CCTV footage kung saan akay-akay ng babae si Kaizen papasok ng elevator. Napatingin kaming lahat sa kanya. "It was you on the video." nakahalukipkip na sabi ni Kuya Trev. "Fake 'yan!" pagmamaang-maangan naman ni Kaizen. Inagaw ni Jasper ang cellphone mula sa lalaki at pinaulit-ulit nitong panuorin ang video hanggang sa mapatingin si Jasper kay Kaizen. "s**t pare!? Nagtataksil ka sa akin? Hindi nga maipagkakaila na ikaw itong nasa video." naiiyak na wila ni Jasper. "Tantanan mo ako Jas kung ayaw mong ikaw ang bugbugin ko!?" "Joke lang." natatawang ibinalik ni Jasper ang cellphone sa lalaki pero sa isang iglap bumulagta ang lalaki nang bigyan ito ni Jasper ng upper cut. Tulog ang lalaking hindi namin kilala. "Tsk! Gagawa na lang ng isyu edited pa? Pwe!" sambit ni Jasper at sinipa pa ang katawan ng lalaking nakabulagta. Tinawag ni Jasper ang butler para alisin ang katawan ng lalaki sa harapan namin na agad namang sinunod nito. Nagpatuloy sa paglalakad sila Kuya Senri, Kuya Trev at Kyle habang si Jasper at Kaizen naman ay nakasunod sa akin. "Tanginang 'yan. Ni hindi nga ako makahawak maski gahibla ng buhok nang babae tapos pagbibintangan ako ng mang-aagaw? Gagu ba siya?" gigil na wika ni Kaizen habang papasok kami sa bar. "Tangina. Nagtataksil ka na sa akin." rinig kong sabi ni Jasper. "Pakiss nga Jas?" "Tangina mo!" Bumungad sa amin ang ingay ng stereo at dami nang taong nagsasayaw sa dance floor. Naamoy ko rin ang iba't-ibang pabango at usok ng sigarilyo sa paligid. "Ganito ba talaga ang itsura ng bar?" huminto ako sa paglalakad dahilan para mapagitnaan ako ni Jasper at Kaizen na nakahawak pa rin sa panga nitong nasaktan. "Its just a usual scenario Ashleigh pero hindi tayo makikigulo sa kanila sa dance floor. Doon tayo sa VIP room." tinuro ni Jasper ang isang pasilyo kung saan tahimik na tinatahak nina Kyle kaya naman sumunod kami sa kanila. Nang marating namin ang hagdan, bumaling ang tingin ko kay Kaizen nang makitang salubong pa rin ang kilay nito. "Okay ka lang ba?" usisa ko rito. "Malayo yan sa bituka Ashleigh. Daily routine na namin yan kapag naliligaw kami sa mga bar, kung sino-sino lang sumusuntok sa amin." natatawang sagot ni Jasper na nasa likuran namin ni Kaizen. "Basagulero yata kayo eh?" "We're gang members to be exact," Kaizen said. Napahinto ako sa paghakbang. "Weh? Yang itsura ninyong yan, gangster kayo?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay Kaizen at Jasper. "Of course. Bakit parang hindi ka naniniwala?" natatawang balik na tanong ni Jasper sa akin. "Sa pagkakaalam ko kasi yong mga gangster eh nakasuot ng malalaking tshirts, baggy pants, aesthetic shoes and accesories? Dapat ganun din ang itsura niyo." wika ko. "Excuse me? Anak mayaman kami pero hindi kami kasing baduy ng iniisip mo Ashleigh. Those kind of thugs, sumusunod lang sila sa uso but as a gangster like us, we're a members of an underground society which include all the rich kids in town." "Hindi halata sa amin dahil pera ang umiikot sa grupong kinabibilangan namin at isa pa masyadong mainit ang mukha namin sa mga bar na pinupuntahan namin dahil minsan yun ang naging meeting place o hide out ng mga grupong kalaban namin or minsan trip lang nila kaming tyempuhan nang hindi magkakasama." paliwanag naman ni Jasper. Nahihiwagaan ako sa mga pagkatao na meron ang mga kasama ko. Si Kuya Senri na antukin. Si Jasper at Kaizen na gang members. Si Kyle .. tahimik lang. Pagkatapak namin sa second floor, pumasok sa isang VIP room sina Kuya Senri, Kuya Trev at Kyle na agad naming sinundan. Tumambad sa akin ang isang kwarto na merong dim light na kulay pula at disco ball, mahabang couch at dalawang single couch, isang babasaging mesa sa gitna at malaking monitor ng tv sa pader na may makasulat na Grind Me Harder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD