ERNALINE'S POV:
Umupo ako sa isang single couch at nagpwesto na rin ang mga lalaking kasama ko.
"Should we consider it as her welcome party?" basag ni Jasper sa katahimikan namin.
"If you want to drink some alcohol, do it Jasper. Don't lump her in and just order her some juice." utos ni Kuya Trev kay Jasper dahilan para magkibit balikat ito at basta na lang pinindot ang isang button sa tabi ng pinto.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok ang isang lalaki na may dalang menu cards at kunot noong lumapit ito sa amin.
"What the hell happened to your face dude?" natatawang tanong nito nang makita ang mukha ni Kaizen na ngayon ay may pasa na.
"Encountered some bad spirits as we arrived here. Isang tequila nga." ani ni Kaizen.
"Swerte mo naman." ngumisi ang lalaki at binalingan nito sila Kuya Senri na umorder na rin ng alak habang ako ay namimili pa ng inumin na oorderin ko.
Nang mapatingin sa akin ang lalaki, bumaling ang tingin nito kay Kuya Senri. "Hindi ba't kapatid 'tu ni Reiden Grei? Paano niyo napilit si Reiden na isama ang kapatid niya gayong bantay sarado ang batang tu?"
"She's not a kid anymore Gun. O.A lang talaga si Reiden Grei." sagot ni Kuya Trev.
"Sabagay, myembro na pala siya ng BlackHand. Gusto niyo bang buksan ko ang karaoke nang makapagpraktis naman kayo?" usisa pa nito.
"No need. We came here to spend the night. Wala kaming balak maglasing since kasama namin si Ashleigh." sagot naman ni Kuya Senri.
"Sige, sabi niyo eh. Ano sa'yo baby girl?" baling sa akin ni Kuya Gun.
"Uhm. Buko juice na lang po tyaka isang sisig. Favorite ko po 'yon eh."
"Kanin, ayaw mo?"
"Kaka-dinner pa lang po namin."
"Just bring her some snack or chips, Gun." dugtong ni Kuya Trev.
Tumango si Kuya Gun bilang tugon at bigla itong kumuha ng isang bagay sa likod ng pantalon nito at tumambad sa amin ang isang maliit na notebook at isinulat nito ang orders namin.
"Hintayin niyo na lang ang order niyo. Mga five minutes lang naman 'yon." saad ni Kuya Gun bago ito magpaalam sa amin.
Pagkalabas ni Kuya Gun ay nagsimulang magkwentuhan si Kuya Trev at Kuya Senri tungkol sa business habang si Kyle naman ay busy sa sariling cellphone nito at si Kaizen at Jasper ay abala naman sa pagkutingting ng tv monitor at mukhang balak nilang magkaraoke.
Kinuha ko naman ang cellphone mula sa maliit na bag na dala ko st binuksan 'yon. Pumunta ako sa message app at nagsend ng text message kay Kuya Reiden kung kamusta na siya.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang reply ni Kuya Reiden.
'I have something to tell you about your bodyguard. Dad and I discussed it as you agreed to live with your bandmate.'
Saad ni Kuya sa text message niya kaya naman agad ko itong nireplyan.
'I thought Kuya Senri would be responsible for my safety since he's the owner of our condo where we live?'
'Kuruzaki has lots of things in mind and I don't want to burden him with such kind of responsibility. Catch up on you later baby, I have a meeting with the investors.'
Hindi na ako nagreply pa sa text ni Kuya at pumunta na lang ako sa social media account ko. Kakaunti lang ang nasa friendlist ko since hindi naman ako palakaibigan tulad ni Sinji.
Sa tuwing naisisingit ni Kuya Reiden ang meeting nito sa investors or board members hindi ko na siya kinukulit pa dahil masyadong dedicated si Kuya sa kanyang trabaho bilang CEO ng Montenegro Empire.
Ilang minuto makalipas, nag pop-up sa notification ko ang isang friend request at bumungad doon ang pangalan ni Saviel na agad kong inaccept.
Nagulat ako nang bigla itong mag-message kaya tinignan ko agad.
'Hello, Ernaline. What's up?' sabi nito with emoji.
'Yo, Sav?' Sagot ko.
'Wala naman. Gusto ko sana mag-apply as your P.A since bored nga ako.'
'Araw-araw ka naman yatang bored?'
'Of course. Panget kasi kabonding ni Barney eh, kung saan-saan ako dinadala. Anyway, kita tayo bukas. Bye!'
Napapailing na lang ako sa trip ng isang Saviel Hyuga. Ini-off ko ang phone ko nang dumating ang orders namin as in sobrang dami. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko since nilapag sa harapan ko ang iba't-ibang klase ng snacks na best seller yata dito sa bar.
Nagkani-kaniyang kuha na rin ng alak ang mga kasama ko kaya kinuha ko na rin ang buko juice na inorder ko.
This is the first time na pumasok ako sa isang bar at puro lalaki pa ang mga kasama ko. Ipinagpapanalangin ko na sana hindi magalit si Kuya Reiden.
Kumanta si Kaizen at Jasper na parang sila lang ang nasa loob ng room without minding our presence. Nag-eenjoy lang sila sa sarili nilang mundo. Habang ako naman ay natatawa sa itsura nilang dalawa dahil sumasayaw pa ang mga ito.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Kuya Gun at may mga kasama ito.
"What's up guys?" malakas na bati ni Saviel.
Lumingon ang mga kasama kong lalaki kay Saviel at nagsitayuan ang mga ito at nakipag-beso kay Saviel.
"Yo Sav? What are you doing here?" takang tanong ni Kuya Trev.
"Nakaamoy kasi ako ng party kaya pumunta ako dito. Sinama ko lang si Rent at Cassius." sagot naman ni Saviel.
Napalingon ako sa dalawang lalaking kasama ni Sav at sa pagkakaalala ko kaibigan din sila ni Kuya Reiden.
"She forced us to be with her. I have lots of work to do inside the monitor room." naiinis na wika naman ni Kuya Rent.
"Madaming gagawin? Puro upgrade ng system ginagawa mo wala namang magha-hack ng system natin. Kailangan mo ring mag-enjoy sa buhay Rent." Saviel patted Kuya Rent's shoulder pero hinawi lang 'yon ni Kuya Rent.
"Get away from me, woman." sambit ni Kuya Rent bago naupo sa tabi ni Kuya Senri.
Si Sav naman ay napahawak sa sariling dibdib nito na tila nasaktan sa sinabi ni Kuya Rent.
"Aray ha? Makapag-taboy ka sa akin parang isa akong virus na ayaw mong mahawa?"
"Virus ka naman talaga." sabat ni Kaizen.
Tinignan ni Saviel si Kaizen nang may pagbabanta at basta na lang nitong dinamba ang binata at sinakal sa leeg.
"Aray Sav, bitawan mo ako!" reklamo ni Kaizen pero tumatawa ang loko.
"Ulitin mo 'yong sinabi mo kung ayaw mong putulin ko ang dapat putulin sa'yo?" pagbabanta ni Sav.
"Huwag! Virgin pa ako!"
Ang tawa ni Jasper ang umalingawngaw sa buong kwarto habang ang iba naman ay napapailing na lang sa nakikita namin.
This will be a hell of a night with disaster because of Saviel.
Kasalukuyan akong nagpapahinga dito sa sala habang ang mga kasama ko ay mga tulog pa. Akala ko hindi sila maglalasing pero napalaban sila kay Saviel sa pustahan.
Nakapatong sa hita ko ang gitara ko habang ang notebook ko naman na niluma na ng panahon ay nakapatong sa coffee table. Napagpasyahan ko kasing gumawa ulit ng kanta for future references since kabilang na ako sa banda ng BlackHand bilang main vocalist.
Sina Kuya Senri, Kuya Trev, Kuya Rent at Kuya Cassius ang natirang matatag habang sina Kaizen, Kyle at Jasper ang siyang nakipag paligsahan ng inuman kay Saviel. Hindi nila matalo-talo ang babae dahil hindi naman ito umiinom ng alak, pinagtripan niya lang talaga sina Kaizen kaya ang kinalabasan, tulog ngayon ang tatlo sa kani-kanilang kwarto.
Ang saya palang kasama ang mga lalaki sa inuman dahil aasikasuhin at aalagaan ka nila. Gentleman silang lahat hindi tulad ng mga nababasa o napapanuod ko sa social media na kapag may alak daw eh may balak? Pero sa estado nila Kuya Senri masyado silang classy at may respeto sa babae.
"Good morning Ashleigh." napalingon ako kay Kuya Senri na kagigising lang gayong ala una na ng hapon.
"Hapon na po Kuya." saad ko dito.
Naglakad si Kuya Senri papuntang kusina. Nakasuot lamang ito ng pang-ibabang pajama at walang pang-itaas na damit. Hindi naman ako nakakaramdam ng awkward since daily routine ni Kuya Reiden ang rumampa sa bahay ng naka-boxer shorts lang. Though maganda din ang katawan ni Kuya Senri na tila batak sa gym pero hindi ako attracted lalo na't tinuturing ko silang parang nakatatandang kapatid at bilang kaibigan ni Kuya Reiden.