bc

Chasing the Winter

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
others
drama
sweet
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Sa hindi inaasahang oras, panahon at pagkakataon, maaari kayang puso ng dalawang taong magkasalungat sa pag-uugali at gusto ay magtugma? May pag-asa nga bang siya ang una at siya rin hanggang wakas? Ikaw pa rin kaya ang magiging paksa sa kanyang tula o isa ka na lamang paksa na kahit kailan hindi na magtutugma?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Isang malamig na umaga na naman ang gumising sakin,  ewan ko ba pero kapag talaga malamig sinisipag ako sa lahat. Yung iba ayaw ng naulan, nahihirapan sila kasi nababasa raw ang ibang gamit nila kapag papasok sa school. Pero syempre ako, wala sakin yon ang mahalaga gustong gusto ko ang malamig na panahon. Sanay na sanay ako sa lamig, kaya nga pati crush ko cold sakin hahaha! "Anak? Gising ka na ba?" rinig kong tanong ni papa sa labas ng kwarto ko. "Yes po Papa!", sigaw ko naman. Hindi na sumagot si Papa, ganon naman yon pag alam na gising na ako, itutuloy niya ang paghahanda ng gamit niya papasok habang si mama naman ay naghahanda ng almusal namin. "Good morning love!" natatawang bati ko sa picture ng crush kong tinatago ko sa likod ng diary ko na nasa loob naman ng drawer. Tagong tago yon, ayoko makita ng parents ko dahil bawal pa ako magboyfriend, syempre pati crush, kailangan makatapos ka muna ng pag-aaral. Bumaba na ako para makakain na ng almsusal bago ako maligo. Hindi ako mahahatid ni Papa sa school dahil naulan ng malakas ngayon. Commute ako, pero ayos lang dahil isa pa sa gusto ko pag naulan hindi ayos lang sa ibang teachers na medyo mahuli sa klase since hirap makahanap ng sasakyan hahaha. Mabagal kasi talaga ako kumilos. "Aalis na ako. Ikaw Andrea bilisan mo kumain dyan at baka malate ka na naman." nginitian at tinanguan ko lang si papa. Binigyan na muna niya ako ng allowance bago siya tuluyang umalis. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako para maligo. Ang lamiiig, sarap magbabad hayst. Kapag ganitong di ako nagmamadali, minsan nakikipagtitigan muna ako sa tubig tapos mag-iimagine kung ano ang mangyayari sa school, minsan nga naiimagine ko na kami ng crush ko hahaha.  Natapos na akong maligo at syempre hahanapin ko na ang uniform ko sa loob ng cabinet. "Ay palaka!",  gulat kong sabi ng buksan ko ang cabinet ko at tumambad sakin ang picture ng crush ko. "Ano ba yan Love! Nakita mo pa akong nakatapis lang oh hahaha. Gwapo mo talaga!" mahinang sigaw ko na parang kinakausap ko talaga sya. Hayst, sumagot ka naman kahit pic lang, natatawang sabi ko pa sa kanya. Nag-umpisa na ako magbihis habang nag iintay ng chat ng kaibigan ko. Palagi akong ganon, tatanungin kung may teacher na pero di pa rin kayang bilisan ang kilos kaya ending late pa rin. Kapag alam mong late ka na, enjoy the moment, wag ka nang magmadali. Nakarating na ako sa school. Nasa hallway na ako ng biglang may humigit sakin, si Lesly bestfriend ko. Dinala niya ako sa may bulletin board, ang daming estudyante. "Andrea! Lesly!", tawag ni Kyline na nasa unahan ng Bulletin board, siya ang bestfriend ko din.  "Ano bang meron?" nagtatakang tanong ko. "Wala bang klase kaya nandito karamihan ng students?".  Hindi nila ako sinagot, basta na lang sila may tinuro sa bulletin board. Nanlaki ang mata ko. "TOP 1 IN ALL YEAR 1,  TYLER LEO ESCUETA WITH AN AVERAGE OF 98.06", hindi ko alam pero bigla na lang akong naglulundag sa tuwa at hinigit paalis ang mga kaibigan ko. "Uy kumalma ka nga! Palagi kang di kalmado e!", natatawang sabi sakin ni Lesly. "Siya ang nag Top 1 hindi ikaw Andrea!" sabi naman ni Kyline habang natawa din. "Bakit? Proud lang ako bilang future girlfriend niya hahaha"  "Future girlfriend, pero di ka naman naamin. Pano ka magkakachance niyan?" sabi naman sakin ni Lesly. Nagtatawanan kami nang lumapit sa amin ang President ng klase namin. "Pasok na kayo, maya maya dadating na din si Mam" sabi niya samin bago tumalikod. Siya si Crisha, ang di mo alam kung mataray o mabait, pabago bago kasi siya ng ugali. Isa siya sa panlaban tuwing foundation week, bukod kasi sa maganda at sporty sya, matalino din siya, kaya naman tinagurian siyang queen and player ng klase namin. Section 2 kami, nandito si Crisha dahil hindi umabot ang average niya para sa section 1. Nagrrange lang kasi sa 92-94 ang average niya. Ayos naman sakin yon dahil hindi niya kaklase si Tyler, crush pa naman din niya yon. Habang naghihintay kami sa pagpasok ni Mam, syempre nagdadaldalan muna kami. Napatigil lang kami nang narinig namin ang usapan sa kabilang row. "Talaga Crisha? Edi pwede ka nang maging section 1 next year?' nakita naming tumango tango si Crisha. Proud na proud. Tumingin ako kila Kyline at Lesley.  "Top 3 si Crisha ngayon sa buong year 1' bulong ni Kyline. "Hindi mo ba nakita kanina? Average niya 96,  96 flat!" sabi naman ni Lesley. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot hindi dahil sa di ko na siya magiging kaklase next year, kundi dahil magiging malapit siya kay Tyler. Balita ko kasi ideal girl ni Tyler ay ang girl version niya, matalino at maganda. Sino ba ako? Ano ba ang panama ko don? Tinitignan ko lang si Crisha habang masayang nagkkwento. "Sinikap ko talaga mag-aral para sakin at syempre para kay Tyler hahaha." proud niyang sabi. Naisip ko tuloy, paano kung matalino din ako? Paano kung lahat nang inaaral madali ko lang maintindihan? Paano kung ako si Crisha, mapapansin kaya ako ni Tyler? "Huy andyan na si Mam, tulala ka dyan" sabi ni Kyline na tinatapik tapik pa ako. Nagtuturo si Mam pero hindi ako makapagfocus. Kahit naman wala akong iniisip di pa rin naman ako nakakaintindi sa lessons hayst.  Naglunchbreak na syempre mas lamang na naman ang chikahan naming magkakaibigan kesa sa kai. Parang nabubusog na kami sa chismis. "Andrea, bakit kaya di mo na lang bigyan ng love letter si Tyler? Tutal di ka makaamin sa personal edi idaan mo sa sulat." biglang suggest ni Lesly sakin. "Oo nga naman, baka maunahan ka sige ka. Kami support lang lagi sayo" sabi naman ni Kyline. "Ayoko. Di na uso yon. Tsaka kahit naman umamin ako di naman ako magugustuhan non. Mapapahiya lang ako." malungkot na sagot ko sa kanilang dalawa. "Malay mo naman! Diba nga sa ibang books bigla na  lang sila nagugustuhan ng mga crush nila?" sabi naman sakin ni Kyline at tinanguan naman sia ni Lesly. "Sa libro yon e wala naman kami sa libro. Kung nasa libro man kami ako yung prologue at si Crisha ang epilogue, ganon lang naman yon. Kaso di pala ako magiging prologue kasi di ako magugustuhan hahaha mag-aaral na lang ako." sabi ko habang natatawa dahil bigla silag sumeryoso. "Charot lang, maghahabol pa ako ulet hahaha!" at sabay sabay kaming tumawa. Maya-maya nag-ingay ang ibang babae sa canteen. Napalingon kami sa entrance.  Nakita ko si tyler na kasama ang kaibigan niya at naghahanap sila ng uupuan.  "Naghahanap sila table friend! Intayin natin umalis yang katabi natin hahaha!" bulong samin ni Lesly.  Kinikilig ako sa tuwing iniisip kong makakasama namin sya sa katabing table, para tuloy kami yung pinagtagpo kahit di naman tinadhana. "Uy Crisha!" tawag ng isang kaibigan ni Tyler at kinawayan sa kabilang table si Crisha na kumakaway din sa kanila. "Dyan na lang kami, ayos lang?" tanong nung kaibigan niya at tumango naman si Crisha. Si Crisha na may kaclose agad sa Section 1 at ang masakit pa don kaibigan ni Tyler, so pwede sila mapalapit.  Naglakad na sila papunta sa table nila Crisha, pinagdikit nila ang dalawang table para sabay sabay na silang kumain. Nag-aya na akong lumabas, ayoko nang ganon, masamang mainggit pero di ko maiwasan. "Nakakapagselos kahit di kami", biglang sabi ko habang naglalakad kami papuntang garden ng school namin, may mga bench kasi don. "Magsulat ka na letter, nauunahan ka na e. Kung ireject ka niya atleast diba alam mo sa sarili mo na gumawa ka ng move." pagpapalakas sakin ng loob ni Lesly. Umiling lang ako. "Bahala na". Bumalik kami sa classroom dahil malapit nang magtime. Nadaanan ko si Crisha na sobrang saya, sino ba naman di sasaya makasabay mo ba naman yung taong gusto mo e. Sobrang swerte ni Crisha, halos lahat ata nasa kanya na. Dumating ang Filipino teacher namin, isa sa paborito kong subject dahil isa akong tunay na Pilipino. Yan lang kasi kadalasan ang matataas sa exam ko. "Gusto ko kayo gumawa ng tula tungkol sa inyong pamilya, kaibigan, o taong hinahangaan. Ang mapipili ko ay ilalaban sa nalalapit na buwan ng wika." nakangiting sabi ng aming guro. Mabilis lang nawalan ng klase, nagkaroon kasi sila ng meeting, at dahil malakas pa ang ulan nag stay muna kami sa classroom. Marami pa rin naman kaming naandito, kaming mga di sinusundo. "May naisip na kayo para sa tula natin?" tanong ko sa kanila. Sabay naman nila akong inilingan. "Bakit ikaw ba meron na?" tanong ni Lesly. "Uu" pinipigilan kong ngumiti pero di ko na kinaya napatawa ako dahil gulat sila. "Tungkol saan? Ang daya mo pag ganyan ang bilis mo gumawa. Iba talaga pag inlove!" sabay pa nilang sabi. "Topic at title pa lang naman. Pero medyo may nabubuo na ako na sasabihin. Tara ba sa bahay? Sabay sabay tayo gumawa", agad naman silang tumango. Nagdesisyon kami na sa Sabado na lang sila pumunta sa bahay, para pwede ang maghapon. Tumigil na ang ulan kaya naman uuwi na kami. Magkakasabay kami umuwi dahil iisang daan lang naman ang dadaanan namin. Napatigil kami dahil nakita namin si Tyler na mag-isa. Nakasilong malapit sa may guard house, iniintay ata ang parents niya. "Yayain mo umuwi na sa bahay niyo" natatawang sabi ni Leslyna inapiran pa si Kyline. "Wag na", Nagkunwari akong malungkot at kita ko na nagbago din ang expression nila. "Baka kasi pumayag, sumama nga sa bahay". agad naman silang tumawa. Plano nilang daanan namin si Tyler, wala lang simoy lang. "Kuya crush ka po nito oh hahaha" sabi bigla ni Kyline habang nakaturo sakin. Tumakbo ako palayo at inantay ko silang dalawa na natawa. Nakakahiya! Sana di niya ako nakita! "Bakit naman bigla ka dyan tumakbo? hahaha!" pang-aasar nila sakin. "Pano nakakahiya kaya yon! Sana tinulak niyo ko! Charot. nakakhiya kasi wag ganon" reklamo ko. "Pero aminin mo, kinilig ka din" sabi ni Lesly. "Oo. Pero nakakahiya." ngumuso pa ako para maawa sila sakin. Nakakatuwa na supportive sila sakin pero sumobra naman. Paano kung nakita niya ako? Di ko alam kung matutuwa o maiinis ako e. Pero nabitin ako don ha! Di man lang siya nag hi hayst hahaha. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ma? San tayo pupunta? Ba't nag-iimpake ka?" nagtatakang tanong ko nung sumilip ako sa kwarto nila ni Papa. "Wala naman anak. Nag-iimis lang ako ng mga di ko na ginagamit na damit." sagot sakin ni mama. Tumango na lang ako dahil baka yun naman talaga ang dahilan. Sabado na ngayon kaya maaga akong nag-ayos at syempre naligo. Sobrang init na naman, siguro dapat magpalagay na ako ng swimming pool sa house, char! "Tao po!" rinig kong tawag ng nasa labas. Mukang nandito na ang dalawang bestfriend ko. Ako na ang nagbukas ng pinto. "Tara na excited na kami!" sigaw nila na nauna pang pumasok kesa sakin. "Hi po Tita!"  Bati nilang dalawa kay Mama na kababa lang pala galing kwarto nila ni papa sa taas. "Andito pala kayo, di man lang sinabi sakin nito ni Andrea na pupunta kayo sana pinagluto ko kayo ng agahan" sabi ni mama. "Ayos lang po kumain na po kami breakfast. Tanghalian na lang po haha!" biro ni Lesly. Sanay na si mama sa kanila.  Nag-umpisa na kami sa gagawin na tula. Individual task to sa amin, pero dahil wala sila maisip naging group task na tuloy. "Isipin mo yung topic na prefer mo talaga duh" sabi ni Kyline kay Lesly. "Alam ko na!" gulat kaming napatingin kay Lesly na aktong nag-iisip. "tungkol na lang sa family! Wala naman kasi akong crush gaya niyo."  "Oh talaga ba? Sino nga yung two years mo nang di malimutan?" pagtataas ng kilay ni Kyline at binato siya ni lesly. "Oo nga nuh. Nako Lesly kunyari ka pa" pang-aasar ko din kaya naman nabato niya ako ng panyong malapit sa kanya. "Ang panget niyo kabonding! Wala na yung tao, inuungkat niyo pa" pagtataray niya sa amin. "Marupok ka kasi. Pag nakita mo ayan crush mo na naman" sabi ko pa sa kanya. Agad ko naman silang sinaway dahil baka marinig kami ni mama. Ayokong maungkat ang crush kong mahimbing na natutulog at napapanaginipan pa ako char! Inaya na kaming pumunta ni mama sa kusina para sabay sabay na kaming kumain. "Kamusta naman pag-aaral niyo?" tanong ni mama. "Ayos lang po, lalo na po si Andrea napaka sipag mag-aral haha" sagot naman ni Lesly. "Parang di ka nagsasabi ng totoo, bat naman may pag-tawa ka dyan?" birong tanong ni Kyline kay Lesly kaya naman napatawa si mama. "May mga boyfriend na ba kayo?" tanong ni mama na nakapagpakaba sa akin. Ayoko ng gantong topic minsan kasi iniisip nila mama na meron na akong boyfriend kahit wala naman. Di na nga ako pinapansin at kilaa ng taong gusto ko, magboboyfriend pa? Kung di rin naman siya wag na lang. "Wala po. Crush crush lang po muna Tita" sagot ni Lesly. Nakita ko naman ang patagong pagsiko ni Kyline dahil alam niyang hindi ako komportable kapag ganon ang usapan. "E ikaw Andrea? Baka may crush ka na anak." agad akong umiling kay mama. "Sige sabi mo e. Basta inayos ko cabinet mo at binalik ko sa dati ang picture non." sabi ni mama habang sa pagkain nakatingin at pangisi ngisi. Nanlaki ang mata ko sa gulat di ko alam na aayusin niya ang kabinet ko dahil di na niya yon ginagawa since eighteen na ako >."Maaaa!!" sigaw ko na ikinagulat nila. "Wala naman masama sa crush anak. Eighteen ka na normal lang yan. Naranasan ko din naman yan. Ang amin lang wag ka muna magboyfriend at unahin ang pag-aaral" wala na akong nagawa kundi tumango. Itatanggi ko pa ba e nakita na ni mama. Nakita ko ang pagngisi nila kyline at Lesly sakin. Tumigil ang pag-uusap namin nila mama nang dumating si papa. Baka kasi marinig pa yon ni papa at baka din kasi bigla akong pumasok sa isip ni Tyler at bigla niya ako icrushback kahit di pa niya ako kilala. Joke!  Nung matapos na kaming kumain ay dumiretso na kami sa kwarto ko para ipagpatuloy ang kaninang ginagawa namin. "Ikaw pa rin ang paksa, kahit hindi na tugma sa aking tula". sabi ko sa aking huling linya at pumalakpak naman sila Kyline at Lesly na tila bang parang proud na proud sa akin at nasa stage na ako. Umakto pa silang parang nasasaktan. "Ay taray friend! Kahit wala akong boyfriend ramdam ko ang sakit. Akala ko ba inlove ka?" tanong ni Kyline. "wala rin naman ako boyfriend ah loka loka ka. Tsaka di masakit tula ko, kayo lang nagpapalungkot." sabi ko sa kanila. "Pwede ka na panlaban. panalo na yang tula mo." sabi sakin ni Lesly at tumango naman si Kyline. Nalungkot naman ako bigla dahil paborito kong subject ang Filipino, gusto ko maranasan na makasali sa gantong spoken poetry. "Mukang di naman ako mapipili, para sa buwan ng wika atsaka di naman panlaban tong ginawa ko" malungkot na sabi ko sa kanila at tinabihan sila. "Ang nega mo kasi Friend. Iniisip mo baka si Crisha na naman?" tumango ako bilang sagot sa tanong ni Kyline. "Wag mo siya isipin maganda ang tula mo promise. Tsaka yang crush na topic sigurado ako yan din naman ang gagawin non since pareho kayo ng taong gusto. At kung iniisip mo na di panlaban yan jusko te tagalog din naman yan at sa generation natin mas patok pag yan ang topic." sabi ni Lesly. "Alam mo sis may nasab ka ring tama" sabi ni Kyline kay Lesly na tatawa tawa pa. "oo nga atleast may grades." sabi ko naman "Manalo o matalo naman still proud pa din kami sayo." Sabi ni Lesly. "Salamat sa inyo" sabi ko at niyakap ko na sila. Nang matapos na kami ay sinundo na sila ng parents nila. Magkakakilala na sila mama at parents nila dahil palagi sila nasa bahay at minsan ako naman ang nakila Kyline o Lesly. Salitan lang. Nakaalis na sila kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga at kausapin ang love of my life. "Kamusta araw mo Tyler? Naiisip mo ba ako? Charot haha!" tawa ko habang hawak ang picture niya na para bang sasagot sakin. "Pag talaga ako napansin mo nako sasapakin ko si Crisha hahahhaa joke lang ang bad ko na" para akong tanga na kinakausap s Tyler kahit di ito sasagot sakin. Bigla akong nakareceive ng text galing kay Kyline. "Te! diba sabi ko aattend kami birthday party ng pinsan kong maliit? Nandito si Tyler te!" Napabangon ako sa sobrang gulat. "Picturan mo nga echosera ka" utos ko sa kanya. Maya-maya ay nagnotif na bigla ang chat niya sakin at si Tyler nga ang nasa picture. Bigla ko tuloy naisipang sumama ahit di ako imbitado kaso nakakahiya. "Bat sya nandyan?" tanong ko sa kanya. "Kapatid niya ata tong sinamahan niya kaibigan nung birhday celebrant." sabi naman niya sakin. Hindi na ako nagreply dahil inimis ko na ang mga gamit ko na naiwan kanina nung gumagawa kami ng tula. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako ng biglang umilaw ang phone ko. Iniwan ko muna ang ginagawa ko at inuna mag cellphone. Nakareceived na naman ako ng chat kay Kyline. "Look who's here. Impakta talaga kagigil" chat pa lan i Kyline parang di ko na kakayanin ang kasunod. At eto na nga nagsend na sya ng picture. Si Crisha nakahawak kay Tyler. Nagreply na lang ako ng salamat kay Kyline dahil di ko alam sang sasabihin ko. Nagchat pa sya kung ayos lang ako pero di ko na pinansin dahil di naman ako ayos wag mo na tanungin huhu. Nakakapagselos kahit hindi kayo. Nakakapagselos kahit crush lang ang turing mo. Bakit kaya sya nandon? Parang ayos lang sa kanya na gumanon sa anya si Crisha since maganda at matalino yon, Tyler's girl version.  Kumain na lang ako ng dinner at sinubukang alisin sa isip ang sinend ni Kyline. Kinausap ko ulit ang picture ni Tyler. "nakakainis ka! Nawala lang ako saglit nambabae ka na" sabi ko sabay hagis ng picture sa loob ng cabinet ko at sinarado ko na ito. Nang dahil sa crush nabbroken ako >.<

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
294.6K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.8K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
63.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook