CHAPTER 2

3096 Words
"Aaaah! Bat ang init na naman, nakakatamad pumasok huhu lang." Bumangon na ako dahil naiinitan na naman ako. Pagkatapo kasi ng ulan ulan bigla naman iinit ng sobrang nakakasurprise. Bumaba na ako para mag-agahan dahil papasok ako maya-maya. Maaga ako nagising at 6:00 pa lang pero sobrang init na. Mas mapapabagal talaga ang pagkilos ko nito, mag eemote pa ako sa banyo. "Kumain ka na, bilisan mo at ihahatid kita mamaya." Oo nga pala ihahatid ako ni papa at papasok pa siya sa trabaho niya mamaya. Kumain naman ako ng mabilis, palibhasa hindi naman ako palakain sa umaga ay mabilis ko lang naubos ang kakaunting kinuha ko. Pagdating ko sa banyo ay di na ako nag emote at baka mabodyak na ako ng tatay ko. Pag-uwi ko na lang ako mag eemote. "Wala kang good morning sa akin ngayon. May kasalan ka sakin hmp!" pagtataray ko sa picture ni Tyler na nasa loob ng cabinet ko. Naalala ko tuloy na alam na nila mama na may crush ako pero di naman nila ako inaasar siguro nakikita nila na hindi ako komportable at sanay. Goods yon, para di ako kinakabahan. 'Dumiretso ka sa may gymnasium nandito kami ni Kyline. Wala daw tayo pasok ngayong umaga pero pumasok ka na!' Basa ko sa text ni Lesly kanina. Salamat naman at walang klase ng umaga, wala ding flag ceremony yeeey! Kaso di ko makikita at matititigan crush ko >."Baon mo, tipid ka ha baka mamaya kain ka ng kain" biro sa akin ni papa bago siya umalis. Pumunta ako sa gymnasium at nakita kong iniintay nga ako ni Lesly at Kyline. "Bakit ba kayo nandito at pinapunta niyo pa ako?" "Magchichikahan tayo" tumango naman si Lesly sa sinabi ni Kyline. Mukang di pa ako ready sa ikkwento niya dahil alam kong yung kagabi yon. "Alam ko na yung buong nangyari sa party na pinuntahan niya." panimula ni Lesly. "Ikaw na magkwento gusto mo ha?" pagbibiro ni Kyline sa kanya. "Di pa ako ready. Picture pa nga lang nila nasasaktan na ako."  "Sabi ko naman sayo umamin ka na gamit ang love letter. Si Crisha nga e, di nagsulat ng love letter pinapakita niya lang na gusto niya si Tyler pero di naman ramdam hahaha."  Nakinig na lang ako sa kwento ni Kyline mula nung dumating siya sa party hanggang sa sinend niyang picture na nakakapit si Crisha kay Tyler. "Alam mo ba, pagkaalis nung magulang ng pinsan ni Crisha bigla niyang tinanggal pagkakakapit sa kanya hahaha. Nakakahiya yon girl." sabi ni Kyline habang natawa pa. Kama-anak pala ni Crisha ang birthday celebrant, akala ko nagpunta sya don kasi sinama talaga siya ni Tyler.  'Bati na tayo Tyler, may rawr ka sakin mamaya hihihi. Rawr!!' Hindi ko alam pero unti-unti akong napapangiti.  "Ano magsusulat ka na love letter?" pangungulit sakin ni Lesly. Dahan dahan akong tumango at nagsisisigaw naman sila. Bat parang mas kinikilig pa sila sa akin? Pumayag na ako, syempre baka ito na nga yung paraan para mapansin ako. Crush pa lang naman e hahaha! Pag nareject ako, edi ouch. Tomorrow is another harot. Char! Nung matapos ang lunch ay nagkaroon na kami ng klase. Kinakabahan ako dahil ngayon kami magp-present ng tulang ginawa namin. Oh diba ang bilis Friday piangawa, Monday ippresent, buti na lang puwede ang magbasa. Nag volunteer si Crisha na maunang magpresent ng tula niya. Ang galing niya, hindi siya nagbasa, nasaulado niya kaagad ang tula niya, siguro galing talaga sa puso niya. Nakikinig lang kaming buong klase. "Maraming iba, pero para sakin ikaw lang ang nakikita. Nakikita di lang ng aking dalawang mata, kundi pati isip at puso pa nga." linya ni Crisha galing sa tula niya.  "Yieee!! Tyler ba this!?" asar ng isang kaklase namin at agad naman siyang inasar ng iba pa naming kaklase.  Mukang boto sila kay Crisha at Tyler.  Natapos ang tula ni Crisha pero ang pang-aasar sa kanya ay hindi pa nagtatapos. Tinawag ako ng teacher namin para sumunod dahil walang balak magvolunteer. Dinala ko ang papel ko at tumayo sa unahan na medyo kinakabahan. Sana magawa kong maganda ang tula ko, kahit di na ako mapili sa Buwan ng Wika. "Ang tulang ito ay pinamagatang 'Paghahalintulad pero walang katulad' " nahihiya kong sinabi ang title. Iilan sa kanila nacurious kung bakit ganon ang title ang iba naman ay nakita kong nagbulungan at tumawa. "Ssssh!! Wala pa iingay niyo naman" saway ni Kyline sa ibang kaklase ko at tumingin na sila ulit sakin para makinig. "Paghahalintulad, pero walang katulad Isang tao, isang araw Parehong magandang bungad para sa magandang umaga Agad mananabik na makita ka na parang bata Parang wala nang bukas kung sundan ka. Hindi ka naman masamang gamot pero bakit naaadik ako sayo? Hindi ka naman kasaysayan, pero mga oras na nakikita ka ay pilit na binabalikan Isa pa hindi ka nga kasaysayan, pero binibigyan mo ang buhay ko ng saysay  Pwede na ba kitang tawagin bilang kabuhayan?  Dahil isang ngiti mo pa lang ako ay nabubuhayan. Gumawa ako ng tula at ikaw ang paksa May pag-asa nga kayang ikaw ay aking makuha? O hahayaan ko na lang ang sarili kong ibigin ka nang malaya Ngunit ikaw pa rin ang magiging paksa sa aking tula kahit hindi na magtugma." Tumigil ako nang biglang sabay sabay magsabi ng 'Oooow'  ang mga kaklase ko. May ilan pang nagsasabing kahit wala naman silang girlfriend/boyfriend ay nasasaktan pa rin sila. Ituloy ko ang aking pagtula. "Ang gulo ng tula ko, kasing gulo ng puso ko Kapag nandyan ka nahihiya sayo, kapag wala naman hinahabol ka kahit san magpunta pero patago Sabi nila marami diyang iba, pero bakit ikaw lang ang palagi kong nakikita Sasagot ko naman, marami kang pagkakahalintulad sa kanila pero wala ka pa ring katulad Teka hindi na nga ata maintindihan ito, Ang nais ko lang naman iparating ay may gusto ako sayo. Pero ito, huli na, tatapusin ko na ang tula Bituin ka ba Kasi maganda ka sa paningin, ako'y hanggang tingin, di ka kayang abutin." Tinapos ko ang aking tula. Sadyang magulo ang nagawa kong tula na di ko rin naintindihan. Basta galing yon sa puso ko. "Ang sakit ng tula mo pero magulo" sabi ng kaklase ko sa akin. "Kaya nga sinabi niya parang puso niya diba? Di ka ba nakikinig?" sabi naman nung isa ko pang kaklase. "Maganda tula niya, kung iniintindi niyo lang kasi puro kayo dada." sagot naman nung kaklase ko na nasa dulo. Hindi ko alam pero bigla silang naging ganon sa akin. Tumula rin ang iba pa naming kaklase at pagkatapos ay iaannounce na daw ang sasali sa Buwan ng wika. "I think you will be chosen. Again." rinig kong sabi ng kaibigan ni CRisha sa kanya. Mukang hindi nga kinakabahan si Crisha. 'SANA OL >. "Can you please stand up Ms. Andrea" gulat akong napatingin sa prof namin. "Yes Mam?" nauutal ko pang tanong dahil sa kaba. Ngumiti sa akin si Mam. "Ikaw ang sasalang sa Buwan ng Wika. I like your poetry. Yes magulo, pero kung iintindihin mo ay talagang maiintindihan mo." nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko hindi ako ang mapipili kasi nga hindi naman ako magalig sa mga ganitong tula. Nakakaisip lang ako agad at nakakapagsulat pero di naman talaga alam kung ano ang patutunguhan. Pumalakpak ang mga kaklase ko at nagpasalamat ako. "I will send to your email the topic, maybe tomorrow, since pagmemeetingan pa namin siya." sabi sa akin ng prof namin. Ngumiti at nagpasalamat ako sa kanya bago lumabas. "Yes naman! Sa magulong tula mo lang pala maipapasa yung Buwan ng wika haha" pang-aasar sa akin ni Kyline. Kinulbit naman ako ni Lesly at medyo itinuro si Crisha gamit ang mata. Hindi ata siyang sanay ng natatalo. Sabagay sanay na sanay yon ng panalo, kaya nga queen e. Nakita niya akong nakatingin sa kanya at tinalikuran niya ako. "Wala namang taste si prof sa napili hmp."  parinig ng isang kaibigan niya bago hilahin ni Crisha palabas. Hindi ko alam pero bigla ako kinabahan. Hindi naman ako takot kay Crisha ayoko lang ng gulo. Hindi ko na lang sila papansinin. Hinihintay namin ang susunod naming prof nang biglang may umagaw ng atensyon ko. Napatingin ako kay Lesly at Kyline. Malaki rin ang mata nilang napatingin sakin. "OMG! Akala ko di sila close?"  tanong ni Lesly kay Kyline. Natahimik lang ako habang nakatingin sa labas. Kita ko mula rito sa inuupuan ko kung gano kasaya si Crisha, hindi nga sya nakuha sa Buwan ng Wika, nakuha naman niya atensyon ni Tyler, tapos nandito pa siya para puntahan si Crisha. Nagpapicture pa. "Ano na girl? Kilos na! Gumawa ka na ng love letter yun na lang ang natitirang chance mo!" bulong sakin ni Kyline habang si Lesly naman ay madaling kumukuha ng colored paper at ballpen. "Oo teka lang." kinuha ko naman ang papel at ballpen kay Lesly. "English ba dapat? Mahina ako don." tanong ko. "Kahit hindi na basta galing sa puso." sagot sakin ni Kyline. "Matalino yon baka english gusto." piningot ni Lesly ang tenga ko kaya naman nag-umpisa na akong magsulat. 'Ano ba ang dapat ilagay!?' "Dapat wag magula ang sasabihin mo baka sinabi lang ni Kyline na basta galing puro e sabi mo magulo puso mo baka ganon mangy--" naputol ang sasabihin ni Lesly ng sinabihan ako ni Kyline na bahala na kung sa anong pumasok sa isip ko. Nagmadali akong sumulat kaya naman mukha na tong kinahig ng manok. "Tapos na?" tumango ako at inagaw sakin ni Lesly yung letter at tinago sa bag niya. "Mamayang uwian, sa inaantayan niya palagi" sabi sakin ni Kyline. Dumating na ang last prof namin, adviser namin siya. Nagulat kami nang bigla siyang magalit. Pabarog niyang ibinagsak ang gamit niya sa lamesa. "Alam niyo na ba ang balita? May nakarinig na ba sa inyo?" pinipigilan ni Prof Geronimo na sumigaw pero halata sa kanya na galit na galit siya. Lahat kami ay sabay sabay na umiling. "As you can see, we always have a meeting, atleast two times every week" panimula niya at isa isa niya kaming tinignan. "Kayong section B, ay minamaliit ng ibang prof. At hindi ako payag non!" isinara ni ng adviser namin ang pinto siguro dahil baka may makarinig samin. "Lahat kayo sinasabi nila na hindi ninyo kaya makasali sa top, hindi kayang makapasok sa Top listers chart, sabi ko kaya ninyo yon. Kukunin na nila si Crisha dahil siya lang daw ang matalino dito sa section na hawak ko." tumingin kami halos lahat kay Crisha matapos sabihin yon. "Gusto ko mag-aral kayo ng mabuti. Bilang anak ko, gusto ko hindi kayo minamaliit. Ayos ba yon sa inyo?" ilan samin ay sumagot ng opo pero karamihan ay tahimik gaya ko. 'Jusko po, hindi ko nga kaya magtop sa puso ni Tyler, sa Top listers chart pa kaya!' "Andrea Nicole Villaluz" gulat akong napatingin kay mam ng tawagin niya ang pangalan ko. "Yes po mam?" kinakabahang tanong ko na lalong pang mas kinakaba ko nang pumunta si Tyler sa tapat ng room namin. Ramdam ko ang pangungulbit nila Kyline at Lesley na parang kinikilig habang ako naman ay kinakabahan. Nag-umpisa naman magtilian ang iba naming kaklase, ang iba kasi crush din si Tyler pero karamihan ship sila ni Crisha. "Edi sana all" "Tyler psst!" tawag bigla ni Lesley kaya naman agad namin siyang hinatak paupo. Bakit kasi kailangan pang tumayo ih! "Yes Tyler? May hinahanap ka ba?" tanong ni Mam sa kanya na tumingin pa kay Lesley dahil siguro tinawag niya kanina si Tyler. "Crisha prof. im looking for Crisha" sabi ni Tyler. Agad nagkantyawan ang mga kaklase ko at nakangiti naman si Crisha na tumayo. "Panalo na naman ang Crisha mo, oo" bulong samin ni Kyline. "May love letter pa tayong pag-asa. Malay mo mainlove bigla si Tyler sa sulat haha basta kulitin mo lang ng kulitin." sabi sakin ni Lesly. "Kulitin ng kulitin ang taong di ka gusto para mapasayo!" sabi pa ni Kyline at nag-apir pa ang dalawa. Sarap sumuko, baka mairita lang naman sakin yon >..<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD