CHAPTER 3

3059 Words
Patakbo akong pumasok, kaunting oras na lang mag time naaaa!!! "Good morning, kuya" hinihingal akong bumati kay kuyang guard. Nginitian naman ako ni Kuya at biglang ipinakita ang listahan niya ng mga late. "Kuya naman, late na nga po ako lalo akong malalate. Papasukin mo na ako kuya." nagmamaka-awa kong sabi kay Kuyang Guard. "Trabaho lang." palagi na lang yon ang sinasabi nila hayst. Nakasimangot akong nagsulat ng pangalan ko. Mukang mag flag ceremony ako mag-isa mamaya. Nakakainis. "Kuya sorry late ako ngayon." natigilan ako sa pagsusulat ng marinig ko ang pamlyar na boses. "Maglista ka din ha? Oy ikaw, tapos ka na ba dyan?" tanong sakin ni Kuya guard kaya naman nagmabilis ako magsulat. Ibinigay ko kay Kuyang guard ang papel, ayoko magbigay dun kay Tyler na nasa likod ko. Mabilis akong naglakad palayo pero hindi ko napigilan ang sarili ko na tumingin ulit. "Ang gwapo pa din niya kahit malayo." nagsusulat siya ng pangalan niya doon habang kausap si kuya. Ang ganda ng ngiti niya. "Hoy!" "Ay kalabaw!" nagulat ako sa sumigaw sakin. Bigla naman siya tumawa.  "Tintignan mo na naman si Tyler ha. Naalala mo ba ang nawawalang Love Letter?" sinamaan ko siya ng tingin. Talagang pinaalala pa sakin ni Lesly. "Ewan sayo. Late ka din ba?" tumango naman sya kaya napangiti ako.  "Tara na. Nandon na lahat ng late baka mag third batch tayo pag di pa umabot don. Tignan mo si Tyler ayan na. Aaaay!" siniko ko naman si Lesly dahil mas kinikilig pa siya kesa sakin. Nakita kong papunta na din si Tyler kung san kami nakatayo kaya naman inunahan na namin siya magpunta sa may quadrangle para sumabay sa mga mag flag ceremony for the second batch. "Sino po gusto maglead for the prayer?" tanong ng isang teacher. "Si Andrea daw po." bgla ako tinuro ni Lesly kaya naman nainis ako. Hindi naman sa dimunyu ako, nagdadasal din ako pero nakakahiya lalo na nandito si Tyler. "Okay. Proceed here, Andrea. And for the Vision Mission of the school, pwede ka ba Tyler?" hindi naman nag-alangan si Tyler at nagpunta na din sa unahan. Katabi ko sya ngayon ngunit medyo malayo ako, hindi na ako makahingsa sa presence niya bes! Nakita kong natatawa si Lesly na nasa unahan na din. Pinagsimula na ako magdasal pero habang nagdadasal ako, kung ano ang nabibigkas ng bibig ko na dasal ng school namin, ay siya namang ibang dinadasal ng isip ko. Pasalamat na lang ako at di ako nagkakamali ng bigkas. Matapos kog magdasal ay bumalik na ako sa pila namin ni Lesly. Pinanood ko lang magrecite ng Vision Mission si Tyler. Grabe, habang tnititigan ko siya parang nagiging anghel siya ng buhay ko. Normal ba yon, tingin mo mukhang anghel yung crush mo. Unti-unting nag slow motion ang bawat bigkas niya, hindi ko alam kung sadya ba yon o ako lang ang nakakakita. Tinitigan ko pa sya ng matagal, habang nakatingin ako lalo kong naappreciate ang buhok, ilong niyang matangos, ang kissable lips niya at ang pagiging matalino niya base sa bigkas ng bawat word ay sadyang ang gandang pakinggan. "Friend, huy! Tapos na titig na titig ka pa din napapatingin na din siya sayo. Ano ba nangyayari sayo? Di yan si Kim Taehyung, makatingin ka naman dyan, may pagnanasa ah." Nagulat ako kay Lesly nang sawayin niya ako, agad naman akong umiwas ng tingin ng mapatingin sa gawi ko si Tyler. "Grabe ka, kelan ko pinagnasaan si Taehyung mo? Kaloka!" natawa na lang kami pareho. Habang tumatawa kami ay biglang pumasok sa isip ko yung love letter kaya naman bigla akong natahimik. Nang matapos na ang flag ceremony ay nagpunta na kami ng room namin. Late na kami para sa first subject, kaya naman naghintay kami sa labas na umalis ang teacher namin.  "Good morning mam hehe" bati namin ni Lesly. "Hay late na naman kayo ha. May ginawa kami kanina ihabol niyo na lang sakin hanggang bukas." nagpasalamat kami kay Mam dahil pinagbigyan niya kami. Nung makapasok na kami sa room agad namin kinausap si Kyline. "Ano pinagawa?" "ayan late na naman kasi kayo. Ikaw Andrea, magpunta ka daw mamaya sa faculty at bukas dapat may gawa ka na daw na tula para sa buwan ng wika. Mamaya daw ibibigay topic sa faculty." Pinaliwanag samin ni Kyline ang lesson na tinuro kanina. Ginawa na rin namin yung assignment para daw bukas ay yung tula ko na lang ang iisipin ko. Wag ko na lang daw lagyan ng magulong tula pangit daw kasi pag sa buwan ng wika hehe. "So ayon na nga, may narinig kasi ako sa mga alagad ni Crisha kanina na gagawa daw ng letter ata ang Crisha mo." sabi ni Kyline samin. Agad na naman ako kinabahan dahil naalala ko ang nawawalang letter. "hayaan na natin siya, sana lang walang nakabasa nung akin." mahinang sabi ko. "Wala yan, baka naitapon na yon kung sakali kasi alam ko sa labas mo naman nahulog e kasi kahit naman tumakbo ka nakaipit pa din yun sa book diba." pagpapagaan ng loob sakin ni Lesly. Maya-maya nung dumating ang second teacher namin ay nagulat ako dahil bigla niya akong tinawag.  "Ms. Villaluz, magpunta ka ng faculty, pinapatawag ka ni Mam Shiela." agad akong tumango sa teacher namin at nangakong hahabol ako sa klase niya. Pinapapunta na kasi ni Mam Shila, teacher namin sa filipino at ang nag-aasikaso para sa buwan ng wika, sa faculty. "Magandang umaga po, Mam" napatingin ako sa likod ko nang marinig ko na naman ang boses niya. Halos sabay kaming bumati kay Mam Shiela. Nagpapatugtog sa faculty kaya naman mas lalo akong kinabahan at parang nagslow motion na naman ang paligid. Hindi nakatingin sakin si Tyler, naghihintay siya ng sagot ni Mam na kung puwede na ba kami pumasok. Di ko malaman ang nadarama, sa tuwing ika'y aking nakikita~ Hindi ko halos maintindihan ang nararamdaman ko, masaya at kinakabahan. Halos halo-halong emosyon, magulo.  Lumakad siya papunta kay Mam at ganon din naman ako dahil tinawag ako ni Mam Shiela na pumasok. "Mam bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ni Tyler sa magalang na paraan. "Ikaw na muna ang magturo sa klase, ayos lang ba? Report lang ganoon ako na ang magpapaliwanag ng buong lesson kinabukasan." tumango naman si Tyler kay Mam Shiela, bilang pagsang-ayon.  Umupo muna kami habang hinihintay bumalik si Mam Shiela dahil hinahanap niya ang ipapadala kay Tyler sa pagtuturo. Paano mo kaya ako mapapansin, malaman mo kaya ang aking damdamin, ano ang dapa sabihin ng puso kong may pagtingin~ Ang tagal ni Mam pero naeenjoy ko yung view. Naiimagine ko na kinakasal kami hayst myghad, when kaya? Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya, hindi ko alam kung nahahalata niya pero di ko mapigilan e. Sakto pa yung tugtog kaya napapatanong ako sa sarili ko. May pag-asa kayang magustuhan din ako ng taong to? Yung feeling na ang lapit lapt na nya sayo pero parang ang layo layo pa rin niya. Sa bawat kilos niya, parang ang sarap sarap panooin, tipong maging maliliit na bagay na gagawin niya mamahalin mo na rin, ganon ba talaga kapag gustong gusto mo yung tao? Bumalik na si Mam Shiela kaya naman napa-iwas na naman ako ng tingin. Tumayo na si Tyler at nagpaalam, tumingin pa siya sakin saglit. Di man lang ako nginitian. "Andrea." ngumiti naman ako kay Mam nang banggitin niya pangalan ko. "Ang topic na ibibigay namin sa inyo ay about sa paano mo ipaglalaban ang ating sariling wika. Yan kasi talaga ang required topic, so ikaw na ang bahalang gumawa at kung paano mo siya idedeliver, pwede naman daw samahan ng funny quotes pero tagalog kung gusto lang para din di masyadong mabored ang nanonood. Syempre, millenials kayo eh." tumawa lang ako at nagpasalamat dahil kailangan kong habulin ang klase ko. Pabalik na ako sa classroom namin. Nadaanan ko ang classroom nila Tyler, nagtuturo siya. Binagalan ko ang lakad ko para makita siya. Grabe, ang seryoso niya sa ginagawa niya at lahat ng kaklase niya ay nakikinig sa kung ano man ang sinasabi niya. Napatingin ako sa may gilid at nakita ko si Crisha na tinaasan ako ng kilay kaya pinili ko na lang na umalis at bilisan ang lakad palayo sa classroom nila. Nang makabalik na ako sa classroom namin ay agad ako pina-upo ni Mam, excuse naman kasi ako duh. Nakinig na lang ako sa lesson namin, dahil isa to sa ituturo ko kay Justin, ang History. Hindi ko alam kung kailan kami mag-uumpisa magturuan pero parang ayoko na nga lang mag-umpisa. Wala pa nga pero gusto ko nang tapusin agad. "Ms. Lesly Natividad and Ms. Kyline Torres, you are assigned to report nextweek the History of Manila." pagkasabi ni Mam non ay nag-dismissed na siya. "Ako wala ba ako irereport?" nagtatakang tanong ko sa kanila. "Wala, exempted ka daw. Sana all" napa 'oh' na lang ako sa sinabi nila.  Lunch time na namin. Nakita namin na biglang nagkakagulo sa may hallway. "Ano meron?" tanong ni Kyline. Nagkibit balikat na lang kami kasi di namin talaga alam. Baka may away lang o kung anong kaekekan. "Oy Andrea, ginagalit mo si Crisha." pagkalabas pa lang ng room namin ay hinatak ako ng isa sa alagad ni Crisha. Nakasunod naman samin si Lesly at Kyline. "Bitawan mo kaibigan namin! Maglunch na kami!" sigaw ni Kyline. "Ano ba yon bat mo ba ako hinahatak?" tanong ko sa alagad ni Crisha at dinala ako sa may classroom ng section C, kung saan walang tao dahil may exam lang sila ngayon. "Pinaiyak mo si Crisha." nagtataka akong tumingin sa kanya. "Ano bang sinasabi mo sa kibigan namin ha?" mataray na tanong ni Kyline. Saming magkakaibigan siya ang mas mataray pagdating sa ganitong mga away. "Ang landi kasi. Nauunahan niya si Crisha kay Tyler." mas lalo akong nagtaka. Wala naman kasi akong ginawa. Paanong inuunahan? Racing? Nakukuha pang magbiro ng utak ko kahit nasa gantong sitwasyon na. Wala bang tutulong samin? Sabagay, paano kami tutulungan di nga kami naririnig dito sa room dahil saradong sarado ang bintana at pintuan. "Wag mong sinasabihan ng malandi kaibigan namin dahil wala kang alam! Nakita mo bang lumapit sya sa ibang lalaki?" hindi naman nakasagot kay Kyline ang alagad ni Crisha. "Problema kasi sa inyo, sarili niyo lang pinaniniwalaan niyo kahit mali gusto niyo pa rin patunayan. Maissue lang sis?" dagdag pa ni Kyline. Dahil wala nang masagot sa kanya yung kaibigan ni Crisha ay pabarog nila akong binitawan.  'Sakit nun ha!' Umalis na sila na para bang walang nangyari. Nagpunta na lang kami ng canteen para kumain. Hindi naman kasi talaga namin alam kung bakit sila naging ganon. Wala naman akong ginagawang masama. Habang kumakain kami, kita kong napapatingin sa amin sila Crisha. Mukha nga siyang umiyak, pero bakit ako yung sinisisi nila? Hindi na namin kaklase si Crisha gawa ng average niya, kaklase namin ang mga kaibigan niya kaya pano nila nasabi na lumalandi at pnaiyak ko si Crisha samantalang kami kami ang magkakasama sa room? Nang matapos na ang lunch namin napagdesisyunan namin nla Kyline at Lesly na lumabas na at bumalik na lang sa room para makapaghanda ako sa gagawin kong tula. Gusto kasi nila tumulong. Mga beshywaps! "OMG!!" nanlaki ang mata nila Kyline at Lesly samantalang ako naman ay nakatayo lang. Naestatwa ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. "HAHAHAHAHAHA!" rinig kong tawa ng mga etudyanteng nakakita ng nangyari. Rinig ko pa ang bulungan nila na, kesyo bagay daw sakin to. Nabuhusan lang naman ako ng sandamakmak na harina. Hindi ko alam kung saan ba nanggaling yon. Napatingin ako kila Lesly at inaya ko sila na magpunta ng cr. Bago pa man kami maglakad ay nakita ko naman sa may bandang likuran sila Crisha na nakangisi. Hindi ko na lang sinabi dahil baka sugurin pa ni Kyline. Hindi ako lumalaban dahil kapag lumaban ako sa kanila lalo lang hindi matatapos ang mga gagawin nila. Umpisa pa lang naman ito. "Magsibalik na kayo sa classrooms niyo." rinig namin na may sumaway sa mga estudyante. Nakita namin na si Tyler yon. Nakakatakot ang aura niya kaya naman lahat talaga susunod sa kanya. Kahit na nakakahiya ang itsura ko ay mas pinili ko pa ding manatili don para makita siya. Tipong hiyang hiya na ako pero nawala dahil sa kaharutan ko jusmiyo. "Kayo? Mag-imis na kayo." nagulat kami dahil sa sinabi samin ni Tyler. Omyghad, kinikilig ako. "Ang kalat mo." dugsong niya sabay talikod samin. "Ay ang kalat mo daw. Saet bes." sabi ni Lesly sakin na tinawanan naman ni Kyline. "Atleast napansin ako. aaaack." hinampas nila ako at hinila na papunta ng cr. "Kinikilig ka pa, sinabihan ka na nga ng ganon. Iba ang tama, parang naka redhorse." sabi sakin ni Kyline. Nagpunta si Lesly sa locker para kunin ang extra niyang tshirt at skirt. "Salamat." sabi ko sa kanya nang makabalik siya. Si Lesly ang to the rescue pagdating sa mga damit, lagi kasi siyang may extra. Si Kyline naman ang tagasampal ng mga kalaban. "Ayan, ayos na. Magsumbong tayo sa guidance." suggest ni Lesly. Pinigilan ko sila dahil hindi pa naman kami sigurado kung sino ang may gawa noon. Nakita ko man na ngumisi sila ay dahil baka natuwa lang sila na makita akong napapahiya sa harap ng mga estudyante.  Imbis na isipin ko ang nakakahiya at nakakalungkot na nangyari kanina, pinilit ko na lang maging masaya dahil nga napansin ako ni Tyler kahit papano. Ang babaw ko pero ganyan ako kiligin e, kahit siguro murahin ako non kikiligin pa rin ako. "Ayos ka lang ba?" tanong ng president ng room namin. Tumango lang ako at nagpasalamat sa pag-aalala niya. Inayusan na rin niya ako ng buhok para naman di ako mukang loka loka. Habang naghihintay kami para sa next subject namin, nagsulat na ako ng tula para wala nang masyadong intindihin mamaya pagdating sa bahay. "Dito lagay mo dyan, sariling wika dapat minamahal hindi ang maling taong iiwan ko lang. Oh diba hahahaha." nag-apir pa silang dalawa ni Lesly. Sinunod ko naman sila sa mga suggestion nila kaya madali lang namin natapos ang tula. Next week na ito gagawin kaya naman kailangan ko na magmemorize. Mas dama kapag walang kodigo. "Drea, may nagpapabigay ng sulat sayo." kinuha ko ang sulat na hawak ng kaklase ko/ "Sino nagbigay?"  "Hindi ko alam, nakita ko lang yan sa may labas ng room natin, nagwawalis kasi ako." tinanguan ko n lang sya at kinuha ni Lesly sakin ang sulat. Binasa namin iyon. "Hindi kita titigilan. Ginagalit mo kami. Wag ka nang magpapansin kay Tyler." basa namin ng malakas. "Wow, scary ha. Takot ako rawr." natatawang sabi ni Kyline. "Sila Crisha yan alam ko." sabi naman sakin ni Lesly at sumang-ayon naman ako. Wala naman akong balak na gantihan sila dahil ang mga pumapatol ay hindi edukado, yan ang sabi sakin ng Lola ko noong nabubuhay pa sya. Gustuhin ko man lumaban, wala rin naman akong mapapala dahil lalo lang nilang di ako titigilan kapag pinagpatuloy ko pa, lalaki lang ang away.  Sinabi ko na iyon kila Lesly at Kyline, alam nilang hindi ko pinapansin ang mga ganong klaseng tao, iwas sa gulo, peaceful life. "Good afternoon, class" umayos kami ng upo dahil dumating na ang third teacher namin. "You have new classmate, ah I mean, you're classmate again." Inabangan namin kung sino yung tinutukoy nya hanggang sa... "Andreaaaaa!!!" pagkapasok pa lang niya ay sumigaw na siya kaya naman sinaway siya ng teacher namin. Takteee ayoko nang gantooo, kaibigan ko siya pero ayoko nang masyadong makulit huhu. "Justin!" sigaw naman nila Kyline at Lesly. "Maam thankyou Maam!" nginitian lang ni Maam si Justin at sumenyas na umupo na dahil magsisimula na siya ng klase. Dinadaldal ako ni Justin pero hindi ko siya pinapansin. Ako ang magtututor sa kanya kaya wala akong mapapala kung makikisabay ako sa kakulitan niya. "Manahimik ka muna, Justin. Ako kasi magtuturo sayo, baka wala ako maintindihan magkapareho pa tayo."  "Ay oo nga pala hehe suwiii." nginitian ko lang sya.  "Ok class, answer one of my question and you will get plus 20 points to your upcoming quiz. The question is very easy, it is onsidered as the concave up parabola point. Anyone?" tanong ng teacher namin. 'I know the question but I dont know answer >.<' "Yes Mr. Justin?" Nagulat ako nnag magtaas si Justin ng kamay. Sana all alam ang sagot para may plus 20 points na sa quiz. "Si Andrea daw po sasagot!" nagulat ako at nagsabi sa teacher ko na hindi ko alam at wala akong isasagot. "Pinagttripan niyo ba ako?" tono pa lang ng teacher ko feeling ko naiinis na sya samin. Manghuhula na lang ako ng sagot. "Ah Mam try ko po hehe. Ang answer ko po ay Vertex of parabola?" patanong na sagot ko. Yun ang unang pumasok sa isip ko, hindi naman ako matalino sa math e ano alam ko dito. Di ako mahilig sa numbers, at di rin naman ako hilig ng numbers, the feeling is mutual. Kaso pahamak tong si Justin. Nakita kong kinakabahan sila Kyline at Lesly para sakin. "20 poins will be given for Ms. Andrea. Class dismiss." Napatili sa tuwa sila Kyline at Lesly habang si Justin naman ay di pa rin makapaniwala. Kahit ako di ko alam na tatama pala ang hula ko. Sino ba naman ako, di naman ako pala-aral puro harot ang inaatupag. "Sabi na e, alam mo yon Andrea ko!" hinampas ko siya sa braso dahil hindi naman niya ako pagmamay-ari bukod s anakakailang magagalit ang Tyler loves ko! "Congrats Andrea! Sana all may points na agad sa quiz." pagbibiro ng mga kaklase ko sakin. Alam nilang hindi ako pala review kaya feeling ko alam nilang nahulaan ko lang yon. "Ay nako tayo na naman ang kulelat" natatawang sabi ni Lesly. Habang nagtatawanan kami, ay bigla ko naalala ang problema ko sa love letter! Hangga't di ko yon nakikita at nalalaman kung may nakakuha di ako mgiging kampante. Baka kasi meron talaga tapos may makapagbigay kay Tyler, buong pangalan ko sinulat ko don. Isa lang ang natutunan ko, kapag gagawa ng moves kay crush wag lagay ang buong pangalan nang di kinakabahan kung aatras. Aish! Ngayon na din ang umpsa ng pagtuturo ko kay Justin. May nagegets naman sya kaya kaunti na lang ang gagawin ko ang tulungan siya sa lessons na di niya kaya na hindi ko rin nman kaya. Nkakatawa lang na ako ang magtuturo e isa rin naman ako na walang kaalam alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD