CHAPTER 4

3066 Words
Panibagong araw, panibagong nakakapagod na araw na naman.  "Tita! Ako na po dyan." nandito ngayon si Justin dahil nga tuturuan ko na siya. Kakilala naman siya nila papa dahil magkumpare sila ppaa at papa niya. Tinatawagan ko sila kyline at Lesly pero parehong family day ang sagot nila sakin at tinatawanan pa ako. Linggo kasi ngayon, maging si papa ay dapat nandito din kaso may inasikaso para sa pinagttrabahuhan niya. "Ay sige iho. Napakabait mong bata. Sipsip ka ha." biro ni mama at natawa naman ako. Lakas! Sipsip daw hahaha. "Tita naman! Pero pwede din hahaha!" At nagtawanan sila. Mabait naman si Justin, kaso katulad ko maingay din pero syempre naiinis ako gusto ko ako lang ang maingay duh. Kababata ko din siya, tanda ko pa nga na inaasar kami nila mama at papa dahil lagi kami sabay pumasok kahit lagi kaming magka-away. Hindi ko nga alam bakit naging ganto na siya sakin ngayon, dati lagi ako binubully.  "Hindi ko pa rin naman malilimutan na palagi mong binubully tong si Andrea." oh see? "Hehehe bata pa po kami non, ngayon may isip na po kami." sabi naman ni Justin. "Di nga nagana isip mo, kow" pang-aasar ko sa kanya. Ang tagal kasi nito umuwi. Tipong kadarating pa lang niya gusto ko na siya pauwiin hahahaha. Nagkwentuhan muna kami nila mama habang nagmemerienda kami. Tinatanong pa ni mama kung nasaan sila Lesly at Kyline, sabi ko family day. Nagreminisce pa si mama kung paano nila ni papa nakilala ang pamilya ni Justin, magkakaklase lang pala sila mama at papa dati kasama ng magulag ni Justin.  Kami kaya ni Tyler, when kaya magkakatuluyan? Chos. "Hahaha oo nga po Tita, ang lampa pa po niya dati." pinagtatawanan nila ako dahil lang sa isang pangyayaring nakakahiya. Kasalanan ko bang madulas ako habang kumakain ng ice cream? "Buti nga lampa pa ako non, kasi kung hindi, di ko makikilala sila Kyline at Lesly duh." pagtataray ko sa kanya. "Hahaha e ang laki laki mo na non! 10 years old ka na non ganon ka pa." di ko na lang siya pinansin dahil ang kulit niya. Baka gusto niyang ibulgar ko na nakita ko ang brief niya na sinampay ng mama niya na may butas pa sa gitna. Bumalik na kami sa pagtuturo kaya naging seryoso na ami ulit. Seryoso naman siyang matuto kaya nagiging magkasundo kami kapag ganito siya. "Oh napatigil ka?" saglit kong tinitigan ang isang formula sa math namin. "Wala may inaalala lang ako." yawa e mahina ako dito. "Di mo tanda? Sige yung next na lang." tumango ako at binasa ko naman yung next pero wala pa rin nangyari, ganon pa din. Ang utak ko ay lumolobo, lumilipad at nagsasabing I believe I can fly. "Wag na nga yan. Wag nating stressin sarili natin. Pag di alam edi hayaan haha, life goes on." pagpapalubag loob niya. Dahil tapos na kami sa lahat maliban sa math ay inaya niya akong maglaro ng ps2. Dala niya pala yon kaya siya may malaking bag. Naglaro kami ng super Mario dahil yun lang naman ang alam ko. "Ako si Luigi. Cute green." tumawa at pumayag naman si gago. Habang naglalaro kami may naulinigan ako sa baba na parang nagdadabog. Sinabi ko muna kay Luigi na siya muna ang maglaro at pumayag naman sya. Sumilip ako sa may hagdanan namin at nakita kung bakit may maingay. "Sabi ko sayo hayaan mong magtrabaho na din ako. Nag-aaral ang anak mo sa private school, ayokong ilipat dahil alam kong maganda ang turo doon. Pabagsak na ang company na pinapasukan mo, hayaan mong tumulong ako." rinig kong sabi ni mama kay papa. "Hindi nga pwede! Ako ang lalaki, ako ang dapat na napapagod para sa inyo." mahinang sigaw ni papa pero narinig ko dahil hindi naman ganon kahina ang pandinig ko. Medyo sanay na ako sa away pera, away gastusin ng bahay. Sabi ko magpublic school na lang ako pero ayaw nila, dahil nung nagprivate school ako, doon ay hindi ako masyadong tamad mag-aral. Sinong tatamadin kung inspirasyon mo nandon rin? Pero kaya ko iwan yon para maayos ang pamilya namin kaso wala e ayaw ni papa. Masyadong mahal ni Papa si Mama na halos ayaw niyang pagtrabahuhin dahil lagi niyang sinasbi na responsibilidad niyang buhyin kami at iyon ang pangako niya kila Lolo at Loa. "Pwede ba, wag muna yan ang isipin o. Marami ka nang sakripisyo, pwede natin itong pagtulungan." pagpipilit ni Mama. "Papayag lang ako kapag hindi ko na talaga kaya ha? May nag ooffer sakin malapit sa fast food chain, pwede ko ding gawing raket yon." wala nang nagawa si mama kundi ang tumango. "Nandito lang ako, kapag hindi mo na kaya." sabi ni Mama kay Papa. Nakita kong paakyat sila kaya naman dali dali akong nagpunta sa kwarto ko para kung makasalubong ko man sila ay hindi halata. Nang makita ko silang nagpunta ng guest room ay dumiretso na din ako na parang waang narinig. "Oh ma bakit po?" tanong ko "Ah wala naman akala ko kasi bumaba ka e" nagkibit balikat na lang ako at nginitian si mama. "Justin, nagtext na sakin ang papa mo, umuwi ka na raw." sabi bigla ni papa. Hapon na pala, kanina pa tong si Justin. "Ay oo nga po tito, kanina pa nga po tawag ng tawag haha. Sige po mag-iimis lang po ako dito." pagkasabi non ni Justin ay bumaba na sila mama. Pagkababa namin ay tinawag ako ni papa. Sinabi lang na ihatid ko sa labas si Justin. Tumango na lang, at kahit labag sa loob ko hinatid ko pa siya. Feeling special, ako na nga nagturo. "Ah, Andrea, thank you sa pagtuturo ha." hehe may choice ba ako lintek. "Ge lang. For one month lang naman daw yan e." bigla naman siya ngumuso. Kaidiri ses. "Sabi ko nga kay Mam buong school year na e, kaso baka di ka naman daw makafocus sa studies mo."  "Oo. Tama na yon. Umuwi ka na nga dami mong daldal  diyan." tumango sya at ngumiti sakin.  Nakatalikod na siya nang biglang humarap ulit para kumaway. Naaawa naman ako sa kanya dahil muka namang mabait na talaga siya sakin, naiinis lang ako pag naaalala ko pambubully niya e. Madali rin naman siya makagets, kaya ang hindi ko alam bakit kailangan niya pang magrequest na ako ang magturo sa kanya. Aish bahala na nga, baka gusto niya lang ako maging kaibigan din. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at nakitang nagluluto na si mama para sa dinner mamaya. Kaya naman umakyat muna ako sa kwarto ko para mag-imis at kausapin si Tyler, yung picture ha. "Baby labs" pagtawag ko ng mahina dahil nasa kabilang kwarto lang si papa. "Mag eighteen na ako next year, pansinin mo naman ako oh para naman pag pinayagan na ako magboyfriend ikaw agad ang hahagilapin ko rawwwr." pagtawa ko habang hinihimas ang picture ni Tyler. Habang nakatingin ako sa kanya naalala ko yung araw na kausap siya ni Mam Shiela sa faculty. First time ko sya makasama non sa iisang room, kahit di ako pinansin ayos lang waaah tapos yung second flag ceremony nakoo nakakarawr talaga ang mga pangyayari sa buhay ko. Simula nung mawala yung letter, parang pinaglalapit kami ah hihihi. Si tadhana nga naman kapag bumira talagang tatamaan ka, matindi pa nga. Sa mga araw na nagdaan, sa lahat ng pagpipilit at hiling na makalapit ko siya ngayon lang nangyayari. Yung letter ko para sa kanya, ays nang di ko naibigay dahil ang panget ng pagkakagawa ko non, ang corny pa ew yaks. Lalo akong sinisipag mag-aral kapag nakikita ko siya, gusto ko siya maging kaklase pero di kaya ng utak ko haha pero kung sakali man baka di lang sa test ang bagsak ko pati sa kanya hahaha. "Kinikilig ako sa naiisip ko babe" kinurot kurot ko p kunwari ang pisngi niya sa picture. Matagal tagal na din to sakin kaya naisipan kong magtingin ulit sa kanyang f*******: account, baka nag update na sya. Agad ko siyang instalk. "Yawaaa!" sigaw ko pero agad ko ding tinakpan ang bibig ko. kakastalk ko kasi nalike ko bigla ang reply niya sa comment ng tropa niya sa dati niyang picture. Kasi naman napastalk ako dahil wala pa rin siyang update, hindi ko rin naman sya friend sa f*******: dahil nung inadd ko siya hindi naman niya ako inaaccept, kaya naman sa profile niya lang ako umaasa. "Lintik na kamay ka bad!" paghampas ko sa kamay ko. Agad ko naman inalis ang like doon sa comment. Ayaw makisama ni internet ha pinahirapan ako sa pagtanggal at nagbabalik balik ang like hayst. Agad kong tinawagan sila Kyline at Lesly sa messenger para makwento ko ang katangahan ko. Tawa naman sila ng tawa sa akin. "Iadd mo na kasi ulit, edi sana lagi ka may update" suggest ni Lesly sakin. "Bakit kaya di kayo ang mag add?" tanong ko sa kanila. "Hanggang ngayon di pa kami inaaccept hahaha! Nag-iipon ata ng friend request" sagot naman sakin ni Kyline. "Pero nakita mo ba post ni Crisha." umiling ako sa tanong ni Kyline dahil hindi ko naman talaga alam. "Sabi niya sa post, 'someone wanna steal my boy' takte parang kumakanta ang kigwa." pagtataray ni Kyline. "Hayaan mo siya, wala naman ako pake sa post niya di naman tayo kasama don e." "Anong hinde? Kita ko sa comment Is this Drea oh diba? Masyado kang mabait kasi." sabi niya sakin. Nagkibit balikat na lang ako. Masyado ako mabait dahil kailangan ko yon, ayoko lang talaga pumatol sa kanila dahil lalabas lang na wala akong pinag-aralan. Ayokong ipakitang nakikipag-away ako para lang sa lalaki, duuuh di ako ganon. Kung masasaktan edi ouch, kinabukasan harot ulet.  Natapos ang pag-uusap namin ng tawagin ako nila mama para kumain na.  "Kumain ka na, mamaya ka na mag-isip ng kung ano ano dyan. Natutulala ka na naman." sabi sakin ni Papa nung nasa hapag-kainan na kami. Tumango naman ako. Iniisip ko lang naman kasi kung paano ang gagawin ko bukas dahil wala pa akong susuutin para sa buwan ng wika. Ayoko humingi kila mama ng pang rent ng damit dahil alam ko ang problem namin ngayon. Kung kanina ang saya saya ko ngayon nalulungkot at nammroblema ako. Naghahanap na rin naman daw sila Kyline at Lesly ng mahihiraman. "Kanina ka pa wala sa sarili may problema ba?" inisip ko muna kung dapat ko ba sabihin. "Ma, pa, kasi diba bukas po yung buwan ng wika at ako po yung kasali, wala pa po akong susuutin, nanghihiram na naman po ako kaya wag na po kayo mag-alala." pagpapa-lubag loob ko sa kanila. Ayoko naman kasing dumagdag pa sa gastos. "Yun lang pala e, meron ako ditong panyo na plain, may palda ka rin naman dyan diba gawan natin ng paraan. Igagawa kita ng sash para magmukang pang buwan ng wika ang damit mo." agad naman akong nabuhayan nang sabihin sa akin ni mama iyon. "Sa susunod magsabi ka kaagad para nakakabili tayo ha. Mabuti naman at nakakasali ka na sa mga ganyan, yan ang gusto mo diba?" tanong ni papa. "Opo pa, kaso nahihiya po ako gawa ng gastusin dito e." ngumiti lang si papa at may kinuha sa bulsa ng short niya. "Bukas kailangan mo magpakabusog baka kabahan ka masyado haha, eto one thousand, pwede na ba yan baka kulang pa ang kapal mo na niyan." biro ni Papa sakin kaya naman sinabayan ko siya. "Eto lang pa? Baka pwede mong dagdagan ng four thousand pa?" natatawnag tanong ko. "Ang tigas mo talaga." tumawa lang kami ni mama sa kanya. Sanay na kami sa ganyang biruan. Nang matapos na kami kumain, nagligpit ako ng pinggan. Ganto pala pag kinikilig ka ano, kahit paghuhugas ng pinggan nakangiti ka, kahit gaano kadami pa to. Pwede ko pa nga idamay ang pinggan ng kapitbahay namin e hahhaa. Ako na lang ang nandito sa kusina dahil nagpapatulong si mama kay papa para sa susuutin ko bukas kaya naman kumakanta ako habang naghuhugas ng plato. "Inlove na ako, inlove na sayo" pagkanta ko sa kanta ni Darren, jusko kilig na kilig ako sa kantang to at habang kumakanta ako nagawa ako sa isip ko ng sariling music video. Oh diba muka akong loka loka. "Tinamaan ako, tinamaan sayo, sana'y sabihin mong sayo ay may pag-asa ako." pagkanta ko habang tinuturo-turo ko ang pinggan na para bang nandoon siya.  Nang matapos na ako ay umakyat na ako sa kwarto ko pero habang umaakyat ako, nagpapatuloy yung pag iimagine ko sa sarili kong music video. Ang saya saya ko ngayong araw talaga. Sumilip ako sa labas ng bintana namin at umaambon, gawa siguro ata ng kanta ko pero nabubuhayan na naman ako dahil lalamig ngayong gabi.  Pinanood ko ang pagpatawak ng ambon, sa sobrang hina mukha lang siyang snow kung titignan sa malayo. Eto na naman ako gumagawa ng sariling imahinasyon. Nagpatugtog kasi ako ng kanta ni Daniel Padilla naman na Simpleng Tulad mo. Nang mabored na ako sa pag-iimagine ko chineck ko ang phone ko. Pagkabukas ko pa lang ng internet, sunod sunod ang pasok ng notification. Chineck ko naman muna ang messenger, hindi ko alam bakit yun ang una kong napagtripan buksan, kadalasan naman kasi sa f*******: agad dahil wala naman akong kachat bukod kay Lesly at Kyline na nadagdagan ni Justin. Ang kulit, bahala ka muna dyan. "Ano ba yan wala namang mga chat na maganda sa paningin-- HALA SIYA!!" Nabitawan ko ang phone ko sa sobrang gulat ko nang magscroll pa ako sa puro gc na message. Totoo ba itong nakikita ko? Inulit ko muli ang tingin pero mukang tunay nga! "Hello my stalker." pagbasa ko ng malakas at dahan dahan. Pinagpapawisan ako sa sobrang kaba. Na screenshot ko naman kaagad iyong message dahil baka mali lang ako ng tingin kakaday dream ko kanina. Sinend ko sa gc namin nila Kyline at Lesly ang screenshot ko. Nagulat ako ng biglang tumwag si Kyline sa messenger kaya naman sinagot ko agad, Nandon na din si Lesly na di rin makapaniwala. "Icheck mo nga yung f*******: mo. Kasi wala na si Tyler sa message request mo e." suggest ni Lesly. Sinunod ko naman at naghintay saglit para magloading ang mga notifications ko. Agad namang lumabas na inadd ako ni Tyler. "Mga bakla! Tyler sent you a friend request! Waaah mahal na ata niya ako." sabi ko na naiiyak pa. "Ang dugyot mo na pawis na pawis ka dyan. Iaccept mo na baka magbago isip niyan icancel pa." sabi naman ni Lesly sakin. "Nahihiya akoo. Tinawag na niya ako stalker."  "Wala ka ngang lusot pero eto na yon oh! Replyan mo na din chance mo na yan nako inggit na naman si Crisha nito." natatawang sabi naman ni Kyline na pinatungan pa ni Lesly ng 'Tama ka dyan ghorl'. Nireplyan ko naman si Tyler ng 'Hindi ah, asa ka!' pero hindi na niya yon sineen at nireplyan kaya naman nagstalk na lang ako at kumuha ng mga bagong pictures niya. Nag-isip-isip naman ako. Inaccept ko na nga lang dahil baka pagsisihan ko pa. Iisipin ko na lang na siya ang unang nag add sakin hahaha! Pinagsabihan naman ako nila Lesly na maaga pumasok bukas para ayusan nila ako, Sumang-ayon ako dahil nga inspired ako ay nag ensayo ako sa aking tula. Kinakabahan ang mga kaibigan ko sakin dahil baka madistract ako gawa ng nangyari. "Paano kaya kung crush mo na din ako ha?" tanong ko sa picture niya. Bago ako matulog chineck ko muna ulit yung phone ko, aba talagang wala nang reply. Hinayaan ko na at nagscroll na lang ako. Nagreply na rin ako sa makulit na si Justin. Wala naman kasing kwenta bakit nagchat pa. Nag thank you at nag goodnight lang naman sya sakin. Dahil nga naaawa ako at parang nagbago na talaga siya, nireplyan ko na lang din siya. Baka sabihin snob ako, magbestfriend pa naman ang magulang naming dalawa. Nagdesisyon ako na matulog na para maaga akong magising bukas. "Tae talaga sabi ko matutulog na ako pero hindi ko pa rin mapigilan na mag online." pagulong gulong na ako sa kama ko pero hindi pa rin talaga ako makatulog. Kaya naman kinuha ko na naman si phone para tumingin sa i********:, f*******:, twitter at messenger. Normal routine ko na talaga sya. Nagloading naman lahat sila kaya naman panay pasok at sunud-sunod ang paglabas ng notification ko. At mayroon na namang nakaagaw ng atensyon ko. "Lintik naman talaga Justin, oo." reklamo ko dahil flinood niya ako ng like at emoji. Hindi ko maintindihan bakit ganoon siya. Sa kanya lang pala ang 65 notification ng messenger ko! Nag backread ako dahil chismosa ako e, baka mamaya minumura na ako nito. "Kaya pala di ako makatulog may nanggugulo saken, puro emoji na paulit-ulit lang naman at puro hi, hello. Chat niya, sagot niya! Aish!" hinayaan ko na lang at nagreply ako sa kanya ng Like zone. Mag-off na sana ako ng bigla namang may mag pop na notif mula naman sa f*******: ko. Ano pa bang gagawin ko, e nacurious na ako 100 notification ba naman e edi tignan. "Hala! Nilike ni Tyler ang dp ko! Bakit hindi pa puso, ibig ba sabihin non like na niya ako at papunta na sa love? yikeees emeged." nagcheck pa ako ng notification, umaasang meron pa pero wala na. Isa lang pala ang galing sa kanya. Akala ko naman nastalk na niya ako. Agad ko ulit itong kinuhanan ng screenshot at sinend sagc namin kahit pang alam kong tulog pa sila. Para surprise! "Mag off na talaga ako. Promise." bumilang ako ng 60 seconds, at buti na lang dahil sa wakas nagreply na si Tyler! "Okay." Kingina naman talaga yawa! Ang tagal ko nag-intay tapos yun lang reply niya? Sabagay ano nga naman irereply niya sa chat ko kanina jusko. Nag react na lang din ako sa kanya ng like.  "Bahala ka dyan, iisipin ko like mo na rin ako hahaha."  Inaantok na ako at iniisip ko pa rin ang sunud-sunod na nangyari ngayong araw. Kaya pala di pa talaga ako nakakatulog, akala ko gawa ni Justin gawa pala ni Tyler my labs. Sobrang cold niyang tao. Sa sobrang hilig ko sa malamig na panahon, pati cold na tao nahihiligan ko na rin. Crush ko pa din siya at kinikilig sa simpleng okay na reply niya. Siguro ito na talaga ako, ito na ang magiging kwento ng buhay ko. Henceforth, I'm now dealing with a man with a cold heart as winter, I'm now CHASING THE WINTER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD