"Whoo, hoo, yeah, hoo!" pagsigaw ko sa may classroom namin. Pinapawala ko ang kaba ko, ito na ang araw na hinihintay ko.
"Umayos ka haha. Kaya mo yan, fighting!" pagpapalakas naman ng loob ng President namin. Siya ang nag-aasikaso kung paano daw ako iccheer mamaya. Ang bait niya, ikiss ko yan e joke!
"Wag ka ngang kabahan. Gusto mo ba makita si Tyler?" nang-aasar na tanong ni Lesly pero hindi pa rin mawala yung kaba ko.
Hindi ko magawang humarot ngayong raraw nng dahil sa kaba ko. Lintek, kaba ko lang makapag-aalis ng harot ko, sana magpatuloy.
"Kahit di niya makita, sapat na dyan yung nakausap niya kahit cold mag reply hahaha" tawan nilang pareho.
Habang inaayusn nila ako at nag-aasikaso ang President namin, ako naman ay inaalala ang bawat sasabihin ko. Sauladong saulado ko na ang tula ko, pero baka kabahan ako ng matindi mawala na lang bigla.
"Andrea, ito na yung kodigo mo kung sakaling malimutan mo yung tula mo hehe." sabi sakin ni Lexie, ang kaklase ko.
"Salamat." ngumiti lang siya at tumulong na sa President namin.
Busy ako kakasaulado sa tula ko, nang biglang kiligin ang mga kaibigan ko. Hindi ko muna sila pinansin dahil baka may dumaan lang na pogi sa paningin nila. Imbis na ayusin ako inuuna ang harot ha!
"Psst." may sumitsit pero hindi ko pinansin, baka kasi Justin lang yon dahil late daw sya papasok.
"Psst." umulit na naman ang sitsit pero kahit curious ako pinili kong wag pansinin. Kung si Tyler to baka kiligin pa ako.
"Waaah ayaw niya talaga pansinin!" rinig kong sabi ni Lesly.
"Totoo ba to si Andrea ba ang tinatawag." narinig ko ang pangalan ko nang banggitin ng isang kaklase kong babae, kaya naman napalingon na ako sa mga kaibigan ko na kinikilig at nagtatakang tumingin sa mga mata nila. Sinenyasan nila akong tumingin sa labas.
"Yawa." bulong ko ng makita ko kung sino ang mga nasa labas. Si Tyler at mga tropa niya!
"Goodluck." sabi ni Tyler atsaka sila lumakad paalis.
"Totoo ba to!?" tanong ko at bigla namang nagsigawan ang lahat kaya di ko na napigilang ngumiti.
"Kaya naman pala galit na galit sayo si Crisha e, ikaw pala ang pinapansin ni Tyler." sabi sakin ng President namin. Ang dami nitong alam ha.
"Di ko ba alam don, ako nga di ako galit sa kanya kahit na nakikita kong nilalapitan niya palagi si Tyler e, kasi unang una hindi naman kami ni Tyler." napa 'Ooow' naman sila lahat. Bakit tunay naman ah.
Nawala na ng kaunti ang kaba ko dahil sa pagoodluck ni Tyler. Pababa na sana kami ng room ng biglang humabol si Justin na may dala pang banner. Jusko, ano na namang katarantaduhan to.
"Go Andrea whoo!" sinaway ko sya sa sigaw niya dahil nakakahiya. Nandoon kasi lahat ng students sa labas ng corridor. Nakita ko pa ngang tinaasan ako ng kilay nila Crisha at nang mga alagad niya.
"Tara na!" yaya sakin ng President namin. "Chin-up. Dadaanan natin sila Crisha hahaha, buti na lang di na natin siya kaklase, yabang kase hahaha." nagulat ako sa sinabi ng President namin, madalas kasi na hindi siya ganito, tahimik lang at kapag lalapit kay Crisha ay parang pormal na pormal.
"Pressy, you know I like you na." sabi ni Kyline na tinanguan naman ni Lesly.
"Ngayon lang namin nakita na ganyan ka, kala nga namin bet mo si Crisha kay Tyler e." tumawa ang President namin sa sinabi ni Lesly.
"Oo nga, Athena ngayon ko lang din nakita e." sabat naman ni Justin na akala mong kaklase niya kami nung unang taon namin. Maka Athena naman to parang close sila ni Pressy.
"Sa klase kasi seryoso lang ako. Kailangan ko maging role model sa inyo e. Kaso naiinis na talaga ako dyan kay Crisha. Hindi sa naiinggit ako ha, pero mula nung malipat sya sa section A, yumabang. Di pa sinama yang alagad niya." sabi niya samin. Nang makarating ami sa harp nila Crisha na nakaayos ng pila, wala si Tyler kaya labas ang tunay na ugali.
"Akala mong mananalo." sabi ni Crisha na tumawa pa ang mga alagad niya. Talagang ipapahiya ako nito sa Section A? Tahimik at nanonood lang ang section A. Oops, siya ata ang bad influence nila. Di ko na lang papatulan hehe.
"Atleast panlaban na ngayon e ikaw, matalino ka nga pero hindi na panlaban kasi laos ka na." nagulat kami sa pagsagot ng President namin at ganon din si Crisha at ang mga alagad niya. Pumalakpak naman si Justin.
"Oh alulong pa ate." sabi ni Justin kay Crisha. Hindi niya pala ito nakilala dahil maaga napalipat si Justin.
Inirapan lang kami nila Crisha at umalis na lang kami.
"Lumaban ka naman ses." sabi ni Pressy. Sila Kyline naman ang nagpaliwanag sa President namin kaya naman inasar ako nitong Angel in disguise.
Nakarating na kami sa Hall. Ang dami nang tao. Hinatid nila ako sa backstage dahil doon daw muna ang mga contestants. Nakakapanibagong nandito ako ngayon, ganito siguro ang nararamdaman ni Crisha kapag siya yung sinasabak dito. Buong section kasi ang nakasalalay sayo.
Maya-maya ay nag-umpisa na ang paligsahan sa pagtula gamit ang pamagat na 'Wika mo, ipaglaban mo, ngunit paano?'. Kinakabahan ako, nag-uumpisa na akong magdasal na sana kahit matalo ako dito hindi ko sila madissappoint.
"Ms. Andrea Villaluz!" natauhan ako nang tawagin ng MC ang pangalan ko. Bumuntong hininga muna ako bago ako lumabas ng backstage.
"Andrea! Andrea! Andrea!" lumalakas ang loob ko dahil sa mga kaibigan ko na todo suporta sa akin at ang mga kaklase ko. Ngayon ay natuwa naman ako nang makita kong ako lang ang may banner dahil pinagawa pa ito ni Justin, kaya pala late siyang pumasok. Sinabi niya pa na sana maging mag-kaibigan kaming dalawa.
Ginala ko pa ang mata ko at nakita ko ang Section A, masama ang tingin sakin ni Crisha, si Tyler naman ay tahimik na naman, seryoso. Kaya nakakapanibago kanina na nag goodluck sy in his empty emotion hahaha. Kiligs.
"Wika mo, ipaglaban mo, pero paano? Wikang sa araw araw ay ginagamit, nagkakaintindihan ang bawat isa, ngunit bakit nga ba mayroon pang mas tinatangkilik ang iba." panimula ko sa lahat. Nagsitahimikan sila.
"Sa panahon natin ngayon, wikang banyaga ang nais, maganda sa pandinig parang mayaman kung gagamitin, ngunit naisip niyo ba kung gaano kahalaga ng wikang ating nakalakihan? Ah alam ko na baka ikaw ay parang siya, bakit, dahil kahit kailan hindi k niya inisip."
Hindi ko alam kung tama ba tong tinutula ko basta ang nasa isip ko may entry ako. Lahat naman halos sa kanila ay napa 'Oow' na naman. Mga broken siguro ang mga estudyante ngayon. Nakangiti ako habang tinatapos ang pag sigaw nila, napatingin ako kay Crisha na nakalipat na pala ng upuan at tumabi kay Tyler na seryosong sinasaway ang maiingay niyang kaklase. Nang matapos ang pag-iingay ay agad akong tumungo sa susunod kong linya.
"Ang wika ay dapat ipagmalaki, hindi ang taong kahit kailan hindi ka pinili at pipiliin. Ang wika ang pundasyon ng bawat isa, ito ang magpapakita nang iyong pagiging makabayan, wika ating ipaglaban hindi ang taong kahit kailan hindi balak na tayo ay ipaglaban!." pinagdiinan ko ang mga salitang iyon. Napatingin ako kay Tyler ulit na parang wala nang ganang makinig s kung ano ang sinasabi ko dito sa unahan. Sabagay matalino siya ano bang gusto niya sa mga ganito, atleast nag goodluck sa akin kanina. Konti na lang talaga iisipin kong crush niya ako hahaha.
Narinig kong sumigaw si Justin, kaya naman sumigaw na din ang buong section namin.
"Wikang nakalakihan ang dapat minamahal hindi ang taong iiwan ka lang. Atensiyon sa sariling wika ang kailangan, hindi atensyon para sa iba. Napagtutuunan ng oras ang pag-aaral ng ibang wika, ngunit ang atin ay iniitsapwera. Matutong lingunin ang sariling atin, hindi kung ano lang ang gustuhin natin."
Natapos ko na ang magulong tula. Atleast may entry. Pinayagan kaming contestants na sumama sa aming kaniya kaniyang seksyon. Agad naman nila akong pinaghahampas pabiro at pina-upo upang panoorin ang huling kalahok. Maya maya ay malalaman na namin kung sino na nga ba ang panalo.
"Pano kung di ako manalo kasi di naman ako ganon kagaling e." Tanong ko sa kanila.
"Ayos lang ginawa mo naman ang best mo. Kahit di ka mapasama sa top 3, ayos lang yon." sabi ng President namin at sumang-ayon naman ang lahat ng kaklase ko.
"Magpapakain ako mamaya." sabi bigla ni Justin.
"Kadiri ka!" sabi ni Lesly sa kanya kaya nagtawanan kami. Totoo naman e.
"Wengya, magpapakain ako, manlilibre sa buong klase hindi ako yung kakainin yawa!" natawa naman kaming lahat kay Justin kaya naman may sumaway samin na manahimik na daw dahil mag uumpisa na yung kasunod ko.
Nang matapos ang panonood namin, pinatawag ako upang umakyat muli sa entablado. Tatawagin na kung sino ang kasama sa Top three at kung sino ang mananalo.
Nakita kong umakyat din si Tyler, mukhang siya na naman ang magsasabit ng medalya at ang mag-aabot ng certificate.
'Sana ako ang manalo, para mahawakan ko ang kamay niya kapag kakamayan niya huhu'
Mas gusto kong mahawakan ang kamay niya kesa manalo hahaha!
Nag-announce na ng Top three at two, kinakabahan ako ng masyado dahil naiwan ako at ang kalaban ko.
"Ang tatawagin ko ay ang magiging top 1 at ang hindi ko tatawagin ay siya ang panalo, okay?" tumango lang kami at naghawak ng kamay.
Lahat ata ng santo tinawag ko na.
"Jessiery Canlaon." yawaaaa!
Agad kong minulat ang mata ko, at nakitang unti unti nang papalapit si Tyler pra abutin ang medalya at certiicate. Bakit nagsslow motion ang kanyang paglakad. Parang kaming dalawa ang taong nandito sa taas ng entablado.
Bumalik lang ako sa ulirat ng tawagin ni Justin ang pangalan ko. Taas taas niya ang banner at nagtayuan na ang mga kaklase ko. Napatingin ako sa alagad ni Crisha na naka-upo at nakataas ang kilay sa akin.
"Salamat." pagsabi ko sa harapan, kahit hindi nila rinig yon dahil malayo ay alam kong nabasa nila ang buka ng bibig ko. Grabe ang suporta nila sa akin.
"Congrats." sabi ni Tyler sa seryosong boses.
Nang isuot niya sa akin ang medalya ay nagsigawan bigla ang mga kaklase ko.
"Yieeee!!!" nangunguna sa sigaw sila Lesly at Kyline. Ang mga kaklase ko naman ay sinisigaw ang pangalan ko at ang pangalan ni Tyler. Nagpunta sila sa unahan dala ang Camera ng president namin.
"Picturan ko kayo! Shakehands please!" nagulat ako nang magrequest ang President namin.
"What? Why?" tanong ni Tyler. Mukhang ayaw niya dahil nakamayan na niya ako kanina nang ibigay ang certificate ko. Nagsabi naman si Athena na Presdient namin ng "Please" kaya naman wala siyang nagawa.
Humarap kaming dalawa sa camera.
"Closer!" sigaw nila. Umusod naman sakin si Tyler at hinanda ang kamy niya. Inabot ko naman yon nang nahihiya.
Pinicturan na kaming dalawa. Pababa na sana siya nang umakyat si Crisha. Biglang sumulpot.
"Ah Athena, kami din papicture." kita kong nagbago ang expression ng mukha ni Athena.
"Tyler, tawag ka ni Maam. Need ka daw niya ngayon, she doesn't tell me what's the reason e." Wow conyo ang kuya mo. Cute.
"Sige." umalis na si Tyler, hindi tuloy siya nakuhanan ng picture with Crisha.
Pababa na sana ako dahil nag-iintay na sila Justin sa akin.
"Alam mo ikaw, dapat nung una pa lang sinabunutan na kita e. Bida bida ka masyado." biglang pagtataray ni Crisha.
Wala namang masyadong estudyante dahil naglabasan na ang iba.
"Posisyon ko inagaw mo na, tapos nagpapapansin ka pa kay Tyler?" hindi ko na matiis to. Pumasok bigla sa isip ko, wika nga dapat ipaglaban bakit hindi ko din gawin sa sarili ko. Tama nga sila Kyline, kapag ang kalaban alam na mahina ka aabusuhin ka nila, kaso pag lumaban ako hindi na ako edukado. San ba talaga ako?
"Nanggigigil ako sayo." agad niya akong sinampal kaya nabigla ako. Nag-init bigla ang ulo ko kaya di ko na naisip ang palagi kong sinasabi na huwag pumatol.
"Yan ang bagay sayo!" nabigla sila nang sampalin ko si Crisha. Maging ako ay nabigla din kaya naman napatitig ako sa kamay ko, pero wala akong pinagsisisihan.
Umakyat si Justin upang mangialam na.
"Umalis na nga kayo, masyado kayong mga bully para kayong mga walang pinag-aralan. Maganda ka nga peo wala sa hulog yang pag-iisip mo. Umalis ka baka masaktan kita." hindi na umimik ang Crisha's tandem. Siguro ay natakot kay Justin dahil lalaki ito.
Napagdesisyunan namin na umakyat na sa room dahil tinawagan na daw ni Justin yung magdedeliver ng food. Nagpaalam nnaman sila Athena sa faculty sa mga teacher namin at inaya na rin para sa celebration.
"Matanong kita Andrea, bakit ba lagi kang trip nung mga babae?" tanong ni Justin.
Tumingin muna ako sa kanya, iniisip ko kung sasabihin ko ba at baka ipagkalat niya lang, pero sabi niya gusto niya ako maging kaibigan bakit hindi ko subukan? "Crush ko kasi si Tyler, yung pinakamatalino dito sa school. Tapos ayun akala niya ata ako ang threat sa kanya, e ang mga tipo nga ni Tyler parang siya, complete package." pagsasabi ko. Kahit malakas ang kwentuhan namin ay wala lag dahil ang mga alagad ni Crisha ay kasama niya.
"Ah crush mo pala."bigla ay natahimik si Justin at nagpaalam na pupunta sa guard house para kunin yung mga orders niya. Nagpasama siya isa sa mga kaklase naming lalaki dahil madami dami daw iyon.
"Beshywap." tawag sakin ni Lesly at sabay silang lumapit ni Kyline sa akin. "Hindi kaya may gusto sayo si Justin?"
"Huh? Wala yon, lagi ko nga kaaway dati yon e. Bat niyo naman natanong?" pagtataka ko. Kadiri ha.
"Wala lang, parang iba kasi siya pag kasama ka niya e. Tsaka diba average student yan?" tumango ako kay Kyline.
"Pwede namang magbago tao, nagpapatutor nga sakin e siguro ngayon hirap siya sa mga subjects."
"Sige bahala ka." nagkibit balikat na lang ako sa kanilang dalawa.
Maya-maya ay dumating na sila Justin kaya naman nagtalunan sa tuwa ang mga kaklase ko.
"Tara na Andrea, kain na tayo!" tumango lang ako sa kanya at tumayo na din. Gutom na rin ako e.
Sinundo naman nila Kyline at Lesly ang mga teachers namin, sipsip daw muna sila ngayon hahaha. Nagpaalam muna ako sa kanila na magcr ako para magpalit ng shirt na lang dahil hindi na ako komportable sa suot ko.
"Siya yung Drea Villaluz na nakalagay sa letter. Siya yung nagsulat nung letter na napulot mo Tyler." napadaan ako sa may room nila dahil madadaanan iyon kapag pupunta ka ng restroom.
Agad namang lumabas si Tyler at hinarap ako. Nakita kong naglabasan din ang mga kaklase niya.
"Tagal ko hinanap kung sino ba to, tapos ikaw lang pala? Di ko naisip agad yon ah di kasi buo yung Andrea e." sabi ni Tyler sakin. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya ngayon. Kinabahan pa ako lalo dahil siya pala ang nakapulot ng letter ko. Parang inabangan talag ni Crisha na dumaan ako para ituro ako kay Tyler. Nakalimutan ko na rin yon, pero bakit lumabas na naman ulit.
Nakita kong paakyat na sila Kyline at Lesly, wala pa silang kasamang ni isang teachers namin kaya nabuhayan ako.
"Ano meron?" tanong ni Kyline.
"Siya yung nagsulat ng letter na napulot ni Tyler sa labas." abi ni Crisha na ikinalaki ng mata nila Lesly at Kyline.
"Matagal na yon ah, bakit ngayon lang lumabas?" pagtataray ni Kyline.
"Ngayon ko lang din nalaman na siya pala yung Drea." sagot ni Tyler.
"Haha, friend na kayo sa f*******: chinat mo pa nga, tapos di mo siya kilala?" hindi ko alam kung naiinis si Lesly.
"Friend sa f*******:? Chat? Huh, by the way, pwede naman yon na di malaman dahil di siya interesado." sabi ni Crisha.
"Tara na nga panira lang ng celebration." bago pa kami makaalis talaga sa harapan nila ay nagsalita si Tyler.
"Wrong grammar ka kaya nacurious ako kung sino ka. Sa susunod magtagalog ka na lang, katulad ng tula mo kanina. If I am your teacher, I'll grade it as "D", practice hard." ang sakit, ang sakit marinig mismo sa crush mo yon at sa harapan pa g maraming tao. Sa harapan pa ng gustong magpahiya sa akin dahil akala niya inaagaw ko si Tyler sa kanya.
Humarap ako sa kanilang lahat.
"Hindi porque matalino kayo, ibababa niyo na yung taong hindi niyo katulad. At ikaw Tyler, ang yabang mo! Bwisit ka sa buhay ko!" sigaw ko at tumakbo na ulit sa classroom.
Nagulat sila Justin dahil sa expression ko.
"Anong nangyari?" tanong niya. Umiling lang ako at ngumiti, pinakitang masaya ako para di sila mag-alala.
Hinatak naman ako nila Kyline at Lesly sa labas.
"Ang sama ng ugali ng crush mo, pinahiya ka, ano nang gagawin mo baka maging usap usapan ka?" Tanong ni Kyline.
"Hahayaan ko lang, isang araw lang naman yung pagpapahiya, malilimutan din nila yan." napanganga sila sa sinabi kaya tumawa lang ako ng pilit.
"Uncrush mo na andyan naman si J--" naputol ang sasabihin ni Lesly nang sumulpot si Justin.
"Kain na kayo. Ikaw Andrea, tara na alam kong may nangyari pero di ko na pipilitin na malaman, kumain na kayo ha?" ngiti ni Justin at pumasok na ulit sa loob.
"Feeling ko tama talaga tayo Kyline." sabi ni Lesly kay Kyline.
"Kung tama man yan, wala akog pake, si Tyler pa din crush ko e." tinapos ko na ang usapan namin.
"Ocakes! Martir girl" hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagpunta sa loob.
Si Justin ang kumuha ng pagkain ko kaya naman hindi na ako nahirapan pang pumila sa unahan. Habang tinitignan ko si Justin, parang wala naman siyang gusto sakin, sadyang issue lang sila Kyline. At si Tyler naman, kahit pinahiya ako di ko alam nasaktan ako pero hindi ako naturn off sa kanya. Tama talaga yung sinabi ko, Im now chasing the winter. Parang ako si Snowman, without him my winter, hindi ako mabubuo.
Hindi ko na lang muna inisip ang mga nangyari kanina. Nagdeactivate din muna ako sa f*******: gaya ng sinabi nila Kyline para naman hindi ako malungkot o masaktan sa mga makikita ko. May ibang students daw kasi na konting issue post agad at tatawanan ka. Si Justin naman, kung may mangbubully daw sakin ay sabihin ko sa kanya at susugurin ng mga kaibigan niya. Nagkaroon na kasi siya ng kaclose sa mga kaklase namin.
"Uuwi na kami ingat kayo Justin ha." sigaw ni Kyline at Lesly. Buti pa sila pareho ng way.
"Umuwi ka na din." sabi ko kay Justin. Pagabi na dahil natagalan ang pagcecelebrate namin sa room. Nagpaalam naman na ako kila papa.
"Ihahatid na kita, sinabi ko na din kila Tito, para di na din sila mag-alala sayo." nagpasalamat na lang ako sa kanya at tahimik kaming naghintay ng tricycle. Mas pinili namin magtricycle para hindi na mapalayo ang byahe namin, may shortcut kasi dito malapit sa school na hindi naman nadadaanan ng jeep.
Nang makarating kami sa bahay, hindi na raw siya papasok dahil kailangan na rin niya umuwi.
"Congratulations ulit sayo, ito yung banner, gusto mo ba? May kopya pa ako niyan sa bahay e hahaha." loko loko talaga. Kinuha ko sa kanya ang banner.
"Salamat sa paghatid. Ingat ka pauwi." bago siya umalis ay nagtanong na naman siya sakin.
"So friends?" nakatingin lang ako sa kamay niya. "Kangawit shet." natawa ako sa kanya kaya naman inabot ko na iyon. "Friends." tumawa kami pareho at ang loko ay nagsasasaaw pa sa tuwa.
Nagpaalam na talaga siya dahil tinatawagan na daw siya ng mommy niya. Pumasok na ako sa loob at sinalubong ako nila papa ng yakap.
"Congrats anak! Sinabi na samin ni Justin e." sabi sakin ni Papa.
"Aaah kainis talaga sabi ko surprise e." nagpout pa ako na parang alien.
'Naexcite lang din yon." sabi ni Mama at inaya na akong kumain. Pinagluto niya ako ng paborito kong carbonara.
'Naalala ko si Jimin hahaha Lachimolala'
Natapos na kaming kumain, kaya naman nagpaalam akong magpapahinga na. Sobrang nakakapagod ngayong araw.
Binuksan ko ang cabinet ko at tumambad sakin ang piture ni Tyler. "Cool off muna tayo hmp!" sabi ko doon sa picture at sinarado ng malakas ang cabinet.
Hindi muna ako nag online at hindi ko muna kinausap ang picture niya, kailangan ko muna ng peace of mind. Sa pag-iisip ko bigla akong naktanggap ng text message.
"Nakuha ko kay Kyline number mo. Goodnight Andrea, congrats ulit. Dream of me hahaha joke." napatawa ako dahil alam ko na kung sino ang nagtext sakin. "Justin nga pala your new friend haha." nagpahabol pa talaga.
Dahil gusto ko nang matulog ay nagreply na lang ako sa kanya ng goodnight at sinabi kong wag na ako daldalin dahil antok na antok na ako. Sinunod naman niya iyon kaya naisipan ko nang matulog.