Isang linggo na ang nakalipas simula nang makachat ko si Tyler, maging literal ko nang kaibigan si Justin, at ang pagpapahiya sakin ni Tyler dahil sa letter ko. Kinabukasan noong nanalo ako sa Buwan ng Wika ay naisipan ko siyang ichat.
"Pano mo nakuha yung letter? Matagal na yang nawawala." sinend ko kay Tyler ang chat ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi niya iyon papansinin. Alam ko din na baka ipahiya niya ulit ako, kahit sa chat lang, mapapahiya pa rin ako,mahihiya ako para sa sarili ko. Hindi ko na kasi dapat itutuloy yung letter ko, kaso ang malas ko siya pa pala ang nakakuha.
Nag-intay pa ako ng ilang minuto, hindi naman ako naasa na magrereply siya, pero nag-iisip isip lang ako kung ano nga ba ang mga puwedeng mangyari sa mga susunod pang araw. Bigla na lang nagvibrate ang phone ko, akala ko sila Kyline o Lesly lang nagmessage sakin dahil nga hindi ko naman inaasahan na marereplyan ako ni labidabs.
"Nakuha ko yan, sa labas, nacurious kasi ako may design pa, imbis na itatapon ko na lang napabasa ako. Kaya ayon nalaman ko na wrong grammar ka." natuwa ako sa pagreply niya pero agad napalitan ng inis. Nakasimangot akong nagreact sa message niya ng like. Nakakabwisit to. Bakit ba crush ko pa din to?
Hindi ko na siya nireplyan dahil nga naiinis ako, pero sa kabila ng inis ko napapalitan naman siya agad ng kilig. Hindi ko na rin malaman minsan kung ano ba talaga mararamdaman ko don e.
Nagchat ako sa gc naming magkakaibigan, sinabi ko ang chat sakin ni Tyler at agad naman nila akong tinawanan. Kinuwestiyon pa nila kung bakit nga ba crsuh ko pa din si Tyler at ewan lang ang palagi kong sagot. Sabi ko nga sa sarili, I am now chasing the winter, kahit anong mangyari siya lang ang gusto ko. Naumpisahan ko na e bakit di ko pa ituly tuloy? Mwehehe, kiligs.
Gumising ako ng maaga, ang lamiiiiig!
"May sundo ka nak, bumangon ka na diyan." nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Mama sa kwarto ko. Sundo daw? Sino naman ang susundo sakin bukod kay San Pedro dahil palagi akong puyat?
"Sino po ma." hindi na sinabi ni Mama kung sino para daw sa kacuriosan ko e bilisan ko ang paliligo.
Pumunta naman agad ako sa banyo para maligo na kaagad. Pero kahit sinabi ni mama na mabibilisan ko ang kilos ko dahil sa kacuriosan ko ay hindi yon nangyari. Nakipagtitigan pa din ako sa shower, tabo at balde namin. Maging ang sabon at shampoo ay kinalaban ko sa titigan. Napabalik lang ang diwa ko nang katukin ako ni mama sa banyo.
"Ano na Andrea? Nakikipaglandian ka na naman dyan sa mga gamit sa banyo." natawa ako sa sinabi ni mama.
Mas naging close kami ni mama nang nagkkwento na ako sa kanya tungkol sa crush ko. Sabi niya kasi normal lang naman daw magkacrush, pero ang pagbboyfriend ay saka na kapag nag 18 na ako at patuloy pa rin inuuna ang pag-aaral. Ganoon din daw si mama dati kay Papa, crush na crush daw niya ito tipong hanggang uwian ay nakasunod siya dito. Si Papa ay may pagkasuplado daw talaga kaya nahirapan si mama.
Nag-umpisa na ako maligo nang mapatingin ako sa orasan sa loob ng banyo namin. Nilagyan talaga ito ni mama dahil alam daw niya kung gaano ako katagal tumulala.
"Oh bakit ka nandito?" nagulat ako nang makita ko si Justin sa may sala. Nakabihis na rin siya ng uniform kaya naman inaya na agad niya ako na umalis kami ng bahay.
"Teka lang kakain muna ako." wala na siyang nagawa at siyempre dahil makapal ang muka ng isang 'to ay nakikain pa siya samin.
"Ma, eto po ba ang sinasabi niyong sundo ko?" tanong ko habang nakain kami ni Justun. Si mama naman ay nanonood ng TV.
"Oo, sino pa ba ang inaasahan mo?" mapang-asar na tanong sakin ni mama. Mas lalo lang naging mapang-asar si mama nang madalas ko na ngang ikawento si Tyler sa kanya.
"Ano!? May iba pa pong inaasahan na susundo sa kanya Tita, bukod sakin?" umakto namang nasasaktan pa siya kaya natawa si mama sa kanya.
"Ay, oo. Kaya ikaw mag-ingat ka." hindi ko magets ang sinasabi ni mama. Bakit mag-iingat si Justin, e in the first place dapat ako ang mag-ingat dito dahil asungot to.
Ngumuso si Justin sa harap ko kaya napa-'eww' ako at natawa naman siya.
Habang tahimik siyang kumakain ay napapatingin ako sa kanya. Gwapo naman si Justin, hindi ko lang maappreciate dahil siguro hindi ko naman siya bet at hindi ko din gusto ang pakikitungo niya sa akin dati. Mabait din naman siya, kung tutuusin may pagkamakulit lang to pero mas mabait talaga to kay Tyler. Noong mga bata pa kami madalas siyang escort ng school, siya yung pinanglalaban tuwing intramurals namin pero dahil nga ayaw ko sa kanya sinasabi kong napakapanget niya.
"Baka matunaw ako, Andrea! Crush mo ako nuh."
"Hindi ka naman mahilig sa dictionary, pero ng kapal ng mukha mo." agad kong sabi sa kanya at tumayo na ako. Narinig ko pa ang sigaw niya na hintayin ko siya dahil palabas na ako ng gate namin. Nagpaalam muna siya kay mama, kaya naman nauna na ako mag lakad palabas at humabol na lang siya sakin.
"Teka lang naman! Maaga pa naman bat ba nagmamadali ka?" ngayon alam kong hindi ako malelate dahil nga sa napaaga ako gawa niya. Ikaw ba naman sunduin e, akala ko talaga si ano ang sumundo kaso di naman alam non bahay ko.
Naglabas ng payong si Justin ng biglang umambon. Nakalimutan kong kunin ang jacket ko kaya nag-aalangan ako ung babalik pa ba ako.
"Jacket?" tumango ako kahit di ko alam pano niya nabasa yung isip ko. "Dala ko, oh." nagulat ako nang nasa kanya ang jacket ko na blue. I hate pink kase hahaha.
"Nagmamadali ka kasi lumabas kanina, buti sabi ng mama mo na naiwan mo jacket mo, kinuha ko pa yan sa taas sa cabinet mo." mas nabigla ako dahil siya ang kumuha. Baka nakita niya yung picture ng baby ko waaah >.<
"M-may nakita ka ba?" natatarantang tanong ko. Hindi ko alam bakit kailangan ko matakot, e ano naman kung malaman niyang crush ko si Tyler.
"Wala naman. May dapat ba akong makita." mas kinabahan ako dahil sa tono ng boses niya. Napakseryoso niya. Napansin niya sigurong nag-aalala ako kaya bigla siyang tumawa at bumalik sa maingay na Justin. Nagsimula na ulit kaming maglakad.
"Andrea, ako na ang boy bestfriend mo ha? Dapat dati pa simula bata tayo kaso ang tingin mo sakin bully." nag pout na naman siya. Napa-sisip naman ako sa sinabi niya.
Bakit nga ba hindi siya inuring na bestfriend nung bata kami? Bully nga siya pagdating sakin pero kapag may umaaway naman sakin non siya din ang nagtatanggol. Siguro mas naging kompotable ako kila Lesly at Kyline dahil pare-pareho kaming babae kaya naman pare-pareho din ng mga gusto.
"Hindi ko din alam e. Naging mas komportable lang ako kila Lesly nung nakilala ko sila since same kaming mga babae ganon. Kaya baka naisip ko na mas maiintindihan nila ako." tumango tango naman siya sakin.
"baka nga. Pero ngayon, bestfriend pa din turing ko sayo." nabigla na naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na bestfriend pala ang turing niya sakin simula pa lang.
"Sinabi ko yan kila Kyline nung nagppractice ka sa room e. Um-oo lang naman sila hahaha. Tara na nga lang bilisan na natin." nagkibit balikat na lang siya sa sarili niyang sinabi habang ako ay nakokosensya. Yung taong bata pa lang kami ay kasama ko na sa kabwisitan at kasayahan ay di ko pala tinuring na kaibigan ay kaibigan pala ang uring sakin, hayst. Sige na bestfriend na din kita huhu. Bat kasi need mangonsensya Justin grrr.
"Girl, andiyan kanina sila Crisha nakita ko nagpapapansin kay Tyler." bulong sakin ni Kyline nang makalabas na ang teacher namin. Naghihintay na lang kami na dumating ang sunod na subject teacher dahil napaaga ang dismissal namin.
"Ano ginagawa?" tanong ko sa kanya. Nagbubulungan kaming tatlo, mabuti na lang at busy si Justin sa mga tropa niya.
"Nagsasasayaw, hindi naman pinapansin dinaanan nga lang." tawa naman ni Lesly.
Nasabi ko na rin sa kanila na gusto ko nang mapansin ako ni Tyler. Baka kasi magkaroon ako ng chance hahaha. Si mama din ang nagturo niyan, kaya kung awayin man ao ni Crisha ay bahala na siya. May the winners win.
"Labas tayo mamaya." aya ko sa kanila. Hinintay pa namin ng ilang minuto ang teacher namin pero hindi dumating kaya napagdesisyunan namin na lumabas na.
Kahit napahiya ako sa maraming kaklase ni Tyler ay hindi yon naging way para tumigil ako for chasing him. Ang motto ko na ngayon ay 'if you really love a person make them to love you back' hahaha nakakarawr naman to.
Dumaan kami sa room nila, dahan dahan muna kaming naglakad at sinabihan ko sila na sila muna ang tumingin sa loob, para alam ko kung mapapatingin ba si Tyler samin. Ang bagal bagal ng lakad namin, nang biglang may sumigaw mula sa room nila.
"Si Ms. wrong grahams oh!" pagsabi nung isang kaklase niya ay biglang nagtawanan ang iba pa. Lintek naman! Tinignan ko ng masama yung sumigaw, nalaman ko kung sino yon dahil nakaturo pa siya saken at dumadaldal.
"Uy Mr. Sugpo." sabi ko naman sa kanya. Nagulat siya at kita sa muka niya ang inis. Sugpo naman talaga siya dahil nakanguso ang makapal niyang labi. Hmp!
Umalis na lang kami at lumakad ng mabilis paalis sa room nila. Hindi namin nakita si Tyler sa loob, siguro ay nasa faculty at pinatawag ng isa sa mga teachers.
"Nakikipag-asaran ka na ha." sabi sakin ni Lesly. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Nakakasawa din kasi maging mabait, lagi lang akong mabubully, magaya pa kay Justin haha." napag-isip-isip ko kasi na hindi makipag-away pero ang matutong sumagot sa ibang tao lalo na kung inaapi o binababa ang pagkatao ko.
"Pero ano na ba plano mo ngayon?" tanong ni Kyline sakin habang pababa kami ng hagdan. Pupunta kami ng canteen, gutom na naman ako e.
Umakto akong nag-iisip. "Hindi ko siya chinachat kasi alam kong maiingayan yon sakin baka iblock pa ako. Nagpaparinig lang ako sa f*******: tungkol sa crush haha normal na gawain ng isang babaeng umaasa na mapapansin siya." habang nagsasabi ako non ay minumustra ko pa ang kamay ko sa taas na para bang iniimagine ko na nandon si Tyler.
Siniko siko ako ni Kyline, kaya naman napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam bat bigla silang nanahimik. Nagulat na lang ako ng malapit na samin si Tyler na paakyat na at nag-iisa. Sa katangahan ko at natulala sa baby ko ay natapilok ako.
"Ay nahulog!" nakita kong nagulat si Tyler dahil napaluhod ako sa may harapan niya. Hindi niya alam kung tutulungan ba niya ako pero dahil napakagentleman niya ay hindi niya ako tinulungan. "Ako sayo..." dugsong ko sa sinabi ko. Tumayo na ako habang tumatawa habang si Tyler ay seryosong nakatingin sakin.
"Delikado ang ginawa mo. Kung gusto mo magpapanin sakin, wag sa ganyang paraan, baka madamay pa ako, kung napilayan ka perwisyo pa, ako pa ang bubuhat sayo." pagkasabi niya non ay tinalikuran na niya kami.
Naiwan naman kaming gulat at walang masabi. Nakatingin lang kami sa kanya na umakyat.
"Ow bars." biglang sabi ni Kyline.
"Ang panget ng ugali ni Tyler wag mo na icrush." sabi naman ni Lesly kaya naman siniko siya ni Kyline.
"Wow Lesly, feelings mo ha feelings mo?" sabi sa kanya ni kyline kaya naman nagpout lang siya.
"Bat kasi ganon ginawa mo may point naman siya." tumango si Kyline sa sinabi ni Lesly.
"Eh hindi ko naman sinadya. Natapilok talaga ako, nagtry lang ako bumanat para di masyadong nakakahiya." sinabi ko naman sa kanila ang totoo.
"Kaso, matalino masyado yung binanatan mo kaya nakakahiya pa den." mas lalo lang ako nastress sa ginawa ko tuloy. Imbis na isipin ko pa ng isipin yon ay inaya ko na sila na magpunta talaga ng canteen.
"Hindi ako susuko, marami pa akong baon na banat nuh." sabi ko sa kanila. Pinag-uusapan na naman kasi namin kung ano na ang mga susunod namin na gagawin. Ay ako lang pala.
"Sabayan mo na lang din kaya pauwi?" suggest ni Kyline.
"Mapapalayo daan niya." napa-'oo nga' na lang si Kyline sa sinabi sa kanya ni Lesly. Bigla naman akong nabuhayan. Kung gusto mo, edi gumawa ka ng paraan kahit na ikakapagod mo. Tama!
"Ang galing mo Kylineee!!" sabi ko sa kanya with excitement. Niyakap ko pa siya kaya naman natawa si Lesly. "Sasabayan ko siya, malimit naman nakikita ko siya na naglalakad kapag wala siyang masakyan. Galing nuh natitiis niya maglakad kahit medyo malayo." sabi ko sa kanila.
Nung mag-uwian na medyo nahirapan pa kami dahil umaambon. Mukhang wala talagang masasakyan dahil punuan sigurado ang mga jeep or tricycle dahil nag-uuulan. Nahirapan din kami kay Justin dahil nagpupumilit sumama.
"Kami na nga bahala kay Andrea e." naiinis na sabi ni Lesly kay Justin at hinila hila pa ako.
"Mas safe yan saken. Dali na ihahatid na kita." ang kulit ni Justin talaga.
"Bukas hatid mo ako, okay na ba? Kahit maghapon ka don sa bahay bahala ka sa buhay mo, half day lang naman klase natin bukas." habang nagsasabi ako ay nililingon ko ang bawat estudyanteng dumadaan. Baka masalisihan kami ng baby labs ko e.
"Ay sigi sigi bet ko ya. Pero bakit muna pupunta ka kila Lesly? Nagpaalam ka na ba kay Tita?" napa-irap ako sa kakulitan niya. Di namin napaghandaan ang mga gantong kakulitan niya ha.
"Nakitext na nga siya saken." pinakita pa ni Kyline ang reply ng mama ko kay Justin para lang umuna na to umuwi. Nagpaalam kasi ako kay Mama na pupunta ako kila Lesly at pumayag naman siya. Yun na rin ang napagkasunduan namin, ang dumiretso sa kanila para naman di sayang ang pagod at nakapagbonding pa kami.
Ipinara naman namin ng tricycle si Justin. Saktong may dumaan at isa na lang ang kulang. Pinilit namin sya na sumakay at wala na siyang nagawa roon. Naghintay pa kami ng ilang minuto dahil nalaman namin na late palalabasin ang section A dahil may homeroom pa sila.
"Sure ka papahatid ka bukas kay Justin?" tumango naman ako kay Lesly. "Pwede natin sundan bukas si Tyler nuh." sabi naman niya.
"Dapat may pakdaw tayo kasi makakahalata yon." tumango tango naman sakin si Kyline.
Naiinip na ako, at malapit nang magsabi kila Lesly na umuna na kami dahil nakakapagod na maghintay, medyo lumalakas na rin ang ambon.
"Uy ayan na siya natatanaw ko na. KUnyari Andrea di mo alam, lalakad tayo medyo malayo na siya ha. Wag tayo pakita." hinila niya kami patago sa may likod ng iba pang estudyanteng nakasilong malapit s aguard house. Nakita ko na rin na palapit na si Tyler na nakapayong nang biglang tumakbo palapit sa kanya si Crisha.
"One dot, susugurin ko yan." inis na sabi samin ni Kyline.
"Hayaan na natin." nalungkot ako kaya naman inaya ko na sila na umalis. Nasabayan tuloy namin sila Crisha at Tyler maglakad. Hindi na kami naglabas ng payong dahil pakonti konti naman ang ulan. May bagyo kasi, tapos dumaan pa si Crisha hmp!
"Oh uuwi na kayo?" tanong samin ni Crisha na nakikihati sa payong ni Tyler. Napatingin ako kay Tyler na tumigil din dahil mukang sila ang sabay na uuwi.
"Oo at wala kang pake." ngumiti pa si Kyline at hinatak na kami ni Lesly papalakad. Bumubulong bulong pa si Kyline habang gigil na gigil kay Crisha. Tumitingin tingin naman si Lesly sa may likuran at nandon pa din si Crisha. Sabay nga sila. Hindi na lang ako masyadong umiimik dahil nawala na ako sa mood.
Medyo malayo na kami sa school ng biglang bumuhos ang ulan, kaya naisipan namin na sumilong malapit sa waiting shed ng 7/11. Nagulat ako sa kulog at malakas na kidlat kaya napasigaw ako.
Napatingin naman kami kay Crisha dahil narinig namin siya. "Omg. Natatakot ako, buti na lang kasabay kita ngayon." nagppout pa siya habang nakatingin harapan a dikit na dikit siya kay Tyler. Hindi naman kumibo si Tyler sa kanya.
Umulit na naman ang kulog at kidlat kaya inaya ko na sila papasok ng 7/11. Medyo basa na yung jacket ko kaya hinubad ko na yon at nilagay sa bag. Medyo nanginginig na din ako sa lamig dahil malakas ang aircon dito sa loob, wala naman kaming choice magstay sa labas dahil nakakatakot ang kidlat. Nagpatila tila lang kami at nung humina ay nag-umpisa na kaming maglakad ulit. Tatlong kanto na lang ay makakarating na kami ni Lesly malapit sa kanila.
Magkasama pa din si Tyler at Crisha. Ngayon lang namin nalaman na magkavillage sila ni Lesly. Hindi niya iyon alam dahil hindi naman daw nakikita ni Lesly si Crisha doon.
"Sure ka baka mapagod ka kung ihahatid mo pa ako." sabi ni Crisha kay Tyler. Tumago lang sa kanya si Tyler. Madalas kapag napapatingin kami sa kanila ay tinataasan ako ng kilay ni Crisha at ngumingisi pa siya sakin. Mukhang nananadya to ah.
"Sarap iumpog yan si Crisha ha." inis na sabi ni Lesly sakin kaya natawa na lang ako.
"Ay hayop." nagulat si Kyline nang masira ang payong niya dahil sa lakas ng hangin kaya naman di ko na napigilan na humagalpak ng tawa. Itinapon na niya iyon at nagshare na lang kaming tatlo sa iisang payong. Inilabas ko na lang ulit ang jacket kong may konting basa, kahit malamig ay wala akong choice kundi suutin para hindi mabasa ng tuluyan ang likod ko.
"Hoy!" maya-maya ay tawag ni Tyler. Hindi namin alam kung sino ang tinatawag niya kaya dire-diretso lang kami. Baka mamaya si Crisha pala, at nagpapabebe lang kaya tinawag na niya.
Dire-diretso lang ang lakad namin nang si Crisha na ang tumawag. "Oy teka lang, tawag kayo ni Tyler." tumigil kami sa paglalakad saglit at nilingon namin sila.
"Yes, why?" pagtataray ni Kyline.
Medyo naiinip na ako dahil konti na lang ay malapit na kami lumiko sa village nila Lesly. Kasama din pala namin tong sila Tyler dahil same ng village ang pupuntahan.
"Basa yang jacket mo ah." sabi sakin ni Tyler. Medyo hindi pa ako makapaniwala na kinakausap niya kami ngayon. Napapatingin ako kay Crisha na agad naman niya akong iniirapan.
"Alam ko. Tara na Kyline." aya ko sa kanila pero bago kami makaalis ay may humawak ng braso ko. Sobrang gulat ko dahil si Tyler yon! Si Crisha na ngayon ang may hawak ng payong at masamang masama na ang tingin niya sakin. Dahil lang sa hawak Crisha? Hahaha, buti nga.
May inilabas si Tyler sa bag niya at inabot niya yon sakin. Kinuha naman yon agad ni Lesly at binuklat. "Jacket? Ano gagawin niya dito."
"Malamang isusuot, baka pwede kainin ipakain mo sa kanya." tamad na sabi ni Tyler kaya naman inis na binigay sakin ni Lesly ang jacket.
"T-totoo ba?" hindi ako makapaniwala.
"Ayaw mo? Edi wag." kukunin na niya sana pero si Kyline ang kumilos para ilayo ang jacket. Pinasuot naman yon sakin ni Kyline kaya tinanggal ni Lesly ang jacket ko. Hindi pa ako makaproseso ng maayos dahil sa gulat.
"Labahan mo na din agtapos. Kaya ko pinahiram kasi tinatamad ako maglaba." huling sabi ni Tyler bago sila mauna samin maglakad. Noong medyo malayo na sila samin ay agad kong pinghahahampas sila Kyline at Lesly dahil sa kilig ko. Sininghot singhot ko pa nga yung jacket.
"Aray naman! Kanina halos maestatwa ka na ha!" sigaw sakin ni Lesly.
"Galit na galit mukha ni Crisha hahah. okay one zero hahaha." sabi naman sakin ni Kyline,
"Ang bangoooo!!! Bakit niya pa palalabahan e ang bango bango." imbis na mainis ako dahil sinabi ni Tyler na kaya niya pinahiram ay para labahan ko ay lalo lang akong kinilig. Ganto ba siya pag naging asawa ko na?
"Labandera ka pala niya." tawa nila Lesly sakin.
"Gaga. Future asawa, pinapractice na niya kung pano niya palalabahan sakin mga damit niya after niya umuwi galing office hahahaha." tawa ko naman dahil sa imaginatin ko.
Sobrang ganda ng araw ko ngayon! I love you winter boy!