CHAPTER 7

3581 Words
"Good Afternoon po, Tita!" masiglang bati namin ni Kyline sa Mommy ni Lesly. "Oh, pasok basang basa na kayo ng ulan." agad naman kaming pumasok. Naghubad na kami ng sapatos at pinahiram kami ni Lesly ng tsinelas. "Gagawa lang ako ng merienda, iwan ko muna kayo dyan sa kwarto ha. Lesly, pahiramin mo muna sila ng shirt mo at basa na ang likod oh." tumango naman si Lesly at hinanapan kami ng tshirt. Tahimik lang kami habang naghihintay sa Mommy ni Lesly. Tamang scroll lang ako sa twitter, matagal ko na kasi yong di binubuksan, baka may bago nang chika di ko pa alam, nanghihina na ako dahil wala na akon tsismis sa katawan. "Hoy, mga babaita, dito na daw kayo matulog nagtext sakin sila Tita." biglang sabi samin ni Lesly. Lintek na yan, di ako nainform sana nagdala ako extra uniform charet. "Totoo ba? Tingin nga." lumapit naman si Kyline at inagaw ang phone ni Lesly at natutuwang binasa ang text ng mommy niya at dinamay na din ang akin. Umirap lang si Lesly at inagaw ulit ang phone niya. "Pwede ka nang snatcher, pag-igihan mo pa para pag di tayo nakapagtrabaho yan na lang hanap buhay naten." suggest ni Lesly at sinabunutan naman siya ni Kyline dahil sa naakapanget na suggestion niya. Tinuloy ko ang pagsscroll sa twitter nang mapatili ako sa nakita ko. "Andrea, ano meron!?" dali dali silang lumapit sakin at lalo kong nilakihan ang mata ko sa kanila na parang gulat na gulat sa nakita. "Hoy yawa naman ano nga meron!?" curious na tanong nila. "Shit." nag-iba ang reaksyon ng mukha nila nang bigla akong umaktong kinakabahan. "Nag Top 1 na naman sa billboard BTS HAHAHAHHA!" Binatukan naman nila ako bigla. Ang sakit non ah pero mas masakit ang tiyan ko kakatawa. Kasalanan ko bang magulat ako sa nakita ko at macurious sila sakin? Mga chismosa kasing tunay, nagagawa ng chika. "Matutuwa sana ako kaso panget ng reaksiyon mo bwisit ka." inis na inis si Lesly at inirapan pa ako. Nag peace sign na lang ako sa kanilang dalawa. "Oh eto, natagalan kasi spaghetti ang naisipan ko. Gumagawa pa si Manang ng hotcake pahintay na lang daw." sabi samin ng Mommy ni Lesly kaya naman nagpasalamat kami at lumabas na siya ng kwarto dahil tutulungan daw niya si Manang. "There's a new rant." napaatingin kami ni Lesly kay Kyline. "Sa f*******:. Crisha and her earthworms." sabi pa niya. Nagpunta kami sa timeline ni Crisha kaso hindi ko na makita ang account niya. "Nasan? Nagbago ba siya ng name?" tinignan sakin ni Kyline ang sinearch ko. "Weak. Nakablock ka na hahaha. Wag na tayo magulat Lesly kung ibblock din tayo." sumisiring pang sabi niya samin. Pinakita niya na lang sakin ang post ni Crisha at ang comment ng alagad niya. Sinabi niya kasi sa post na nag-uumpisa na naman daw akong mang-agaw. "Kasalanan ko bang ipapahiram sakin yung jacket? Edi sana kinuha niya sakin para siya ang maglaba." sabi ko habang naiinis na rin pero kinikilig din habang naaalala ang nangyari kanina. 'Paano ko nga pala lalabahan to e naulan at wala ako sa bahay. Di to agad matutuyo.' "Nagcomment ako kay Crisha sabi ko weak nambblock hahaha." tawa ni Lesly na nakipag-apir pa kay Kyline. "Ako din e, sabi ko wag mo kami iblock ha. Para alam namin ganap mo sa buhay hahaha." napapailing na lang ako sa kanilang dalawa. Nagcompose ako ng message kay Tyler. Sakto online siya, mabasa man niya agad o hindi atleast nagchat ako. 'Di ko agad malalabahan jacket mo baka sa susunod na araw ko pa maibalik sayo. Sorry.' sinend ko agad sa kanya yung message at niyakap yakap pa ang phone ko. Napansin naman ako ng dalawa kaya lumapit sila sakin. "Tita yung anak mo po humaharot na naman." umaktong natawag si Lesly sa mama ko. "Tagal magreply ah." sabi sakin ni Kyline na tatawa tawa pa. "baka pinag-iisipan niya kung mahal na ba niya ako o ano." sagot ko naman sa kanila. Pinapanood lang nila ako sa ginagawa ko. 'Iseen mo naman akong baby mo magtatampo na ako niyan.' sinend ko din iyon sa kanya at inuna ko muna ang tawa ko ng malakas. Hindi naman niya yon makikita agad. Pinakita ko yon kila Lesly at Kyline habang tumatawa. "Tapang na yarn ah."  "Ireremove ko din mga buang." bumalik ako sa message ko sa kanya. Saktong pindot ko ng unsent sya namang seen niya. "Yawaaa."  "baka nakita niya yon." kinakabahan naman ako sa sinabi ni Lesly. "Ayos lang yan, tapang ka diba." inaasar pa ako ni Kyline. Nakita kong nagttype si Tyler. Parang bumabagal ang oras sa sobrang kaba ko, habang yung dalawa dito ay tumatawa. "Ano yung niremove mo?" reply niya. Napabuntong hininga naman ako at medyo nawalan ng kaba. Buti na lang hindi niya nabasa. "Sayang kala ko nabasa na." iiling iling pa si Kyliine. "Wala yon, nadouble send lang ako sa unang chat ko sayo" palusot ko na lang sa kanya. "Talaga?" nagkatinginan kami nila Lesly dahil sa reply ni Tyler. "Oo. Yun talaga yon hehe sorry kung nacurious ka." nilagyan ko pa ng emoji na parang nahihiya. "Sige sabi mo e." reply niya sakin. Ang cold niya talaga kasabay ng malakas na ulan. "Baby" nanlaki ang mata ko sa sumunod niyang message na nabasa din nila kyline dahil nakaabang din sila. Niremove din yon ni Tyler. "Kita ko yon!" kinikilig sila Kyline kesa sakin. Wala naman nakakakilig hmp, char!  Natutuwa din ako dahil medyo nabilis na ang reply niya. Kung dati halos 5 minutes bago siya makareply yun ang pinakamabilis niya, nayon nag-improve na siya, naging 4 minutes na hehe atleast nabawasan ng isa. "Congrats may mata ka." nagtatatalon ako sa sobrang tuwa kahit sa simpleng reply niya na yon. Sobrang ganda ng mga nangyayari ngayong araw wala na ako pake sa mga sinasabi ni Crisha depungal siya basta masaya ako ngayon.  Magrereply pa sana ako ng bigla siyang magchat ulit. "Dont reply. Im going to sleep." YAWA OKAY BABY AGAD ANG NAISIGAW KO. Hindi na nga ako nagreply dahil magalit ang future asawa ko. "Nagpapaalam na sakin bhie." naiiyak na sabi ko sa sobrang tuwa. Niyakap ko pa silang dalawa at umaktong humahagulgol. "Congrats, ninang ako ha huhuhu." binatukan ko sila sa kabaliwan nila. "Ayan lagi lang dapat ganyan. Ang mga alagad ni Crisha ay magagalit na din. Magpopost ako teka." pinigilan ko si Kyline dahil baka makita ni Tyler o ipakita kay Tyler ang post magalit pa sakin pero sabi niya hindi niya naman diretsong sasabihin na chinat ako ni Tyler. "Sana all nireplyan Andrea." yan ang post ni Kyline at nakamention pa ako. Kahit daw nakamention ako makikita pa rin yon ni Crisha. Gustong gusto nila ng inasar ang mga loka. Nagcomment naman si Athena na President namin. "Kwento naman damot niyo." tinawanan namin siya dahil sa gusto niya talagang makasagap ng chismis. Konti a lang talaga mapapasama na siya sa squad namin. Mabait si Athena, ayaw niya rin talaga sa ugali ni Crisha. Gabi na nang maisipan namin gumawa ng assignment. Sa gabi kasi kami nakakaisip at nakakfocus sa pag-aaral. Kung pwede gabi na lang ang klase e baka tumalino na kami. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Justin. "Hindi ka pala umuwi sa inyo, pumunta ako magpapatutor" natawa ako dahil para siyang nainiis. "Sorry na friend, di ko nasabi sayo tsaka wala naman bayad pagtutor ko sayo kaya ikaw magadjust hahaha gets mo naman mga lessons kunyari ka pa gusto mo lang makikain sa bahay namin." "Hindi ah!" tanggi niya pa sakin. Nagpaalam na ako dahil sabi ko nag-aaral na kami ng mabuti. Para na rin maturuan ko siya bukas kahit gets niya. Pabebe kasi masyado. "Ang kulit ni Justin e! Bagay sila ni Crisha charet." natawa ako sa sinabi ni Lesly. Laki ng galit niya kay Crisha kala mong siya ang pinag-iinitan dahil kay Tyler.  Habang nag-aaral kami hindi mawala sa isip ko yung reply ni Tyler. Hindi ko din naman maiwasan mag-assume kasi crush ko siya di ko talaga maiiwasang magpaka delulu paminsan-minsan. Nabubuhay na lang ako sa sarili kong imagination. Tinitignan ko rin ang picture niya sa phone ko kapag napapagod na ako, siya na yung nagsisilbing inspirasyon ko kaya nagsisipag na ako sa pag-aaral.   Sabay kaming nagising ni Kyline sa sobrang lakas ng alarm ni Lesly. Grabe 4:30am pa lang kung mag-alarm siya, no choice kami kundi bumangon dahil nakakahiya naman kung aabutan kami dito ng mama niya na tulog na tulog pa. "Oh eto na lang muna gamitin mo pang pe." pinapahiram sakin ni Lesly ang jogging oants niya dahil pe namin ngayong araw.  'Hindi na, magshort na lang ako papasok. Nandon yung pe uniform ko sa locker." sabi ko sa kanya. Pipilitin pa sana niya ako kaso si Kyline pala ang walang dalang pe. NAkalimutan daw niya kasi maglagay sa locker. Nakarating kami sa school nang sobrang aga. Nakakagulat na maaga kami nagsipasok. Kadalasan late kami, siguro kung lagi kami natutulog ng sama sama ganito rin pasok namin araw araw. Naghintay kami sa classroom hanggang sa unti-unting nagdadatingan ang mga classmates ko, ganon na rin si Justin. "Yung promise mo kahapon ah." sabi niya sakin. "Oo na!"  "Canteen muna tayo. Tayo lang tatlo ha." sabi ni Lesly. "Panget mo kabonding." sagot naman ni Justin. "Yieee baka kayo magkatuluyan ha." asar ko naman sa kanila na ikinatawa ni Kyline at nagtinginan naman silang dalawa ni Lesly. Si Justin naman ay umirap na parang babae. "Sa tropa nga muna ako" paalam niya sabay alis. Umalis na din kami sa room. Mabilis na humarap samin si Lesly nang pababa kami ng hagdan. Nasa second floor na kami. "Akyat bilis bilis." sumunod naman kami sa sinabi niya dahil hinihila niya kami pataas. "Ayan good. Baba tayo mabagal ha?"  "anong trip mo at bubulong bulong ka pa dyan? May kalaban?" pagtataray ni Kyline. "Wag ka ngang maingay Ky. Basta gawin niyo na lang." sabi ni Lesly. Dahan dahan nga kaming bumaba dahil uto-uto kami. May nakita kaming anino sa may pader, sign na may paakyat din. Nacurious ako kung bakit ganito si Lesly. Lumaki ang mata ko sa gulat at nagsimula nang lumundag ang puso kong matamlay. Likod pa lang niya nakaka-rawr na! "Andrea" tawag sakin ni Kyline. Sumagot naman ako ng bakit pero wala siyang sinabi. Nagtataka ako kung bakit niya ako tinawag. Pagbalik ng tingin ko kay Tyler ay tinaasan niya ako ng kilay. "Hehe, good morning" sabi ko sa kanya. "Walang good sa morning." dire-diretso lang siyang umakyat. "Edi wala pinipilit ka ba?" inis na bulong ko. Siya na nga tong binati siya pa masungit duh. Nagulat ako ng sumilip ulit sya sa may hagdan. "Edi good morning. Arte mo."  Tulala lang ako dahil sa gulat. Di na naman ako makapaniwala sa inaksyon niya. Buong akala ko hindi na niya ako sasagutin dahil yun ang normal niyang ginagawa. Ayaw niya sa mga katulad ko, kaya nakakapagtaka talaga na kinakausap na niya ako! "Napilitan kasi naaawa." siyempre gaya ng ineexpect ko palagi, kapalit ng syaa at kilig mo ang panira ng araw mo. Nakataas ang kilay ni Crisha at alagad niya na paakyat din ng hagdan. "Sayo nga kahit maawa, hindi ka bibigyan ng goodmorning " ganti ni Kyline. Susugod sana si Crisha kasama ang mga kaibigan niya nang sumunod naman umakyat si athena na president namin. "Natamaan ka ba kaya ka galit? Sige sugurin mo, irereport kita." sinamaan na lang kami ng tingin ng Crisha and friends at padabog umakyat ng hagdan. Takot sila kay Athena dahil siya ang teacher's pet kung tawagin, halos lahat ng teacher may tiwala sa kanya. "San kayo pupunta?" nakangiting tanong niya sa amin. "Canteen lang pressy, sama ka?" aya ko naman sa kanya. Umiling siya dahil may kailangan pa daw siyang gawin sa classroom namin. Sipag, sana all.   Kumakain kami nang may tumabi bigla sa akin. "Ginagawa mo dito?" tanong ko kay Justin. "Kakain malamang." inismiran ko lang sya at tumayo naman na siya para bumili ng pagkain niya. Siya lang ang nag-iingay habang kaming tatlo nila Lesly at Ky ay tahimik na kumakain. Gantong gutom na gutom ako ayokong ng pinagkaka-usap ako. "Tapos ka na?" tanong ni Kyline kay Justin. "San?" "Sa kinukwento mo. Naiingayan ako e." pigil ang tawa ko dahil baka mainis si Kyline. Mukha siyang seryoso. Natahimik naman si Justin dahil wala ka talagang magagawa kay Kylne pag yan na ang nagsalita. Nang matapos kami, dumaan na muna kami sa locker para kunin ang pe pants ko. Nakalaimutan ko din kasing magpalit kanina, buti na lang at hindi pa time. Dahan dahan ulit kaming naglakad nang madaanan namin ang room nila Tyler. Gaya namin ay wala pa din silang teacher kaya maiingay pa ang klase nila. Nakita na naman ako nung lalaking mapang-asar at tinawag na naman akong grahams. Konti na lang sasakluban ko yan ng bilao tutal mukha naman siyang sinukmani dahil sa muka niya grr. Sinimangutan ko lang siya at natawa naman si Crisha na nagugustuhan ang pang-aasar saken. Napatingin naman ako kay Tyler na nakatingin na din. "Annyeong!" bati ko kay Tyler at kumaway pa. Tinignan ko si Crisha at napalitan yon ng galit ang mukha niya. Binelatan ko lang sya bilang ganti. Inuumpisahan mo ako ha. Hindi naman ako pinansin ni Tyler at bumalik lang sa pagphone niya. Nang maka-upo kami para maghintay magtime ay biglang tumabi si Justin sakin. "Crush mo talaga yon?" takang tanong niya. "Sino?" naninigurado lang ako dahil baka mamaya iniisp niya ay si sinukmani boy. "Tyler." ngumiti ako sa kanya at kinikilig na tumango. Dapat lang naman na malaman nia since friends kami. "Bat mo naman natanong?" tanong bigla ni Lesly. "Pake mo?" nainis si Justin sa tanong ni Lesly kaya tumalikod na at bumalik na lang sa mga tropa niya. "Selos yarn ghorl." sabi sakin ni Kyline. Ayan na naman sila sa pang-aasar nila. Hindi naman ako naniniwala dahil tingin ko ang crush ni Justin ay si Lesly. Sabi nga diba kapag ang lalaki naiinis sayo crush ka hahaha. OMG! Baka mamaya si Tyler crush ako, kailangan ko na ata siyang inisin ng inisin. Nagvibrate ang phone ko dahil naka-open pala ang data. Pumikit pikit pa ako dahil baka nananaginip ako. "sampalin mo nga ako." utos ko kay Kyline na ginawa naman niya agad. "Saket? Deserve." tawa nila ni Lesly.  Inagaw na lang bigla ni Lesly ang phone ko at binasa ang message ni Tyler.  "Wag kang babagal bagal maglakad kapag dumadaan ka dito para hindi ka inaasar."  sabi ni Tyler sa chat.  Impit ang tili naming tatlo dahil maging sia ay kinikilig na din. Pero hindi namin inaasahan ang sumunod na chat niya. "Wag mong isiping concern ako. Ayoko lang na nakikita ka kada tingin ko sa labas." napa yawa na lang ako sa isip ko. "Panget kabonding. Di nagpapatagal ng kilig sa sistema amp." sabi ni Lesly na iiling-iling pa. Ibinalik nila ang phone sakin na nagpipigil ng tawa. Bored na bored ako sa klase. Hindi naman ako ginugulo ni Justin dahil nakikipagbiruan siya sa mga tropa niya. Napapatingin ako sa kanya at ganon din siya pero nag-iiwas agad ng tingin.  Hinintay lang namin maglunch dahil maging sila ay atat nang lumabas. Nag-overtime pa ang teacher namin ng 5 minutes dahil nanermon lang, ang kukulit kasi nila Justin e hayst.  Pinatapos muna namin lumabas ang iba naming kaklase bago kami sumunod na lumabas.  "Putrages." napamura na lang ako bigla nang saktong labas ko ay nadulas ako dahil basa ang sahig. Bakit ang mga kaklase ko di nadulas kanina? Tumayo ako kaagad. "Sino naman naglagay ng acrylic paint dito?" turo ni Kyline. Walang umaamin. Tinignan ko ang puwetan ko at nakita kong kulay red ang likod non gawa ng acrylic paint.  "Sinadya niyo to ano? Dahil kung aksidente lang to hindi kayo marami dito." galit na sabi ni Lesly. Inaaya ko na sila na umalis. "Hahaha omg bakit ang kalat?" umaktong nagugulat si Crisha habang natawa ang mga alagad niya. Alam ko na kung sino ang may pakana nito. Marami kasing susunod s akanya na students since kilala siya. Nakita kong papunta si Tyler sa gawi namin. Siguro ay bababa na rin siya. Dito kasi ang babaan sa may hagdan malapit sa room namin at kapag pataas naman ay sa kanila kami dumadaan para hindi magkagulo ang students. Napatingin siya sakin at sa sahig. "Halika na. Kayo magsibalik na kayong lahat ang papanget niyo lahat lalo ka na." napa 'Ooow' ang mga nakapalibot smain ng duruin ni Justin si Crisha. Hinatak niya ako at nakasunod naman samin si Lesly at Kyline. Dumiretso kami sa clinic at bumili si Justin ng isang jogging pants. Meron dito sa clinic dahil dito nakalagay ang stocks ng uniform. Sa cr na lang din ng clinic ako nagpalit. Hinintay nila ako at nagpasalamat kami sa nurse doon. "Sama ng ugali ng babaeng yon naiirita ako." gustong gusto makipag-away ni Kyline pero pinipigilan ko lang siya. Ayokong magkaroon kami ng bad record sa guidance dahil kaunti na lang naman ay ggraduate na kami ng senior highschool. "akala ko pa naman pagsasabihan ni Tyler si Crisha! HIndi pala. Haynako, uncrush mo na." napanguso na lang ako sa sinabi ni Lesly.  Nakita ko kasing inaya ni Tyler si Crisha na bumaba na din, kaya halos magkasunuran kami. Ang sakit lang kahit hindi ako umaasang pagsasabihan niya si Crisha dahil sa ginawa sakin, naisip ko din naman na bakit nga naman siya magagalit e wala lang naman ako sa kaniya. Pero kahit ganon ang hirapniyang hindi gustuhin huhu Lord help me. Sinabayan kami ni Justin kumain, hindi muna siya sumama sa mga tropa niya. Gusto din niya na ibully sila Crisha peo sinaway ko din siya. "Malaman ko lang na nambully kayo, isusumbong kita sa daddy mo." sabi ko kay Justin. "Mali na kasi ginagawa nila. Dahil lang sa gusto mo yung taong gusto niya mambubully sya? Mali yon, kababaeng tao." halatang inis siya kaya inakbayan ko lang siya. "Kumalma ka friend. Mas mali ang gumanti. Lalaban na naman ako pero hindi sa ganong paraan. Papanget ang record natin nuh. Isipin mo na lang na mamamatay din naman sila kaya hayaan na natin." sabi ko sa kanya at nagkibitbalikat na lang kaming pareho. Hindi nakarating na binully ako nila Crisha sa mga teachers. Ang alam nila ay nagkaroon lang ng aksidente at kinamusta naman nila ako. Sinabi kong ayos lang ako at sinabing mag-ingat ako sa susunod. Nung nasa classroom na kami ay nagchat pala sakin si Tyler ng "Stupid." sineen ko na lang yon dahil wala naman akong maireply sa kanya. Hinayaan ko na lang sya dahil ganon naman palagi yon. Hindiko namamalayan ang oras at uwian na pala. Ngayon ako ihahatid ni Justin. Maglalakad lang kami dahil malapit lapit lang itong school sa bahay namin. "Alis na kami ingat kayo." paalam ko kila Lesly at Kyline. Bago pa kami makaalis natanaw ko ulit si Crisha na kasabay umuwi si Tyler. Hindi ko na masyado pinagtuunan yon ng pansin dahil sasaktan ko lang ulit ang sarili ko. "Tara na?" tumango na lang ako at nag-umpisa na kami maglakad. Mabagal ang lakad namin at nag-aasaran pa kami ni Justin. Medyo nalilimutan ko ang mga nangyari kanina. Naghahampasan at sipaan kami sa daan, mabuti na lang at wala namang masyadong nagddadaan na sasakyan dito. Napatingin ako sa likod namin dahil naconscious ako baka may nakakakita sa amin na para kaming tangang nagsisipaan. Gulat naman akong napatingin kay Tyler na naglalakad mag-isa. Hindi naman ito ang way niya. Lahat ng ginawa niya sakin kanina parang nawala. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Nakatingin lng kaming dalawa ni Justin sa papalapit na si Tyler. Nakatingin din naman ito sa gawi namin. "Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya. Dire diretso lang ang lakad niya kaya naglakad na din kami ni Justin. Hinahayaan lang ako ni Justin at tahimik lang siyang naglalakad sa tabi ko. "Uy." tawag ko pa sa kanya. "Tsk. Bakit ikaw lang ba pwede dito?" sagot niya sakin. "Aba, oy ayusin mo nga sagot-" sinaway ko si Justin at gusto pang magsalita pero hinampas ko na siya sa braso at piniling manahimik na lang siya. "Hindi. Nagtataka lang kasi ako. Si Crisha bakit di mo kasabay?" pangungulit ko. "Sige bukas isasabay ko." ang cold kausap. Pero ano daw? Isasabay daw niya? Di ko naman sinuggest ah! "Di ko naman sinuggest e." nagpout pa ako, at tinaasan niya lang ako ng kilay. Malapit na ang bahay namin at dire diretso lang siya. Nang makarating kami sa tapat ay bigla akong sumigaw sa kanya. "bbyeee" ngumiti pa ako sa kanya. Tumango lang siya at naglakad na ulit. "Saan kaya siya pupunta?" tanong ko kay Justin na nagbubukas ng gate namin. "Sa impyerno." "Hahaha salbahe ka." pabiro ko siyang hinampas. Bago ako pumasok sa bahay ay kinuha ko ang phone ko paramagchat sa kanya. Pinauna ko na si Justin at tumango naman siya, narinig ko pang sumigaw siya bilang pagbati kay mama. "Ingat ka. Mamahalin pa kita." sabi ko sa chat. Naseen naman niya kaagad yon na parabang naghihintay ng message ko. Joke lang naman dapat yon e. Niremove ko agad at pinalitan. "Ingat ka, madaming loko loko diyan." yun na lang ang sinabi ko. "Edi mahalin mo." mas nagulat ako sa naging reply niya. Ano ba meron sa lalaking to at nagpapakilig na naman. "Pero hindi kita mamahalin balakadyan." imbis na mainis ako sa sunod niyang sinend ay lalo pa akong kinilig. Why so cute while syaing balakadyan. Huhu. Im gonna cry. Sa simpleng reply niya, nabubuntis na ako e!   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD