Busy akong kausap sa messenger sila Kyline at Lesly habang kumakain si Justin. Ganiyan naman iyan, kada hatid sakin makikikain dito sa bahay, kaya palagi yan nagvo-volunteer na ihatid ako kahit na gabihin pa siya.
"Drea." tawag sakin ni Justin kaya naman lumingon ako sa kanya. "Turuan mo ako sa science natin ha. Ngayon." tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko masigurado kung nagbibiro ba siya o nagsasabi ng totoo. Halos lahat naman quizzes niya ay naipapasa niya, kahit pa wala naman akong masiyadong maituro sa kaniya dahil maging ako ay hindi agad makaintindi ng lessons kaya naman sa exams ako bumabawi at bagsak naman sa surprise quiz.
"Umamin ka nga sakin, Justin. Bakit nagpapatutor ka pa eh ikaw 'tong mas nakakaintindi ng lessons?" diretsong tanong ko sa kanya.
"Hindi ko kaya gets." sagot niya sa akin na ikina-iwas niya pa ng tingin. Pinakatitigan ko lang siya para maramdaman niyang hindi ako naniniwala. "Wala, ano, gusto lang kitang makasama?" pahina nang pahina ang sagot niya sa akin. Hindi pa siya sigurado dahil sa tono ng sagot niya ay para itong nagtatanong.
"Kung gusto mo lang ako makasama para makikain dito araw-araw, wala naman sakin yon. Ang akin lang wag mo na idahilan na kailangan kita turuan dahil maging ako ay nahihirapa din." malumanay na sabi ko sa kanya.
"A-ako na lang magturo sayo gusto mo?" umiling ako dahil mas gusto kong ako lang ang nag-aaral, mas naiintindihan ko kapag mag-isa ako. Magpupumilit pa sana siya nang diretsuhin ko ulit siya. "Ngayon magkakabaliktad tayo? Mas gusto kong matuto sa sariling sikap ko. Salamat." sabi ko na lang sa kaniya at tumayo. Nagpaalam ako sa kaniya na may kukuhanin lang ako sa kusina, magtitimpla lang ako ng juice para sa amin.
Nadaananan ko si Mama sa may lamesa na hawak ang maraming papel. Mukhang bill ata iyon ng kuryente at nang iba pa naming bayarin. Hindi ko na lang siya kinausap at hinayaan na lamang dahil baka magulo lang siya sa tinutuos niya.
"Andrea." pagtawag sa akin ni Mama.
"Bakit po?" sagot ko sa kanya habang nakatalikod ako, naghihintay sa sasabihin ni mama.
"Kung... kung sakali na may makitira dito sa bahay natn, payag ka?" napatigil ako sa ginagawa ko at hinarap ko muna si mama.
"Bakit po? Ayos lang po sa akin pero paano ang gastusin natin? Madadagdagan po iyon mama." nag-aalala kong sabi sa kaniya.
Ngumiti sa akin si mama bago muling nagsalita. "Tutulong daw sila sa gastusin ng bahay, kailangan lang nila nang matitirahan dahil nagpaparenovate sila ng bahay at gagawin na din na office. Wala silang malapitan na mga kamag-anak dahil nasa malalayong lugar iyon." hinawakan ni mama ang kamay ko, senyales na magtiwala ako sa kaniya. Marahan akong tumango.
"Paano po sila, saan po sila matutulog niyan?" tanong ko ulit.
"Saka na namin pag-uusapan iyon. Pupunta sila bukas dito para mapag-usapan ang pakikitira nila satin." tumango na lamang ako ulit at hinayaan na sila mama. Sila naman ang makakaalam nang ikabubuti ng bawat isa. Kung kinakailangan na mag-share ng kwarto ay ayos lang naman sa akin, lalo na kung babae ang makakasama ko, wag lang aagain ang crush ko, baka makita lang ang picture tumili na.
Hindi ko muna sinabi kila Lesly at Kyline ang sinabi sa akin ni mama. Saka na, kapag malapit na silang lumipat sa amin. Narinig ko kila Papa kanina nung dumating siya ay pinag-usapan nila kung kailan balak lumipat noong sinasabi sa akin kanina ni mama. Narinig ko na baka sa mga susunod na Linggo dahil nagmamadali silang magpagawa ng office.
"Gabi na, wala ka bang balak umuwi?" tanong ko kay Justin na busy sa paggamit ng cellphone niya.
Tumingin muna sya sakin bago sagutin ang tanong ko. "Excited ka naman masyado pauwiin ako. Wait lang, last game na 'to." naglalaro pala siya ng ML kaya hindi masyadong makausap. "Ayon, savage! Victory pa nga!" naglululundag pa siya sa tuwa na parang bata. Nang matapos ang excitement niya ay kinuha niya ang bag niya at hinatak ako para ihatid siya palabas ng gate namin.
"Tita, Tito, uuwi na po ako! Salamat po sa pagkain, sa uulitin po!" Kumaway pa siya kila mama. Nakita nila mama na hatak ako ni Justin pero tinawanan lang kaming dalawa.
Hanggang makalabas kami ay hila pa din niya ako. One dot, susuntukin ko ito.
"Bitawan mo nga ako." Binawi ko ang aking kamay sa kanya.
"Sungit. Uuwi na ako, salamat! Bye!" kumaway na lang ako sa kanya at tinanaw siya hanggang sa makaalis na siya.
Papasok na ako sa loob ng bahay nang makareceive ako ng text galing sa kanya.
"Good night! Crush hahaha." umiling na lang ako dahil sa biro niya at nag reply nang mag-ingat siya dahil lagot ako kapag mayroon nangyari sa kanya.
Naabutan kong may kausap sa cellphone si mama at papa. Hindi ko na inalam kung sino iyon dahil base sa nrinig ko tungkol ito sa paglilipat kaya naman nagkaroon na ako ng ideya kung sino ang kanilang kausap.
"Sige. Naeexcite na nga ako lalo na at makikilala ko na ang anak mo, ayaw mo naman kasi mag send ng pictures eh puro ka surprise." tawa nila ni papa sa kausap.
"Anak." tawag sa akin ni papa. Ngumiti lang ako sa kanila at sumenyas na aakyat na sa taas dahil kailangan ko pang tapusin ang assignment namin na assigned ng mga Professors.
Nagpunta ako sa aking cabinet at tumambad doon ang picture ni Tyler. Hindi ko muna iyon kinausap dahil mas importante ngayon sa akin ang assignment ko. Nasa may cabinet din kasi nakalagay ang ibang libro ko para hindi ko makalimutan dalahin sa school araw araw kapag papasok dahil bungad din kaagad siya kapag bumukas ang pinto ng cabinet.
"Girl, ano 'to?" tanong ni Kyline sa akin nang sagutin ko ang video call sa group chat naming magkakaibigan.
"Alin?" umirap siya at nagsabing maghintay ako at mag share screen daw siya. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na kung ano ang tinutukoy niya. Nakita ko ang picture kong nakatalikod habang may kinukuha ako sa bag at may caption na "Nasa bahay ako ni crush", na post ni Justin.
Nagmadali akong ibaba ang tawag at tinawagan si Justin.
"Hoy!" inis na sigaw ko. Mukhang alam na niya ata kaya siya tawa ng tawa. "Burahin mo iyon."
"Ayoko ko. Crush naman talaga kita eh." umirap ako. Wala akong pakialam kung nagsasabi siya ng totoo o binibiro niya lang ako dahil ang inaalala ko ngayon, paano kung nalaman ni Tyler yon. Baka magselos pa ang bebe ko.
"Bahala ka sa buhay mo. Baka makita ng crush ko yan mawalan ako ng chance ha, sisipain kita palabas ng mundong 'to." sabi ko sa kanya.
"Nagbibiro lang naman ako. Wag na magalit." binabaan ko na lang siya ng tawag dahil wala akong panahon sa kanya.
Tinatawanan na tuloy ako ngayon nila Lesly na baka daw para ako kay Justin at hindi kay Tyler, kaya naman naiisipan ni Justin ang mga ganoong moves.
"Wala akong pakialam kung may crush sakin yon dahil kaibigan lang naman tingin ko sa kanya." Nagsasabi ako ng totoo. Kung gusto nila Kyline ay sila na lang ang magkagusto kay Justin. Gagawa na talaga ako ng assignment ko kaysa makipagtalo sa kalokohan na ginawa ng Justin na yon.
"Gagawa na ako ng assignment ko. Bahala na kayo dyan. Kung ano trip niya sa buhay hayaan niyo na lang". pagtatapos ko sa tawag dahil hindi naman nila ako titigilan.
Maaga akong nagising, inabutan ko si papa na kumakain, kaya kumain na din ako ng mabilis upang makaligo na dahil ihahatid niya ako. Ayokong malate, masipag na ako mag-aral ngayon. Hindi na kami nakakapag-usap ni Tyler, pero nagpapapansin pa din ako sa kanya.
'I'll make you mine.' sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa labas at nakikita sa sariling imahinasyon ang mukha ni Tyler. Kailangan kapag nag 18 na ako ay boyfriend ko na siya. Ako na manliligaw bahala siya.
Nakarating ako ng maaga sa classroom, wala naman flag ceremony ngayon dahil every Tuesday na kami naka-assign. Naghihintay lang akong dumating ang iba ko pang mga kaklase at siyempre hinihintay ko din ang kaibigan ko. Sa paghihintay ko, unang dumating si Athena at ngumiti ito sa akin. Nilapag niya ang kaniyang gamit sa kaniyang upuan at dumiretso sa akin upang makipagkwentuhan.
"Andrea." panimula niya. Ngumiti siya sa akin. Ang ganda din niya, ngayon ko lang siya nakita na ganito kalapit. Puwede naman magka-crush sa babae diba? "Kain tayo." nagpout pa siya sa akin. Napatawa naman ako dahil ang buong akala ko ay may ikukwento siya sa akin. Tumango ako at inaya ko naman siya sa canteen namin, sakto gutom na din naman ako.
"Hay nako napaka-arte." mataray na sabi ni Athena sakin nang maka-upo kami at ibinaba na ang inorder naming pagkain. Kumain na nga pala ako ng breakfast pero andito na naman ako para kumain ulit.
"Hayaan mo na siya, normal na yon sa kanya." sabi ko naman sa kaniya. Sobrang naiinis pa din siya kay Crisha, lalo na sa nangyari nung isang gabi. Nalaman ko na kamag-aak niya pala si Crisha at ayaw ipagkalat 'yon ni Athena dahil baka daw pati siya ay mapagkamalang spoiled brat. Nagkkwento na siya sa akin dahil tinuturing na din daw niya akong friend, since wala naman daw siyang gaanong kaibigan kundi ang mga member lang ng Student Council, mas gusto daw niyang sumama sa aming tatlo nila Lesly. Hindi dahil sa may galit siya kay Crisha, kundi dahil magaan ang loob niya sa amin at komportable siya.
"Alam mo ikaw, napakakulit mo!" pagpasok namin ng room ni Athena naabutan naming nagtatalo si Lesly at Justin.
"Ang ingay niyo" saway naman sa kanila ni Kyline. Tinulak ako ni Athena papasok kaya naman napatingin sila.
"Yo! Good morning, Andrea!" Ngumiti lang ako kay Justin. Si Lesly naman ay yumakap pa sa akin. Weird.
"Drea! Drea!" kulbit sakin ni Athena. Hinatak niya ulit ako papunta sa may tapat ng pintuan ng room. "Pababa si Tyler, nakita ko." napangiti naman ako s asinabi niya. Dala ko 'yong binili ko sa canteen na burger, juice, at water. Oh diba, future asawa 'to be!
"Tyler!" sigaw ko nang mapadaan siya sa may tapat namin. Tumigil siya at naghintay nang sasabihin ko. Inilahad ko ang pagkain na hawak ko, at tinignan niya lang 'yon.
"Ano yan?" tanong niya sakin. Akala ko matalino sya.
"Pagkain 'to. Ito burger, may patty sa loob, tapos ito naman yung juice, gawa to sa--" napatigil ako sa sinasabi ko.
"Alam ko." alam naman pala.
"Alam mo naman pala nagtatanong ka pa. Akin na nga lang yan Drea." inalayo ko kaagad ang hawak ko kay Justin at pinipilit niya iyon kunin sa akin.
"Kay Tyler nga 'to. Bumili ka ng iyo!" hinampas hampas ko pa siya.
Umalis si Tyler kaya naman hinabol ko siya. At dahil sa kamalasan ko, pagkatakbo ay bigla akong nadulas sa harapan niya. Yawa! Sumakto pang nasa likuran ko pala sila Crisha at ang alagad niya.
"Stupid." pinilit kong tumayo kahit na pinagtatawanan ako nila Crisha. Nakakahiya. Hindi ako tinulungan ng future ko. "Bakit ba kasi sinusundan mo ako?"
"Ibibigay ko lang kasi 'to sayo." sabi ko kay Tyler na hindi makatingin sa mata niya.
"Hindi ko yan tatanggapin. Sa tingin mo magandang makita na ang babae ang gumagawa ng move sa lalaki? Babae ang nagbibigay ng kung ano-ano?" natamaan ako sa sinabi niya. Naisip ko din naman yon pero akala ko kasi ayos lang, na hindi niya iisipan ng kahit anong malisya. Siguro nga halatang halata ako. "Isa pa, ayoko sayo. Kaya tumigil ka na, bumalik ka na sa classroom mo."
"Aww, pain, pighati." umakto pang naiyak si Crisha atsaka nila ako pinagtawanan.
May humila sa akin patayo at inalis ako doon sa kahihiyan. "Huwag ka na kasi maglalalapit don." sabi sa akin ni Justin na hila hila ako pabalik sa room. "Hindi na lang ako nagsalita dahil baka mapikon ako, masuntok ko pa 'yon magalit ka pa sakin." tumawa pa siya nang sabihin iyon.
Kinuwento niya ang nangyari kila Athena, kaya naman hindi na daw nila ako hahayaang maiwang mag-isa baka kung ano pa ang susunod na mangyari sa katangahan ko. Buong klase lang akong tahimik at hindi naman nila ako kinukulit. Tuwing tinatawag lang ako ng ibang kaklase ko para sumama sa groupings na kasali sila Lesly ay tsaka lang ako tumatayo at nakikipag-usap.
"Lunch tayo? O gusto mo magpadeliver na lang dito na lang tayo kain sa loob. Wag na tayo pumila?" alok ni Justin.
"Puwede rin. Para di na hassle. Order na agad para bago mag time nandito na." Kung ano lang ang sinabi nila jUstin at Lesly ay sumang-ayon na lang ako.
"Cr tayo." aya ko kay Kyline at sumama naman si Lesly. Si Justin na daw ang bahala mag order nang para sa amin.
Pagkapasok ko pa lang ng cr ay narinig ko na ang nag-uusap. Boses iyon ni Crisha at nang isa niyang alagad na nasa loob ng cubicle. Magkatabi ang cubicle kaya naman nag uusap sila at wala silang pakialam kung sino man ang makarinig non. Agad ako sinenyasan nila Lesly na pumasok sa isang cubicle kasama sila para makinig sa usapan ng dalawa. Nag dahan dahan kami kaya hindi nila namalayan na may tao dahil busy rin sila sa pag-uusap. Bumukas ang cubicle kaya alam namin na isa sa kanila ang unang lumabas.
"Nakakatawa nga siya sobra, kung wala nga lang si Tyler baka vinideohan ko pa 'yon. Hanggang tawa lang ako kanina, siyempre para maganda ang image ko diba." tumawa ang kaibigan niya.
"Balak ko nga videohan kanina lalo na nung madulas sya. Sayang lang at iniwan ko ang phone ko." Hindi pa din sila umaalis. Malamang ay nagpapaganda pa ang mga ito sa salamin.
"Sabihin nating lucky day niya kanina. Tara na, ang init dito." aya ni Crisha sa kasama niya.
Agad lumabas si Kyline na hawak na pala ang tabo. Nakuha niya siguro ito sa may likuran namin at may dala naman siya bottled water at isinalin ang laman nito.
"Ang sasama ng ugali niyo." pipigilan sana namin si Kyline pero agad itong nakalapit kila Crisha at binuhusan ang mga ito ng tubig. Gulat silang napatingin sa amin.
"What the heck!? Look at me, mukha na akong dugyot gawa mo." sumugod si Crisha at sinabunutan si Kyline. Inaawat namin ni Lesly si Crisha at Kyline nang bigla naman hilahin ng kaibigan ni Crisha ang buhok ko, kaya wala nagawa si Lesly kundi sabunutan si Crisha at ang kaibigan nito habang kami naman ang sinasabunutan ng dalawa. Nagkakagulo kami dito sa cr, nang may mapadaan na ibang estudyante at inawat kami.
"Hindi naman namin kayo ginagalaw, bakit bigla na lang kayong nanunugod?" biglang umiyak si Crisha na inalo naman ng ibang lalaki na kasection nila. Lunch na pala kaya naman madami na ang estudyante.
"Makakarating ito sa principal's office. Nanggugulo kayong Section B." sabi sa amin nung lalaki na kaklase ni Crisha.
"Hindi ako kasali, kaibian ko si Crisha." sabi naman ng kaibigan niya na siyang kaklase namin. Palagi siyang sumasama kay Crisha dahil wala naman siyang friend sa section namin kundi ito.
Tumalikod na sila sa amin at nakita ko pang tumingin si Crisha at nginisian kami.
"Artista." galit na sabi ni Kyline.
Inayos namin ang sarili namin at bumalik na sa classroom. Nakarating na pala agad ang nangyari kanina sa cr dahil may nagpunta daw na taga section A at sumigaw nang wala kaming manners at nangugulo sa section nila. Kumain muna kami at alam ko na ang susunod na mangyayari kapag oras na ng klase. Sakto naman na homeroom na ang subject namin kung saan adviser namin ang kasama namin ngayong oras hanggang mag-uwian.
"Bakit naman kasi kayo nanggulo?" sigaw sa amin ng adviser namin na kakapasok pasok lang ay galit na. "Sino ang mga kasali kanina sa gulo? Tayo!" Takot at nahihiya kaming tumayo nila Lesly at Kyline habang hindi makatingin diretso sa adviser namin.
"Soory po" sabi ko nang makatayo ako.
"Sorry? Yang sorry matatanggap ko pero di ko matatanggap ang sasabihin ng iba sa inyo. Para ko na kayong mga anak tapos mababalitaan ko lang ito?" sigaw niya sa amin.
"Hindi po kami ang nanguna. I mean, nanguna po akong sumugod dahil kung ano ano po ang sinasabi nila tungkol kay Andrea." malungkot na sabi ni Kyline.
"Inaawat na po namin si Kyline at Crisha nang sumali naman po si Bea." sabi niya habang tumingin sa kaibigan ni Crisha.
"Bakit ako?" angal ni Bea.
"Alangan namang kami diba? Tumayo ka din kaya dahil kasali ka." galit na naman na sabi ni Kyline.
"Ano mag-aaway na naman kayo sa harap ko?" sabay-sabay kaming tumungo at kita kong tumayo na din si Bea. "Ano ba ang pinag-aawayan nyo? Ay mali, sino ba ang pinag-awayan niyo?" agad akong kinabahan ng matindi dahil naisip ko na baka ipatawag ang magulang ko at kapag humarap kami sa guidance ang idadahilan namin ay lalaki? Mali yon. Hindi namana ako nakikipag-away nang dahil doon e, si Crisha lang naman 'tong nangunguna at handang makipag-bardagulan makuha lang si Tyler.
"Hindi po, Maam. Si Crisha lang naman po at ang mga kaibigan niya ang nang bubully kapag po nakikita nila na nakaka-usap ni Andrea si Tyler e." agad sinamaan ng tingin ng adviser namin si Bea at Jane na kaibigan ni Crisha. Halatang guilty sila dahil napapatungo sila kapag tinitignan ni Maam.
"Kapag pinatawag kayo sa guidance, hindi lang kayong tatlo ang sasama, pati kayong dalawa." bakas sa tono ng salita niya na galit talaga siya. Umalis siya ng classroom namin upang kausapin si Crisha. Hindi ko alam pero sobra ang kaba na nararamdaman ko dahil sa pagkakakilala namin kay Crisha ay magaling itong gumawa ng kwento at magpa-awa. Lalo na siyang painiwalaan dahil sa image nitong mabai kuno.
Habang naghihintay kami ay dumating si Tyler at tinawag kami. Habang naglalakad kami at nakasunod sa kanya ay bigla siyang nagsalita.
"Damay ako dito. Buong buhay ko hindi ako pa ako nadadawit sa anumang gulo. Bakit kasi kailangan ko pang mapasali dito? Ha! Gawa mo nga pala, kayo ang nag-umpisa." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Nadamay ka gawa namin? Paano mo naman nasabi yan?" inis na ako sa mga sinabi niya kaya hindi ko na mapigilan ang sumagot sa kanya.
"Sabi nila, ako daw ang pinag-aawayan niyo. Eh ano naman ang kinalaman ko sa inyo? Lalo na sayo?" sa mga binibitawan niyang salita ngayon ay parang unti-unti akong nawawalan ng gana sa kanya.
"Pasensya ka na ha kung nadamay ka. Hindi naman ako yung tipo ng tao na makikipag-away para sa lalaki. Kung iniisip mo na ako ang may kasalanan, bakit hindi mo tanungin si Crisha na laging nakapulupot sayo na hindi magka-igi at laging galit na galit kapag ikaw ay nakakausap ko?" pagkatanong ko noon ay hinila ko na sila Lesly at Kyline para mauna na kami sa paglalakad. Ayokong makasabay ko si Tyler dahil baka kung ano pa ang masabi ko na hindi maganda sa kanya.
'Iuuncrush ko na talaga siya!'
Nang makarating kami sa guidance ay hindi kami nagpapansinan lahat. Hinihintay namin si Dean dahil may inaasikaso lamang daw ito kaya medyo matatagalan. Kita ko si Crisha na naka-upo malapit sa bintana ng office at may hawak na panyo, nagpapanggap na umiiyak. Nang mapatingin siya sa amin ay agad ko siyang siniringan. Iniinis mo na ako, mag-inisan pa tayo. Kita ko kung paano manlaki ang mata niya at sumama ang tingin niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay ko at lumaban ng titigan. Walang may gusto sa amin ang magpatalo, maging sa titigan namin ay nag-aaway kami.
'Hindi niyo na ako maaapi. Sinasagad ninyo ako.' sabi ko habang nakatitig sa kaniya.
Dumating si Dean kaya naman tumigil na kaming dalawa.
"Ayoko nang patagalin 'yong usapan at madami pa akong gagawin para sa darating na event. Bilang parusa ninyong lahat, kayo ang magpipintura sa may hallway. Darating ang mga bisita natin next week, kaya dapat ay umpisahan niyo na iyon bukas." sabi niya sa amin. Mas ayos na iyon sa akin dahil hindi na papupuntahin ang magulang. Ieexcuse ko na lang na group project ang gagawin namin kaya naman gagabihin ako umuwi.
"Ako din po?" tanong ni Tyler at tumango sa kanya si Dean. Sinamaan niya kami ng tingin lalo na ako.
"Bumalik na kayo sa klase niyo at aasikasuhin ko pa lahat." nagpa-salamat kaming lahat at isa-isa lumabas ng office.
Hindi ko alam ang susunod na mangyayari. Parang sunud-sunod ang problema na dumadating sa akin. Nagtext pa si Mama na next week na din daw ng gabi lilipat ang kaibigan niya na magpaparenovate ng bahay. Hindi ko din alam kung paano ko pakikisamahan ang anak nila dahil hindi ko pa naman ito namemeet. Mas madaling pakisamahan ang babae, kaya sana lang ay babae ang anak.
Ikinuwento ko kila Justin. Kyline at Lesly iyong paglilipat ng kaibigan ni mama.
"Baka lalaki yan ha, sasabihin ko kila Tita na wag na pumayag." pagmamaktol ni Justin.
"Para namang pakikinggan ka." sabi namin ni Lesly kaya naman natawa kaming dalawa.
Uwian na namin at nakasalubong pa namin si Crisha at Tyler. Hindi ko na lang sila binigya ng pansin, kahit masakit sa akin lamang pa din ang galit na nararamdaman ko dahil sa mga salita kanina na sinabi ni Tyler sakin.
"Kaya ko umuwi mag-isa. Gusto ko mapag-isa." paalam ko sa kanila. Hindi na umangal si Justin at kumaway na lamang sa amin para mauna nang umuwi. Ganon din naman si Lesly at Kyline. Ngayon ako na lamang ang mag-isang naglalakad ngayon. Ayokong sumakay dahil gusto ko mag muni-muni habang naglalakad. Naramdaman kong may mabagal maglakad mula sa likuran ko, noong una ay hindi ko ito pinansin ngunit naka-ilang liko na ako at nakasunod pa rin ito. Nag-iba na nga ako ng daan, sabi ko gusto ko mapag-isa parang ngayon nagsisisi na ako.
Nilakasan ko ang loob kong tumingin sa likod at hindi ko inaasahan na makikita ko siya.
"Ikaw na naman?" sigaw ko sa kaniya. Hindi na sana ako magtataka dahil noong nakaraan ay nakasabay na namin siya at same way lang pero nag-iba ako ng daan ngayon at nasa likuran ko pa din siya?
'Lord, why naman po ganon?'