THREE

2046 Words
PAGKATAPOS kong nagligpit ng aming pinagkainan, dumiretso na ako sa kwarto tulad ng lagi kong ginagawa kapag day off ko. Si lola naman, nanunuod lang ng paborito niyang noontime show, kaya medyo nalilibang siya at nawawala ang pagkainip niya. Nang makapasok na ako sa kwarto, sinara ko at pinto ang maagap na hiniga ang katawan ko sa kama. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kina Johnson na hindi ako pinayagan ni lola? Baka kasi kapag kinulit ko pa nang kinulit si Lola ay baka kung ano nang mangyari sa kanya. "Hay, buhay!"Napabuntong hininga na lang ako, habang iniisip ko ang gagawin kong palusot. Siguro maiintindihan naman nila kung hindi ako makasama 'diba? Tsaka mukhang hindi naman payag sina Addison na sumama rin. Hindi lang sila makaangal, gawa nang si Johnson ang batas sa grupo. Habang nakatunganga ako sa kisame, kinapa ko ang cellphone na nilapag ko kanina rito sa bedside table. Matingnan nga ang lugar ng Shibuyan na 'yan. Madalas ko kasing naririnig ang lugar na iyan noon pang bata ako. Lagi rin kinukwento sa akin ni Lola ang kababalaghang nangyayari doon taon-taon. "Shibuyan is like a haunted town. There were a group that want to haunt in that mountain, but no one came back..." basa ko sa isang article. Tiningnan ko rin 'yung mga picture ng lugar. Mukhang hindi naman nakakatakot, dahil may mga bata pa nga roon na masayang naglalaro. Ngunit paglipat ko ng picture sa mismong bundok, napakarami kong nakitang kakaiba. Sa ibaba ng bundok, puro matutulis na tipak ng bato pala ang naroon. May hagdan paakyat, ngunit wala kang paghahawakan, kaya kung ikaw man ay magkamali sa pag-apak, dire-diretso kang matutuhog sa naglalakihang mga bato. "Grabe naman pala 'tong Shibuyan! Parang 'yung mga taong umaakyat rito, wala na silang pakialam sa buhay nila," saad ko. Sa sobrang pagkakuryos ko sa lugar, napaupo ako sa kama ko at pinagpatuloy ang pag-scroll ng mga litrato ng Shibuyan, nang bigla namang mag-black ang screen ko, hudyat lang na may tumatawag. Pagtingin ko roon ay si Addison ang nasa screen. Walang alinlangan ko itong sinagot. "Addison? Bakit?" tanong ko. "Hi, Mellisa! Nakapag-paalam ka na ba sa parents mo? Or rather sa grandma mo?" kaagad nitong bungad sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing hindi ako pinayagan ni Lola nang hindi nasasaktan ang damdamin niya. Medyo hindi pa naman makaintindi 'tong si Addison, dahil medyo bata pa ang isip. "Uhm...Sina Mark ba? Si Alex? Laurenz? Nakapag-paalam na ba?" Pag-iiba ko ng usapan. "Me, Johnson, Mark and Alex were already agreed. But Laurenz, nagpapaalam pa siya e. How about you, Mellisa?" "Pasensya na, Addison ha? Pero hindi pumayag si Lola e. Sabi niya, sa susunod na trip na lang daw ako sumama. Tsaka delikado raw sa balak nating puntahan." Tumawa lang si Addison. "Ano ka ba, Mellisa! Ganyan talaga kapag may edad na. Nagiging paranoid! Kulitin mo na lang si Lola mo! Kailangan buo tayong pupunta roon. This is our first time trip together! I'm sure, masaya ito." "Eh..." Nag-aalangan pa akong sumagot. "Baka kasi kapag nagtagal tayo roon, walang kasama si Lola rito," sagot ko. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Basang-basa ko na ang ugali ni Addison. Kapag hindi nasunod ang gusto nito ay hindi ka niya papansin ng ilang araw, o di kaya naman magpapaawa siya sa'yo. Simula kasi nang lumipat ako sa company nila, siya ang unang nakipagkaibigan sa akin. Ewan ko, pero malapit naman ang loob ko sa kanya at tinuturing siyang nakakabatang kapatid ko na. "Okay sige. Susubukan ko ulit magpaalam ha?" Hindi ako makatiis at sinabi ko 'yun. "Really? I'll wait for that, Mellisa! Siguraduhin mo ha?" Biglang nagbago ang mood niya at naging masaya. Um-oo na lang ako upang tapos na. Saka naman niya pinatay ang tawag. Napakapikit na lang ako sa problemang ito. Akala ko masayang magkaroon kahit minsan ng kaibigan. Mukhang mali yata ako ng napuntahan. Bahala na nga! — SA ILALIM ng bilog na buwan, dinadala ako ng sarili kong paa tungo kung saan. Kanina ko pa hindi makontrol ang sarili ko. Naiiyak na ako, dahil hindi ko alam kung saan ako patungo. Dagdag pa ang mga naglalakihang mga talahib. Sa aking paglalakad-lakad, natunton ko ang isang bahay kubo sa gitna ng bundok. Tanging gasera lamang ang nagsisilbi nitong ilaw sa labas. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mata ko, dahil sa wakas, mayroon na akong makakasama at matutulungan ako sa aking pag-uwi. Dahil na rin sa tulong sinag ng buwan, mabilis kong natunton ang bahay na iyon. Masyado na itong luma, dahil unti-unti nang nasisira ang bubong na gawa sa ipil. Pati na rin ang bawat sulok ng bahay na kinakain na ng anay ang mga kawayan. "Tao po..." tawag ko sa labas, dahil sarado ang pinto nito na malapit na ring masira. "Tao po..." pag-uulit ko, ngunit walang sumasagot. Wala na akong choice. Kailangan kong maghanap ng kasama ko, kaya bago iyon, papasukin na ang bahay na ito. Huminga muna ako nang malalim, bago tumapat sa pinto. Dahan-dahan kong hinawakan ang luma at makalawang na kadenang nagsisilbing pansarado sa pinto. Hindi ako nag-iwan nang bakas, habang tinatanggal ko iyon at ganoon na lamang ang tuwa ko nang sa wakas ay matanggal ko kaagad ang kandado. Ingat na ingat kong hinawi ang pinto at dahan-dahang pumasok sa loob. Kaagad tumambad sa akin ang isang maliit na mesa at isang upuan. Nakakapagtaka lang dahil, mukhang wala ng taong nakatira rito, dahil sa dumi at kalat ng bahay. Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-iikot-ikot hanggang sa may makita akong nakapagtindig ng aking balahibo. Sa isang kwarto, mayroong isang litrato doon ng isang babae. Napapalibutan iyon ng itim na kandila. Pinagmasdan ko muna ang litratong iyon, at kapansin-pansing isang magandang dalaga ang naroon. Mahaba ang buhok nito, matangos ang ilog at bilugan ang mata. Nakakapagtaka lang kung bakit narito siya? Kung mayroong litrato dito at may mga nakabukas na kandila...Ibig sabihin, mayroon ding tao. "Anong ginagawa mo rito?!" Hindi ako magkamayaw nang may biglang sumulpot sa harapan kong isang matanda. Animoy galit na galit siya at mukhang kakainin ako ng buhay. Napakahaba rin ng puti nitong buhok, habang may dala siyang isang kutsilyo na binabalot ng isang...dugo! "S...sorry po!" paumanhin ko, ngunit tila natigilan ako nang hablutin nito ang buhok ko. "Hindi ka na maaaring umalis!" galit na sabi nito at saka tinapat sa leeg ko ang matalim niyang kutsilyo. Napapikit na lamang ako ay sumigaw. "Tulong!!!" — "Tulong!" pagpupumiglas ko, ngunit bigla akong nagising nang yugyugin ako ni lola sa higaan. Humahangos akong napaupo. Pawis na pawis ako at hindi mapigilang napayakap ako kay lola sa sobrang takot. Akala ko talaga totoo iyon. Akala ko, mamamatay na ako! "Ano bang nangyayari sa iyo apo? Para kang binabangungot kanina, kaya niyugyog na kita nang malakas. Sasampalin na sana kita kung hindi ka pa magising, apo." "Kasi ho Lola, ang weird ng panaginip ko 'e. May napuntahan daw akong isang bahay. Sa loob niyon may dinadasalang isang litrato, tapos may isang matanda doon na balak akong patayin!" pagkukwento ko. Umupo naman si lola at iniabot niya sa akin ang tubig. "Sinasabi ko sa'yo. Sa pagsasama-sama mo diyan sa Shibuyan, kaya ganyan! Pati sa panaginip, sinusundan ka!" panenermon nito. Napakunot ang noo ko. "Lola naman! Ang layo-layo niyon. Talahiban 'yung nakita ko, tapos bundok naman 'yung Shibuyan!" dipensa ko. "Ah basta!" Tumayo siya. "Huwag kang magpupunta roon! Alam mong napakadelikado doon. Hindi natin alam, kung ang mga tao ang mismong pumapatay sa lugar na iyon!" Hindi ko masisisi si Lola kung bakit ganoon na lamang ang impresyon niya tungkol sa lugar na iyon. Bata pa lamang kasi ako ay binabalita na maging sa TV ang nabibiktima ng bundok na iyon, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natutunton ang pumapatay. Kakaiba ang ginagawang pagpapatay sa mga dayuhan sa Shibuyan. Nakaraang taon lamang at may napabalitang lalaki na nahulog sa tuktok ng bundok. Bukod sa natuhog ang katawan niya sa matutulis na bato, mayroon din siyang nakaturok na sibat sa kanyang noo. "Bumaba ka na niyan, Mellisa ha? Kakain na!" paalala ni Lola bago siya lumabas ng kwarto ko. Napatingin na lamang ako sa labas. Hindi ko namalayan na malalim na ang gabi. Mukhang napasarap ang tulog ko kanina, dahil natatandaan ko pang alas dos ako nakaramdam ng antok, tapos ngayon ay mag-a-alas otso na. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko kaagad sa baba si lola na naghahapag na ng pagkain namin sa mesa. Mukhang good mood siya ngayon, dahil habang ginagawa niya iyon ay hinahaluan niya rin ng pagkanta. Papungay-pungay pa ang mata ko habang pababa nang hagdan. Tutulungan ko pa sana si lola sa paghahanda, nang biglang may tumigil na isang sasakyan sa harap ng bahay namin. "Mellisa, apo. Tingnan mo nga 'yun kung sino ang bisita," ani lola. Tumango lamang ako at binilisan ang paglalakad. Siguro sina Sharmaine ito, malapit na kasi ang kaarawan ni lola, kaya siguro dadalawin nila. Excited na ako! Pagbukas kobng pinto, kaagad na naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino ang sakay ng sasakyan. Sina Johnson. "Mellisa!" kaaga nilang kaway sa akin. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Hindi ko alam kung paano ko sila itatago kay lola. Pilit na lang akong ngumiti sa kanila. Talagang kumpleto pa silang nagpunta rito. Kung mamalasin ka nga naman! Isasarado ko na sana ang pinto at sa labas ko na lang sana sila kakausapin, ngunit biglang binuksan iyon ni lola. "Mga kaibigan mo?" tanong niya. Tumango ako at napakagat sa kuko nang maramdaman ko na ang galit sa boses ni lola. "Tumabi ka riyan," seryoso nitong sabi. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Johnson pati na ni Mark. Si Alex naman ay naninigarilyo, as usual. Si Addison naman ay nakasandal sa kotse katabi si Laurenz. "Anong mga kailangan ninyo?!" bungad ni lola sa kanila. "Grandma! Ikaw pala 'yan!" Bati ni Johnson at magmamano pa sana ngunit kaagad iniwas ni lola ang kanyang kamay. "Nasabi na siguro sa inyo ni Mellisa na pupunta kami sa Shibuyan," ngayon ay seryoso na rin si Johnson. Tumingin muna si Lola sa akin. Si Mark naman ay nakangiti, habang si Alexa ay inirapan pa ako. "Oo at napag-usapan na rin namin ni Mellisa na hindi siya maaaring sumama!" "Nako..." tumawa nang nakakaloko si Johnson. "Hindi po yata pwede 'yan? Hindi naman na bata ang apo ninyo para ikulong sa bahay." "Basta! Kapag sinabi kong hindi, hindi. Umuwi na kayo, bago pa tayo hindi magkaintindihan rito!" may pagdidiin sa sinabi ni lola. "Okay!" tinaas ni Johnson ang kamay niya. "I wont fight with 'Lolas' kaya uuwi na lang kami," pagdidiin niya. Mabuti na lang at nakakapagtimpi pa si lola ngayon, pero mukhang ako ang masesermonan mamaya nito sa pinakitang ugali ni Johnson. Hinintay muna naming makaalis ang sasakyan, bago ako hinarap ni lola. "Iyan ba ang pinagmamalaki mong kaibigan?" galit na sabi niya sa akin. Sabi ko na nga ba, ito ang kinakatakot ko kanina pa. "Eh lola, hindi ko naman po alam na—" "Kahit na! Nakita mo ba kung paano ako bastusin ng baboy na 'yon?!" Huminga na lang ako nang malalim ay unang pinapasok si lola. "Sorry po la, baka po nabigla lang din siya. Hayaan mo't kakausapin ko sila bukas na huwag ng magpunta," kalmado kong sabi. "Huwag na talaga! Isa pang beses na magpunta sila rito, bubuhusan ko sila ng mainit na tubig!" diretsahang sabi ni lola. Natawa na lang ako, habang si lola naman ay namumula pa rin sa galit. Habang kumakain kami, napagkwentuhan namin ni lola 'yong mga kamag anakan namin. Nangako kasi sila na dadalaw sila rito sa birthday ni lola, ngunit nang sabihin ko iyon, panasin kong biglang nawalan siya ng ganang kumain. "Hayaan mo na sila, apo. Mas masaya pa ako na tayong dalawa lang ang sasalubong sa kaarawan ko. Kung may balak talaga silang magpunta, sana man lang tawagan nila ako, o di kaya kumustahin, kaso wala e." Simula nang umalis ang mga pinsan ko rito sa bahay, hindi na sila kailanman nagparamdam kay lola. Si lola rin kasi ang nag-alaga sa kanila simula noon pa, kahit sa akin simula nang mamatay sina mama at papa sa aksidente. Kaya nga pinangako ko rin sa sarili kong hinding-hindi ko iiwan si lola na mag-isa, kahit pa tumanda akong dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD